Share

Chapter 15

Ang ACEGame building ay puno ng sigla mula sa mga empleyado na sabik nang makilala ang kanilang boss, na hindi pa nila nakita sa loob ng apat na taon. Curious ang mga empleyado kung ano ang hitsura niya, dahil sa Europe siya naninirahan. Lagi niyang iniiwasang makunan ng larawan, kaya wala ni isa ang talagang nakakakilala sa mukha niya maliban sa kanilang operations boss na si Creep at ang kanyang asawa na si Elise.

“Sa tingin niyo, guwapo kaya si boss?” tanong ng isa sa mga babaeng empleyado habang nakapila sila sa tapat ng entrance door sa unang palapag ng gusali.

“Sana nga! Gusto kong makakita ng guwapong mukha habang nagtatrabaho para lalo akong ganahan,” tugon ng isa pang babae, sabay tawa.

“Maghanda na kayo,” sabi ng isa pa sa harapan nila bago tumingin sa entrance. At nang makita nila ang boss na pumasok kasama si Creep at Elise, nagtaka sila kung bakit may babaeng kasama sa gitna ng dalawang kinikilala nilang mga boss din.

Naglalakad si Emerald kasama sina Creep, Elise, at Dary
Lovella Novela

Magkita na kaya sila? See you po sa next chapter!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status