"Mama, naaawa si Tyson sa kanya. Narinig ko na wala siyang trabaho at mababa ang pinag-aralan. Gusto ni Tyson na makipaghiwalay na agad, kaya binibigyan niya siya ng mas marami para umalis siya nang kusa." Nagkunot-noo ang ina ni Diana, "Hindi pwede yan! Kailangan kong kausapin ang kanilang pamilya tungkol sa problemang ito. Hindi naman interesado si Tyson sa kanya, hindi ba?" sambit nito nang may pagdududa. Matamis na ngumiti si Diana, "Mama, anong sinasabi mo? Paano siya magugustuhan ni Tyson? Hindi niya ginalaw si Mariana at naghintay para sa akin sa loob ng tatlong taon.""Mabuti iyan, ngunit huwag kang mag-alala tungkol sa bahay. Aayusin ito ni Mama para sa'yo." Matapos ipadala si Diana sa malayo, tinawagan ng ina ni Diana ang ina ni Tyson. Matapos itong marinig, natigilan ang ina ni Tyson. Hindi siya makapaniwala na ibinigay ng kanyang anak ang bahay sa maliit na babaeng iyon. Wala namang anak si Mariana, kaya bakit niya kinuha ang kanilang bahay. Nais na niyang tawagan si
Sinubukan ni Jasver na palambutin ang sitwasyon gamit ang kaniyang pag- ngiti."Miss Ramirez, pasensya na at dumating ako rito nang napakabilis." Ang marangal at matangkad na lalaki ay magalang na tumango sa kanya, na may mapanlikhang tingin sa kanyang mga mata."Hello, Ate Mariana." Tumingin si Maxine sa banayad at magandang babae sa kaniyang harapan, ang mga mata nito ay nakakurba ng may ngiti, napakaganda, "Ang pangalan ko ay Maxine."Tumingin si Mariana sa maganda at masiglang dalaga, at naintindihan niya."Kamusta, pakiusap, pumasok kayo." Tumabi si Mariana at inimbitahan sila upang pumasok."Mag-usap muna kayo, magluluto lang ako." Pumasok si Jasver na may dalang maraming pinggan sa kaniyang mga kamay at naglakad papuntang kusina na parang pamilyar na pamilyar siya sa lugar.Wala nang oras si Mariana para pigilan siya, pero pinigilan siya ni Ellie. " Kusinero, kahit na alam kong isa jang magaling na tagaluto, ngunit ngayong araw ay si Mariana ang host, hindi mabuti na hayaan an
"Nabalitaan ko na nagsimula na si Miss Ramirez sa pagtatrabaho sa A University?" Normal ang ekspresyon ni Mavros, parang hindi niya man lang napansin ang mga tsismis na ekspresyon ng ilang tao. Magaan ang tono niya, parang nagkukwentuhan lang tungkol sa mga problema sa pamilya.Ang maliit na batang babae sa tabi ni Mavros ay nagniningning ang mga mata, "Guro ba si Ate Mariana sa ating A University?" gulat nitong tanong. Ang saya ng maliit na bata ay hindi nakatago. Talagang gusto niya ang magandang kapatid na may banayad na ugali sa harap niya.Natigilan si Mariana, at nakita na ang kasiyahan sa mga mata ng maliit na batang babae ay tila hindi peke. Tumango siya at sinabi, "Nag-iintern ako sa silid ng psychological counseling.""Magaling, puwede ba akong bumisita kay Ate Mariana sa hinaharap?"Puno ng pag-asa ang mga mata ng batang babae. Bagaman ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang kapatid na ito sa harap niya ngayon, palagi niyang naramdaman na pamilyar na pamilyar siya
"Pirmahan mo 'to." Saad ng lalaki sa kaniyang harapan gamit ang malamig at baritonong boses. Isang divorce agreement ang inilahad nito sa kaniyang harapan. Bahagya siyang nagulat. Iniangat niya ang tingin kay Tyson ng tahimik at mapait na ngumiti. Ito na' yon? Kaya pala ito tumawag sa kaniya kaninang umaga upang sabihin na uuwi ito ngayong gabi dahil may importanteng sasabihin. Masaya siya buong araw sa kaalaman na uuwi ang asawa, iyon pala ay ang importante nitong sasabihin ay ito... Ang tatlong taong pagsasama ay matutuldukan na. Tahimik na kinuha ni Mariana ang dokumento na iniabot sa kaniya ni Tyson, bahagyang nakakuyom ang kaniyang kamay at nagsalita gamit ang paos na boses matapos ng ilang sandaling katahimikan: "Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Kumunot ang noo ni Tyson at tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan na naging Mrs. Ruiz sa loob ng tatlong taon. Mukhang iginugol niya ang buong oras sa paglilinis ng kwarto. May mga butil ng pawis sa maputi niyang noo
Napayuko si Mariana at tumingin na lamang sa sahig habang nakikinig sa usapan sa labas ng kwarto na kaniyang kinaroroonan. Sa ilang taon na napabilang siya sa pamilya ng mga Ruiz, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang biyenan, kay Mrs. Ruiz, at sa kapatid ng kaniyang asawa, si Kaena. Noong kailangan operahan si Kaena pagkatapos nitong maaksidente, siya lamang ang nanatili sa ospital ng ilang araw. Mas naging magalang at maingat rin siya sa kaniyang biyenan, ang ina ni Tyson. Ngunit kahit ano pala ang kaniyang gawin, hindi niya mababago ang pag - uugali ng pamilyang Ruiz. Ilang sandali pa siyang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula kay Ellie, at rinig na rinig niya ang pagod sa boses nito:"Mariana, hindi ka ba talaga pupunta? Naalala ko na pinakagusto mo ang mag-hunt noon pa, madalas ka pa nga nakakahanap ng pagkakataon na makipagkarera." Nagulat si Mariana. Ilang alaala ng kaniyang nakaraan ang unti-unting bumuhos sa kaniyang
Hindi pa rin nakakarecover sa pagkagulat si Kaena, dinampot na muli ni Mariana ang kaniyang maleta at naglakad palabas ng bahay nang hindi lumilingon. Nang makalayo siya sa bahay ng pamilya Ruiz, namataan ni Mariana si Ellie na ibinababa ang bintana ng sasakyan, umusli ito at humalik sa kaniya na may ngiti sa mukha: "Baby, pumasok ka na sa sasakyan, dadalhin ka ng ate mo upang magdiwang." Ngunit kahit na sinabi ni Ellie na sila ay magdidiwang, alam naman niya na kahihiwalay lang ni Mariana sa asawa nito at nagdadamdam pa, kaya dinala na lamang niya ang kaibigan sa isang music-themed na restawran. Matapos malaman ang tanging dahilan ng pakikipag hiwalay nina Tyson, hindi maiwasan ni Ellie ang magreklamo:"Si Diana na naman? Nag hiwalay sila noon para sa malaking deal sa kumpanya, ano bang nagustuhan ni Tyson sa babaeng iyon?" Hinalo ni Mariana ang kape na nasa kanyang harapan at tamad na sinabi: "Hindi ko alam..." Hindi alam ni Mariana ang white moonlight ni Tyson. Hindi niya ito l
Natigil si Mariana, kalmado ang kaniyang ekspresiyon, ngunit hindi niya tinanggap ang nakalahad na palad sa kaniyang harapan. Bahagyang tumigas ang mukha ni Diana. Si Tyson, na siyang nanatiling nakatayo, ay nagsalita upang tulungan siya, gamit ang mahinang boses: "Nalaman ni Lolo ang nangyari sa atin, inaanyayahan ka para sa hapunan ngayong gabi. Nakapatay ang telepono mo, kaya pumunta ako para sunduin ka." "Alam ko." Sinulyapan ni Mariana ang kaniyang telepono, at nakitang nakapatay nga iyon. Tumango siya: "Susunod ako, charge ko lang ito." Ang ibig sabihin niyon ay wala siyang plano na sumama sa kanila. Sumimangot si Tyson: "Bakit hindi na lang kita hintayin..." Pinutol ni Mariana ang nais sabihin ni Tyson ng may ngiti sa kaniyang labi: "Hindi na, kaya kong pumunta doon ng mag-isa." Nang nakitang natahimik si Tyson, sinulyapan niya naman si Diana na nanatiling nakalingkis ang kamay sa braso ni Tyson: "At bukas ng alas nuebe, kung hindi ito abala sa inyo, samahan ninyo ako, p
Tulad ng kaniyang inaakala, isang pares ng maiinit na kamay ang humawak sa kaniya. Inikot ni Tyson ang kaniyang ulo at si Diana ay nakatingin sa kaniya nang may pag-aalala. "Tyson, hindi komportable ang tiyan mo? Gusto mong humigop ng kaunting sabaw?" Iniling ni Tyson ang kaniyang ulo. Matapos batiin ni Mariana ang matanda, humila siya ng upuan at kalmadong umupo, hindi pinapansin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa. Ngunit masungit na ngumuso si Mr. Ruiz. Kapag kumakain ang pamilya Ruiz, palagi silang nag-iingat na huwag makipag-usap habang kumakain. Wala masyadong gana si Mariana, pero nakipagtulungan lang siya sa matanda at kumain ng kaunti nang walang gaanong pakialam.Pagkatapos ng hapunan, hinila siya ni Mr. Ruiz. "Narinig ko ang tungkol sa inyo ni Tyson, Mariana, huwag kang mag-alala, ang pamilya naming Ruiz ay tanging ikaw lamang ang kinikilala bilang aming manugang."Tumingin siya kay Diana at Tyson, na medyo matigas ang mga mukha, "Kahit na may umalis sa pamilya R