Kelly's Pov
Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang ni Agnes ang tanong ng ama ni Rex sa halip ay hinarap ang kanilang anak. "Ano ang ibig sabihin ng video na iyan, Agnes? Magpaliwanag ka ngayon din!" galit na kausap ni Tito Arturo sa kanyang anak. "Ano ba ang dapat kong ipaliwanag, Dad? Nakita niyo na ang video kaya natitiyak kong naiintindihan niyo na kung ano ang ibig sabihin nito," sagot ni Agnes, wala man lang bahid ng pagkapahiya sa mukha nito. Hindi rin ito nag-aalala na baka magalit ako sa kanya dahil sa aking nakita. Pinagplanuhan niyang mabuti ang lahat ng ito. "Ano ang ibig sabihin nito, Rex? Bakit kayo naghahalikan ni Agnes?" Pinilit kong hindi gumaralgal ang aking boses sa harap ni Rex at ng maraming tao na nais makasaksi sa kasal namin maliban sa aming mga pamilya. "I don't know," nalilitong sagot ni Rex. Mukhang hindi nito alam na kinukuhanan ito ng video habang nakikipaghalikan sa pinsan ko. Ibig sabihin ay pakana lamang ni Agnes ang lahat ng ito. Nais nitong sirain ang kasal ko. Pero bakit? Mula pagkabata ay malapit kami sa isa't isa. Lahat ng bagay na pag-aari ko na magugustuhan nkya ay ibinibigay ko sa kanya. Siya ang itinuring kong best friend maliban kay Jake, ang best friend kong nasa ibang bansa at nag-aaral. "Bakit ka pa nagtatanong, Kelly? Are you stupid para hindi mo malaman kung ano ang ibig sabihin ng video na nakita mo?" sabi ni Agnes sa akin nang lumapit siya sa akin. Sa galit ko ay biglang lumipad ang kamay ko sa kanyang pisngi. Narinig ko ang panghinghap ng marami dahil sa ginawa kong pananampal sa pinsan ko. Ngunit kulang pa ang isang sampal para sa ginawa niyang ito sa akin. She betrayed me. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. "How dare you hurt my daughter!" galit na sigaw ni Tita Amalia. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng malakas na sampal. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Mula pagkabata ay ito ang unang beses na nakita kong nagalit siya sa akin at sinaktan niya ako. She was always kind to me. Madalas ay ako pa ang kinakampihan niya kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaaan ni Agnes. Pero ngayon ay parang ibang tao siya. Parang hindi siya ang nakilala kong Tita Agnes. O baka naman ito ang totoo niyang ugali at itinago lamang niya sa akin ng matagal ang tunay niyang ugali. "Mom. Dad. Tito Rigor. Ang totoo ay matagal na kaming may relasyon ni Rex. Nagmamahalan kaming dalawa. Una kaming nagkakilala at nag-ibigan ngunit inagaw siya sa akin ni Kelly. Nagparaya ako dahil pinsan ko siya. Ngunit mahal pa rin namin ni Rex ang isa't isa kaya naman gumawa na ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila," paliwanag ni Agnes sa ama ni Rex at sa mga magulang nito. "What are you talking about, Agnes?" mariin ang boses na tanong naman ni Rex sa pinsan ko. "Hindi ko na kayang itago ang relasyon natin, Rex. Aminin na natin sa kanila na tayong dalawa ang totoong nagmamahalan at hindi kayong dalawa ng babaeng iyan," wika ni Agnes kay Rex. "Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito, Agnes? Huwag mo namang sirain ang kasal ko. Kailangang matuloy ang kasal namin ni Kelly," galit na sabi ni Rex sa pinsan ko. Hinawakan nito ng mariin ang braso ni Agnes ngunit malakas na ipinagpag lamang ng babae ang kamay nito. Habang nag-uusap ang dalawa ay nakumpirma kong totoo ang sinabi ni Agnes na matagal na silang may relasyon ni Rex. Ibig sabihin ay matagal na pala nila akong niloloko. Sa pagkakataong ito ay tumulo na rin sa wakas ang aking mga luha. Ang sakit at bigat ng aking dibdib. Para bang may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib at bigla akong nahirapang makahinga. "Alam ko naman kung bakit gusto mong pakasalan ang pinsan ko kahit na ako ang mahal mo, Rex. Dahil sa malaking pera na ipapahiram sa iyong ama ng kompanya ng mga magulang ni Kelly pagkatapos ng kasal. Huwag kang mag-alala dahil matutuloy pa rin ang bagay na iyon kahit na hindi ka ikasal sa kanya dahil ang mga magulang ko ang namamahala na ngayon sa kompanya ng mga magulang ni Kelly," nakangiting wika ni Agnes kay Rex na hindi naman malaman kung ano ang gagawin. Dahil sa aking narinig ay mas lalo lamang naragdagan ang sakit at bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na tinutukoy ni Agnes. Ngunit isa lang ang tumimo sa aking utak. Kaya pala inalok ako ni Rex ng kasal dahil kailangan ng pamilya nito ng pera. Kaya pala biglaan ang pag-propose niya ng kasal sa akin. Akala ko ay dahil mahal niya ako at gusto na niyang bumuo kami ng pamilya. Ngunit pala ako. Hindi pala niya ako totoong mahal. "What are we going to do now, Arturo? Itutuloy pa ba natin ang kasal nina Rex at Kelly?" tanong ng ama ni Rex sa ama ni Agnes. "Matutuloy ang kasal ni Rex, Tito Rigor. Ngunit hindi si Kelly ang bride kundi ako. Ako ang dapat niyang pakasalan lalo pa at ipinagbubuntis ko ang anak niya," ani Agnes na siyang sumagot sa tanong ng ama ni Rex sa ama nito. "Buntis ka at si Rex ang ama?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Tita Amalia sa anak nito pagkatapos ay lumipad ang tingin nito sa tiyan ni Agnes na wala pa namang umbok. "Yes, Mom. I'm two weeks pregnant. At kailangan ng anak ko ang kanyang ama," sagot ni Agnes sa kanyang ina. Wala man lang pagkapahiya at guilt sa mukha nito sa halip ay masaya at proud pa ang hitsura nito. "Magkakaroon na sila ng anak, Amalia. Dapat ay sila ang ikasal para magkaroon ng ama ang anak niya. Siya naman pala ang totoong mahal ni Rex," sabi ni Tito Antony, ang pangalawang kapatid ng aking ama at kasama kong nakatira sa bahay. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tito Antony. Ngunit mas lalong hindi ako makapaniwala nang sang-ayunan ng iba ko pang relatives ang sinabi nito. Napakabait nilang lahat sa akin pero bakit ngayon ay sobrang mean nila? Nasaan na ang mababait at maalalahanin kong mga relatives? Kung may relatives lang sana ako sa side ng aking ina ay baka may kakampi ako ngayon. "Tama ang sinabi ng bayaw ko, Rigor. Magkakaroon na tayo ng apo kaya dapat na ikasal ang ating mga anak. Huwag kang mag-alala dahil matutuloy pa rin ang pagpapahiram namin ng pera sa'yo para makabangon ang kompanya mo. Ang asawa ko ang namamahala sa kompanyang iniwan ng kapatid niya kaya nasa kanya pa rin ang huling desisyon," nakangiting kausap ni Tita Amalia sa ama ni Rex. Biglang napangiti ng maluwag ang ama ni Rex nang marinig ang sinabi ng ina ni Agnes. "Wala naman palang magiging problema kaya ituloy ang kasal. Rex, pakasalan mo ngayon si Agnes." "Paano ako, Tito Rigor? Tita Amalia? Wala naman akong ginawang masama sa inyo pero bakit niyo ako ginaganito?" umiiyak na tanong ko sa kanila pagkatapos ay hinarap ko si Rex. "Bakit mo ito ginawa sa akin, Rex? Bakit mo ako nagawang lokohin?" "I'm sorry, Kelly. Hindi ko kagustuhan ang nangyaring ito. Ikaw ang totoong gusto kong pakasalan. Ngunit buntis si Agnes kaya kailangang pakasalan ko siya. Ayokong hindi ako kilalanin bilang ama ng magiging anak ko," sabi sa akin ni Rex, ngunit alam kong kasinungalingan ang mga sinabi niya na ako ang totoong gusto niyang pakasalan at hindi niya kagustuhan ang nangyaring ito. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila akong lahat para saktan. "Father, ituloy po natin ang kasal ngunit ang anak ko na ang bride," nakangiting kausap ni Tita Amalia sa pari. Maganda ang pagkakangiti nito na tila wala silang nasaktan ibang tao at walang mangyaring eskandalo. "May dala bang wedding dress ang anak mo?" tanong ng pari sa ina ni Agnes. "Hindi na niya kailangan pang magdala ng wedding dress, Father. Hindi naman matutuloy ang kasal ni Kelly kaya ang suot niyang wedding dress ang isusuot ng anak ko," nakangiting sagot ni Tita Amalia sa pari. Bago ko pa mahulaan kung ano ang binabalak gawin ng ina ni Agnes ay hinawakan niya ang suot kong wedding dress at pilit na hinubad sa katawan ko. Nahihirapan si Tita Amalia sa paghubad sa wedding dress na suot ko dahil pinipigilan ko siya kaya tumulong na si Agnes at maging ang iba ko pang relatives para mahubad ang suot kong damit pangkasal hanggang sa nagtagumpay silang gawin iyon. Pasalamat ako na may suot akong bestida sa ilalim ng aking wedding dress dahil kung wala ay tiyak na bra at panty na lamang ang matitira sa katawan ko. "Bakit niyo ito ginagawa sa akin? Wala akong kasalanan sa inyo pero bakit niyo ako pinagkaisahang saktan?" umiiyak na sigaw ko habang yakap ko ang aking sarili. "Masyado ka naming na-spoiled kaya ka lumaking ganyan. Mang-aagaw ng lalaki. Nararapat lamang sa'yo ang nangyaring ito para magsilbing leksiyon mo," sabi sa akin ni Tito Andy, ang bunsong kapatid ng aking ama. Hindi pa sila nakuntento sa paghuhubad ng suot kong wedding dress at kinaladkad pa nila ako palabas ng simbahan. Lihim ko na lamang nahiling na sana ay bumuka ang lupa at kainin ako para magwakas na ang sakit at kahihiyan na nararamdaman ko nang mga sandaling ito.Kelly's PovNang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa m
Kelly's PovNang muli akong pagbalikan ng aking malay ay malinaw na ang aking paningin bagama't nahihilo pa rin ako. May nakita akong babaeng nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesang nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Sa base sa suot nito ay nahuhulaan kong maid siya sa bahay na ito. Bahagya akong umungol para makuha ang kanyang atensiyon."Mabuti naman at gising ka na, Ma'am Kelly," nakangiting kausap sa akin ng maid nang tumingin siya sa akin. "Tutulungan kitang makaupo para makakain ka ng mainit na lugaw at para makaino ka ng gamot." Lumapit ang maid sa akin at tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa kama.Kinain ko ang lugaw at ininom ang gamot ng walang reklamo. Gusto kong manumbalik na agad ang lakas ko. Kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay dapat muna akong gumaling sa aking sakit. Hindi ako makakaalis kong ganitong may lagnat pa ako at nanghihina ang aking pakiramdam."Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa maid sa palakaibigang tono. Nais kong makuha an
Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa
Kelly's PovNang muli akong pagbalikan ng aking malay ay malinaw na ang aking paningin bagama't nahihilo pa rin ako. May nakita akong babaeng nag-aayos ng pagkain sa maliit na mesang nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Sa base sa suot nito ay nahuhulaan kong maid siya sa bahay na ito. Bahagya akong umungol para makuha ang kanyang atensiyon."Mabuti naman at gising ka na, Ma'am Kelly," nakangiting kausap sa akin ng maid nang tumingin siya sa akin. "Tutulungan kitang makaupo para makakain ka ng mainit na lugaw at para makaino ka ng gamot." Lumapit ang maid sa akin at tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa kama.Kinain ko ang lugaw at ininom ang gamot ng walang reklamo. Gusto kong manumbalik na agad ang lakas ko. Kung gusto kong makaalis sa bahay na ito ay dapat muna akong gumaling sa aking sakit. Hindi ako makakaalis kong ganitong may lagnat pa ako at nanghihina ang aking pakiramdam."Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa maid sa palakaibigang tono. Nais kong makuha an
Kelly's PovNang mailabas ako sa simbahan ng dalawang relatives ko ay agad na isinarado nila ang pintuan para hindi ako makapasok muli. Umiiyak na naglakad na lamang ako ng mabagal palayo sa simbahan. Kung gaano kasaya at ka-excited ang nararamdaman ko habang papunta ako sa simbahan kanina ay ganoon naman kasakit at kabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Kahit ang langit ay hindi rin naawa sa akin at dinagdagan pa ang pagiging miserable ng pakiramdam ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay hindi ako huminto sa paglalakad para sumilong. Wala akong pakialam kahit na para akong basang sisiw na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong nagdaraan at dinaraanan ko. Iintindihin ko pa ba ang kahihiyan gayong labis-labis na sakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon? Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako sa kalsada ay tila may maliit na boses ang bumulong sa akin na magpasagasa ako sa m
Kelly's Pov Biglang nanginig ang buo kong katawan habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa video nina Agnes at Rex na patuloy pa ring naghahalikan. Kuha ang video sa loob ng silid ni Rex. At kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang ini-record ang video dahil katulad ng suot ni Rex kahapon ang suot nito sa video. Gustong tumulo ng aking mga luha ngunit ewan kung bakit hindi lumalabas sa aking mga mata ang mga luha ko. Para bang may bagay na humaharang sa aking mga mata para hindi lumabas ang aking mga luha. Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng simbahan. Nakalarawan sa mukha ng mga tao ang pagkalito. At maging ang pari na dapat magkakasal sa amin ni Rex ay nalilito na rin ang hitsura. Nalilito ito kung ano ang nangyayari sa paligid. "Anong ibig sabihin nito, Amalia? Arturo?" galit na sita ng ama ni Rex na si Rigor Montilla sa mga magulang ni Agnes. Ang pinsan ko naman ay tahimik lamang at tila ini-expect na nito ang ganitong eksena. Hindi sinagot ng mga magulang n
Kelly's Pov May matamis na ngiti sa aking mga labi habang sakay ako ng aking kotse. Papunta ako sa bahay ni Rex, ang aking fiance. Bukas ay kasal na namin. After three years bilang magkasintahan ay sa wakas inalok na rin niya ako ng kasal na agad kong tinanggap. I'm twenty and he is twenty five. Pareho na kaming nasa tamang edad kaya puwede na kaming magpakasal kahit nag-aaral pa ako ng college. One week na kaming hindi nagkikita ni Rex dahil sabi ng mga kamag-anak ko ay bawal daw magkita ang mga taong malapit nang ikasal bago ang kanilang kasal. Hindi raw kasi matutuloy ang aming kasal kapag magkita kami bago ang kasal namin. Tinawanan ko lamang sila dahil hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Ngunit naniniwala si Rex sa lumang kasabihang iyon kaya heto, one week na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na puntahan siya dahil ayaw niya. Ayaw daw niyang hindi matuloy ang kasal namin. Ngunit sa araw na ito ay hindi ako nagpapigil sa