Share

Chapter 06: Unexpected meeting him

"Alam mo ang pangalan ko?"

"And why not, I asked mom." napatingin ako kay Mrs. Noble.

"Oo nga pala." ani ko at muling ibinalik ang aking paningin sa aking pagkain.

"Since the school are getting started on Monday, sabay na tayong pumasok." agad na naman ako muling napatingin sa kanya, at napansin ko ring nagtitinginan sa amin ang mga co-scholars ko na kasabay namin sa pagkain.

"Bakit po sir, nag-aaral ka pa rin ba?" at napatawa siya sa sinabi ko at tinugunan niya naman ng seryusong sagot.

"Stop calling me f*cking sir. Just call me my name Kevin, I've done introducing with you recently."

"Abay! Masungit nga!" pabulong kong sabi.

"What did you say?"

"Wala po! I mean, nice meeting you po, Kevin."

_

_

_

Lunes na! Bumaba ako sa kotse ni Kevin, kakarating lang namin dito sa labas ng campus at nakita ko agad ang napakadaming mag-aaral.

"So let's go." ani ni Kevin at nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Parang 'di ka yata excited sa first day of school natin ah." sinungitan ko siya ng tingin at sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa para pumasok sa kampus.

"Hoy miss sungit! Pinapaalalahanan kita, di mo pa kabisado ang buong kampus." sigaw ni Kevin pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Pagpasok ko ng kampus ay napahanga ako sa laki at lawak nito, kaya di ko maiwasang tumigil muna at pagsawaang tingnan ang buong paligid.

"Ang ganda." saad ko at di maiwasang mapangiti.

"Talagang maganda." pabulong na sabi ni Kevin sa may bandang tainga ko na siyang ikinagulat ko.

"Ayyy palaka. Ikaw na naman!"

"Bakit ba kasi ang sungit-sungit mo? Wala naman akong ginagawang masama sayo ah. Para kang may regla." nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Alam mong may regla ako?" sagot ko sa kanya kaya napahalakhak siya.

"Uyy, wag kang maingay, wag kang tumawa, nakakahiya!"

"Wag mo na kasi akong sungitan?! Madali lang naman akong kausap."

"O sige na! I'm sorry...inaasar mo kasi ako kaya masungit ako sayo. Friends na tayo?" at itinaas ko ang little finger ko." ngumiti lang siya sa akin at humirit ng tanong.

"Friends lang ba talaga?"

"Haah???" pagtataka Kong reaksyon SA kanya.

"Joke lang!" at itinaas niya little finger niya at ikinabit yun sa kalingkingan ko.

"Friends na tayo ha. Let's go! Let's find out what section what we are about to in."

_

_

_

Section 1-A...pangalan ng seksyon na destinasyon ko at di ko inaasahang magiging classmate ko si Kevin.

"Paano yan, klasmeyt tayo."

"Okay lang naman, wala naman tayong magagawa." tugon ko sa kanya.

"Tabi tayo ha!" ani niya at tinugunan ko lang ng ngiti.

"Tingnan natin."

Pumasok na kami sa room at doon nakarinig ako ng usapan ng mga estudyanting babae na nag-uumpukan.

"Diba siya yung anak ng may-ari ng akademya na to?" ani ng isang babae na makapal ang lipstick at eyeliner.

"Oo, siya nga. Ang gwapo-gwapo pala niya no! Totoo pala ang sabi-sabi ng mga dating mag-aaral dito na talagang mga gwapo at maganda ang mga anak ni Mrs. Noble." sagot din ng isang babae habang ngumunguya ng bubble gum.

"Sinabi mo pa, ganun talaga maganda din naman kasi si Mrs. Noble. At higit sa lahat mayaman pa." ani din ng isang babaeng maiksi ang buhok at di-bangs. Napansin ko na tumahimik si Kevin habang dahan-dahan kaming naglalakad patungo sa aming upuan.

"Di na ako magtataka kung bakit kilala ka nila." ani ko kay Kevin habang papaupo sa aming upuan.

"Hayaan mo sila, basta tabi lang tayo at wag na wag kang lilipat ng ibang upuan." saad niya kaya di nalang ako sumagot.

"Any suggestion? Sabihin mo lang kung nasisikipan ka dyan, and I'll give you some space."

"Hindi! Ayos lang ako dito. Paano kung ilipat ka ng professor natin ng seat?"

"Tatawagan ko si mommy, basta dito ka lang. Ayokong mawala ka sa paningin ko."

"A-ano??"

"Natural! Kailangan ko ng makokopyahan." napaawang ang labi ko sa sinabi niya at tinarayan ko siya ng sagot.

"FYI, hindi ako matalino para gawin mong kopyahan nu!"

"Kopya lang naman, ang damot mo naman." pagtatampo niyang sagot.

"Alam mo gwapo ka sana." napangiti sya sa sinabi ko.

"Matagal na, di na bago sa akin yan."

"Kaso lang sayang! Wala kasing laman utak mo." natahimik siya bigla sa sinabi ko.

"Aba! Wala ka palang pinagkaiba kay kuya eh. Parehas kayo pag makapagsalita matalas ang dila."

"May kuya ka? I- I'm sorry sa sinabi ko." ani ko sa kanya habang sinusuyo ito.

"Di na mauulit, promise." sabay angat nang isa kung kamay na parang nanunumpa.

"Dapat lang, sinasaktan mo damdamin ko eh."

_

_

_

Dalawang linggo ang nakalipas simula nong nagsimula ang pasukan. Sabado ngayon at wala akong pasok, pagkatapos kong maglinis ay agad na akong gumala sa paligid ng mansyon. Napaka daming halaman at ang gaganda nito, kaya natuwa naman ako habang ini-enjoy ang pagkakataon nato. Sa di kalayuan, natanaw ko ang isang maid na nahihirapan sa pagdala ng mga tinuping damit. Kaya patakbo ako ng lapitan ko ang maid na'yon, upang tulungan.

"Manang, manang." napahinto si manang at na pa lingon sa akin.

"Akin na po, tulungan ko na po kayo." agad kong kinuha ang ibang tinuping damit ni manang at ikinarga ko ito sa aking mga bisig.

"Mabuti naman at nandyan ka iha."

"Saan po ba dadalhin ito manang."

"Ayy, doon sa kwarto ng boss natin."

"Boss natin? Saan po banda?"

"Sumunod ka nalang sa akin at malalaman mo."

Sa kwarto inihatid namin ang mga damit na tinupi. Unang pumasok si manang Martina, pagkalabas niya at ako na naman.

"O siya, ikaw na bahala magpasok at mag ayos niyan doon ha? At ako'y mauuna na."

"Sige po manang." at umalis na siya pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto upang ilagay sa closet ang mga damit. Isang tunog ang nakaagaw pansin sa akin, tunog ng nagngingitngit na pinto mula sa banyo at ng lingunin ko ito, nakita ko ang anyo ng isang binata na nakabalot lang ng tuwalya sa pang-ibaba at basang-basa ang buhok. Pahid-pahis niya ng ibang tuwalya ang buhok niya at aaminin ko, naiilang ako sa tuwing nasasagap ng paningin ko ang kanyang mga abs at matibay niyang mga dibdib. Bukod sa matipuno at perpektong hubog ng pangangatawan, matangkad, maputi at gwapo din ito. Matalas kung tumingin ang mga mala singkit na mata, matangos ang ilong at kissable lips. In short nag-uumapaw ang kagwapuhan, mas gwapo kaysa kapatid nitong si Kevin.

"Who are you?!" ani nito habang magkasalubong ang mga kilay na nakatitig sa akin. At dahan-dahan itong humakbang patungo sa kinaroroonan ko. Para akong nagpipigil ng hininga ng lumapit siya sa akin, at ngayon ay dalawang dangkal na lamang ang agwat ng layo namin.

"Sh..... Shun po." nanginginig kong tugon at tumango lang ito at agad namang nagsalita.

"I knew it! Your new here." ani nito at tiningnan ako mula taas hanggang baba.

"O-opo sir." pangangatal kong sagot.

"How old are you?"

"I'm 20 na po sir." tumango lang ito ulit at tiningnan lang ako ng tiningnan.

"I--- I just need to go sir." sabay talikod ako naglakad palabas ng kwarto at bago paman ako makarating sa pinto ay nilingon ko siya. Nagulat ako ng makita kong nakatitig parin siya sa akin na para bang ayaw akong pakawalan ng mga titig niya. Bigla akong nakaramdam ng pag-init ng aking tenga at dumaloy 'yon sa buo kong katawan.

"Ba--bakit ganon? Ano bang tong nararamdaman ko?" ani ko sa aking sarili habang naglalakad sa hallway, palabas ng mansion.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status