Isang araw bago ang kompetisyon, abala si Mariana sa paaralan. Siya at ang mga tao mula sa Departamento ng Mga Aktibidad at Departamento ng Pagpaplano ay nagdedekorasyon sa auditorium. Maging si Professor Glen ay nag-alala at nanatili hanggang gabi. "Nailagay mo na ba ang mga tanong sa pagsusulit para sa kumpetisyon?" Tanong ni Professor Glen. Tumango si Mariana, "Nasa safe na sa silid ng konsultasyon. Ako lang ang may susi ng safe." Tumango si Professor Glen, "Mabuti naman." Pagkaalis ni Propesor Glen, sinubukan muli ni Mariana ang iba't ibang kagamitan sa auditorium. Pagkatapos ng lahat ay handa na ito, 11:30 na ng gabi. Nakahinga ng maluwag si Mariana. Kahit ano pa, basta maging maayos ang kumpetisyon bukas, kahit anong pagod niya, magiging sulit ito. Bumalik siya sa silid ng konsultasyon para ayusin ang mga gamit niya. Bago siya umalis, nakatanggap siya ng tawag mula kay Maxine Torres, "Max?" Nanggaling sa telepono ang nag-aalalang boses ni Maxine, "Ate Mariana, bak
Ikinaway ni Mavros ang kanyang kamay at naglakad papunta sa kusina. Kumulo na ang gamot. Nagsalin siya ng gamot sa isang mangkok at dinala ito. "Inumin mo habang mainit. Nilagyan ko ng maraming tubig ito. Inumin mo lahat." Tumingin si Mariana sa malaking mangkok, na mas malaki kaysa sa kanyang mukha, "Sobra ito." Dinala na ni Mavros ang kaserola, at mayroon pa ring isang buong mangkok. "Para sa kalusugan mo." Magiliw na ngumiti si Mavros. Naramdaman ni Mariana ang pangangati ng kanyang anit. Kumuha siya ng kutsara at sinandok iyon. Nang tumingala siya, nakita niya ang mga mata ni Mavros at nakaramdam siya ng sobrang hindi komportable."Mr. Torres, gabi na. Bumalik ka na roon at magpahinga." Ayaw niyang titigan siya ni Mavros habang umiinom siya ng napakaraming gamot. Sa pagkakataong ito, hindi na tumanggi si Mavros. "Tandaan mo na inumin ang lahat." Pagkasabi noong ay umalis na siya. Sobrang pait ng gamot. Nahirapan si Mariana na lunukin ito. Nang maisip niyang marami
Si Nova Castro, Propesor Glen at iba pa na mga hurado ay medyo nabigla nang makuha nila ang mga bagong tanong sa pagsusulit, na iba sa mga natanggap nila noong umaga. Ang lahat ng mga kalahok ay mayroon lamang sampung minuto upang sagutin ang mga tanong. Nakakabigla na nang matapos ang lahat sa pagsagot, apatnapung tao lamang ang umabante. Umabante si Maxine Torres at naalis si Kaena Ruiz. Galit na inilabas ni Kaena ang gusot na papel ng pagsusulit mula sa kanyang bag na pang-eskwelahan. Nagmadali si Carol para aliwin siya, "Ayos lang, Kaena, kompetisyon lang ito." "Umalis ka! Layuan mo ako!" Pinunit ni Kaena ang papel ng pagsusulit at itinapon ito sa lupa na parang baliw. Lumayo si Carol na medyo malungkot, bumubulong, "Bakit ka nagagalit? Hindi ka matagumpay na nandaya, at sinisisi mo ako!" Naging maayos ang ikalawang saklaw ng kompetisyon. Sa tuwing may ipapalabas na video sa video, lahat ng grupo ay nagsimula nang magsulat ng isang bagay sa papel, at ang buong auditor
Naging matalas ang mga mata ni Mariana, tumitig kay Kaena at nagtanong, "Sino ang nagsabi sa iyo niyan?" Ang mga mata ni Kaena ay umiwas sa kanyang paningin, ngunit sinabi pa rin niya nang may determinasyon, "Huwag kang mag-alala kung sino ang nagsabi sa akin niyan. Siya nga pala, ang papel ng pagsusulit na ito ay ang papel ng pagsusulit para sa kumpetisyon. Huwag mo ng itanggi ito, o hayaan ang mga tao sa departamento ng aktibidad na tingnan kung sino ang nagsisinungaling! Tinulungan mo si Maxine na mandaya dahil maganda ang relasyon mo sa kanya!" Ang mga taong naroroon ay muling nag-alab sa galit. Kung talagang ito ay katulad ng sinabi ni Kaena, hinahamon ni Mariana ang nerbiyos ng bawat isa sa kanila. Ang pangmatagalang kaluwalhatian ng Paaralan ng Sikolohiya ay palaging dahil sa taunang kumpetisyon ng kaalaman sa sikolohikal. At ngayon, may nandaya talaga sa kompetisyon ng paaralan! Walang pakialam na ngumiti si Mariana at iniunat ang kanyang kamay para pigilan ang atensy
"Hindi!" Umakyat si Kaena na parang nabawi na niya ang kanyang lakas. Sumigaw siya na tila isang baliw, "Principal! Hindi ka dapat tumawag ng pulis! Kung tatawag ka ng pulis, matatapos ang buhay ko! Hindi! Ako ay mula sa pamilyang Ruiz! Ang aking kapatid na lalaki ay nasa board ng paaralan. Paano mo isasantabi ang board ng paaralan!" Talagang hindi! Puno ng luha ang mga mata niya. Hindi siya dapat tumawag ng pulis! Siya ang panganay na anak na babae ng pamilyang Ruiz sa Makati, ang pinagtutuunan ng pansin ng lahat. Sa sandaling tumawag siya ng pulis at napunta sa kulungan, siya ay itatakuwil ng lahat ng mayayaman na mga babae sa Makati, at hindi maiiwasan na maging puntirya siya ng panunuya ng Makati. Medyo nag-alinlangan si Principal Castro, pagkatapos ng lahat, nasa board naman ng eskwelahan ang pamilya Ruiz. Si Mavros ay napakalamig, "Principal Castro, huwag kang mag-alala, ang lupon ng paaralan ay hindi isang tao na hindi makikilala ang tama sa mali. Bukod dito, ang bagay
"Ilagay mo lang ito nang mas matagal pa." Nang maalis na ang yelo ay bumukas ang pinto ng infirmary. Pumasok si Tyson at ang ina ni Ruiz, na sinundan ni Diana at ang pamilya Rellegue. "Asong babae ka! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Kinuha ng pulis ang anak ko! Pumunta ka sa istasyon ng pulis at palayain mo na ang anak ko!" Nagmura ang ina ni Tyson at tinuro si Mariana. Medyo makatuwiran pa rin si Tyson. Medyo nabigla siya nang makita niya ang sugat ni Mariana, ngunit nang makita niyang nandito rin si Mavros, muling nagbago ang mukha niya, "Mariana, sobra-sobra ang ginawa mo, 'di ba? Humihingi ako ng tawad sa iyo sa ngalan ng kapatid ko, pero hindi ka na lang sana basta tatawag ng pulis, bibigyan ka namin ng kompensasyon mamaya, tingnan kung pwede mo muna siyang palayain." "Tyson, sobra na ang ginawa ko? Tingnan mo kung ano ang ginawa ng iyong ina at ng kapatid mo para sa iyong sarili?" Kinuha ni Mariana ang kanyang telepono, binaliktad ang mga nakaraang post at itinapon it
Hinawakan ni Mavros si Mariana at isinakay sa kotse. Pagkasakay sa kotse, kitang-kita ni Mariana ang kalagayan ng kanyang mga binti. Pagkatapos maglagay ng yelo, namamaga ang kanyang mga binti. Umupo si Mavros sa driver's seat, at medyo nakonsensya siya. Pagkatapos ng lahat, siya ang nagbigay kay Mariana ng tasa ng termos, at siya rin ang naglagay ng kumukulong mainit na tubig dito. Kung hindi niya ibinigay kay Mariana ang tasa ng termos, marahil ay hindi mangyayari ang sitwasyong ito. Medyo mababa ang presyon ng hangin sa sasakyan. Si Mariana ay tahimik na nakaupo sa likod na upuan. Naramdaman niya ang mababang presyon mula kay Mavros. "Mavros, ano ang iniisip mo?" Wala siyang ganitong ekspresyon sa infirmary kanina lang. Dahil kaya ito sa pamilyang Ruiz? "Iniisip ko, kung hindi ko kinuha ang tasa ng termos ngayon, mas mabuti ito." Natigilan si Mariana. Hindi niya inaasahan na iisipin ito ni Mavros. Humagikhik siya, "Kailan naisip ng sikat na Third Master Torres
Isinubsob niya ang sarili sa mga bisig ni Tyson, umiiyak, "Kuya! Pakiligtas mo ako kaagad, ayoko nang manatili dito! Wala akong makakausap dito!" Ang ina ni Tyson ay tumingin sa kanyang anak na may sakit sa puso, "Kaena, ang iyong kapatid at ako ay nag-aalala para sa iyo. Sa sandaling marinig namin ang balita na ikaw ay may problema, agad naming hinanap ang asong babaeng iyon, ngunit siya ay tumanggi na palabasin ka anuman ang mangyari! At ang Master Mavros Torres na iyon, sa tingin ko ay determinado siyang protektahan si Mariana, ngunit bakit ka masyadong magtataka? Sino ba ang may lakas ng loob na makigulo sa pamilya Torres! "Mama! Mali ako, alam ko na nagkamali ako, pakiusap iligtas mo ako kaagad! Lahat ng balita bukas ay sigurado na tjngkol sa akin na dinadampot ako ng pulis! Gaanokng nakakahiya iyon? Hindi ko gusto ito! Kuya, sigurado na tutulungan mo ako, hindi ba?" Napaiyak siya nang masakit, hinila ang damit ng ina ni Tyson at ang manggas ni Tyson, ngunit kahit anong iy
"Talaga bang hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? Kung ganoon ay iibahin ko ang tanong ko sa tanong na mas madali mong maintindihan. Sinulat mo ba talaga ang papel na iyon?" diretsong tumingin si Mariana kay Bella, malapit na tinitignan ang magihing reaksyon nito. Sa kasamaang palad, umiwas ng tungin sa kanya si Bella at umikot para magpanggap na kukuha ng tubig. "Siyempre ako ang sumulat niyon. Mahigit isang buwan kong isinulat ang thesis na iyon." ani Bella. "Kalahating buwan kong isinulat ang papel na ito, ngunut ngayon ay lumabas ito nang nakapangalan na sa iyo. Ilang araw ang nakalipas, ipinadala ko ito sa Journal of Psychology. Hindi pa ito nakikita, pero nakita ko na ang anunsyo ng eskwelahan. Parehong pareho ang papel mo sa isinulat ko, ultimo ang title ay hindi napalitan. Ang mas interesring pa ay maging ang references at notes doon ay hindi rin nabago. Ang direksyon ng talakayan ay tinalakay din mula kay Nova Castro. Sa tingin mo ba hindi ko dapat itanong ng malin
Sa sandaling lumabas siya, isang ngiti ang lumitas sa kaniyang labi. Narinig niya ang lahat. Pagkatapos ng klase, dumating sa eskwelahan si Mavros para sunduin si Maxine, at kasunod ni Maxine ay si Mariana. Matapos ang huling pagdiriwang ng kaarawan, naging mas malapit sa isa't isa ang relasyon nina Mariana at Mavros. Kahit na hindi pa nila nililinaw ang lahat, masyado pa ring manipis ang papel na nakaharang sa kanilang dalawa. Lalo na kung kasama si Maxine na gustong - gustong sumali sa katuwaan, palaging sumusubok na maglapitin silang dalawa. "Ate Mariana, nitong mga nakaraan ay palaging nagtatanong si kuya sa akin tungkol sa 'yo sa tuwing tumatawag siya. Tinanong ko nga siya kung bakit hindi ka na lang niya tawagan ng diretso, pero hindi niya ako sinagot. Sa tibgin ko ay nahihiya lang ang kuya ko! " "Hindi totoo' yan." nagpanggap na galit si Mavros. "Hindi ako nagsasabi ng hindi totoo!" ani Maxine. Lumapit si Maxine mula sa backseat at inilapit ang bibig sa tainga ni Ma
Nagbago ng matindi ang itura ni Diana at agad na tinulungan si Tyson upang makatayo, "Tyson, ano bang ginagawa mo?" Kumakatok ang kanyang asawa sa pintuan ng ibang babae sa harap niya. Ano ba 'yan, nakakahiya! "Hindi." lasing na talaga si Tyson at namumula na ang buong mukha, ngunit tumanggi oa rin itong umalis. "Ito ang bahay ni Miss Ramirez, dapat ay mahimasmasan ka na." naging mababa ang tono ni Diana. Ngunit isa pa rin siyang babae kahit papano, at di hamak na matangkad si Tyson at mabigat, nakahawak rin ito sa pinto ng apartment ni Mariana at ayaw talagang umalis." Pagkatapos ng ilang sandali ay nawalan ng lakas ang pagod na mga braso ni Diana at malakas na bumagsak si Tyson sa sahig. Ni man lang nagising si Tyson dahil sa pagbagsak, at patuloy lang ito sa pagbulong ng kung ano-ano, "Mariana! Buksan mo ang pinto! Buksan mo ang pinto!" "Tyson! Tignan mo akong mabuti!" lumakas ang tinig ni Diana at malamig na tumingin kay Tyson. Halata namang wala ka talagang m
Ikinuyom ni Maxine ang kanyang mga kamao, "Si ate Mariana..." sambit niya sa nanginginig na boses. "Oo, si Ate Mariana, inabot niya ang kamay niya sa 'yo, at nakasakay ka bangka na' yon. Lumulutang bangka na iyon sa ibabaw ng dagat, at hinangin ka palayo. Naaalala mo pa ba kung bakit ka lumitaw sa dagat?" "May, may hinahanap ako." "Okay, nakita mo na siya, kasama mo na siya. Ngayon may kasama kang dalawang tao, si Mariana ang isa at ang isa naman ay ang taong hinahanap mo." Kumunot ang noo ni Maxine, "Hindi, hindi, isang tao lang naroon." Ilang sandaling natigilan si Mariana, "Sige, hindi mo nahanap ang tao na iyon, patuloy na lumulutang ang bangka na sinasakyan mo, at nakita mong napakaraming bangka ang lumutang sa paligid na papalit sa maliit na bangka na sinasakyan mo. Ano sa tingin mo ang gusto nilang gawin?" agad niyang tanong. "Pagpatay!" matalim ang boses ni Maxine, "Gusto nilang pumatay ng tao!" "Sa pagkakataon na ito ay nakaamoy ka ng isang halimuyak, na
"Dumating ang mga pulis at dinakip si Tyson kanina lang, sinasabi nila na nag-trespass daw siya!" balisang sambit ni Diana. "Hindi ba ay nandito lang naman si Tyson sa bahay ng buong oras. Paano siya makakapag-trespass?" "Pagkatapos ng hapunan, wala na sa katinuan si Tyson. Lumabas siya mag-ida noong bago mag-alas onse. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta." naalala ni Diana ang talunang mukha ni Tyson kanina, at agad siyang nagkaroon ng hinuha. Maaari kayang doon ito nagtungo? Sa A University. Nakatanggap ng mensahe si Mariana sa kaniyang email mula kay Nova Castro. Mula nang basahin ni Nova Castro ang papel niya noong nakaraan, madalas nang mag-usap ang dalawa sa email tungkol sa mga research sa sikolohiya. Tungkol sa publication ng papel
Palagi niyang nararamdaman na may nananakit sa kanya, at lahat ng nakikita niya ay masamang tao. Ngunit palagi niyang nararamdaman na hindi ito kasing simple lang ng pagkidnap. "Matagal kong hinanap si Max matapos siyang dukutin. Nang sa wakas ay natagpuan ko na siya, para siyang isang baliw noong araw na iyon, at hindi niya ako nakilala. Ilang araw siyang nag-collapse at umiiyak tuwing gabi dahil sa sobrang takot." Bahagyang kumunot ang noo ni Mariana, "Anong nangyari? Hindi kaya si Maxine ay..." Walang magawang ngumiti si Mavros, "Hindi, nakita lang niya ang mga taong iyon na nagpapahirap ng mga tao, nakinig siya sa lahat ng uri ng pqg-daing, at hinarap ang mga dugo na nasa lupa. Sinabi niya sa psychologist na sa sandaling ipinikit niya ang mga mata niya, nakikita niya ang dugo at ang buong mundo ay kulay pula. Pagkatapos, tuluyan siyang nag-collapse at na-coma sa loob ng ilang araw. Nang magising
Ang pamilya Ruiz ay hindi mapayapa nang gabing iyon dahil nakarinig si Kaena ng isang bulung-bulungan. Mabilis niyang itinutok ang screen ng kanyang telepono sa tatlong tao sa hapag kainan, "Mama! Kuya, hipag, tingnan ninyo!" Sa screen, isang lalaki at isang babae ang sumasayaw. Niyakap nila ang isa't isa, at lumilipad ang palda ng babae. Maraming tao ang sumasayaw sa paligid nila, ngunit nakita pa rin ni Tyson na ito ay sina Mariana at Mavros sa isang sulyap lang. Nanginig ang kanyang hawak na mga chopstick para sa pagpulot ng pagkain, at tahimik siyang uminom ng isang higop ng sabaw. Nakita ni Diana ang kanyang ekspresyon. "Hindi naman ito isang kakaiba na bagay. Hindi ba ay palagi naman silang magkasama?" sambit niya nang may iniisip. Inihagis ng ina ni Tyson ang mga chopstick sa galit at malamig na bumuntong hininga. "Kung ako ang tatanungin mo, hiniwalayan ka kaagad ni Mariana at hinahalik-halikan niya ang pamilya Torres. Hindi ka pa rin naniniwala na niloko ka niya
"Kung sina Miss Serrano at ang iba pang mga babae ay magpapatuloy sa pag-tsimis at pagsabi ng walang katuturan, kakailangin ko muna kayong paalisin." "Tara na." naglakad palayo sina Miss Serrano nang may malungkot na mukha. Ipinagpatuloy ni Mariana na ibaba ang kanyang ulo. Hindi talaga niya alam kung oaani niya dapat harapin si Mavros at kung ano ang sinabi niya. Tumitig siya sa sulok ng kaniyang palda at sa tip ng kaniyang mga sapatos, hindi alam kung ano ang eksoresyon ang gagawin. "Muntik ka na naman nasangkit sa gulo. Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Mavros. Nang makitang hindi tumugon si Mariana, tinawag niya itong muli. "Yan Yan?" "Ah? Nakikinig ako. Ayos lang ako." sabit niya nang wala sa kaniyang isip. Ang gusot na sinulid sa kanyang dibdib ay nagkasabit sa lahat ng direksyon. Habang pinag-iisipan niya ito, mas lumalaki ang sinulid. Ano ang ibig sabihin ni Mavros? "Bakit natutulala ka? Mamaya ay magsisimula na ang handaan. Pwede ko bang anyayahan si Yan
Malaya tulad ng isang ibon ang tumutugtog sa loob ng bulwagan, malambing na magaan na musika, ang piramide ng mga baso ng alak ay kumikinang sa ilalim ng liwanag, at ang mga batang babae sa bulwagan ay nag-uusap at nagtatawanan sa mga mamahaling mga bestida. Nakatayo sila sa ilalim ng spotlight, at ang mga alahas sa kanilang mga katawan ay pinalamutian sila ng pinaka nakakasilaw na liwanag. Si Mariana sa isang sulok ay nakasuot ng masikip na itim na velvet na damit. Bilang isang namumukod-tanging Filipino dress designer noong ika-20 siglo, perpektong na-highlight ng damit na ito ang klasikal na pagka-elegante ng mga babaeng pilipino. Siya ay hindi kailanman nagsuot ng anumang nakasisilaw na alahas, ngunit nakasuot lamang ng isang esmeralda na kwintas, na puno ng kagandahan. Si Maxine sa tabi niya ay nakasuot ng prinsesa na bestida at may hawak na panghimagas sa kanyang mga kamay. Bagaman siya ang host ng isang normal na piging, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi nararapat