Share

Chapter 02: Meeting Julliene

Tinitingnan ko ang wrist watch ko para e check ang oras habang naghihintay sa bff kong si JULLIENE. Isang oras na din kasi ang nakalipas pero wala paring kahit clue na darating talaga siya, kaya habang wala pa siya, napag-isipan kong pumunta muna sa restroom para ayusin ang sarili ko.

“Bakit ba kasi wala kapa beshy, may importante pa naman akong lalakarin ngayon.” bulong ko sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin sa wall ng restroom.

“Hayyyy! Darating pa kaya siya? Baka hindi na siya darating, sayang naman ngayon pa lang sana kami magkikitang muli, tapos walang mangyayari.” lungkot kong pagmumuni-muni at bagsak ang balikat habang nakatingin sa aking repleksyon. Maya’t maya narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, at agad kong sinagot ito.

“Hello!”

“Oh beshy, nasan ka? Nandito na ako. Sorry medyo natagalan ako, dumating kasi yung jowa ko kanina sa condo.” paliwanag niya.

“Salamat naman at nakarating ka na, kanina pa ako naiinip eh. Sige hintayin mo ako dyan.”

“O sige besh. Wag mong tagalan.”

“Okay, sige!” agad kong pinatay phone ko tsaka muling humarap sa salamin pagkatapos ay lumabas na ng restroom.

_

_

_

Pagkatapos ng tawag ay naglalakad ako papunta ng dining area, at doon ko nasilayan ang bff ko na napakalawak ng ngiti niya sa labi habang pinapanood akong naglalakad papunta sa kanya.

“BESHYYYYYY!!!” tili niya na parang gigil na gigil na yakapin ako. Natuwa naman ako sa reaksyon nya, at agad na lumapit sa kanya.

“Ahyy, beshyyy namiss kita.” ani ko sa kanya at nagyakapan kami, nagharutan at nagtawanan.

“Halika, opo tayo.” agad naman kaming umupo ng magkasabay. “Oh sige, order kana ng gusto mo ako bahala sa bill.” napasingap ako ng malalim at ngumiti lang sa kanya.

“Siguro beshyyy, ikaw nalang mag order para sa akin.” napatingin sya sa akin.

“E bakit naman ako, paano kung di mo nagustuhan yung inorder ko, baka magkocomplain ka.”

“Ay naku beshy, kilala mo ako.” napangiti nalang siya sabay kuha ng food menu.

“So kung ganon, dating gawi?” tumango lang ako sa kanya.

“Ikaw bahala.” tipid kong sagot.

“Okay.” sagot niya.

_

_

_

Nang matapos kami, ay agad kaming lumabas at namasyal. Dito na namin napag-usapan tungkol sa magiging carrier namin.

“So kumusta naman kalagayan mo sa States besh? Ayos lang ba?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Oo naman, kaya lang namimiss ko talaga dito. Nasanay kasi ako dati na lagi tayong magkasama. Kaya lang noong grumaduate tayo ng elementary, kinailangan talaga naming sumama kay Daddy sa States para makapagfocus siya ng maayos sa business namin. Kaya ayon nagkahiwalay tayo.” lungkot niyang saad sa akin at hinawakan ko nalang ang balikat niya

.“Alam mo besh, hindi ka dapat malungkot at isa pa wag mo akong alalahanin, ayos lang naman ako. Sa totoo lang naiingit ako sayo kasi yung mga parents mo kayang kaya ka nilang suportahan sa lahat ng kagustuhan mo. Samantala ako, eto kung anong meron kuntento na ako.”

“Sabagay, may point ka.” napakibot ang labi niya at biglang naningkit ang mata.

“Teka! Nakapagregister kana ba besh for college enrollment?” tanong niya sa akin at agad ko namang sinagot.

“Hindi pa nga eh. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng ipanggastos sa aking pag-aaral lalo na’t kinahanglan ko rin ng panggastos sa maintenance ni Lola.”

“Nagme-maintenance si Lola ng gamot?” gulat niyang tanong at napatango nalang ako.

“Oo besh. Pero 'di ako susuko, gagawa ako ng paraan.” napangiti nalang ako ng kunti, ng maya’t maya may sumagi sa utak ng bff ko.

“Teka! Hindi ka ba nagtry mag take ng scholarship?” ani nya at umiling ako.

“Hindi.” tipid kong sagot.

“Mag-take ka kaya, alam mo pagpumasa ka hindi ka na mamomroblema ng financial mo for your studies, basta e maintain mo lang yung grades mo. Dapat manatili ka palaging mataas ang grades mo. Sayang naman yang talino mo na yan kung hindi mo gagamitin.” napaisip ako ng malalim at agad na napatanong sa bff ko.

“Ehem, sa palagay mo? Papasa kaya ako pag sinubukan ko?” mahina na parang pabulong kong tanong sa kanya.

“Magtiwala ka sa sarili mo besh, ano ka ba naman? Ngayon Ka pa lang ba mag aalinlangan? Matalino ka, grumaduate ka nga ng highschool na may medalya. At isa pa isipin mo, SALUTATORIAN ka. Bawing bawi naman kahit mahirap ka, mataba naman yang utak mo.” tumingin lang ako sa kanya na may pag-iisip.

“Siguro.....tama ka besh. Ang tanong saan ba ako mag aapply, alam mo naman kay dami-daming kolehiyo sa bansa Natin. Naguguluhan na nga ako eh, ang hirap naman.” napasalubong ang dalawa kong kilay.

“May alam akong akademya na maaari mong pasukan beshy.” Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong braso.

“Sasamahan kitang mag-inquire doon. Ano, payag ka? Wag mong palampasin ang pagkakataon na ito beshy, I’ll make sure you won’t regret it.” napangiti nalang ako sa bff ko at tumango sa kanya.

“Sige, nasaan ba?” inakbayan niya ako at sabay harap sa rotang pupuntahan namin.

“Ako ang bahala. Let’s go?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status