Kelly's Pov
Nang muli akong pagbalikan ng aking malay ay malinaw na ang aking paningin bagama't nahihilo pa rin ako. May nakita akong babaeng nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesang nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Sa base sa suot nito ay nahuhulaan kong maid siya sa bahay na ito. Bahagya akong umungol para makuha ang kanyang atensiyon. "Mabuti naman at gising ka na, Ma'am Kelly," nakangiting kausap sa akin ng maid nang tumingin siya sa akin. "Tutulungan kitang makaupo para makakain ka ng mainit na lugaw at para makaino ka ng gamot." Lumapit ang maid sa akin at tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa kama. Kinain ko ang lugaw at ininom ang gamot ng walang reklamo. Gusto kong manumbalik na agad ang lakas ko. Kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay dapat muna akong gumaling sa aking sakit. Hindi ako makakaalis kong ganitong may lagnat pa ako at nanghihina ang aking pakiramdam. "Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa maid sa palakaibigang tono. Nais kong makuha ang loob nito para makakuha ako ng information sa kanya kung nasaan ako, sino ba si Mr. Adamson at kung ano ang dahilan bakit niya ako ipinakidnap. "Walang anuman iyon, Ma'am Kelly. Kapag hindi ka gumaling ay mananagot kami kay Sir Craig," mabilis na sagot ng maid. Ngunit nang banggitin nito ang pangalan ng isang lalaki ay hininaan nito ang boses na para bang natatakot itong may makarinig sa sinabi nito. "Ako nga pala si Mia," pakilala nito sa sarili nito. Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi niya. "Sir Craig? Sino siya?" Kaano-ano naman kaya ni Mr. Adamson ang Craig na ito? "Hindi mo kilala si Sir Craig?" Tila naguluhan ang maid nang makitang wala akong ideya kung sino si Craig. "Siya ang asawa mo. Siya si Craig Adamson." Parang bombang sumabog sa mukha ko ang narinig ko mula sa bibig ng ni Mia. Ako? Asawa ni Craig Adamson? At kahit hindi ko kilala ng personal si Craig Adamson ay hindi lingid sa kaalaman ko na isa siyang notorious mafia leader sa bansa namin. Marami ang nangingilag sa kanya dahil kilala siya bilang malupit na mafia leader. Ngunit paano nangyaring naging asawa ako ng isang mafia leader sa loob lamang ng ilang oras? Binibiro ba ako ng tadhana? Parang damit na ipinagpalit ako ng groom ko sa araw ng kasal ko tapos magigising akong asawa na ng isang mafia leader? Anong klaseng biro ito sa akin tadhana? "K-Kailan ako ikinasal sa kanya, Mia? B-Bakit wala akong matandaan na nagpakasal ako sa kanya?" Wala talaga akong matatandaan na nagpakasal ako sa isang matandang pinuno ng mafia dahil ikakasal ako dapat kahapon sa ibang lalaki. Hula ko ay napagkamalan lamang nila ako na ang babaeng pinakasal ni Mr. Adamson. Ngunit pinagkamalan lamang nila ako ay bakit alam nila ang pangalan ko? "Talagang wala kang maaala na nagpakasal kayo ni Sir Craig dahil tinakbuhan mo siya sa araw ng kasal ninyo. At iyon ay kahapon lamang. Ayaw mo kasing magpakasal kay Sir kaya bago ka pa makapasok sa simbahan ay tumakbo ka na palayo," napapailing na wika ni Mia. "Bilib din ako sa'yo, Ma'am Kelly. Ang tapang mo, alam mo ba iyon? Hindi ka natakot na takbuhan ang kasal ninyo ni Sir Craig." Kung ganoon ay magpareho pala ng araw ng kasal ko kay Tex at ng kasal ni Craig Adamson sa finacee nito. At tinakbuhan ito ng bride nito. Well, hindi ko naman masisisi ang babaeng iyon kung tumakbo siya sa araw ng kasal niya dahil isang nakakatakot na notorious mafia ang groom niya at higit sa lahat ay matanda pa. Alam kong matanda na si Craig Adamson kahit na hindi ko pa siya nakikita dahil hindi naman siguro siya magiging pinuno ng mafia kung bata pa siya. Sa mga palabas na napanuod ko ay pare-parehong matatanda na ang mga nagiging pinuno ng mafia. "Puwede bang tulungan mo akong mahigang muli sa kama, Mia? Gusto kong matulog. Inaantok pa ako," sabi ko sa maid. Kailangan kong magpagaling para sa gagawin kong pagtakas. Hindi ako papayag na maging asawa ako ng isang matandang pinuno ng mafia. Tinulungan ako ni Mia na makahigang muli sa kama at inayos ang kumot sa aking katawan bago kinuha ang tray na pinaglagyan ng lugaw at gamot na ininom ko. "Ilalabas ko lang itong pinagkainan mo, Ma'am Kelly. Kapag may kailangan ka ay pindutin mo lang ang number one sa teleponong nasa tabi ng lampshade at pupuntahan agad kita," nakangiting sabi sa akin ni Mia. Tumango lamang ako sa kanya at hindi sumagot. "Siyanga pala, Ma'am Kelly. Pinapaalalahanan lamang kita na huwag kang magtatangkang tumakas sa bahay ni Sir Craig. Maliban sa nakakatakot si Sir kung magalit ay mapanganib din sa labas ng bahay niya lalo na sa isang katulad mong bago pa lamang dito sa mansion." "Okay. Salamat sa paalala." Binigyan ko siya ng ngiti para mapanatag ang kalooban niya. Ngunit ang hindi nito alam ay wala akong pakialam kahit anong panganib pa ang harapin ko sa labas ng bahay ng boss nito. Ang mahalaga ay makaalis ako rito at hindi maging asawa ng isang matandang mafia. Pagkalabas ng maid ay ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa muli akong nakatulog. Nang muli akong magising ay napansin kong madilim na sa labas ng bintana kaya naisip kong gabi na siguro. Bagama't medyo nahihilo pa ako ay wala na akong lagnat. Maingat na bumangon ako sa kama at lumabas ng silid na kinaroroonan ko. Kailangan kong makatakas sa bahay na ito ngayong gabi. Maingat ang mga hakbang na binaybay ko ang mahabang hallway hanggang sa narating ko ang dulo kung saan ay naroon ang paikot na hagdan pababa. Napakalaki ng bahay ni Craig Adamson. Gayunpaman ay hindi ko pa rin nanaisin na maging asawa niya. Nakababa ako ng hagdan nang walang nakakapansin sa akin. Pagbaba ko sa sala ay nagtago ako sa likuran ng mahabang sofa nang may dumaan na dalawang maid. Nagpatago-tago ako kahit saan hanggang sa nakalabas ako ng bahay ni Craig Adamson. Ngunit maluwang ang bakuran nito kaya hindi ko alam kung saan ang daan papunta sa gate. Maraming tauhan ang nagkalat sa bakuran ni Craig Adamson at iba ay may dala pang mga baril. Nakaramdam ako ng takot dahil baka bigla nila akong barilin kapag nakita nilang nagtatangka akong tumakas. Ngunit pinalakas ko ang aking loob. It's now or never. Kapag hindi ko sinubukang tumakas ngayon ay natitiyak kong wala na akong ligtas sa mga kamay ng matandang iyon. Maraming mga halaman ang lampas-tao ang taas at makakapal pa ang dahon kaya nagawa kong makapagtago sa mga tauhan ng matandang mafia leader. Ilang minuto akong nakipagtaguan sa mga tauhan nito hanggang sa natanaw ko ang mataas na gate palabas. Napangiti ako nang makita kong walang bantay sa gate. Sa wakas ay makakalabas na ako ng tuluyan. Akmang hahakbang na ako papunta sa gate nang makarinig ako ng malakas na ungol ng isang hayop. Dahan-dahan akong lumingon. Biglang nanlaki ang aking mga mata at nanigas ang buo kong katawan nang makita ko ang isang malaking dobermann na nakatingin sa akin habang nakalabas ang mahabang dila at matutulis nitong pangil. Maliban sa mapanganib na mga tauhan ni Craig Adamson ay mukhang ang asong ito yata ang mas tinutukoy ni Mia kung bakit mapanganib sa labas ng mansion ng boss nito. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang maglakad palapit sa akin ang malaking aso. At isang malakas na sigaw ang kumawala sa aking mga lalamunan kasabay ng pagpikit ng aking mga nang bigla na lamang tumalon papunta sa akin ang dobermann. Isang malakas na sipol ang narinig kong umalingawngaw sa paligid. Agad na iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang aso na tila maamong tupa na lumapit sa isang lalaking pinaka-guwapong mukha na nakita ko sa balat ng lupa. "I'm sorry, boss. Hindi ko napigilan si Conor nang tumakbo siya kanina," sabi ng isang lalaking lumapit sa guwapong lalaki. Biglang naningkit ang mga mata ng lalaking tinawag na boss habang nakatingin sa akin. "Where do you think you're going, my wife?" My wife? Umalingawngaw ang dalawang salitang ito sa aking utak. Ibig sabihin, ang napakaguwapong lalaking ito na kaharap ko ngayon ay si...Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa
Kelly's Pov Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang n
Kelly's PovNang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa m
Kelly's PovNang muli akong pagbalikan ng aking malay ay malinaw na ang aking paningin bagama't nahihilo pa rin ako. May nakita akong babaeng nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesang nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Sa base sa suot nito ay nahuhulaan kong maid siya sa bahay na ito. Bahagya akong umungol para makuha ang kanyang atensiyon."Mabuti naman at gising ka na, Ma'am Kelly," nakangiting kausap sa akin ng maid nang tumingin siya sa akin. "Tutulungan kitang makaupo para makakain ka ng mainit na lugaw at para makaino ka ng gamot." Lumapit ang maid sa akin at tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa kama.Kinain ko ang lugaw at ininom ang gamot ng walang reklamo. Gusto kong manumbalik na agad ang lakas ko. Kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay dapat muna akong gumaling sa aking sakit. Hindi ako makakaalis kong ganitong may lagnat pa ako at nanghihina ang aking pakiramdam."Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa maid sa palakaibigang tono. Nais kong makuha an
Kelly's PovNang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa m
Kelly's Pov Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang n
Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa