Share

THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE
Author: Lot

Chapter 1

Kelly's Pov

May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college.

One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa mga kamag-anak ko para puntahan si Rex sa bahay nito.

Hindi ako naniniwala na hindi matutuloy ang kasal namin dahil una, bukas na ang kasal namin, pangalawa, mahal namin ang isa't isa kaya walang dahilan para hindi matuloy ang kasal. At panghuli, anong panahon na ngayon? Nasa makabagong panahon na tayo at marami naman ang mga couple na nagkikita bago ang kanilang kasal. Ang iba pa nga diyan ay nagsasama na sa iisang bubong at may mga anak na sila bago pa sila magpakasal ngunit natutuloy naman ang kasal nila. Hindi puwedeng hindi ko siya makita ngayon dahil ang araw na ito ay ang aming third year anniversary. Kaya nga may dala akong cake para sorpresahin siya. Gusto kong magkasama naming ipagdiwang ang aming third anniversary bilang magkasintahan. Tiyak na maso-sorpresa at matutuwa siya kapag nakita niya ako.

Paghinto ng kotse ko sa tapat ng gate ng bahay ni Rex ay napakunot ang aking noo nang mapansin ko ang kotse ng pinsan kong Agnes na nakaparada sa tapat ng gate ng bahay ng boyfriend ko ngunit sa kabilang side ng kalsada ito nakaparada.

"Bakit nandito ang kotse ni Agnes?" tanong ko sa aking sarili. Ngunit nagkibit na lamang ako ng balikat at hindi na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin.

May susi ako sa gate at pintuan ng bahay ni Rex kaya hindi na ako kumatok pa. Inilabas ko na lamang ang susi at binuksan ang gate pagkatapos ay naglakad ako palapit sa may pintuan. Madali kong nabuksan ang pintuan kaya agad akong nakapasok sa loob.

Inilagay ko muna sa loob ng refrigerator ang cake na dala ko bago ako umakyat sa hagdan para katukin si Rex sa kanyang silid. Nandito siya sa bahay niya dahil nasa labas ang kanyang kotse.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan niya ay bigla akong nakarinig ng boses na tila hinihingal. Parang naghahabol ito ng hininga. Nag-alala kay ako Rex kaya sinubukan kong pihitin ang seradura ngunit naka-lock ito. Wala akong choice kundi ang kumatok na lamang dahil wala akong susi sa kanyang silid.

"Rex? I am here! Anong nangyayari sa'yo? Rex?" malakas kong sigaw para marinig niya ang boses ko. Halos limang minuto muna ang lumipas bago binuksan ni Rex ang pintuan. Lalo akong napakunot ng noo nang makita kong pawis na pawis siya habang hinihingal. "What are you doing inside your room? Bakit ganyan ang hitsura mo? Parang pagod na pagod ka?"

"Nage-exercise ako, babe. Gusto kong naka-kundisyun ang katawan ko bago ang kasal natin bukas. Siyempre, kailangan matibay ang katawan ko para hindi ako sumuko sa honeymoon natin," sagot ni Rex na may kasamang pilyong ngiti sa mga labi.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya dahil agad kong naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. "Akala ko may masamang nangyari na sa'yo sa loob kaya kita narinig na naghahabol ng hininga." Tinangka kong pumasok sa loob ng kanyang silid ngunit mabilis niyang iniharang ang katawan niya sa may pintuan. "Bakit ayaw mo akong papasukin sa loob ng silid mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Isinarado muna ni Rex ang pintuan bago sinagot ang tanong ko. "Amoy-pawis sa loob ng silid ko at ayokong maamoy mo ang maasim kong pawis dahil baka bigla kang umatras sa kasal natin bukas."

"Baliw," naiiling na sagot ko sa kanya ngunit bahagya akong natatawa. "Siyanga pala, happy third anniversary, babe." Nakangiting hinalikan ko siya ng magaan sa mga labi.

"I was about to greet you after I finish doing my exercise. Gusto kitang puntahan sa bahay niyo ngunit sabi ng mga tita mo ay bawal tayong magkita. Kaya umuwi ka na dahil baka hindi matuloy ang kasal natin bukas." Hinawakan ni Rex ang kamay ko at dinala niya ako sa sala.

"Hindi naman ako naniniwala sa pamahiin na iyon, Rex. At saka, third anniversary natin ngayon. Gusto kong magkasama tayo sa araw na ito," nakangusong sabi ko sa kanya.

Nang makita nitong nakabusangot ang mukha ko ay agad niya akong niyakap. "Gusto rin kitang makasama sa anniversary natin, Kelly. Ngunit nag-aalala ako na hindi matuloy ang kasal natin. Alam mo naman kung gaaano kita kamahal at hindi ko makakaya kung hindi matutuloy ang kasal natin. Ilang oras na lang naman ang ipaghihintay natin kaya konting tiis na lang, okay?" panunuyo ni Rex sa akin.

"Okay, fine. Aalis na ako. Bukas na lang tayo mag-celebrate ng third anniversary natin. Pero may cake akong dala at nasa loob ng refrigerator mo. Kainin mo kapag nagutom ka na," sabi ko sa kanya nang kumawala ako sa pagkakayakap niya sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Naniniwala siya sa pamahiing iyon kaya gusto niyang bukas na kami magkita.

"Don't worry dahil titikman ko ang cake na dala mo. For now, umuwi ka na bago pa umepekto ang pamahiin."

Sinamahan ako ni Rex hanggang sa labas ng gate. Napansin kong naroon pa rin ang kotse ni Agnes kaya hindi ko na napigilan ang mag-usisa sa kanya.

"Bakit nandito ang kotse ng pinsan ko, Rex? Nagpunta ba siya sa bahay mo?"

"Bakit naman siya pupunta sa bahay ko?" mabilis na sagot ni Rex na biglang napasimangot, parang naging defensive sa pandinig ko ang kanyang sagot.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang malaman kung bakit nakaparada sa tapat ng gate mo ang kotse ni Agnes."

"Siguro may pinuntahan siya sa loob ng subdivision namin at pinili niyang iparada ang kotse niya sa tapat ng gate ng bahay ko para safe since magkakilala naman kami," ani Rex sa tonong tila walang pakialam tungkol sa bagay na itinanong ko sa kanya. "Umuwi ka na at magpa-beauty rest para magandang-maganda ka sa kasal natin bukas."

"Okay. Kung iyan ang gusto mo," nakangiting pumasok ako sa loob ng kotse. Kumaway muna ako sa kanya bago ako tuluyang umalis.

Gaya ng gusto ni Rex ay umuwi ako sa bahay at nagpa-beauty rest. Maaga din akong natulog para wala akong eyebags at hindi puyat ang hitsura ko bukas.

Alas otso ng umaga ang kasal namin kaya maaga akong nagising para ayusan ng isang sikat na beautician na kinuha ng ina ni Agnes na si Tita Amalia, ang nakatatandang kapatid ng aking yumaong ina.

"Napakaganda naman ng pamangkin ko," natutuwang puri sa akin ni Tita Amalia nang makita niyang tapos na akong ayusan at ready na akong umalis ng bahay para magtungo sa simbahan.

"Thank you po, Tita Amalia," nakangiting sagot ko sa kanya. Pagbaba ko sa sala ay sinalubong ako ng pagbati at inulan ako ng mga papuri mula sa mga kamag-anak kong nakatira sa bahay na iniwan sa akin ng mga magulang ko.

Nag-iisa na lamang ako magmula nang sabay na mamatay sa aksidente ang mga magulang ko kaya hindi ako tumutol nang magpasya ang mga kapatid ng aking ama na sa bahay ko sila tumira. Nakabuti sa akin ang pagtira nila sa bahay ko dahil natulungan nila akong mabilis na makapag-move on sa trahedyang nangyari sa pamilya ko. At hindi rin naman ako nagsisi na hayaan silang tumira sa bahay kasama ko dahil lahat sila ay mababait sa akin.

Malaki naman ang bahay na iniwan sa akin ng mga magulang ko kaya kahit tatlong pamilya ang nakatira ay maluwag pa rin kami.

Sabay-sabay na kaming nagtungo sa simbahan ngunit pagdating sa simbahan ay hindi nila agad ako pinapasok. Hinintay muna nila na tumunog ang kampana biglang hudyat na magsisimula na ang kasal bago ako sinabihan na bumaba na ng kotse.

Pagtunog ng kampana ay sunod na tumunog ang wedding march. Bumaba na ako sa kotse at naglakad palapit sa nakasaradong pintuan ng simbahan. Pagbukas ng pintuan ay dahan-dahan akong naglakad sa pulang ailes palapit kay Rex na nakatayo at naghihintay sa paglapit ko sa kanya.

Napakasaya ko nang mga sandaling ito. Sa wakas ay magiging asawa na ako ng lalaking matagal ko nang pinapangarap.

Habang naglalakad ako palapit kay Rex ay sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Siguro sa labis na kasiyahan at excitement. Eksaktong nasa harapan na ako ni Rex at aabutin ko na ang kanyang kamay nang walang ano-ano ay bigla na lamang nag-play mula sa projector ang video nina Agnes at Rex na naghahalikan. Ang video ay mula sa projector kung saan ay mga masasayang litrato at video namin ni Rex ang dapat na ma-play. Ngunit ibang video ang lumabas na labis na dumurog sa aking puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status