Tumigil si Mavros ng mahabang oras. Akala ni Mariana ay hindi na siya sasagot, "Ito'y isang kaibigan." magaan niyang sabi. Bahagyang kakaiba ang kaniyang tono. Walang intensiyon si Mariana na galugarin pa ang kwento ng ibang tao, kaya agad niyang pinalitan ang paksa at sinabi, "Mr. Torres, excuse me, puwede ko bang tanungin ang tungkol sa tiyak na sintomas ng sakit ng iyong kapatid?" "Hindi siya makakita ng dugo, paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng amnesia, nagsusuka at sumisigaw siya kapag nakikipag-ugnayan sa mga estrangherong lalaki, at hindi niya makontrol ang kanyang takot at sumisigaw sa ilang sitwasyon."Ang pag-uugali niya ay bahagyang napalayo at walang pakialam. Matapos makinig, naging mapag-isip si Mariana. Lahat ng mga sintomas na ito ay labis na na-stimulate. Maaaring may ilang mga eksena sa alaala ni Maxine na tunay niyang kinakatakutan.Bago niya pa masabi ang mga katagang iyin, agad nabg dumating si Tita Mely na may dalang nga damit, "Miss Ramirez, handa na ang
Nagpakita ng pagka-irita ang matigas na mukha ni Tyson, "Nasa meeting pa ako.." Bago pa siya matapos sa pagsasalita, diretso siyang pinutol ni Mariana. "Nasa meeting pa rin, hindi ba?" ang boses ni Mariana ay bihirang malamig. "Mr. Ruiz, walang maghihintay sa'yo habang buhay. Pagka't ikaw ang nagdesisyon na makipag hiwalay, 'wag mong hilahin ang proseso ng divorce. Naghahanda para sa kasal habang hinihila at tumatanggi sa divorce, mukhang labis kang umiibig, pero tingin ko ito ay medyo nakakainip. "Talagang pagod na si Mariana sa maliliit na tukso ni Diana at sa hindi maipaliwanag at walang katapusang pakikipag-ugnayan kay Tyson.Palagi siyang naging mapagpasyang tao. Wala siyang nararamdaman kung mahal niya ang isang tao at isinusugal ang kanyang buhay para dito, at ayaw niyang pahabain pa ito pagkatapos umalis. Hindi siya magmamalaki na gusto siya ni Tyson at ayaw makipaghiwalay. Hindi lang talaga siya siniseryoso ni Tyson. Sa lahat ng pagpipilian, lahat ng tungkol sa kanya ay
Inisip niya ang tungkol dito at pinagsama iyon lahat sa isang kataga, "Talagang kahanga-hanga ka." Alam ni Mariana na hindi siya masaya, kaya siya ay masaya na makita siyang sumasagot sa iba. Matapos marinig iyon, hindi niya maiwasang matawa. Kumunot ang noo ni Tyson, "Pinalayas ka ng mama ko, nilalagnat ka ba?" Nagpapanggap siyang may pakialam sa kaniya sa oras na ito? Sinulyapan ni Mariana ang pinto ng munisipyo, at bahagyang nakaramdam ng kaunting sarkasmo sa kaniyang puso. Tumingin siya sa kaniya nang may hindi maliwanag na ekspresyon, " Oo, kaya Mr. Ruiz, kung interesado ka, pakiusap kumpletuhin mo na nag procedures sa lalong madaling panahon para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan." Matapos niyang magsalita, hinila niya si Ellie palayo nang hindi binibigyan ng tsansya si Tyson na magsalita pa. Sa sandaling umalis siya, tinawagan ni Tyson si Diana at tinanong tungkol sa kung anong nangyari kahapon. Tila walang magawa si Diana, "Noong una, gusto ko rin sanang patirahin s
Nagulat sa maraming tao dahil sa kaniyang naging reaksyon, at ang lalaki ay nagpaliwanag nang may pag-aalinlangan, "Hindi nagtagal pagkatapos umalis si Sister Diana. Kapatid Ruiz, matagal na panahon kang nalumbay dahil kay Sister Diana. May mga opinyon ang mga mataas na opisyal ng kumpanya tungkol sa iyo. Nang maglaon, maraming proyekto ang dumating sa iyo, at hindi hanggang sa kumalma ka nang marinig ko mula sa aking ama na natagpuan ni Mariana ang ilan sa mga ito sa pagkakakilanlan ni Mrs. Ruiz. Pero hindi ito sinabi ni Mariana sa iyo dahil natatakot siyang hindi magiging masaya."Hindi siya gaanong nakapag-aral at hindi niya nauunawaan ang mga bagay na ito. Ginamit din niya ang pagkakakilanlan na "Mrs. Ruiz" na pinakaayaw niya. Kahit na dumating ang mga proyektong iyon, natatakot akong hindi siya magiging handang gamitin ang mga ito, kaya itinago niya ito mula sa kanya. Ito ay pinakatago-tagong sikreto sa loob ng tatlong taon. Naupo sa mga anino si Tyson, ang kanyang mga mata ay
"Mama, naaawa si Tyson sa kanya. Narinig ko na wala siyang trabaho at mababa ang pinag-aralan. Gusto ni Tyson na makipaghiwalay na agad, kaya binibigyan niya siya ng mas marami para umalis siya nang kusa." Nagkunot-noo ang ina ni Diana, "Hindi pwede yan! Kailangan kong kausapin ang kanilang pamilya tungkol sa problemang ito. Hindi naman interesado si Tyson sa kanya, hindi ba?" sambit nito nang may pagdududa. Matamis na ngumiti si Diana, "Mama, anong sinasabi mo? Paano siya magugustuhan ni Tyson? Hindi niya ginalaw si Mariana at naghintay para sa akin sa loob ng tatlong taon.""Mabuti iyan, ngunit huwag kang mag-alala tungkol sa bahay. Aayusin ito ni Mama para sa'yo." Matapos ipadala si Diana sa malayo, tinawagan ng ina ni Diana ang ina ni Tyson. Matapos itong marinig, natigilan ang ina ni Tyson. Hindi siya makapaniwala na ibinigay ng kanyang anak ang bahay sa maliit na babaeng iyon. Wala namang anak si Mariana, kaya bakit niya kinuha ang kanilang bahay. Nais na niyang tawagan si
Sinubukan ni Jasver na palambutin ang sitwasyon gamit ang kaniyang pag- ngiti."Miss Ramirez, pasensya na at dumating ako rito nang napakabilis." Ang marangal at matangkad na lalaki ay magalang na tumango sa kanya, na may mapanlikhang tingin sa kanyang mga mata."Hello, Ate Mariana." Tumingin si Maxine sa banayad at magandang babae sa kaniyang harapan, ang mga mata nito ay nakakurba ng may ngiti, napakaganda, "Ang pangalan ko ay Maxine."Tumingin si Mariana sa maganda at masiglang dalaga, at naintindihan niya."Kamusta, pakiusap, pumasok kayo." Tumabi si Mariana at inimbitahan sila upang pumasok."Mag-usap muna kayo, magluluto lang ako." Pumasok si Jasver na may dalang maraming pinggan sa kaniyang mga kamay at naglakad papuntang kusina na parang pamilyar na pamilyar siya sa lugar.Wala nang oras si Mariana para pigilan siya, pero pinigilan siya ni Ellie. " Kusinero, kahit na alam kong isa jang magaling na tagaluto, ngunit ngayong araw ay si Mariana ang host, hindi mabuti na hayaan an
"Nabalitaan ko na nagsimula na si Miss Ramirez sa pagtatrabaho sa A University?" Normal ang ekspresyon ni Mavros, parang hindi niya man lang napansin ang mga tsismis na ekspresyon ng ilang tao. Magaan ang tono niya, parang nagkukwentuhan lang tungkol sa mga problema sa pamilya.Ang maliit na batang babae sa tabi ni Mavros ay nagniningning ang mga mata, "Guro ba si Ate Mariana sa ating A University?" gulat nitong tanong. Ang saya ng maliit na bata ay hindi nakatago. Talagang gusto niya ang magandang kapatid na may banayad na ugali sa harap niya.Natigilan si Mariana, at nakita na ang kasiyahan sa mga mata ng maliit na batang babae ay tila hindi peke. Tumango siya at sinabi, "Nag-iintern ako sa silid ng psychological counseling.""Magaling, puwede ba akong bumisita kay Ate Mariana sa hinaharap?"Puno ng pag-asa ang mga mata ng batang babae. Bagaman ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang kapatid na ito sa harap niya ngayon, palagi niyang naramdaman na pamilyar na pamilyar siya
Tumingin si Mariana kay Ellie na nag-aalala para sa kanya, at wala siyang magawa kundi ipaliwanag ito sa kanya nang matiwasay, "Ellie, mula nang handa akong makipaghiwalay, ibig sabihin noon ay pinakawalan ko na si Tyson. Hindi ko balak maging biyudo habang buhay, pero talagang wala pa akong nakikilala na muling magpapabilis ng tibok ng puso ko."Sambit ni Ellie, "Oh" at huminga ng maluwag.Pero sa pag-iisip na si Mavros, isang guwapo at kaakit-akit na lalaki, ay hindi nakakuha ng atensyon ni Mariana, hindi niya lubos na naintindihan kung paano nahulog si Mariana kay Tyson, ang bastos na lalaki sa simula pa lang. ...Dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho sa sumunod na araw, hindi nagtagal si Ellie sa kanya kagabi. Tinulungan niya siyang mag-empake at umalis.Maagang bumangon si Mariana kinabukasan.Sa mga taon mula nang magpakasal siya kay Tyson, hiniling ng pamilya Ruiz na manatili siya sa bahay upang alagaan ang kanyang asawa at mga anak, at upang paglingkuran ang kanyang mg
"Talaga bang hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? Kung ganoon ay iibahin ko ang tanong ko sa tanong na mas madali mong maintindihan. Sinulat mo ba talaga ang papel na iyon?" diretsong tumingin si Mariana kay Bella, malapit na tinitignan ang magihing reaksyon nito. Sa kasamaang palad, umiwas ng tungin sa kanya si Bella at umikot para magpanggap na kukuha ng tubig. "Siyempre ako ang sumulat niyon. Mahigit isang buwan kong isinulat ang thesis na iyon." ani Bella. "Kalahating buwan kong isinulat ang papel na ito, ngunut ngayon ay lumabas ito nang nakapangalan na sa iyo. Ilang araw ang nakalipas, ipinadala ko ito sa Journal of Psychology. Hindi pa ito nakikita, pero nakita ko na ang anunsyo ng eskwelahan. Parehong pareho ang papel mo sa isinulat ko, ultimo ang title ay hindi napalitan. Ang mas interesring pa ay maging ang references at notes doon ay hindi rin nabago. Ang direksyon ng talakayan ay tinalakay din mula kay Nova Castro. Sa tingin mo ba hindi ko dapat itanong ng malin
Sa sandaling lumabas siya, isang ngiti ang lumitas sa kaniyang labi. Narinig niya ang lahat. Pagkatapos ng klase, dumating sa eskwelahan si Mavros para sunduin si Maxine, at kasunod ni Maxine ay si Mariana. Matapos ang huling pagdiriwang ng kaarawan, naging mas malapit sa isa't isa ang relasyon nina Mariana at Mavros. Kahit na hindi pa nila nililinaw ang lahat, masyado pa ring manipis ang papel na nakaharang sa kanilang dalawa. Lalo na kung kasama si Maxine na gustong - gustong sumali sa katuwaan, palaging sumusubok na maglapitin silang dalawa. "Ate Mariana, nitong mga nakaraan ay palaging nagtatanong si kuya sa akin tungkol sa 'yo sa tuwing tumatawag siya. Tinanong ko nga siya kung bakit hindi ka na lang niya tawagan ng diretso, pero hindi niya ako sinagot. Sa tibgin ko ay nahihiya lang ang kuya ko! " "Hindi totoo' yan." nagpanggap na galit si Mavros. "Hindi ako nagsasabi ng hindi totoo!" ani Maxine. Lumapit si Maxine mula sa backseat at inilapit ang bibig sa tainga ni Ma
Nagbago ng matindi ang itura ni Diana at agad na tinulungan si Tyson upang makatayo, "Tyson, ano bang ginagawa mo?" Kumakatok ang kanyang asawa sa pintuan ng ibang babae sa harap niya. Ano ba 'yan, nakakahiya! "Hindi." lasing na talaga si Tyson at namumula na ang buong mukha, ngunit tumanggi oa rin itong umalis. "Ito ang bahay ni Miss Ramirez, dapat ay mahimasmasan ka na." naging mababa ang tono ni Diana. Ngunit isa pa rin siyang babae kahit papano, at di hamak na matangkad si Tyson at mabigat, nakahawak rin ito sa pinto ng apartment ni Mariana at ayaw talagang umalis." Pagkatapos ng ilang sandali ay nawalan ng lakas ang pagod na mga braso ni Diana at malakas na bumagsak si Tyson sa sahig. Ni man lang nagising si Tyson dahil sa pagbagsak, at patuloy lang ito sa pagbulong ng kung ano-ano, "Mariana! Buksan mo ang pinto! Buksan mo ang pinto!" "Tyson! Tignan mo akong mabuti!" lumakas ang tinig ni Diana at malamig na tumingin kay Tyson. Halata namang wala ka talagang m
Ikinuyom ni Maxine ang kanyang mga kamao, "Si ate Mariana..." sambit niya sa nanginginig na boses. "Oo, si Ate Mariana, inabot niya ang kamay niya sa 'yo, at nakasakay ka bangka na' yon. Lumulutang bangka na iyon sa ibabaw ng dagat, at hinangin ka palayo. Naaalala mo pa ba kung bakit ka lumitaw sa dagat?" "May, may hinahanap ako." "Okay, nakita mo na siya, kasama mo na siya. Ngayon may kasama kang dalawang tao, si Mariana ang isa at ang isa naman ay ang taong hinahanap mo." Kumunot ang noo ni Maxine, "Hindi, hindi, isang tao lang naroon." Ilang sandaling natigilan si Mariana, "Sige, hindi mo nahanap ang tao na iyon, patuloy na lumulutang ang bangka na sinasakyan mo, at nakita mong napakaraming bangka ang lumutang sa paligid na papalit sa maliit na bangka na sinasakyan mo. Ano sa tingin mo ang gusto nilang gawin?" agad niyang tanong. "Pagpatay!" matalim ang boses ni Maxine, "Gusto nilang pumatay ng tao!" "Sa pagkakataon na ito ay nakaamoy ka ng isang halimuyak, na
"Dumating ang mga pulis at dinakip si Tyson kanina lang, sinasabi nila na nag-trespass daw siya!" balisang sambit ni Diana. "Hindi ba ay nandito lang naman si Tyson sa bahay ng buong oras. Paano siya makakapag-trespass?" "Pagkatapos ng hapunan, wala na sa katinuan si Tyson. Lumabas siya mag-ida noong bago mag-alas onse. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta." naalala ni Diana ang talunang mukha ni Tyson kanina, at agad siyang nagkaroon ng hinuha. Maaari kayang doon ito nagtungo? Sa A University. Nakatanggap ng mensahe si Mariana sa kaniyang email mula kay Nova Castro. Mula nang basahin ni Nova Castro ang papel niya noong nakaraan, madalas nang mag-usap ang dalawa sa email tungkol sa mga research sa sikolohiya. Tungkol sa publication ng papel
Palagi niyang nararamdaman na may nananakit sa kanya, at lahat ng nakikita niya ay masamang tao. Ngunit palagi niyang nararamdaman na hindi ito kasing simple lang ng pagkidnap. "Matagal kong hinanap si Max matapos siyang dukutin. Nang sa wakas ay natagpuan ko na siya, para siyang isang baliw noong araw na iyon, at hindi niya ako nakilala. Ilang araw siyang nag-collapse at umiiyak tuwing gabi dahil sa sobrang takot." Bahagyang kumunot ang noo ni Mariana, "Anong nangyari? Hindi kaya si Maxine ay..." Walang magawang ngumiti si Mavros, "Hindi, nakita lang niya ang mga taong iyon na nagpapahirap ng mga tao, nakinig siya sa lahat ng uri ng pqg-daing, at hinarap ang mga dugo na nasa lupa. Sinabi niya sa psychologist na sa sandaling ipinikit niya ang mga mata niya, nakikita niya ang dugo at ang buong mundo ay kulay pula. Pagkatapos, tuluyan siyang nag-collapse at na-coma sa loob ng ilang araw. Nang magising
Ang pamilya Ruiz ay hindi mapayapa nang gabing iyon dahil nakarinig si Kaena ng isang bulung-bulungan. Mabilis niyang itinutok ang screen ng kanyang telepono sa tatlong tao sa hapag kainan, "Mama! Kuya, hipag, tingnan ninyo!" Sa screen, isang lalaki at isang babae ang sumasayaw. Niyakap nila ang isa't isa, at lumilipad ang palda ng babae. Maraming tao ang sumasayaw sa paligid nila, ngunit nakita pa rin ni Tyson na ito ay sina Mariana at Mavros sa isang sulyap lang. Nanginig ang kanyang hawak na mga chopstick para sa pagpulot ng pagkain, at tahimik siyang uminom ng isang higop ng sabaw. Nakita ni Diana ang kanyang ekspresyon. "Hindi naman ito isang kakaiba na bagay. Hindi ba ay palagi naman silang magkasama?" sambit niya nang may iniisip. Inihagis ng ina ni Tyson ang mga chopstick sa galit at malamig na bumuntong hininga. "Kung ako ang tatanungin mo, hiniwalayan ka kaagad ni Mariana at hinahalik-halikan niya ang pamilya Torres. Hindi ka pa rin naniniwala na niloko ka niya
"Kung sina Miss Serrano at ang iba pang mga babae ay magpapatuloy sa pag-tsimis at pagsabi ng walang katuturan, kakailangin ko muna kayong paalisin." "Tara na." naglakad palayo sina Miss Serrano nang may malungkot na mukha. Ipinagpatuloy ni Mariana na ibaba ang kanyang ulo. Hindi talaga niya alam kung oaani niya dapat harapin si Mavros at kung ano ang sinabi niya. Tumitig siya sa sulok ng kaniyang palda at sa tip ng kaniyang mga sapatos, hindi alam kung ano ang eksoresyon ang gagawin. "Muntik ka na naman nasangkit sa gulo. Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Mavros. Nang makitang hindi tumugon si Mariana, tinawag niya itong muli. "Yan Yan?" "Ah? Nakikinig ako. Ayos lang ako." sabit niya nang wala sa kaniyang isip. Ang gusot na sinulid sa kanyang dibdib ay nagkasabit sa lahat ng direksyon. Habang pinag-iisipan niya ito, mas lumalaki ang sinulid. Ano ang ibig sabihin ni Mavros? "Bakit natutulala ka? Mamaya ay magsisimula na ang handaan. Pwede ko bang anyayahan si Yan
Malaya tulad ng isang ibon ang tumutugtog sa loob ng bulwagan, malambing na magaan na musika, ang piramide ng mga baso ng alak ay kumikinang sa ilalim ng liwanag, at ang mga batang babae sa bulwagan ay nag-uusap at nagtatawanan sa mga mamahaling mga bestida. Nakatayo sila sa ilalim ng spotlight, at ang mga alahas sa kanilang mga katawan ay pinalamutian sila ng pinaka nakakasilaw na liwanag. Si Mariana sa isang sulok ay nakasuot ng masikip na itim na velvet na damit. Bilang isang namumukod-tanging Filipino dress designer noong ika-20 siglo, perpektong na-highlight ng damit na ito ang klasikal na pagka-elegante ng mga babaeng pilipino. Siya ay hindi kailanman nagsuot ng anumang nakasisilaw na alahas, ngunit nakasuot lamang ng isang esmeralda na kwintas, na puno ng kagandahan. Si Maxine sa tabi niya ay nakasuot ng prinsesa na bestida at may hawak na panghimagas sa kanyang mga kamay. Bagaman siya ang host ng isang normal na piging, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi nararapat