"Nabalitaan ko na nagsimula na si Miss Ramirez sa pagtatrabaho sa A University?" Normal ang ekspresyon ni Mavros, parang hindi niya man lang napansin ang mga tsismis na ekspresyon ng ilang tao. Magaan ang tono niya, parang nagkukwentuhan lang tungkol sa mga problema sa pamilya.Ang maliit na batang babae sa tabi ni Mavros ay nagniningning ang mga mata, "Guro ba si Ate Mariana sa ating A University?" gulat nitong tanong. Ang saya ng maliit na bata ay hindi nakatago. Talagang gusto niya ang magandang kapatid na may banayad na ugali sa harap niya.Natigilan si Mariana, at nakita na ang kasiyahan sa mga mata ng maliit na batang babae ay tila hindi peke. Tumango siya at sinabi, "Nag-iintern ako sa silid ng psychological counseling.""Magaling, puwede ba akong bumisita kay Ate Mariana sa hinaharap?"Puno ng pag-asa ang mga mata ng batang babae. Bagaman ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang kapatid na ito sa harap niya ngayon, palagi niyang naramdaman na pamilyar na pamilyar siya
Tumingin si Mariana kay Ellie na nag-aalala para sa kanya, at wala siyang magawa kundi ipaliwanag ito sa kanya nang matiwasay, "Ellie, mula nang handa akong makipaghiwalay, ibig sabihin noon ay pinakawalan ko na si Tyson. Hindi ko balak maging biyudo habang buhay, pero talagang wala pa akong nakikilala na muling magpapabilis ng tibok ng puso ko."Sambit ni Ellie, "Oh" at huminga ng maluwag.Pero sa pag-iisip na si Mavros, isang guwapo at kaakit-akit na lalaki, ay hindi nakakuha ng atensyon ni Mariana, hindi niya lubos na naintindihan kung paano nahulog si Mariana kay Tyson, ang bastos na lalaki sa simula pa lang. ...Dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho sa sumunod na araw, hindi nagtagal si Ellie sa kanya kagabi. Tinulungan niya siyang mag-empake at umalis.Maagang bumangon si Mariana kinabukasan.Sa mga taon mula nang magpakasal siya kay Tyson, hiniling ng pamilya Ruiz na manatili siya sa bahay upang alagaan ang kanyang asawa at mga anak, at upang paglingkuran ang kanyang mg
"Ikaw!" galit na galit si Kaena sa sagot ni Mariana.Bakit hindi niya napansin na napakahusay magsalita ng babaeng ito noon?Humph, talagang nagpapanggap siyang mabuting asawa at ina sa kanilang pamilyang Ruiz. "Maghintay ka lang!" galit na sigaw ni Kaena habang tinapakan ang kanyang mga paa, "Sasadyain kong ipahanap sa kapatid ko ang paraan para mapaalis ka, para malaman mo ang magiging kapalit ng pagsakit ng aking damdamin!" siya ay isang tagalinis lang, at ang pagpapaalis ay isa lamang simpleng salita."Ano ang mangyayari kung ma-offend ka ni Ate Mariana?" Ang dalawa ay nagkakatunggali, na nakakuha ng atensyon ng ilang estudyante na huminto, at biglang may malinaw na boses ng babae na umabot mula sa karamihan. Napisil si Maxine mula sa karamihan at nagkunot ang noo nang makita niyang si Kaena ang taong humaharap kay Mariana.Bagaman ang pamilya Ruiz ay hindi isang top-tier sa pamilyang mayayaman, mayroon pa rin silang kaunting katayuan sa Makati. Si Kaena ay umaasa sa pamilya Ru
Hindi inasahan ni Kaena na sobrang poprotektahan ni Maxine si Mariana. Namutla ang kanyang mukha at tinapunan niya ng masamang tingin si Mariana, "Talaga namang ikaw ay mapamaraan!"Kumitid ang mga mata ni Mariana, "Kaena, bulag ako noon sa pag-ibig sa iyong kapatid, pero alam ng mga miyembro ng pamilya Ruiz kung bakit ako pinakasalan ng iyong kapatid noong mga oras na iyon. Dapat may hangganan ang pagkalito sa tama at mali at ang paghahagis ng maruming tubig sa iba!"Nang hilingin ni Tyson na pakasalan siya, aktibong sinuportahan ito nina Kaena at ng kanyang anak na babae.Una, talagang gusto siya ng matandang lalaki ng pamilya Ruiz, at pangalawa, iniisip nina Kaena at ng kanyang anak na babae na maaari nilang gamitin si Tyson para pakasalan siya upang hikayatin si Diana na bumalik sa Pilipinas.Matapos ang paalala ni Mariana, tila naalala ni Kaena ang katotohanan tungkol sa kasal nina Tyson at Mariana. Lalong naging pangit ang kanyang mukha, at dinuro niya si Mariana at nagmura. "N
Bago pa natapos magsalita ang munting attendant, napansin niya ang madilim na mukha ni Kaena na halos tumutulo ng tubig, at mabilis na binago ang kanyang mga salita, "Pero sa tingin ko ay ang mukha ng babaeng ito ay pangkaraniwan lang. Masasabi mo mula sa kanyang ilong at dobleng talukap ng mata na nagpa-plastic surgery siya. Malayong mababa siya sa iyo, Kaena."Siyempre, alam ni Kaena kung nagpa-opera ba ng mukha si Mariana o hindi, pero tiyak na walang alinlangan siyang natuwa sa mga salita ng munting attendant, at mukhang mas maganda ang kanyang mukha.Ngunit hindi niya inignora ang mga salita ng munting attendant na "isang bagong magandang guro sa silid ng psychological counseling."Silid ng psychological counseling? Magandang guro? Siya?Kumurba ang mga labi ni Kaena at binaluktot ang daliri sa munting attendant, "Carol Samaniego, tulungan mo ako gawin ang isang bagay. Kung magagawa mo ito, sa iyo na ang Chanel bag na ibinigay sa akin ng kapatid ko noong nakaraang buwan." ...
Pagtitipon? Natigilan si Mariana at iniling ang kaniyang ulo. Binuksan ni Maxine ang kaniyang telepono, pinindot ang kilalang post, at iniabot ito sa kaniya. "Ito ang post na iyon. May nagbalita na ikaw ay nagtapos lamang ng high school at umasa sa ibang paraan para makapasok sa unibersidad at maging guro ng sikolohiya." Kinagat ni Maxine ang kanyang labi at tiningnan siya nang may kaunting pag-aalala. Si Mariana ay sumulyap sa post, at pagkatapos na maisip ang mga nag-aalanganing tingin sa opisina kanina, at bigla niyang naintindihan.Si Maxine, na nakatayo sa tabi, ay nakita na hindi siya tumugon, at ang kanyang boses ay lalong hindi mapakali at nag-aalala."Ate Mariana, maraming tao na ang nakakita sa post na ito, at lahat... ay nagsabi ng hindi maganda. Kung magpapatuloy ito, magiging malungkot ka sa paaralan..."Ang boses ng maliit na batang babae ay naging mas maliit at mas maliit, ngunit si Mariana ay ngumiti lamang, "Huwag kang mag-alala, magiging maayos ako, isang post la
Lumingon si Maxine at nakita si Kaena na nakatingin kay Maxine nang may gulat."Sabi sa forum na si Mariana ay may diploma lamang ng high school at naging guro namin sa sikolohiya sa pamamagitan ng espesyal na paraan. Mas mababa ang kanyang antas ng edukasyon kaysa sa amin. Lahat kami ay nahihiya na makasama ang ganitong tao!" Tumingin siya kay Mariana at sinabi nang may kayabangan.Si Maxine ay galit na galit at malapit nang makipagtalo kay Kaena, ngunit si Mariana, na tahimik na kumakain, ay nagkunot ng noo, tumayo upang pigilan si Maxine sa likuran niya, at naglakad patungo kay Kaena.Tiningnan niya si Kaena nang kalmado, "Ikaw ba ang gumawa ng mga ipinost sa forum?" kalmado niyang tanong. "Eh ano kung ginawa ko?" Nailantad si Kaena sa publiko, pero hindi siya nakaramdam ng pagsisisi, kundi lalo pang naging mayabang, "Hindi ba ay totoo ang sinabi ko?"Wala siyang pakialam kung alam ni Maxine kung sino ang gumawa nito. Hindi nagtapos si Mariana ng kolehiyo, kaya dapat itong iturin
Ang mga mata ng batang babae ay puno ng mga bituin, at ang kanyang ekspresyon ay labis na nasasabik.Hindi napigilan ni Mariana ang ngumiti, "Ako nga, hindi ko inasahan na handang maghintay ng mga propesor para sa aking pagbabalik sa pagtatapos."Sa oras na bumaba ang boses, nagkagulo ang lahat.Lalo na ang mga estudyante sa Departamento ng Sikolohiya.Alam ng buong Kagawaran ng Sikolohiya na may isang alamat na nakatatandang kapatid sa Kagawaran ng Sikolohiya. Hindi lamang siya nagkaroon ng mahusay na mga marka, kundi pati na rin ang kanyang antas bilang baguhan ay walang kapantay. Siya ay isang pambihirang henyo sa Kagawaran ng Sikolohiya. Kaya naman nang ang batang ito ay malapit nang tumigil sa pag-aaral sa bisperas ng pagtatapos dahil sa ilang aksidente at sinabi na hindi na siya babalik, lahat ng mga propesor kasama ang dean ay nagkasundo na humiling sa paaralan na bigyan siya ng sertipiko ng pahintulot sa pagliban.At ang sertipiko ng leave of absence na ito ay walang kapantay
"Dumating ang mga pulis at dinakip si Tyson kanina lang, sinasabi nila na nag-trespass daw siya!" balisang sambit ni Diana. "Hindi ba ay nandito lang naman si Tyson sa bahay ng buong oras. Paano siya makakapag-trespass?" "Pagkatapos ng hapunan, wala na sa katinuan si Tyson. Lumabas siya mag-ida noong bago mag-alas onse. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta." naalala ni Diana ang talunang mukha ni Tyson kanina, at agad siyang nagkaroon ng hinuha. Maaari kayang doon ito nagtungo? Sa A University. Nakatanggap ng mensahe si Mariana sa kaniyang email mula kay Nova Castro. Mula nang basahin ni Nova Castro ang papel niya noong nakaraan, madalas nang mag-usap ang dalawa sa email tungkol sa mga research sa sikolohiya. Tungkol sa publication ng papel
Palagi niyang nararamdaman na may nananakit sa kanya, at lahat ng nakikita niya ay masamang tao. Ngunit palagi niyang nararamdaman na hindi ito kasing simple lang ng pagkidnap. "Matagal kong hinanap si Max matapos siyang dukutin. Nang sa wakas ay natagpuan ko na siya, para siyang isang baliw noong araw na iyon, at hindi niya ako nakilala. Ilang araw siyang nag-collapse at umiiyak tuwing gabi dahil sa sobrang takot." Bahagyang kumunot ang noo ni Mariana, "Anong nangyari? Hindi kaya si Maxine ay..." Walang magawang ngumiti si Mavros, "Hindi, nakita lang niya ang mga taong iyon na nagpapahirap ng mga tao, nakinig siya sa lahat ng uri ng pqg-daing, at hinarap ang mga dugo na nasa lupa. Sinabi niya sa psychologist na sa sandaling ipinikit niya ang mga mata niya, nakikita niya ang dugo at ang buong mundo ay kulay pula. Pagkatapos, tuluyan siyang nag-collapse at na-coma sa loob ng ilang araw. Nang magising
Ang pamilya Ruiz ay hindi mapayapa nang gabing iyon dahil nakarinig si Kaena ng isang bulung-bulungan. Mabilis niyang itinutok ang screen ng kanyang telepono sa tatlong tao sa hapag kainan, "Mama! Kuya, hipag, tingnan ninyo!" Sa screen, isang lalaki at isang babae ang sumasayaw. Niyakap nila ang isa't isa, at lumilipad ang palda ng babae. Maraming tao ang sumasayaw sa paligid nila, ngunit nakita pa rin ni Tyson na ito ay sina Mariana at Mavros sa isang sulyap lang. Nanginig ang kanyang hawak na mga chopstick para sa pagpulot ng pagkain, at tahimik siyang uminom ng isang higop ng sabaw. Nakita ni Diana ang kanyang ekspresyon. "Hindi naman ito isang kakaiba na bagay. Hindi ba ay palagi naman silang magkasama?" sambit niya nang may iniisip. Inihagis ng ina ni Tyson ang mga chopstick sa galit at malamig na bumuntong hininga. "Kung ako ang tatanungin mo, hiniwalayan ka kaagad ni Mariana at hinahalik-halikan niya ang pamilya Torres. Hindi ka pa rin naniniwala na niloko ka niya
"Kung sina Miss Serrano at ang iba pang mga babae ay magpapatuloy sa pag-tsimis at pagsabi ng walang katuturan, kakailangin ko muna kayong paalisin." "Tara na." naglakad palayo sina Miss Serrano nang may malungkot na mukha. Ipinagpatuloy ni Mariana na ibaba ang kanyang ulo. Hindi talaga niya alam kung oaani niya dapat harapin si Mavros at kung ano ang sinabi niya. Tumitig siya sa sulok ng kaniyang palda at sa tip ng kaniyang mga sapatos, hindi alam kung ano ang eksoresyon ang gagawin. "Muntik ka na naman nasangkit sa gulo. Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Mavros. Nang makitang hindi tumugon si Mariana, tinawag niya itong muli. "Yan Yan?" "Ah? Nakikinig ako. Ayos lang ako." sabit niya nang wala sa kaniyang isip. Ang gusot na sinulid sa kanyang dibdib ay nagkasabit sa lahat ng direksyon. Habang pinag-iisipan niya ito, mas lumalaki ang sinulid. Ano ang ibig sabihin ni Mavros? "Bakit natutulala ka? Mamaya ay magsisimula na ang handaan. Pwede ko bang anyayahan si Yan
Malaya tulad ng isang ibon ang tumutugtog sa loob ng bulwagan, malambing na magaan na musika, ang piramide ng mga baso ng alak ay kumikinang sa ilalim ng liwanag, at ang mga batang babae sa bulwagan ay nag-uusap at nagtatawanan sa mga mamahaling mga bestida. Nakatayo sila sa ilalim ng spotlight, at ang mga alahas sa kanilang mga katawan ay pinalamutian sila ng pinaka nakakasilaw na liwanag. Si Mariana sa isang sulok ay nakasuot ng masikip na itim na velvet na damit. Bilang isang namumukod-tanging Filipino dress designer noong ika-20 siglo, perpektong na-highlight ng damit na ito ang klasikal na pagka-elegante ng mga babaeng pilipino. Siya ay hindi kailanman nagsuot ng anumang nakasisilaw na alahas, ngunit nakasuot lamang ng isang esmeralda na kwintas, na puno ng kagandahan. Si Maxine sa tabi niya ay nakasuot ng prinsesa na bestida at may hawak na panghimagas sa kanyang mga kamay. Bagaman siya ang host ng isang normal na piging, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi nararapat
Malamig ang mga mata ni Mavros, "Wala itong kinalaman sa iyo." "Mr. Torres, nagpunta ako dito na may mabuting hangarin para tulungan ka na sa pupuntahan mo." Sabi niya na may malungkot na mukha. "Hindi na kailangan." Hindi tumigil si Mavros. Ipinadyak ni Kaena ang kanyang mga paa sa galit habang pinagmamasdan itong umalis, ngunit hinabol pa rin niya ito nang labag sa kaniyang loob. "Mr. Torres, kaarawan mo bukas, pwede mo ba akong bigyan ng imbitasyon?" Kinusot niya ang kanyang mga mata at nagkunwaring inosente na tumingin kay Mavros. Sa kasamaang palad, sa pagkakataong ito ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Mavros at dumiretso sa silid ng sikolohikal na pagpapayo. Tinitigan ni Kaena ang likod ni Mavros at bahagyang nawala sa kaniyang isip, at alam din niya ang direksyon. Lumalabas na hindi si Maxine ang hinahanap niya, kundi si Mariana. Nakakahiya para sa kanya na humingi ng imbitasyon ngayon lang, ngunit hindi man lang siya binigyan ni Mavros ng pagkakataon
"Ikaw ang tanga! Ang tanga ng buong pamilya mo! Kaena Ruiz, ano ang karapatan mo para magsalita sa akin ng ganiyan? " Biglang natauhan si Kaena. Nakita niya si Maxine na naging tanga sa sarili niyang mga mata. Noong nakaraan, siya ay nagtatago nang mahina sa likod ni Mariana. "Ikaw, ikaw ay malinaw na..." "Ano?" Itinulak ni Mariana ang pinto ng silid ng kagamitan at naglakad sa harap ni Maxine upang harangan ang paningin ni Kaena. Napaatras si Kaena dahil sa gulat. Tinuro niya si Maxine, "Hindi! Halata na tanga siya noong nakaraan. Nakita ko ito nang malinaw. O ginawa mo ba ito ng sadya?" sambit niya. "Kaema Ruiz, hindi mo talaga matandaa na kumain o mabugbog. Ang bagay ni Maxine ay walang kinalaman sa iyo. Sa susunod na gumawa ka ng isang bagay, isipin mo muna kung kakayanin ba ni Amalia Ruiz ang presyo." Malamig na sabi ni Mariana. Akala ko ay magkakaron na siya ng kamalayan sa huling kompetisyon, pero ngayon ay parang naikulong lang siya. Hindi pa rin siya nagigising pa
Nang marinig ito, halatang gumaan ang loob ni Mavros at ibinalik ang telepono sa kanyang bulsa, "Siguro ay iniisip niya na may relasyon tayo at gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito para sirain ang relasyon natin." "Wala talaga siyang ginagawa. Hindi niya matiis na makita akong nagiging malapit sa kahit na sinuman. Tuwing lalapit ako sa isang tao, iniisip niya na may masama akong intensyon. Huwag mo nang isipin iyan, mali siya ng pagkaka-unawa." Ibinaba ni Mariana ang kanyang mga mata at ang kanyang mga pilikmata ay kumikislap. Hindi siya tumigil, ngunit biglang lumapit sa kanya si Mavros. "Mali ba siya ng pagka-unawa?" tanong nito. Ang mainit na hininga ay humihip sa noo ni Mariana, at ang kanyang mukha ay naging pula. "Ito ay isang hindi pagkakaunawaan!" Hindi siya tumingin kay Mavros, ngunit nagpatuloy sa paghakbang at binilisan ang kanyang lakad. Tumingin si Mavros sa kanyang likod, at ang nababalisa na likod ay nagpasaya sa kanya. Lumabas na mali pala a
Ito ay isang hindi kilalang MMS. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng larawan na ito o kung ano ang kanilang intensyon. Naistorbo lang nito ng tuluyan ang mood ni Mavros. Kailanman ay hindi siya naging ganito kagulo dahil lang sa isang bagay. Kahit na hindi man niya ipinakita, gulong-gulo na ang puso niya. Tinawagan niya ang numero. Pagkatapos ng dalawang ring, pinulot na ang telepono. Ang taong nagsalita ay tumawatawa. "Hello? Hindi na masagot ni Mariana ang telepono. Nakayakap siya sa kapatid niya... Paumanhin sa pagsasabi ng ng marami, pakiusap tumawag ka ulit mamaya." "Beep..." Ibinaba na ang telepono. Nag-iwan ng malalim na ngiti si Kaema sa gilid ng kanyang mga mata. Tinanggal niya ang record ng tawag at ibinalik sa pwesto ang telepono. Ang lahat ng ito ay tahimik na tila ba hindi nangyari. Napatingin siya sa kanilang dalawa. Sina Mariana at Tyson ay nagbabalat pa rin ng durian. Ang amoy na nagmumula sa balat ng durian ay sumalakay pa sa kanyang balat. Binu