Share

Chapter 03: Hopeless

Bago magtakipsilim ay nakarating na ako sa bahay, at agad naman akong sinalubong ni lola sabay nagmano sa kanya.

“Mano po Lola. Pasensya na po kayo at natagalan ako ng uwi.” ani ko sa kanya, at tumango lang siya.

“Kumusta naman ang lakad mo ngayon? Ayos lang ba? Nakapag inquire ka na ba kung saang akademya ka mag-aaral?” sunod-sunod na tanong sa akin ni lola at napagbuntong huminga ako ng malalim.

“Oh bakit? Para yatang ang bigat-bigat ng hiningang binitawan mo, may problema ba?” tanong niya ulit.

“Wala po Lola, wala pong problema. Maayos Naman po ang lakad ko kanina, actually my napili napo akong academy na maaaring pasukan ko.”

“Eh mabuti naman kung ganon! Ay heto, pinaghanda kita ng paborito mong ulam, kumain kana para makapahinga ka. Alam kong napagod ka sa biyahi.”

“Sige po lola.”

Pagkatapos kong kumain agad akong nagtungo sa aking silid. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at napatitig nalang sa kisame.

“Paano ko kaya sasabihin kay Lola na ang inapplayan kong akademya ay hindi pampubliko, kundi isang pribadong paaralan.” pagmumuni-muni ko sa aking sarili at naguguluhan.

“Sana makapasa ako sa scholarship, lord please tulungan ‘nyo po ako. Kailangan ko pong makapag-aral at magtapos ng kursong gusto ko. Para makaahon kami ni lola sa kahirapan.”

>>>FLASHBACK<<<

“Beshy, eto yung akademya na sinasabi ko sayo.” ani ng bff ko habang ako ay nakatingala sa napakalaking pader ng paaralan na iyon.

“Teka besh, hindi eto dapat isa itong pribadong paaralan, sobrang mahal ang tuition dito.” reklamo ko sa kanya, at ikinangiwi ng nguso niya.

“So ayaw mo? Ba’t 'di mo kasi subukan? Sasamahan kita ngayon sa office at ipapakilala kita sa staff ng tanggapan. Sasabihin nating gusto mong mag-aral dito at mag-aapply ka ng scholarship.”

“What??? Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hinablot sa kamay.

“Ang arte mo! Halika na.”

At di katagalan ay nakarating kami sa office at doon bumungad sa amin ang isang staff na may edad na mga 40’s o 50’s ngunit di halata sa edad niya sapagkat maganda Ito at mukhang mayaman.

“Yes, please!” pauna niyang salita sa amin sabay lahad ng kanyang kamay sa dalawang magkahakbang na upuan sa harap ng desk niya.

“Maupo kayong dalawa.” At dahan-dahan kaming lumapit sa upuan at umupo doon.

“Ano nga bang maipaglilingkod ko sa inyo mga iha?”

“Ahm...mag-e-inquire lang po sana kami Mrs....” hindi pa natapos magsalita si Julliene at dumugtong din ito sa kanya.

“Mrs. Noble. Tawagin niyo akong Mrs. Noble.” napangiti nalang kaming dalawa sa kanya at napabati ako.

“Magandang hapon po sa inyo Mrs. Noble, nagagalak po akong makilala po kayo.” pabati ko sa kanya at nginitian niya ako.

“Ibig sabihin nagpunta kayo dito for inquiry right?”

“Opo ma’am.” Sabay naming sagot ni Julliene.

“So para saan?”

“For school registration po ma’am.” sagot ko sa kanya.

“But before that nais ko po malaman kung nagpopromote kayo ng scholar, at kung meron man yon nais ko po sanang mag-apply.” tinitigan lang niya ako ng ilang segundo bago ako na nman ang tinanong niya.

“Anong pangalan mo iha?”

“Shun po. Shun Yen.”

“Okay, kung gusto mo talagang makapasok sa akademya na’to, kailangan mo mag take ng examination at pagnakapasa ka sa scholarship. Tanggap kana.” nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong na despiradang magtanong pa.

“Pagnakapasa po ba ako ma’am makakapag-aral napo ako dito sa akademya na to? Kaso Lang po malayo po ‘yong bahay ko, nasa lungsod lang po kami napakalayo dito. Isa pa mahirap lang po kami, wala po akong sapat na financial para sa mga magiging expenses ko araw-araw, at tsaka wala po akong matitirhan dito.” lungkot kong sabi.

“Iha? Kaya ka nga magtetake ng scholar para may matatanggap kang allowance monthly at wala kang babayaran na tuition fees. Ibig sabihin ako na ang bahala sa magiging financial mo dito.” nagulat ako sa sinabi niya at ikinatuwa naman ni Julliene.

“Po?” tipid kung tugon at dinuro ni Julliene ang kanang dibdib ko.

“Oh see? Sabi ko sayo eh...ayaw mo kasing maniwala. Makakapag-aral kana, may allowance ka pa ibig sabihin may ipanggagastos kana rin pang maintenance ni Lola Lucing.”

“May sakit po ba ang Lola mo?” biglang natahimik kaming dalawa ng magtanong si Mrs. Noble tungkol Kay lola.

“Ay, pasensya napo kayo ma’am masyado lang kasing madaldal tong kaibigan ko.” sabay sipa ko ng palihim sa mga paa ni Julliene habang nakatitig sa akin si Mrs. Noble.

“Ouch!!! Ano ba?” reklamo niya at pinandinilatan ko ng mata.

“Wag ka ngang maingay.” pabulong kung sabi sa kanya.

“Kung sakaling pumasa ka, di mo na kailangan pang mag-alala pati sa titirhan mo dito. Pag uusapan natin yan pag lumabas na ang results ng examination.”

“Kailan ho ba lalabas ang results ma’am? Gaano po katagal?”

“3-4 days pinakamatagal na yan. After 4 days na wala kang matatanggap na message galing sa akin. Ibig sabihin ‘non, di ka pumasa.”

“Okay po ma’am.”

“Kailangan mo munang e fill-up ang form nato, kailangan kumpletuhin mo personal information mo, pagkatapos niyan pwede kana magsimula mag-exam.”

“Sige po ma’am.”

“Magsabi ka lang kung tapos na at ihahatid na kita sa assessment room.”

>>> PRESENT <<<

“Hahay! Sana lang talaga makapasa ako. Sayang naman pagod ko sa biyahi, ang layo pa naman.” ani ko sa sarili ko, at bumangon sa kakahiga ko sa kama.

“Makapag-shower na nga.” Sabay tayo sa kama at kinuha ko ang towel bago pumasok sa banyo.

_

_

_

4 DAYS LATER.....

Tagaktak ang pawis ko habang ako’y sumasabay sa tugtog ng musika. Mahilig kasi akong sumayaw, kung ‘di niyo maiitatanong naging membro din ako ng dance squad ng buong kampus namin nong highschool. Di ko maiwasang tingnan ang sarili kong galaw sa naglalakihang salamin sa harap ko. Sabayan pa ng nakakaindak na musika upang laruin ang bawat signatura ng aking galaw. Pagkatapos kong magsayaw, agad kong pinulot ang facetowel na siyang ipinahid ko sa aking pawis. Sa isang iglap nahagip ng paningin ko ang kalendaryo sa sulok ng dance room, nilapitan ko ito at tiningnan.

“OMG!” gulat kong sabi.

“Pang-apat na araw na pala ngayon mula ng nag exam ako. Pero bakit wala paring clue, baka hindi ako nakapasa.”

Tiningnan ko pati cellphone ko pero wala paring bakas akong nakikita.

Buong hapon kong hindi maiwaglit sa isip ko ang petsa nayon. Hanggang sa gumabi, doon na nagsimula na parang nawalan na ako ng pag-asa.

“Wag na kasi tayong mag-assume self. Siguro hindi talaga para sa akin ang pagkakataon na ‘yon. Pero bakit parin ako umaasa?” mangiyak-ngiyak kong sabi sa sarili ko habang yakap-yakap ko ang malambot na unan.

“Ano ba naman ‘tong ginagawa ko, ba’t ba kasi ako umiiyak.” pinahid ko ang aking luha sabay hila ng kumot upang balutin ang aking katawan.

“Sana lang mabigyan ako ng chance, panginoon pagbigyan naman po ninyo ako.” huling hiling ko bago ko paman ipinikit ang aking mga mata para matulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status