Mahal pa rin ni Emerald si Jace?
“Wow, Mommy!” sigaw ni Ace habang naglalakad sila sa amusement park, papalayo sa parking lot kung saan nila ipinarada ang kanilang kotse. Weekend noon, at gaya ng ipinangako ni Emerald sa anak, dinala niya ang bata para magsaya kasama si yaya Keng at si Liam, na nagmaneho para sa kanila.“Ang saya mo yata?” tanong ni Emerald habang tumatawa. Hindi niya akalain na matutuwa nang husto ang anak sa simpleng pagbisita sa amusement park. Mas pinili niyang lumabas sila kaysa makita ang anak na nakatutok sa laptop, nagsasanay ng pagko-code.“Syempre!” sigaw ni Ace. Gustung-gusto niyang magkasama sila ni Emerald para magsaya, pero nag-atubili siyang humiling dahil alam niyang abala ang ina sa trabaho. “Kung maaari lang, gusto ko ganito lagi tuwing weekend. Para tayong masayang pamilya kasama si Daddy Liam,” masayang sabi ni Ace. Ngunit nalungkot si Emerald dahil alam niyang hinahanap ng anak ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya.“Okay lang, ganyan talaga ang mga bata ngayon,” sabi ni Liam haba
“Hi, M.” bati ni Kyle nang lumabas si Emerald mula sa elevator.“Huwag mo na akong tawaging ganun; Emerald na lang.” sagot ng babae. Ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa mga empleyado ni Jace.“Pero sabi ni Creep, ganun ka raw nila tawagin,” sagot ni Kyle habang iniimbita siyang sumunod.“Sila ang mga kaibigan ko, at malapit kami sa isa’t isa,” sagot niya. Habang naglalakad, napansin ni Emerald ang ilang empleyado na tumitingin sa kanila.“Gets ko, Emerald na lang itatawag ko sa’yo.”“Salamat.”“Narito ang opisina mo,” sabi ni Kyle nang huminto sila sa isang kuwartong may glass wall at pinto. Malinis ito at hindi masyadong malaki, at kita ni Emerald ang lahat sa labas, kaya nagustuhan niya ito.“Nasan ang team ko?” tanong niya.“Lahat ng tao sa labas ay nasa pamamahala mo,” sagot ni Kyle. Tumango si Emerald at bahagyang napabuntong-hininga nang malamang wala si Jace. Pero dahil inaasahan niyang makita ito, medyo nadismaya siya, bagaman sinikap niyang huwag ipakita. “Pwede mo nang ayus
"Mom, sinasabi ko sa'yo, nakita ko ang malas na 'yun!" sigaw ni Emerose habang kinukwento kay Merly ang nakita niya."At sinasabi mo sa akin na may kasama siyang bata? As in, isang bata?" tanong ni Merly na hindi makapaniwala. Ilang taon na nilang hinahanap si Emerald, hindi dahil nag-aalala sila sa kanya matapos siyang umalis sa mansyon ni Jace, kundi dahil gusto nilang malaman kung natagpuan na nito si Lucy."Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?" tanong ni Emerose."Sabi mo nasa preschool sila; baka nagtatrabaho siya bilang yaya at inutusan ng amo na ihatid ang bata sa eskuwela.""Pero hindi siya mukhang yaya. Suot niya ay mukhang mamahalin." sagot ni Emerose. "Paano kung may pamilya na siya? Sa tingin mo ba, dapat ko nang ituloy ang panunukso kay Jace?""Baliw ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng tatay mo nung umuwi siyang galit na galit dahil sa lalaking iyon?""Pero Mom, gusto ko si Jace. Gwapo at mayaman siya, ano pa bang hahanapin ko?""Gusto mo bang matulad sa malas na 'yun?" ta
“Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ni Esther pagkakita kay Emerald.“Babalik na lang ako kapag hindi ka na busy,” sagot ni young Morgan sa halip na direktang tumugon. ‘So, mahal mo talaga siya, ha?’ isip niya bago siya tumalikod at papalabas na sana, pero pinigilan siya ni Jace.“Ano ‘yon?” tanong nito.“May gusto akong pag-usapan,” casual na sagot ni Emerald. Ayaw niyang magmukhang apektado kay Esther, kahit pa may parte ng sarili niyang gustong sabunutan ito.“Ano’ng pag-uusapan mo sa kanya? Kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ka magugustuhan ni Jace. Hindi ka niya gusto noon, at hindi ka rin niya magugustuhan ngayon o kahit sa hinaharap.”“Iyong-iyo na siya. Hindi ako namumulot ng basura na itinapon ko na,” mapang-asar na sagot ni Emerald, na siyang nagpaigting ng panga ni Jace. Nasaktan siya, pero hindi na lang niya pinansin dahil alam niyang may kasalanan siya.“Maaari ka nang umalis, Esther,” sabi ni Jace, dahilan para magulat ang babae. “Ngayon na,” dagdag pa niya nang makita
Maayos ang takbo ng kumpanya ni Emerald. Nakuha nila ang kontrata sa JHBank, ang pinakamalaking commercial bank sa bansa. Si Creep at Daryl ang nag-asikaso ng lahat ng kailangang meeting at dokumento. Lalo pang sumaya si Emerald nang makuha ni Elise ang 60% controlling share ng Morgan’s Grocer. Hindi alam ng kanyang pamilya na pinaghahandaan na niya ang engrandeng pagpasok niya sa kanilang kumpanya.Isa pang linggo ang lumipas, at ipinaalam ni Liam kay Emerald na tapos na ang kanyang bakasyon at kailangan na niyang bumalik sa Europa. “Mami-miss kita, Daddy Liam,” sabi ni Ace, habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Hinayaan na lang ni Emerald na tawagin ng anak ng ganoon ang lalaki, dahil aalis na rin naman ang kaibigan.“Wag kang mag-alala, Ace. Tatawagan kita paminsan-minsan. Babalik ako para magbakasyon.” Sabi ni Liam habang tinatapik ang ulo ng bata, na kadalasan ay ayaw nitong ginagawa sa kanya ng kahit na sino, maliban sa lalaki na itinuturiing na niyang ama.“Totoo ba 'yan?
“Mommy, ang ganda mo,” sabi ni Ace habang pinapanood si Emerald mag-makeup. Gaya ng dati, napaka-light lang dahil hindi talaga siya mahilig pagdating sa bagay na iyon. Pakiramdam niya ay hindi nakakahinga ng maayos ang balat niya kapag makapal ang nailagay niya na pangkaraniwan na rin namang paraan ng paglalagay non.“Talaga ba?” masayang tanong ni Emerald kay Ace. Sanay na siya sa mga papuri ng anak niya, at siyempre, naniniwala siya kahit alam niyang sinasabi lang iyon dahil siya ang mommy nito.“Opo, Mommy. Wala pa akong nakikitang ibang nanay na kasing ganda mo,” sagot ni Ace, na nagpapatawa nang husto kay young Morgan. Hinarap niya ang anak at lumuhod para magpantay sila ng taas, at saka sinabi,“Nasasabi mo lang yan kasi anak kita. Alam mo kung paano ako pasayahin at ipadama ang pagmamahal mo.” Hinaplos niya ang mukha ni Ace at hindi mapigilang makita si Jace sa kanya. Kahit saan man niya tingnan si Ace, ang asawa agad ang pumapasok sa isip niya. Ganoon sila magkamukha—mula sa je
Pumunta si Emerald sa event hall kasama si Daryl habang iniisip si Jace. Hindi niya inasahan na hahalikan siya nito, at lalong hindi niya inakala na tutugunin niya iyon. Napailing siya at sumunod sa kanyang kaibigan na huminto sa harap ng entablado.“Let's all welcome, the new CEO of Morgan’s Grocer, at malapit nang maging ACE’s Family Mart!” sabi ni Elise, itinuro si Emerald para magbigay ng senyas na umakyat siya sa entablado. Lahat ng tao ay tumingin sa kanya, at hindi nakaligtas sa kanya ang biglang paghinga nang malalim nina Emerson, Merly, at Emerose Morgan, na ngayon ay tila hindi makapaniwala sa nakikita nilang nasa harapan ng kanyang kaibigan.Nakatayo sa harap nila si Emerald Morgan, suot ang kanyang eleganteng emerald green na evening dress na may slit hanggang kalahati ng kanyang hita, at pares ng emerald green na stilettos. Ang kanyang mga alahas ay yari sa purong emerald green crystals, na nagpapatingkad pa ng kanyang kagandahan. Napakaganda niya kaya’t hindi naiwasang ti
“Hindi mo na dapat kinausap siya!” sigaw ni Jace.“Gusto ko lang tumulong sa’yo,” kalmadong sagot ni Jack. Alam niyang magagalit sa kanya ang kapatid kapag kinausap niya si Emerald, kaya’t pinaalam na niya ito kay Jace noon pa. Ngunit sinabi ng kapatid na huwag na huwag niyang gagawin iyon. Ayaw niyang isipin ni Emerald na nagahanap siya ng kakampi mula sa iba.“Hindi mo naiintindihan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya ng personal, at gusto kong makita niya ang sinseridad ko hangga’t maaari,” sagot ni Jace. “Pero, ano na nga ba ang sinabi niya? Paano siya nag-react?” hindi maiwasang itanong ni young Higginson out of curiousity.“Wala. Tinanong lang niya kung inaasahan kong mapapatawad ka niya dahil sinabi ko ang lahat.”“At ano ang sinagot mo?”“Sabi ko, hindi. Pwede niyang gawin ang gusto niyang paghihiganti at pahirapan ka, kasi deserve mo iyon. Bobo ka kasi, hindi mo man lang inayos ang imbestigasyon bago ka gumawa ng plano at nakialam
MATURE CONTENTUmuwi ang bagong kasal sa mansyon ni Jace. Hindi siya pumayag na hindi sila doon tumuloy dahil doon daw ang kanilang bahay. Dahil doon daw nababagay si Emerald kung nasaan siya. Nasa kanilang silid na sila at at sa susunod na araw ay lilipad sila pa Switzerland para sa honeymoon nila.“I’m so happy that you’re really mine now, dear wife.”“I have always been yours, Jace.” Ngumiti si young Higginson at sinapo ng dalawang kamay ang mukha ng asawa. Bago ang kasal ay sinabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin, ang dahilan ng pagpapahirap niya sa asawa at ang kanyang pagsisisi.“I never thought na magiging akin kang muli. Yes, I want you and I love you. Naisip kong hindi mo ako mapapatawad kagaya ng sinabi mo sa akin bago ka umalis. Hindi iyon mawala wala sa isipan ko at naging sanhi ng takot ko na kahit magbalik ka or makita kitang muli ay wala na rin ang pag-ibig mo para sa akin. Na hindi mo na gugustuhing maramdaman pa iyon ulit sa akin.” ang madamdaming wika ni Jace sa
Nakaharap sa malaking salamin si Emerald habang titig na titig sa kanyang sariling repleksyon. Hindi siya makapaniwala na ngayon na ang araw ng kanyang kasal sa lalaking kanyang pinakamamahal. Noong una ay pinangarap lamang niya, ngunit ngayon, ilang sandali na lang ay lalakad na siya sa harap ng altar upang katagpuin ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.Mag-asawa na sila ngunit para kay Emerald ay iba ang araw na ito. Naisip niya na kung nagkaroon sila noon ng wedding ceremony ay maaaring hindi iyon kasing espesyal ngayon na kasama niya ang kanyang tunay na mga magulang at mahal sa buhay pati na rin ang mga magulang ni Jace.“Mom,” sabi ni Emerald ng makita niya sa salamin ang kanyang inang si Ember na nakatayo na sa kanyang likuran.“Nandiyan na ang mag-aayos sayo, are you ready?” ang nakangiting tanong ng kanyang ina na sinuklian din niya ng matamis na ngiti at sunod sunod na pag tango. “Hindi ka naman excited ng lagay na yan?” tanong pa ulit ni Ember na may halong pa
Naging magaan na ang lahat kay Emerald. Kasama na niya sa bahay ang kanyang inang si Ember na siya ngayong tumitingin kay Ace kapag nasa opisina siya at si Jace.Si Mr. Landers at Mr. Ferguson naman ay ganon din. Babalik ang dalawa sa Italy upang asikasuhin ang negosyo nila roon. Niyaya na nila si Ember ngunit ayaw na ring sumama ng ginang dahil gusto niyang malapit lang siya sa anak at sa apo.Walang nagawa si Mr. Ferguson kung hindi hayaan ang anak sa gustong mangyari ngunit si Mr. Landers ay ayaw ng ganon. Gusto niyang makasama ang babaeng minamahal at napakatagal ng pinahanap kaya naman matapos niyang magtalaga ng isang taong mamamahala ng kanyang kumpanya ay babalik siya ng L.A. upang makasama na si Ember ng tuluyan at para yayain na rin itong magpakasal.Samantala, patuloy ang paghahanap ng mga pulisya kay Emerson na nakatakas ng tuluyan dahil nagdaan ito sa kalsada kung saan walang CCTV kaya naman sige din ang paghahanap ni Creep sa mga posibleng nilusutan ng kanyang sasakyan.
MATURE CONTENTMaalab na naghalikan ang dalawa at walang may gustong tumigil. Darang na darang na sila kaya naman nagsimula ng humagod ang mga kamay nila sa katawan ng bawat isa. Si Jace ay naipasok na ang isang kamay sa blouse na suot ni Emerald na naging dahilan upang mapaliyad ang asawa.“Hmm..” ungol ni young Morgan ng maramdaman niya ang mga daliri ng asawa na pinaglalaruan na ang kanyang u***g matapos niyang kalagin ang pagkaka-hook ng kanyang bra. Tumayo si Jace kasama siya tsaka iniangat upang maiupo siya sa lamesa na alam niyang matibay.Ibinuka naman ni Emerald ang kanyang mga hita upang makapwesto ang asawa sa pagitan ng mga iyon na siya ngang ginawa ni Jace habang tinatanggal niyia ang butones ng blouse ng asawsa.“I was planning on pampering you the whole day, dear wife. And making love with you is included.” Pansamantala silang tumigil sa paghahalikan ng makaramdam sila ng kakapusan ng paghinga.“Don’t just make love with me, Jace. Fuck me too. Fuck me like you never did
“Saan tayo pupunta?” takang tanong ni Emerald sa asawa. Iniisip niyang pagkagaling sa presinto ay sa kanilang mga opisina na sila tutuloy. Ngunit napansin niya na iba ang tinatahak na daan ng asawa.“After all the stress na pinagdaanan mo, I think you deserve a break. Huwag mo munang isipin ang trabaho,” sagot naman ni Jace kasabay ang pagtingin sa kanya matapos na masigurong safe ang kalsada habang inikutan naman siya ni Emerald ng kanyang mga mata na naging dahilan upang magtawanan sila pareho. “Kidding aside, dear wife. Sobra ang naging pag-iisip at worry mo sa mga pangyayari kaya gusto kong pasiyahin at paglingkuran ka today.”“Ikaw ang bahala, I’m just worried about your company,” nag-aalalang sagot naman ni Emerald.“Just like you have Creep, Daryl and Elise in your companies, I also have Kyle in mine. Sobrang maaasahan ko rin ang kaibigan ko na yon kaya naman you have nothing to worry about.” Paliwanag naman ni young Higginson. “Isa pa, it’s not like I do this everyday.”Hindi n
Pinaghahahanap na ng batas si Emerson. Ang nangyari ay pupuntahan sana nito si Ember sa lihim na silid ngunit nakita siya ni Jace. Nagtaka ang matandang Morgan kung bakit nandoon ang bilyonaryo ngunit mas pinili niya ang manakbo ng tangkain siyang lapitan ni young Higginson.Si Merly naman ay nagwawala na sa presinto dahil sa pagkakadampot sa kanya ng puntahan ng mga pulis ang kanilang tinitirhan apartment. Hindi makapaniwala si Mrs. Morgan na magagawa ng kanyang asawa ang ibinibintang ng mga pulis sa kanila. Kuntodo deny siya sa mga paratang sa kanilang mag-asawa tungkol sa pagkidnap kay Ember. Samantala, sa bahay nila Emerald nagtuloy ang lahat matapos makalabas ang kanyang ina sa ospital. Masayang masaya ang lahat lalo na si Ace dahil hindi niya akalain na napakalaki na ng kanilang pamilya.“I'm so happy na naging successful ka pa rin kahit na anong pagpapahirap sayo ng pamilyang iyon anak,” ang naiiyak na sabi ni Ember habang sige ang haplos niya sa pisngi ni Emerald. Hindi pa rin
Kumakain na sila Dr. Sanders at Ember at tinitignan lamang sila ni Cedrick. Inalok siya ng doktor ngunit minabuti niyang hayaan na silang kumain. Hindi pa naman siya gutom at sanay rin siya sa mga ganitong pagkakataon na minsan ay tatlong araw siyang walang kain dahil sa pag-iimbestiga. Naisip niya na mas kailangan iyon ng dalawa kung sakaling magkaroon ng kaguluhan kapag natanggap nga ni Ronnie ang kanyang message.“Hindi ba parang late na ang breakfast mo?” tanong ni Cedrick sa doktor.“Ganitong oras nila talaga dinadala ang pagkain ko sa simula pa lang.” Hindi na kumibo ang detective at pumunta na lang sa may pintuan upang iawang iyon ng bahagya umaasang may marinig kahit na papaano na magmumula sa ibaba or sa itaas nila.Alam niyang sa mga oras na iyon ay maaaring dumating na ang mga pulis kaya naman sinimulan na rin niyang ikundisyon ang sarili. Kailangan niyang protektahan ang dalawa sa abot ng kanyang makakaya. Hindi dahil sa trabaho niya iyon, kung hindi dahil gusto na niyang m
“Sa tingin mo ba ay masesend iyon?” ang nag-aalalang tanong ni Cedrick. Bumalik na si Dr. Sanders at sinabi nito na iniwan niya ang cellphone sa ibabaw ng mataas na kabinet na sa tingin ng doktor ay hindi mapapansin ng kahit na sino.“Siguro naman, dahil ng tignan ko ay umangat ang signal bar. Nataranta lang ako dahil sa yabag na paparating. Hindi ako pwedeng mahuli ng kahit na sino lalo na kung hindi magtagumpay ang pag send ng message.”Tumango naman sila Cedrick at Ember dahil naiintindihan din naman nila si Dr. Sanders. Hindi ito sanay sa ganung bagay kaya naman idinaan na lang nila sa dasal ang magiging resulta ng ginawa nila. Gustuhin man nilang magawa ang mga bagay na gusto nilang gawin ay hindi maaari dahil hindi rin nila kayang isakripisyo ang kaligtasan ng bawat isa.Kabado sila habang naghihintay, maaga pa at alam nila iyon. Napaisip si Cedrick ng mga posibilidad na ginawa ng mga kasamahan niya sa labas at sinabi iyon sa dalawa. “Kung natanggap ni Ronnie ang aking text kagab
“Dito ka lang my dear wife. Kailangan namin ng back up kung sakaling magtangkang tumakas ang mga kumuha sa mommy mo. Kailangan namin ang expertise ni Creep,” sabi ni Jace kay Emerald na nagpupumilit na sumama sa kanya papunta sa Red House para abangan at masaksihan ang pagsugod ng mga pulis.“Jace naman eh, gusto kong sumama.” Pagpippilit pa niya. Nang gumising sila at nagsimulang maghanda para sa pag-alis ay sinabihan na siya ng asawa na ihahatid lang siya nito sa ACEGame building kung nasaan si Creep at ang asawa niya. Nanatili ang mga ito doon upang mamonitor ang bawat pangyayari.“Please dear wife, para din mapalagay ako at alam kong safe ka. May mga taong nagbabantay rin sayo dito at sa labas ng building kaya pwede kang mag focus lang sa monitor at tulungan si Creep. I’m sure puyat na rin iyon.” Huminga ng malalim si Emerald bago tumango. Ayaw niyang maging pabigat din sa mga taong magliligtas sa mommy niya kaya naman sinunod na lang niya ang gustong mangyari ng asawa.Umalis na s