Share

Chapter 05: Leaving Grandma for the first time

Hinintay ko ang pagtatapos ng dalawang buwan at eto na nga iyon, pasukan na naman. Eto na ang pinakakahintay kong pagkakataon upang suongin ang panibagong kabanata na nakaabang sa aking bawat hakbang. At sa araw na ito, ito rin ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami ni Lola. Hindi ko maiwaglit sa aking isipan ang nakikita kong kalungkutan sa mga mata ni lola sapagkat kailanman ay hindi pa kami nakaranas na pinaglayo. Gaano man kahirap pigilan ang nararamdaman ko pero kailangan kong gawin to para sa kinabukasan namin ni Lola. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang yakap-yakap ko siya sapagkat ngayon pa lamang ay namimiss ko na siya.

“Mag-iingat ka doon ha? At wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. Mag-aral kang mabuti, wag ka munang magboboyprend! Tsaka nalang tayo maglandi pagmakatapos na ng pag-aaral.”

“Lola....” sabay dabog ng kanang paa ko.

“Wag naman po kayo mag-isip ng ganyan. Wala pa po sa isip ko yan, para po ito sa kinabukasan natin. ‘Di ba po ikaw ang nagsabi na wag tayong susuko?” tumango lang si Lola at pinahid ang luha niya.

“Wag na po kayong umiyak Lola, parang ayaw niyo yata na umalis ako eh. Mag-aaral lang naman po ako, hindi naman po ako mag-aabroad. Sige pag di kayo tumigil, hindi nalang po ako tutuloy.”

“Wag naman apo, pagpasensyahan mo nalang ako, e kasi....mamimiss kita.” at muli na naman siyang napaiyak. Napasingap ako ng ilang sandali at inangat ang kanyang mukha para kausapin siya.

“Lola, mamimiss din kita. Wag kanang malungkot, bisitahin naman kita pag wala akong pasok e. Ikaw ang mag-iingat dito Lola dahil wala ako sa tabi mo. Wag kang mag-alala, nandyan naman si tita Belle siya muna mag-aalaga sayo habang wala ako.”

Si tita Belle siya ay ang kapatid ng yumao kong ina, isa siyang matandang dalaga. Isa rin siya sa tumayong magulang ko noong naulila ako sa aking ina. Siya rin ang nagkocomfort sa akin sa t’wing may suliranin akong kinakaharap.

“Basta yung maintenance mo Lola, wag mong kakalimutan, wag ka rin magpapalipas ng kain baka magka ulcer ka. Wag ka din magpapapagod masama po ‘yon sa kalusugan mo.”

“Tatandaan ko lahat ng bilin mo apo. Mag-iingat ka doon.”

“Opo Lola.”

“Sige na! Kailangan mo ng bumiyahi habang maaga pa para makapagpahinga ka doon pagdating mo.”

“La, I love you po.” Sabay halik sa pisngi niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

“I love you din apo.”

“Aalis na po ako Lola, tita Belle kayo po muna bahala kay Lola.” saad ko at tumango naman si tita.

“Sige iha, mag-iingat ka palagi. Pag may problema ipaalam mo agad sa amin, nandito lang kami ni Inay.

“Opo tita, salamat po! Bye Lola, bye tita Belle.

_

_

_

Tumagal ang biyahi ng tatlong oras dahil sa sobrang bagal ng daloy ng sasakyan dulot ng matinding trapik. Magtatakipsilim na ng ako’y makarating sa Centro at doon ako ay naghintay ng dalawang oras upang madaanan ng service ni Mrs. Noble. Mag-isa nalang akong nakaupo sa waiting area, at ‘yon nga ‘di ko maiwasang mangamba dahil medyo madilim ang pwestong iniistambayan ko, sira kasi ang ilaw ng poste at hindi matao ang lugar.

“KRINGGGG, KRINGGGG!!!” tunog ng phone ko at sinagot ko agad ito.

“Hello po!”

“Ms. Yen, are you there?”

“Yes, ma’am.”

“Maghanda kana at malapit na kami diyan. Sabihin mo kung nasan ka banda para ma trace ka namin agad.”

“Ahm, nandito po ako sa may waiting area ma’am.”

“Who’s with you?”

“Mag-isa lang po ako ma’am. Medyo madilim lang po kasi dito kasi wala pong ilaw.”

“Okay, just wait there.”

_

_

_

Alas 10 na ng gabi ng makarating kami sa mansion ni Mrs. Noble, napangawang ang aking labi ng masilayan ang lawak at napakagarang bahay nito. Napakadaming halaman, napakaaliwalas ng lawn at may maganda at napakalinaw na swimming pool sa may bandang gilid kung saan namamagitan sa malaking mansion at penthouse.

“Iha, this might your home starting from now.”

“Ang laki naman pala po ng bahay mo Mrs. Noble. Nakakahiya naman po sa inyo.”

“At bakit ka naman mahihiya? This is my house and you are my scholar. Everyone we brought here must be treated like our family. So wala kang dapat ikahiya, hindi kana iba sa amin. Dito kana mamamalagi hangga’t may mga opportunity na ini offer ko sa iyo.”

“Sobra-sobra naman ata itong opportunity na binibigay niyo sa akin Mrs. Noble. Hindi ko po alam kung paano ko kayo babayaran. Wag po kayong mag-alala di ko po sasayangin ang pagkakataon na ito.”

“Mabuti naman kung ganon iha. Anyway, next time wag mo na akong tawagin na Mrs. Noble. Napaka professional kasi masyado iyon. By the way, just call me tita nalang.”

“Ho!? Tita ho?”

“Yes! At bakit, may problema?”

“Wala po T-tita...”

“Very good! Ah, mamang driver? Pakihatid mo na siya sa penthouse. Susunod ako maya’t-maya.”

“Sige po ma’am. Ms. Yen, ihahatid ko na po kayo sa tutuluyan mo.” At agad naman akong tinulungan ni mamang driver sa pagdala ng bagahi ko.

“Sumunod po kayo sa akin. Dito po tayo.”

“Sige po, salamat.”

_

_

_

Nakarating na kami ni manong driver sa tutuluyan ko. At pagbukas na pagbukas ng pinto ay......

“Woahhhh!!! Ang ganda. Seryoso po kayo manong na dito po ang kwarto ko?” tanong ko sa kanya at sinagot naman niya agad.

“Oo iha, ito yung kwartong pinaayos at pinalinis sa amin ng isa nilang katulong na si Martina. Kasi nga daw may bagong scholar na dadagdag at ikaw pala yun.”

“Napakalaking kwarto naman po ito manong, parang buong tirahan napo to eh.”

“Mas swerte ka at dito ka inilagay. Mas depensya doon sa ibang iskolar na tinanggap dito. Doon kasi magkakasama sila sa buong kwarto, samantala dito mag-isa ka lang. Kaya lang pakiingatan mo sana yung ibang gamit na nanatili dito at h'wag na h'wag mong gagalawin. Pag nalaman ni boss sungit yun, lagot ka talaga.”

“Huh? Boss sungit? Sino yon?” pagtataka kung tanong kay manong driver.

“Ah yon? Dati kasi dito yon nakatira, mas gusto kasi niya na dito siya mamalagi dahil ayaw niya ng interruption. Lalo na pag nag-aaral siya. Sumasabay lang yon kina madam pag kumakain.”

“Ganon po ba? Ang weird.”

“Sinabi mo pa, pero matalino yun.”

“Wooo...ganun ba? Pero......” natigil ang pag-uusap namin ng biglang dumating si Mrs. Noble.

“Manong, pwede mo na kaming iwan.”

“Yes po madam.” At umalis agad si manong driver.

“So, what can you say about your room iha. Is it okay?”

“Ahm...okay lang naman po ma’am.”

“You forget what I said, just call me tita.”

“Ah ehem... T-tita.”

“Well, I will tell you about the condition. Pangalagaan mo ng maayos ang kwarto nato. Ngayon lang namin to pinatirhan sa iba. And about the things around here na naiwan, hayaan mo lang yan baka hanapin ng anak ko. Sumusulpot kasi yun dito minsan.”

“Okay po T-tita...”

“Your still nervous of calling me tita. From now on sanayin mo na ang sarili mo to call me like that.”

“Bakit po?”

“Because I’d like to.”

“And also if you want to cook, nandyan lang ang kitchen. If you need a bathroom, then use it. You can do whatever you want. Magpapadeliver nalang ako bukas ng lahat ng kakailanganin mo dito. Do you understand?”

“Ye-yes po tita.”

“I’ll remind you, ang room na to ay di katulad ng room sa ibang mga scholars dito. How I hope you will take good care of this so that my son will never disappointed.”

“Okay po tita, I do.”

“Well, let’s see each other tomorrow morning iha, join with us on breakfast. I hope you will come and never reject my invitation. Ipapasundo kita sa isa naming maid dito.”

“S--Sige po.”

“Okay, enjoy the night and take a good rest.”

“Thank you po tita.” at umalis na si Mrs. Noble. Pumasok na din ako sa kwarto at humiga sa napakalambot na kama.

“Napakalambot naman ng kama nato, talagang pang VIP.” nakangiti kong saad habang nakatingin sa kisame, pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko ang screen. Nakita ko ang piktyur namin ni Lola na naka wallpaper.

“Sana ikaw kasama ko sa pagtulog sa malambot na kama nato Lola. Miss na kita agad.” di ko inaasahan ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata.

“Kaya ko to. Laban lang.”

_

_

_

Kinabukasan.......

Naglalakad ako sa pathway kasama ang isang maid. Ginaguide nito ako patungo sa dining room ng pamilyang NOBLE.

“Dito po miss, diretsuhin mo lang po ang hallway at sa dulo nandon ang dining room.”

“Salamat po manang.”

“Walang anuman. Sige po.”

Nilakad ko ang hallway at ng makarating ako doon bumungad sa akin ang mahabang mesa at iba’t ibang hitsura kaya natigilan ako dulot ng pagkagulat.

“WELCOMEEEEE.....!!!!!” bati sa akin ng mga dating iskolar na sinalubong ako ng matatamis na ngiti. Bigla akong nahiya sa sarili ko ng mapansin ko na di man lang ako nakapagbihis ng maayos. Naka sleepwear lang ako at tsinelas.

“Ms. Yen, iha. Halika at sabayan mo na kaming kumain. Abay, kanina pa kami naghihintay sayo, gustong-gusto ka kasi nilang makita.” Kahit nahihiya ay pinigilan ko ang sarili ko na di mahalata.

“Hello po!” kumaway ako ng kunti sa kanila at tumugon naman din sila.

“O sige na, maupo kana dito at sabay-sabay na tayo.” umupo ako para kumain, ngunit may umagaw sa akin ng atensyon. Napansin ko ang lalaking bumaba downstairs at di ako nagkakamali sa nakita ko.

“OMG!!! Siya yung binata doon sa opisina ni Mrs. Noble.” sabi ko sa aking isipan habang nakatitig sa lalaking palapit sa amin.

“Hi mom, good morning.” Sabay halik kay Mrs. Noble.

“Come on son, join with us.”

“Of course, why not.” agad itong umupo kaharap ko at di inaasahang magtagpo ang aming mga paningin. Wala akong ibang nakitang emosyon sa kanyang gwapong mukha kundi ang kanyang nakakaantig na ngiti. Umiwas ako ng tingin sa kanya at inilipat yun sa aking pagkain.

“O diyos ko, ba’t ba siya nakatitig sa akin.” sabi ko sa aking isipan at ipinukos lang ang aking atensyon sa isinusubo kong pagkain. Natigilan ako ng bigla siyang nagsalita.

“Shun right?!” nakatitig lang ako sa kanya habang nakasubo pa sa aking bibig ang kutsara.

“You are the girl in mom’s office.” tinanggal ko ang pagkakasubo ng kutsara sa aking bibig, at sinagot kahit di ko pa tapos nguyain ang pagkain.

“Yes po.”

“Now that I know you, I’m happy that I see you again.” Nagtaka ako sa sinabi nya at di ako nakasagot, parang iba kasi pakiramdam ko sa sinabi niya.

“Don’t think that I’m a bad guy. I just wanted to know each other. I’m Kevin.” sabay abot ng kanyang kamay sa akin at dahan-dahan ko namang inabot ito.

“I’m Shun. Shun Yen.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status