Sana ay makita ni Jace ang kabutihan ng loob Emerald.
Kinabukasan, bumisita si Emerald sa kanyang nanny, tulad ng sinabi niya kay Jace. Bago umalis ay nagpaalam muna na isya na medyo matatagalan siya ng uwi dahil sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na yaya.“Hi, nanny! Kumusta ka na ngayon?” bati ni Emerald pagpasok sa silid ng ospital. Nagmukha siyang masigla kahit na hindi siya marinig o makita ni Lucy. Nananatili itong walang malay, at hindi masabi ng doktor kung bakit hindi pa rin ito gumagaling.Hila-hila ni Emerald ang upuan papalapit sa hospital bed at naupo. “Maligayang kaarawan, nanny.” Bati niya kay Lucy at hinalikan ang kamay nito. “Sana gumaling ka na. Sasabihin ko sa asawa ko na doon ka na tumira sa amin, at magiging masaya tayo pagnakalabas ka na dito. Gusto mo ba iyon?” patuloy niya.Habang nananatili si Lucy sa ospital, hindi nawalan ng pag-asa si Emerald na gagaling ang kanyang nanny. Naniniwala siya na sa patuloy niyang panalangin, maririnig at tutugunin ng Diyos ang kanyang hiling.Dumating din si Dr. Sanders upang bis
"Estupido! Estupido ako kung maniniwala pa ako sa kanya!" sigaw ni Jace habang ibinabato ang lahat ng gamit sa kanyang lamesa. Pagkatapos niyang komprontahin si Emerald nang nagdaang gabi ay nagpunta siya sa trabaho nang puno ng galit.Ipinakita ni Emerose sa kanya ang larawan ng kanyang asawa na mukhang masaya habang kasama ang doktor sa isang café. Hindi niya alam kung kailan iyon kinunan, pero ayon kay Emerose, napadaan lang siya at nagkataong nakita iyon kaya kinunan niya ng litrato.Ang mga sinabi ni Emerald na mahal niya si Jace at wala nang iba ay nagbigay ng kaguluhan sa kanyang damdamin, na halos mapaniwala siya rito. Sinubukan ni Jace na hindi ito ipakita dahil gusto niyang pahirapan ang kanyang asawa at hindi iparamdam na mahal niya ito."Hoy, pare—" bungad ni Kyle nang pumasok siya sa opisina ni Jace. "Anong nangyari?" tanong niya habang iniikot ang tingin at nakita ang kaibigan na nakaupo sa silya."Umalis ka, Kyle," patamad na sabi ni Jace sa kaibigan, pero hindi siya pin
Maagang nagising si Emerald dahil espesyal na araw iyon para sa kanya. Sabik siyang inaabangan ang araw na ito, umaasang alam ni Jace ang kahalagahan nito. Masiglang siyang bumaba sa hagdan at nagsimula sa kanyang pang-araw-araw na gawain sa kusina. Nagluto siya ng almusal at siniguradong magugustuhan ito ng kanyang asawa. "Happy birthday to me. Happy birthday to me... Happy birthday, happy birthday, happy birthday, to me," kinakanta niya sa isip habang nagluluto. "Jace, birthday ko ngayon. Can I ahve this honor to have breakfast with you?" tanong niya sa sarili, sinusubukang bigkasin ang mga salitang sasabihin sa kanyang asawa. Inayos niya ang mesa at hinintay si Jace na bumaba. Hindi alam ni Emerald kung anong oras dumating ang kanyang asawa ng nakaraang gabi. Hinintay niya ito upang magpaalam na bibisitahin ang kanyang Yaya Lucy, hanggang sa siya'y makatulog ay hindi pa rin niya namalayan ang pagdating ng asawa. "Magandang umaga!" masayang bati ni Emerald nang makita niya si Jac
Pagkatapos ng insidenteng iyon, napansin ni Jace na nagbago na si Emerald. Ang dati niyang mainit na pagbati tuwing umaga ay napalitan ng walang buhay na pakikitungo at walang kasigla sigla. Tulad ngayon, pumunta siya sa dining hall para maghapunan at umupo habang inilalagay ng kanyang asawa ang pagkain sa mesa. Hindi siya tinitingnan o kinakausap manlang ni Emerald, na lalo niyang ikinainis at inisip na nagmamalakai pa ito sa kanya."Kuha mo ako ng tubig," utos niya, at mabilis namang sinunod ni Emerald. Naglagay siya ng baso sa mesa bago nilagyan ng tubig. Uminom si Jace, pero "Putsa! Ang lamig nito!" galit niyang sigaw, habang nakatitig nang masama kay Emerald. Hindi siya pinansin ni Emerald at bumalik sa kusina para kumuha ng mainit na tubig at isa pang baso. Nagpatuloy sa pagkain si Jace at saka umalis sa dining room, iniwan ang kanyang asawa na naglilinis.Sa kanyang kwarto, nagtataka si Jace kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos ng kanyang asawa. 'Sumuko na ba siya?' tanong
“Jace, mukhang masaya ka,” puna ni Kyle.“Siyempre, nakakakita na si Jack ngayon. Salamat kay Eunice na nakumbinsi siyang magpaopera ilang buwan na ang nakalipas. Sabi ni Mom, magpapa-check-up sila sa ospital next week para lang masigurong okay ang lahat.”“Wow, ang ganda naman ng balitang 'yan,” sagot ni Kyle. “Bakit hindi mo sinabi sa akin tungkol sa operasyon niya? Dapat sana’y binisita ko siya.”“Ayaw niyang malaman ng iba, dahil takot siyang baka madisappoint tayo. Nababahala siya na baka hindi maging matagumpay ang operasyon.”“At naging matagumpay nga.”“Talaga,” sagot ni Jace na may kasiyahan.“Kaya hindi mo na kailangang ituloy ang paghihiganti mo, di ba? Okay na si Jack, at kasal ka na kay Emerald. Wala akong nakikitang dahilan para patuloy mo pa siyang saktan.” Hindi makapagsalita si Jace. Iniisip niya kung posible ba iyon. Kahit na alam niyang may nararamdaman siya para sa asawa, ngayon na nakakakita na si Jack, nag-aalala siya na baka magalit ang kapatid kapag nalaman niya
Balisa. Ganito ang nararamdaman ni Emerald habang patuloy niyang hinahanap ang yaya niyang si Lucy. Ayaw niyang tumigil at ipinagpaliban niya ang plano niyang iwanan ang asawa. Sa mansyon, tinutupad pa rin niya ang mga tungkulin niya kahit na pakiramdam niya ay wala na itong saysay dahil hindi pa rin niya natatagpuan si Lucy. Pero ayaw din niyang magalit si Jace.Sa umaga, naghahanda siya ng agahan para kay Jace at inihahain ito sa kanya. Kahit pagod na pagod na siya mula sa trabaho, hindi kailanman nakalimutan ni Emerald ang mga dapat niyang gawin. Isang araw, napaupo si Emerald sa sofa, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, iniisip ang sarili at ang kalagayan niya. ‘Okay pa ba ito? Wala na ba akong pagpapahalaga sa sarili ko kaya hinahayaan kong tratuhin ako ni Jace ng ganito? Hanggang kailan ko hahayaan na saktan niya ako?’ tanong niya sa sarili.Pumunta si Emerald sa kanyang kwarto at tinawagan ang kaibigan niya. Gusto na niyang tapusin ang plano niya at tuluyan nang iwan si Jace
Five years later...“Maayos na ang lagay ni Jack kasama ang asawa niya. Kailan mo naman aayusin ang sa’yo?” tanong ni Kyle kay Jace, na tumingin lamang sa kanya at pumikit.“Sa halip na isipin mo ang buhay ko, bakit hindi mo gawin ang trabaho na ipinagagawa ko sa'yo?” sagot ni Jace.“Nagawa ko na, at pumayag ang ACEGame na makipag-meet para pakinggan ang proposal natin,” tugon ni Kyle.“Sigurado ka?” tanong ni Jace. Hindi ito makapaniwala kaya naman gusto niyang siguruhin sa kaibigan. Matagal na silang humihingi ng appointment sa kompanyang iyon, ngunit ayaw ng kanilang CEO.“Siyempre. Ito ay dahil nakatira ang boss nila sa Europe at babalik na siya rito sa bansa para tuluyang manirahan. Nalaman ko na ngayon ang dating niya so malamang nasa airport na siya as we speak.”“Ganun ba, mukhang hands-on talaga siya sa operation ng company. Gusto kong makipag-collaborate sa kanila. Matapos kong matiyak na bumalik na si Jack sa dating siya at masaya na sa kanyang asawa, nagsimula akong makaram
Ang ACEGame building ay puno ng sigla mula sa mga empleyado na sabik nang makilala ang kanilang boss, na hindi pa nila nakita sa loob ng apat na taon. Curious ang mga empleyado kung ano ang hitsura niya, dahil sa Europe siya naninirahan. Lagi niyang iniiwasang makunan ng larawan, kaya wala ni isa ang talagang nakakakilala sa mukha niya maliban sa kanilang operations boss na si Creep at ang kanyang asawa na si Elise.“Sa tingin niyo, guwapo kaya si boss?” tanong ng isa sa mga babaeng empleyado habang nakapila sila sa tapat ng entrance door sa unang palapag ng gusali.“Sana nga! Gusto kong makakita ng guwapong mukha habang nagtatrabaho para lalo akong ganahan,” tugon ng isa pang babae, sabay tawa.“Maghanda na kayo,” sabi ng isa pa sa harapan nila bago tumingin sa entrance. At nang makita nila ang boss na pumasok kasama si Creep at Elise, nagtaka sila kung bakit may babaeng kasama sa gitna ng dalawang kinikilala nilang mga boss din.Naglalakad si Emerald kasama sina Creep, Elise, at Dary