Share

THE ALPHA'S SECOND CHANCE
THE ALPHA'S SECOND CHANCE
Author: Nymph Writes

Chapter 01: First time in Centro

Mag-a-alas otso na ng umaga, tumunog ang alarm clock at ako ay nagising, sabay ng pagbukas ng pinto at doon bumungad sa akin ang mukha ni Lola.

“Lola,” ani ko.

“Oh apo, tumayo kana d’yan at lumabas ka na rito. ‘Yong almusal mo nakahanda na kanina pa.” Bumangon ako sa higaan sabay banat sa aking buong katawan.

“Kanina pa pala kayo gising Lola?” sabay lugod ko ng aking mga kamay sa dalawa kong mata.

“Abay oo naman, sinabi mo kasi kagabi sa akin na may importante kang lakad ngayon. ‘Di ba sabi mo maghahanap ka ng paaralan ng kolehiyo na siyang angkop sa kursong kukunin mo?” di muna ako nakasagot at sadyang tumitig nalang kay Lola, agad niya naman akong nilapitan at umupo sa tabi ko, sabay himas ng kanyang kamay sa mala bewang na haba at makapal kong buhok.

“Lola? Napag-isipan ko kasi, wala po tayong sapat na pinansyal para ipanggastos sa aking pag-aaral. Gugustuhin ko mang mag-aral SA kolehiyo na maaaring angkop SA aking kurso, pero ang tanong saan ba tayo ng ipanggastos? E kayo nga, kailangan nyo din ng pang maintenance para sa rayuma niyo.” pag-aalala kong sabi sa kanya.

“Apo Naman! H’wag mo namang masyadong alalahanin si Lola, ang importante ay ang kinabukasan mo. Ang makapagtapos ka ng pag-aaral at matupad ang pangarap mo.”

“Sorry po Lola, hindi ko lang po talaga maiwasan na mag-alala po sa inyo. Kayo lang po kasi ang meron ako. Ayaw ko lang po talaga na mamroblema kayo dahil lamang sa kagustuhan ko na pumasok sa kolehiyo.” At napakibot ako ng aking labi. Humarap sa akin si Lola at hinawakan ako sa mukha.

“Alam mo apo, walang imposible basta tumawag at magtiwala lang tayo sa panginoon. Kahit gaano paman katindi ang pagsubok na haharapin mo basta tawagin mo lang pangalan niya, hindi nya ‘yon ipagkakait sayo, gagawa at gagawa siya ng paraan matupad mo lang ang pangarap mo. Alam mo ba kung nabubuhay pa lang ang iyong ina, sigurado akong ipagmamalaki ka niya, kasi napakabuti mo.” gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi sa akin ni Lola, at hinawakan ko ang kamay niya.

“Mas mapalad po ako Lola na kayo ang naging Lola ko. Kasi sobrang bait niyo po, kahit kailan Hindi niyo po binaba ang tingin niyo sa akin kahit paman hindi ako naging perpektong apo. Minahal niyo po ako at pinalaki ng mabuti.” Napasingap nalang si Lola sa sinabi ko.

“Hay naku! ano ka ba iha...Tama na nga tong drama nato. Halika na nga at sasabayan na kitang mag-almusal nagugutom na din ako.”

“Sige na nga Lola.” Sabay tayo at niyakap ko si lola.

“I love you, Lola. Darating ang araw na di na po kayo magtatrabaho para sa akin. Promise ko po sa inyo, magtatapos ako ng aking pag-aaral para po sa inyo.” Sabay halik ko sa pisngi ni lola na ikinangiti nya.

“Oh siya, oo na para matigil ka na 'dyan sa drama mo. Lumabas na tayo at mag almusal para makaalis ka na.”

“E di tara na po.” ani ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto para mag-almusal.

_

_

_

Habang nasa biyahi ay di ko naman maiwasan na mapatingin sa bintana ng sinasakyan kong bus patungo ng siyudad. Pagdating namin sa Centro ay pumara na ako sa mamang driver para bumaba, kasabay narin doon ang pag-abot ko ng aking pamasahi sa driver mula sa amin hanggang dito sa syudad. Napanganga nalang ako dahil sa pagkamangha sa mga naglalakihan at naghahabaang gusali na nasa harapan ko ngayon.

“Wow!!! Ganito pala kaganda ang siyudad? Bongga pala.” sabi ko sa sarili ko na parang nabibingi sa mga ingay na meron sa paligid. Natauhan nalang ako ng maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko na nasa bulsa ng aking jeans pants. Agad ko namang dali-dali itong kinuha at tiningnan an screen, nakita ko ang pangalan ng kababata kong si JULLIENE. Napalawak ang ngiti sa aking labi at hindi nagdalawang isip na sagutin iyon.

“Hello beshy?” pauna kong bati, at agad naman niyang sinagot.

“Hi beshyyy!!!” patili niyang sagot.

“Kumusta ka na? Akala ko nakalimutan mo na ako.” Ani ko sa kanya.

“Hay naku! At bakit naman kita kakalimutan? Uy ikaw ha, kay tagal na nating hindi nagkikita. Lumuwas ka naman ng siyudad kahit minsan lang, isama mo si Lola Lucing, miss ko na rin ang matanda na yon.”

“Ano ka ba beshy! Paano tayo magkikita wala ka nga dito, nandyan ka sa States. Di mo lang ba naisip???”

“FYI beshyyy, wala po ako sa STATES, mag te-3 months na ako dito sa syudad.”

“OMG!!!” gulat na sabi ko. “Seryoso???”

“Talagang seryoso. Bakit? Ayaw mong maniwala?”

“Hindi ko sinabing hindi ako naniniwala, pero seryoso ba talaga? Kasi nga nandito ako ngayon sa syudad...”

“Talaga ba? Kita Tayo? Nasan ka? Pupuntahan kita.” Napanganga ako sa sinabi nya.

“Ano? Teka sandali, talagang seryoso ka nga. Eh, san ba tayo magkikita.” tanong ko sa kanya.

“Bakit nasan ka ba?”

“Nandito ako sa Centro, dito kasi ako bumaba.”

“Okay, ganito nalang nakita mo ba yung coffee shop sa ground floor ng GLOBAL BUSINESS BUILDING?” napalingon-lingon ako kahit saan-saan sa paligid para hanapin ang tinutukoy na gusali, at di nga ako nagkamali. 30 meters away sa kinatatayuan ko ngayon ay kaharap ko pala ang buliding na sinasabi niya.

“Oo beshy nakita ko na” tugon ko sa kanya.

“Sige, puntahan mo na ang coffee shop na yon, at hintayin mo ako doon. See you later....”

“Okay beshy.” At agad kung pinatay ang tawag bago pa magtungo sa nabanggit na lugar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status