Share

Sweet Revenge (Tagalog)
Sweet Revenge (Tagalog)
Author: Lovella Novela

Prologue

“Maghanda ka ng hapunan. Dadating ang mga magulang at kuya ko para ipakilala ka sa kanila,” sabi ni Jace, na hindi mapaniwalaan ni Emerald na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. Nakaayos na ang mga gamit niya, at hinihintay na lang sana niya na umalis ang asawa papunta sa trabaho bago siya umalis sa mansyon nila para tuluyan na niyang iwan ito. Sobra na siyang nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya nito kaya naman nagdesisyon na siyang lumayo.

Sa kabila nito, nakaramdam ng saya si Emerald, inakala niyang nagbago na ang isip ni Jace at handa na siyang tanggapin bilang asawa niya. Kaya naman, snimulan niyang magplano ng menu na ihahanda para sa hapunan. Gusto niyang mapabilib ang pamilya ni Jace para tanggapin din siya ng mga ito. Sa loob ng isang taon, inisip niyang hindi na niya makikilala ang pamilya ng asawa niya, at patuloy niyang tinatanong sa sarili kung alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ang tungkol sa pagpapakasal nila.

Sa sobrang tuwa, nilinis ni Emerald ang lahat bago magsimulang magluto at tiniyak na matatapos siya nang maaga para magkaroon ng oras na maayusan ang sarili. Gusto niyang makita ni Jace na maganda siya at hindi katulad ng sinasabi ni Emerose tungkol sa kanya.

“Sa wakas, natapos ko na!” bulalas ni Emerald matapos ihanda ang mesa. Sobrang saya niya na parang lumulutang siya sa hangin. “Kailangan ko ring maghanda pala.” Sabi pa niya sa sarili.

Pumunta si Emerald sa kanyang silid, naglinis, at naligo. “Diyos ko! Ano ang isusuot ko?” Napatingin siya sa damit na ibinigay ni Jace noong dinala siya nito sa isang party. Kahit na malungkot siya sa nangyari noon, wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang isuot na iyon. Wala naman kasi siyang maayos na damit dahil iyon lang ang damit na binili para sa kanya ng asawa at wala ng iba.

Naglagay siya ng lipstick at baby powder sa mukha, at nang natuwa siya sa nakita niya sa salamin, ngumiti siya. “Napagtanto na ni Jace na ako ang asawa niya. Kailangan kong maging maganda para sa kanya.” Napatingin si Emerald sa maleta niyang nasa tabi ng kama. Ngumiti siya at naisip, ‘Dapat ko na bang ibalik ang mga gamit ko sa aparador?’ Umiling siya at sinabing, ‘Hindi. Gagawin ko na lang iyon mamaya. Baka dumating na sila at ayoko silang paghintayin,’ sabi niya pa sa sarili.

Pagkatapos maayos ang sarili, bumaba siya sa hagdan at nagplano na hintayin ang asawa niya sa sala. Ngunit pagdating niya sa huling baitang, nakita niyang pumasok si Jace sa bahay at isinara ang pinto.

“Jace,” excited na tawag ni Emerald sa asawa, dahilan para tumingin ito sa kanya. Binati niya ito ng matamis na ngiti. Nagustuhan ni Jace ang nakita niya, ngunit naramdaman niyang parang mali ang mahalina siya sa babae.

‘Puta! Ang ganda niya talaga.’ Inisip niya at ipinilig ang ulo para mawala ang mga sa tingin niya ay hindi kanais nais na kaisipan.

Ngunit nilapitan siya ni Emerald at hinalikan, umaasang hindi siya itutulak nito.

Nabigla si Jace, ngunit nang maramdaman niyang malambot ang mga labi ng kanyang asawa, tumugon siya sa mga halik nito, hinila siya papalapit hanggang sa naging mas malalim ang kanilang halikan. Sa loob ng isang taon ay sinikap ni young Higginson na gawin ang ginagawa niya ngayon sa asawa dahil na rin sa damdaming pilit niyang pinapatay.

Matagal nang gusto ni Jace si Emerald at gusto niya itong maging kanya. Ngayon na ang asawa niya ang nagsimula, hindi na niya hahayaang pakawalan pa ang pagkakataon. Binuhat niya si Emerald at dinala sa kanyang silid, kung saan inangkin niya ito ng paulit-ulit.

Sa sandaling iyon, nakalimutan ni Jace kung sino si Emerald at ang inakala niyang ginawa nito sa kanyang kapatid. Ang iniisip lang niya ay kung gaano niya kagustong angkinin ang asawa.

“Emerald…” Umuungol siya sa tuwing nararating niya ang r***k, na sinabayan din ng pag-ungol ni Emerald ng kanyang pangalan niya.

Naramdaman ni Emerald ang pag-iingat sa kanya ni Jace kaya, kaya inisip niyang alam nito na siya lang ang nag-iisang lalaki sa buhay niya. Inakala rin niyang may pagtingin na din sa kanya ang asawa, dahil marubdob siyang inangkin nito.

Nang humupa ang init, nanatiling nakahiga ang dalawa na parehong nasa langit ang pakiramdam lalo na si Emerald kahit na nakakaramdam ng hapdi sa kanyang kaselanan, at hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang asawa dahil sa hiya.

Si Jace naman ay nag-iisip kung paano pag-uusapan ang tungkol sa divorce. Nagustuhan niya ang pagniniig nilang mag-asawa, at inisip niyang iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Ngunit nanaig ang galit sa kanya, at bago pa makapagsalita si Emerald, tumayo siya mula sa kama, binuksan ang drawer ng bedside table, at kinuha ang divorce papers bago ibinigay sa asawa.

Kinuha ito ni Emerald, naguguluhan. “D-divorce?” takang tanong niya na hindi mapigilan ang pangingilid ng luha matapos niyang basahin ang nilalaman.

“Oo. I want a divorce,” sagot niya nang walang emosyon. “Pirmahan mo na at umalis ka na,” dagdag pa niya.

“Pero akala ko–”

“Mali ang akala mo. Walang kahulugan sa akin ang nangyari sa atin. Para sa akin ay kagaya ka lang ng ibang mga babaeng naikama ko. Pero salamat pa rin at ako ang nakauna sayo,” sabi ni Jace, pinutol ang kung ano mang sasabihin ni Emerald habang nagbibihis. Dadating na ang kanyang mga magulang at kapatid, at gusto niyang makita ang reaksyon ng asawa kapag nakita na niya ang kanyang kuya.

Hindi alam ni Jace na sobrang durog na durog ang puso ni Emerald na halos ikamatay niya ang mga katagang binitawan niya rito. Hindi siya makahinga habang pinipigilan ang kanyang mga luha. Pero ayaw niyang makita siya ng lalaki sa pinakamababang estado niya, kaya pinatigas niya ang kanyang puso at bumangon mula sa kama at nagbihis.

Pinanood ni Jace ang asawa habang pinipirmahan nito ang mga papeles nang nanginginig ang mga kamay. Akala niya ay matagumpay niyang naipaghiganti ang kanyang kuya dahil sa nakikitang hitsura ni Emerald. “Wala kang makukuha mula sa kasal na ito dahil pumirma ka ng prenuptial agreement.” Tumingin si Emerald sa kanya na naguguluhan.

“What made you think na kailangan ko ang pera mo?” Tanong ni Emerald. Ayaw sana niyang magsalita pero nainis siya at nakaramdam ng galit sa asawa ng marinig niya ang sinabi nito. Naisip niyang kaya ganon ang trato sa kanya ni Jace ay dahil sa pag-aakalang pera lang nito ang habol niya.

“Hindi ba’t ganon ka? Naghahanap ng mayamang lalaking mapapakinabangan para yumaman?” Tanong ni Jace nang may pang-aasar.

“Hinding-hindi ko kailangang magpakasal sa isang lalaki para yumaman, at patutunayan ko sa iyo na magiging matagumpay ako kahit wala ka sa buhay ko,” matatag na sabi ni Emerald habang pinipigilan ang mga luha sa pagtulo. “Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ito at I will never ever forgive you in this lifetime. I hate you, Jace Higginson, at ililibing ko ang pag-ibig ko sa iyo sa pinaka ilalim na bahagi ng Mariana Trench para kailangan ko pang mamatay bago ko maramdaman ulit iyon para sa iyo.” Iyon ang huling mga salita na binitiwan niya bago siya umalis sa silid upang pumunta sa kanyang silid at kunin ang kanyang maleta na ipinagpasalamat niyang hindi niya in-unpack.

Bumaba si Emerald sa hagdan. Pagdating niya sa pinto, nakita niya ang isang mag-asawa at isang lalaki na inakala niyang mga magulang at kapatid ni Jace na nakatingin sa kanya nang may pagtataka. Yumuko siya nang magalang bago tuluyang lumabas ng mansyon at umalis, pati na sa buhay ni Jace.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status