Share

Chapter 9

"Estupido! Estupido ako kung maniniwala pa ako sa kanya!" sigaw ni Jace habang ibinabato ang lahat ng gamit sa kanyang lamesa. Pagkatapos niyang komprontahin si Emerald nang nagdaang gabi ay nagpunta siya sa trabaho nang puno ng galit.

Ipinakita ni Emerose sa kanya ang larawan ng kanyang asawa na mukhang masaya habang kasama ang doktor sa isang café. Hindi niya alam kung kailan iyon kinunan, pero ayon kay Emerose, napadaan lang siya at nagkataong nakita iyon kaya kinunan niya ng litrato.

Ang mga sinabi ni Emerald na mahal niya si Jace at wala nang iba ay nagbigay ng kaguluhan sa kanyang damdamin, na halos mapaniwala siya rito. Sinubukan ni Jace na hindi ito ipakita dahil gusto niyang pahirapan ang kanyang asawa at hindi iparamdam na mahal niya ito.

"Hoy, pare—" bungad ni Kyle nang pumasok siya sa opisina ni Jace. "Anong nangyari?" tanong niya habang iniikot ang tingin at nakita ang kaibigan na nakaupo sa silya.

"Umalis ka, Kyle," patamad na sabi ni Jace sa kaibigan, pero hindi siya pin
Lovella Novela

Ano kaya ang naghihintay kay Emerald sa kanyang kaarawan? Pa add po sa inyong library at pa-follow na rin. Kung mayroon po kayong extra gems ay pa vote na rin po. Salamat!

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status