Share

Chapter 4a

Habang lumilipas ang mga araw, hindi tumitigil ang pagdurusa ni Emerald. Minsan ay dumadalaw si Emerose sa kanilang mansyon upang saktan siya, pisikal at emosyonal. Hindi alam ng batang Morgan kung bakit ganoon ang ate niya sa kanya na nagsimula noong bata pa siya.

Buong buhay niya, inakala niyang masuwerte siya na magkaroon ng isang ate or kapatid na magiging kasama niya. Ngunit habang siya'y tumatanda, napagtanto niya na malayong maging magiliw sa kanya si Emeros dahil siya sa tingin niya ay kakumpetensiya ang tingin nito sa kanya. Na siya ring magdadala sa kanya sa kapahamakan.

Bukod sa kanyang kapatid, si Jace ay isa pang dahilan ng kanyang pagdurusa at pighati. Ang lalaking inakala niyang magiging kasama niya sa hirap at ginhawa ay nagpabaya at nanakit sa kanya. Tinutupad ni Emerald ang kanyang tungkulin bilang asawa sa loob ng isang buwan ng kanilang kasal.

Nakakaramdam siya ng sobrang hiya at panliliit sas sarili sa tuwing pinipilit ni Jace na isubo ni Emerald ang kanyang pagkalalaki satuwing umaga. Kasabay pa non ay ang pagsasalita nito sa kanya ng masasakit at maruruming salita. Ngunit nanatiling umaasa ang batang Morgan na matatapos din ang lahat ng kanyang ginagawa kapag na-realize ng kanyang asawa ang kanyang halaga.

"Magbihis ka at pupunta tayo sa isang party," sabi ni Jace sa kanya. Tumingin si Emerald sa kanyang asawa nang hindi makapaniwala. Hindi niya akalain na maisipan pa ni Jace na isama siya sa anumang pagtitipon na dadaluhan niya. Feeling happy, pumunta siya sa kanyang silid at nag-umpisang mag-ayos ng sarili. Nais niyang magmukhang maganda upang hindi mapahiya si Jace sa mga negosyanteng makakaharap nila.

Natapos na si Emerald sa pagligo at pagpapatuyo ng kanyang buhok nang pumasok si Jace sa kanyang silid at iniabot sa kanya ang dalawang kahon, na tahimik niyang tinanggap. "Suotin mo 'yan," sabi niya habang tinititigan siya. Ipinadaan niya ang kanyang mga mata sa buong katawan ni Emerald, na noo'y naka-tuwalya lang, na naging dahilan upang makaramdam siya ng kakaibang init ng katawan at kasabikang mahawakan ang asawa. "At bilisan mo!" dagdag pa niya na may inis bago lumabas ng silid. Ayaw niyang magtagal pa doon dahil baka hindi niya mapigilan ang sariling angkinin si Emerald.

'Dapat simple at disente lang ako dahil pormal na pagtitipon ito. Ayokong isipin ng business partner ng aking asawa na wala akong kwenta bilang asawa,' naisip ni Emerald habang nagme-makeup. Napaka-light lang dahil hindi siya sanay sa mga produktong pampaganda. Nang siya'y makuntento sa sariling repleksyon sa salamin, kinuha niya ang isang kahon na ibinigay ni Jace at inilabas ang sapatos. Ngumiti siya, iniisip na nag-effort ang kanyang asawa na bilhan siya ng mga kailangan niya.

Ang magandang si Emerald ay bumaba sa living room at nakita si Jace, ngunit sa kanyang pagkadismaya, nandoon din si Emerose, na nakasuot ng isang magarang gown. Bagaman maganda si Emerald sa kanyang damit, iniisip niya na mas maganda pa rin ang kanyang kapatid kaysa sa kanya.

Samantala, hindi mapigilan ni Jace na titigan ang kanyang asawa. Nabighani siya sa pagiging simple ni Emerald ngunit kaakit-akit. Tumigas ang kanyang mukha at iniisip niyang ito ang kakayahan ni Emerald—ang makaakit ng mga lalaki upang lokohin at iwanan sila.

Si Emerose naman ay napansin kung paano tinitignan ni Jace ang kanyang nakababatang kapatid. Sigurado siya na nagustuhan ni Jace ang kanyang nakita kahit na simple lang ang suot ni Emerald kumpara sa kanyang kasuotan ngayon. "Tara na?" tanong ng nakatatandang Morgan bago hawakan ang kamay ni Jace. Napatitig si Emerald sa kamay ng kanyang kapatid at asawa na ngayo'y magkahawak na.

"Excuse me," sabi ni Emerald bago pumagitna kina Jace at Emerose. Hindi niya papayagang manatili ang kanyang kapatid sa tabi ng kanyang asawa. Siya ang Mrs. Higginson, kaya dapat siya ang kasama ni Jace.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Jace kasabay ng pagtanggal ng kamay ni Emerald sa kanyang braso na naging dahilan upang magulat ang asawa.

Tumingin si Emerald sa kanyang kapatid at nakita itong nakangisi. "Tara na, Emerose," dagdag pa ng kanyang asawa bago muling hawakan ang kamay ng kanyang ate.

"Bakit mo siya hinawakan sa halip na ako?" Hindi mapigilan ni Emerald na magtanong. Siya'y nasaktan sa palagay niya'y harap harapang pagtataksil sa kanya ni Jace.

"Hindi kita isinama para maging date ko; isinasama kita para makita mo kung ano ang ginagawa ko roon," sagot ni Jace na nagpalito kay Emerald. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang makita doon. Bago pa siya makapagtanong, nagsimula nang maglakad sina Jace at Emerose papunta sa pinto, kaya't wala siyang nagawa kundi sundan sila.

Naramdaman ni Emerald ang kirot nang makita niyang binuksan ni Jace ang pintuan sa likuran para kay Emerose—isang bagay na hindi niya ginawa para sa kanya nang sila'y dumating sa mansyon. "Umupo ka sa harap," utos ni Jace bago sumakay sa likuran kasama si Emerose. Wala nang nagawa ang batang Morgan kundi sumakay na rin sa sasakyan. Nagsimula na silang magmaneho at agad na dumating sa venue.

May pulang carpet, at nagsimula nang magtanong si Emerald sa kanyang sarili kung maglalakad din ba siya roon. "Buksan mo ang pinto, Emerald." Ang utos na boses ni Jace ang nagpatigil sa kanya.

"Ano?" tanong niya. Nais niyang makasigurado na tama ang kanyang narinig.

"Ipagbukas mo kami ng pintuan!" sigaw ni Jace na ikinagulat niya, kaya agad siyang bumaba ng sasakyanat binuksan ang pintuan ng backseat kagaya ng gusto ng kanyang asawa.

Lumabas si Jace sa sasakyan at inialok ang kanyang kamay kay Emerose, na masaya namang tinanggap ito at ngumiti kay Emerald. "Isara mo ang pinto," bulong ni Higginson, tinitiyak na marinig ito ng kanyang asawa.

'Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako isinama?' tanong ni Emerald sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya para kay Jace upang maranasan ang lahat ng pinaparanas nito sa kanya. 'Bakit mo ako pinili kung ganito lang din ang gagawin mo sa akin, Jace?' tanong niya habang tinitingnan ang kanyang asawa at kapatid na naglalakad sa pulang carpet habang magkahawak kamay. Babalik na sana siya sa sasakyan nang ang mga flashing camera ang pumigil sa kanya. Lumingon siya at napagtantong kinukuhanan siya ng mga photographer. Isang bagay na hindi niya gusto, kaya't tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang mga kamay at mabilis na pumasok sa sasakyan.

"Ma'am, sigurado po ba kayo na hindi niyo gustong dumalo sa pagtitipon?" tanong ng driver. Tumango si Emerald nang hindi man lang siya tinitingnan. Ang kanyang isip ay nasa kanyang asawa, na sa tingin niya ay labis na nasisiyahan sa pagpapakilala sa kanyang kapatid sa lahat. Masakit ang kanyang puso sa pag-iisip kung ano ang iisipin ng mga tao sa pagtitipon tungkol sa dalawa, dahilan para bumagsak ang kanyang mga luha.

Sinubukan ni Emerald na pigilan ang kanyang luha, ngunit masyadong masakit para sa kanya ang kaalamang siya'y binabalewala at pinababayaan ng kanyang asawa, na para bang wala siyang halaga. Hindi niya pinangarap na magkaroon ng pamilya dahil sa palaging sinasabi ng kanyang kapatid at ina sa kanya: na siya'y walang kwenta at pangit, at walang magmamahal sa kanya. Ngunit pagkatapos siyang piliin ni Jace, naging pinakamasayang babae siya sa buong mundo.

Lovella Novela

Hi, samahan niyo po sila Jace at Emerald. Maraming salamat!

| 3

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status