Lumiwanag ang screen, at sa madilim na kapaligiran ng larawan, hinihila ng isang lalaki ang isang babae. Ito na! Nagulat ang lahat, patuloy na kumikislap ang liwanag, at ang mga reporter ay kumukuha ng mga larawan, nag-aabang na lumitaw ang isang iskandalo ng isang mayamang pamilya.Hindi lumingon si Kaena. Alam niya na ang larawan ay inilabas sa pamamagitan ng pagtingin sa reaksyon ng mga manonood. Tuwang-tuwa na itinuro niya si Mariana. "Ang tao sa larawang ito ay si Mariana, isang guro sa sikolohiha sa A University at ang dati kong hipag. Gusto kong isumbong si Mariana, ang asong babaeng ito! Niloko niya ang kanyang asawa at nakikipag-ugnayan sa mga lalaki kahit saan!" sambit niya. Siya ay puno ng pananabik, at ang eksena ni Mavros na itinutulak si Mariana palayo ay galit na lumitaw sa kanyang harapan. Tumingin siya kay Mariana para makita kung matatakot ba siya. Ngunit hindi nagtagal ay nalaman niyang walang emosyon si Mavros at walang ekspresyon na tumingin s
Ang mga reporter na naroroon ay naitala ang lahat ng mga salita, at ang mga pagkislap ay hindi tumigil. Nang ang ina ni Ruiz ay pinandilatan ng mata si Mariana, ang camera ay direktang nakatutok sa kanya, naghihintay para sa kanyang sasabihin ng isang bagay na mahalaga. Isang pigura ang humarang sa daan ni Mariana. Sinulyapan lang siya nito, at lahat ng mga reporter na dumating ay napaatras, at hindi man lang nangahas na itaas ang recorder sa harapan niya.Lalong naging madilim ang mukha ni Mavros Torres, nanlalamig ang kanyang mga mata, at pinigilan niya ang kanyang galit. "Mali ka, ang lalaki sa video na ito ay kinuha ni Kaena Ruiz para bastusin si Miss Ramirez. Dapat marinig ng lahat ang usapan sa video. Sa tingin mo ba lahat ay tanga?" Nagbago ang mukha ni Tyson Ruiz. Oo, bagama't sapilitang pinatay ang video pagkatapos lamang mag-play ng higit sa sampung segundo, mayroon pa ring ilang mga pag-uusap sa loob nito. Inakusahan ng lalaki si Kaena Ruiz na humiling sa kanya
Ngumiti si Nova Castro at sinuklay ang buhok sa likod ng kanyang tenga. "Sa totoo lang, matagal na ako na hindi hurado. Hindi ko kaya na manatili sa Pilipinas ng matagal na panahon." "Ang ilan sa iyong mga teorya ay palaging gabay para sa mga mag-aaral sa eskwelahan ng sikolohiya sa A University. Alam kong naimbitahan ka na sa mga internasyonal na kumpetisyon noon, ngunit tinanggihan mo ang mga ito. Ngunit nais ko pa ring hilingin sa iyo na tingnan muna ang mga ito." taos-pusong sabi ni Mariana. Naglabas siya ng isang stack ng mga dokumento mula sa kanyang bag at ibinigay ito kay Nova Castro. "Ang mga dokumentong ito ay isinulat lahat ng ilang mga mag-aaral batay sa iyong mga teorya. Ang ilang mga mag-aaral ay nagmungkahi ng mga bagong ideya. Sana ay maaari mong tingnan."Biglang kinuha ni Nova Castro ang lahat ng mga dokumento at binaliktad ang mga ito. "Salamat, titingnan ko ng mabuti." Nakahinga ng maluwag si Mariana. Hindi siya 100% na sigurado na papayag si Nova Cas
Walang pagod siyang nagtrabaho para buhatin ang maraming bag, ngunit wala siyang kamay para umabot sa mga bag. "Tulugan niyo ako." Naramdaman niyang gumaan ang kaniyang mga kamay, at lahat ng mga bag ay nakuha palayo, habang si Mavros ay sumunod malapit sa itaas na may mga malalaki at malilit na mga bag. "Mr. Torres, hayaan mo akong kunin din ang iba!" nagpanggap siya para kumuha. Kinuha na nina Maxine at Ellie ang elevator, at naghihintay sila para sa susunod na elevator sa pinto. Umigtad si Mavros, "Ako ang gagawa nito." "Mr. Torres, masyado na itong marami, bigyan mo ako ng ilang mga bag." sinubukan niyang humaklit ulit. Kahit na hindi naman ito mabigat, masyado na itong marami at hindi ito madali na buhatin. Dumating ang elevator, "Mauna ka nang pumasok." sambit ni Mavros. Agad na pumasok si Mariana sa elevator, ngunit nakita na masyadong malawak ang bag nang tangkang papasok na si Mavros at bahagyang natigil, kaya nagmamadali siha para hilahin ang ba
Marami siyang mga bagay ng paghihinala. Sina Kaena at ang ina ni Tyson ang mga taong pinaka-ayaw siya. Hindi dapat makakaya na gawin ito ni Tyson, pero hindi ito ganap na imposible. Pagkatapos ng lahat, sapat na siya para ibagsak ang dati niyang katalusan. Nagtanong si Kaena para sa diretsong pagliban para sa piging kahapom at ngayon ay nasa bahay. Walang pag-aalangan, nagtungo siya sa bahay ng mga Ruiz sa sandaling maaari. Gulat ang katulong na nagbukas ng pinto nang makita siya. Pagkatapos ng lahat, pinagalitan siya nina Kaena at ng ina ni Tyson sa bahay buong araw. "Miss Ramirez, bakit ka nandito?" "Gusto kong hanapin si Tyson." diretsong saad ni Mariana. "Miss Ramirez, wala sa bahay si Mr. Ruiz. Bumalik ka na lang sa ibang araw." "Sino ito?" Isang marahang boses ang dumating mula sa pinto. Lumapit si Diana at nakita na ito ay si Mariana. Sa isang sandali, hindi niya alam kung paano mag-react. Maaari lamang siya matuyonh tumawa at sabihing, "Ikaw, bakit ka nandito?" Walang
"Guro Mariana, seryosong bagay ito. Bakit hindi ka pumunta at kumuha muna ng ilang impormasyon? Pagkatapos ng lahat, may ilang araw pa bago ang kompetisyon." nag-alinlangang sambit ni Principal Castro. Kahit na siya ang principal, nasa harap ang board ng eskwelahan. " Alam ko, Principal. " Mukhang taimtim si Mariana. Pangunahin siyang tinulak ng galaw ng pamilya Ruiz. Matapos lisanin ang opisina ng principal, nagtungo siya sa silid ng psychological counseling, kung saan naghihintay si Maxine parabsa kanya. "Ate Mariana, alam ko na ang lahat. Ano ang dapat nating gawin ngayon?" Mapait na ngumiti si Mariana at sinabing, "Maaari lang nating makipag-ugnayan muli kay Senior Nova Castro." Inihalo din niya ang kanyang sariling thesis sa impormasyong ibinigay niya kay Nova Castro, na tungkol sa direksyon ng pinakabagong pananaliksik ni Nova Castro. Ngunit paano kung hindi ito nakita ni Nova Castro? Alas tres ng hapon. Pinanood ni Kaena ang mabangis na ta
Ito dapat ang psychotherapist na natagpuan ni Mr. Torres para kay Maxine, at ang babaeng naghihintay sa kanya sa front desk ng hotel kanina lang. Sa dulo ng dokumentong ito ay isang flow chart para sa kompetisyon ng sikolohikal na pag-aaral, kasama ang paksa sa tanong ng sanaysay. Naisip niya, marahil ay dapat niyang makipag-ugnayan sa mga mag-aaral ng bagong panahon at tingnan kung anong uri ng kagalakan ang maidudulot sa kanya ng henerasyo na ito ng mga bagong estudyante. Matapos bumalik ni Mariana sa bahay, tulala siyang nakatingin sa bintana.Pakiramdam niya ay tama si Nova Castro. Si Nova Castro ay nag-aral sa ibang bansa ng maraming taon, lumahok sa maraming proyekto sa sikolohiya, at natatangi sa pag-aaral ng sikolohiya. Sa pagkakataong ito nang bumalik siya sa Pilipinas, ang symposium na kanyang ginanap ay hindi lamang para tulungan ang mga sikolohikal na eksperto at iskolar sa Makati na malutas ang mga problema, kundi pati na rin ang pag-aralan at paghiwa-hiwalayin an
Isang araw bago ang kompetisyon, abala si Mariana sa paaralan. Siya at ang mga tao mula sa Departamento ng Mga Aktibidad at Departamento ng Pagpaplano ay nagdedekorasyon sa auditorium. Maging si Professor Glen ay nag-alala at nanatili hanggang gabi. "Nailagay mo na ba ang mga tanong sa pagsusulit para sa kumpetisyon?" Tanong ni Professor Glen. Tumango si Mariana, "Nasa safe na sa silid ng konsultasyon. Ako lang ang may susi ng safe." Tumango si Professor Glen, "Mabuti naman." Pagkaalis ni Propesor Glen, sinubukan muli ni Mariana ang iba't ibang kagamitan sa auditorium. Pagkatapos ng lahat ay handa na ito, 11:30 na ng gabi. Nakahinga ng maluwag si Mariana. Kahit ano pa, basta maging maayos ang kumpetisyon bukas, kahit anong pagod niya, magiging sulit ito. Bumalik siya sa silid ng konsultasyon para ayusin ang mga gamit niya. Bago siya umalis, nakatanggap siya ng tawag mula kay Maxine Torres, "Max?" Nanggaling sa telepono ang nag-aalalang boses ni Maxine, "Ate Mariana, bak
"Nasaktan ka." ani Mavros, bahagyang mababa ang boses. Tila sumabog ang tahimik na kulay itim na mga ulap kasabay ng pagkislap ng liwanag at pagkalabog ng kulog. Nanginig ang buong katawaan ni mariana at saka ibinagsak ang sarili kay Mavros. Tag-ulan talaga ang kinatatakutan niya, lalo na ang kulog at kidlat. Pinulupo ni Mavros ang kanyang braso sa baywang ni Mariana, humahaplos naman sa buhok ni Mariana ang isa pa niyang kamay. Hindi nakita ni Mariana ang pagkaka-konsenysya at bahagyang pagka-bahala na dumaan sa mga mata ni Mavros. Sininghot naman ni Mariana ang halimuyak na nasa dibdib ng binata, puno ng seguridad, Panigurado ay nakokonsensya lamang si Mavros na hindi niya nakilala si Mariana ng maaga. KINABUKASAN, nawala na ang ulan mula kagabi, at malakass na lumabas ang sikat ng araw sa sumunod na umaga, na tila ba walang ulan na bumuhos kagabi. Iminulat ni mariana ang kanyang mga mata, ngunit nakita niya naa wala na ang lalaking katabi niyang matulog kagabi. Hinap
Ang ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at
Nagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga
Ngunit direktang sumandal si Mariana kay Mavros, inunat ang mga daliri at idinuro sa kanyang mukha. "Ha? Ikaw si Mavros Torres! Bakit dalawa ang ilong mo?" Nais tumitig ni Mariana sa ilong ni Mavros dahil sa kalituhan, ngunit hindi na niya kaya pang kontrolin ang kanyang tingin sa mga oras na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nakakaramdam ng hilo, kaya ibinagsak na lamang niya ang buong katawan kay Mavros. "May gusto sa akin si Mavros." aniya. "Anong sinabi mo?" magaang sabi ni Mavros. Puno ng lambing ang mga mata nito, pagkatapos ay inalalayan ang katawan ni Mariana. Ngunit humagikhik lamang si Mariana sa kaniyang tanong. Marami na rin siyang nainom, ngunut hindi siya ganoon ka-lasing kaysa kay Mariana, at malinaw pa rin ang lahat ng nangyayari para sa kay Mavros. Inangat ni Mavros ang kanyang kamay upang magtawag ng tao na tutulong sa tatlong kasama nila pabalik sa mga kwarto nito. Nais na rin niyang bumalik si Mariana sa sarili nitong silid. Ala una na ng u
Sa loob ng study room ay naroon ang low pressure na nqgpapasikip ng dibdib ni Mavros. Nagsusulat ng calligraphy painting ang kanyang lolo sa desk nito, ni hindi tinqtqpunqn ng tingin ang bagong dating na apo. Matagal na oras pa bago natapos ang painting. Ibinaba ni Mr. Torres ang kanyang ballpen bago nagsalita. "Anong pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" "Ilang mga trivial matters lang." sagot ni Mavros. "Trivial Matters? Nakikita ko na nagpapakasawa ka sa pag-ibig. Hindi kita pinagbabawalan na maging affectionate, pero dapat mong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa babaeng iyan." saad ng matanda, ouno ng pag-aalala ang mukha nito. Ngumiti si Mavros. " Lolo. Kilalang kilala ko na siya, hindi mo na kailangan pang makinig sa ibang tao. " aniya. Ngumiti rin ang matanda. "Paano mo naman nalaman?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Mavros. "Kung wala namang nagreklamo, bakit bigla mo na lang ako tinawagan para magpunta rito?" "Well, may taong
Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa. Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon.... Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito. Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana. "Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros. Sandaling natahimik si Mariana. "Uhm... I-I..." "Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana. "Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses. Inil
Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik
Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"
"Hindi nga siya nakinig, pero hindi ka naman pwedeng tumayo na lang at panuorin siyang mamatay! Umaasa rin si Kaena sa 'yo. Niloko ng bitch na iyon ang kanyang asawa at tinangay ang napakaraming pera! Nakaasa sa 'yo ang kapatid mo. Paano mo nasisikmurang hindi siya tulungan!" dinuro ng ina ni Tyson ang ilong ng anak habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Tyson, kapatid mo naman siya kahit papaano. Maaapektuhan rin nito ang reputasyon ng pamilya Ruiz. Maraming tao na ang nangutya sa sa pamilya niyo noon. Natatakot ako na sa pagkakataong ito ay..." payo ni Diana kay Tyson.Hindi natatakot si Diana para kay Kaena, natatakot siya sa sarili niyang reputasyon.Tumingin ang ina ni Tyson kay Diana na may pasasalamat, "Mabait ka talaga, Diana, may konsiderasyon at maalalahanin." sambit nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Tyson. Alam niya ang totoo. Kung nag-iisa lang sana si Mariana, madali lang itong maresolba, ngunit ngayon ay nariyan si Mavros at tinatarget nito ang kanilang pamilya."Sa k