Ayan tuloy, magpa-process na ng divorce si M, ang kulit mo kasi Jace eh.
Galit na galit si Jace kay Emerald matapos marinig ito na nagsabing "I love you too" sa kung sino mang inakala niyang tinawag nitong "baby." Sobrang selos niya, at kahit gusto niyang ipakita kung gaano siya ka-galit, sinubukan niyang kontrolin ang sarili dahil alam niyang siya ang may kasalanan at naisip niyang kailangan niyang maging pasensyoso sa kanya.Kinabukasan, hindi siya pumasok sa opisina dahil sa takot na baka naghihintay na sa desk niya ang mga divorce papers, gaya ng sinabi ng asawa. Tumawag na lang siya kay Kyle at inutusan itong dalhin ang lahat ng kailangan niya sa penthouse para makapagtrabaho siya.“Bakit dito ka nagtatrabaho?” tanong ni Kyle na nagtataka. Sa pagkakaalam niya, ayaw na ayaw ng kaibigan na magdala ng trabaho sa penthouse. Mas gusto nitong nasa opisina siya para madali siyang makontak kung may problema.“Trip ko lang dito magtrabaho,” sagot ni Jace, dahilan para umiling si Kyle.“Alam kong may dahilan 'yan,” pangungulit ni Kyle.“'Yan na ba lahat ng kaila
‘Ang gago! Paano niya nagawang halikan ako nung gabing iyon, tapos ngayon ito? Pinapakita pa niya ulit sakin na nakikipaglaplapan siya sa babaeng iyon!’ sigaw ni Emerald sa isip niya. Hindi niya kayang sigawan ang asawa niya o ipakita kung gaano siya ka-galit dahil sinabi na niya rito na gusto niyang mag-file ng divorce.“Emerald!” tawag ni Jace nang makita siya.“Ang kapal naman ng mukha mo para umakyat pa dito?” sigaw ni Esther. “Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Jace? Sinabi na niya sayo dati na hindi ka niya mahal, na asawa ka lang niya sa papel, pero ako ang mahal niya!”“Shut the fuck up, Esther!” sigaw ni Jace, na may tingin ng galit sa babae. Nanlaki ang mga mata ng babae sa pagkagulat. Kahit papaano, alam niya na may gusto pa rin si Jace kay Emerald; umaasa siya na makakalimutan na nito ang asawa lalo na at tuluyan na nga siyang iniwanan nito.“Seryoso ka ba?” tanong ni Esther kay Jace.“Umalis ka na, hindi ka naman kailangan dito,” sagot ni Jace, binibigyan ng warning si Esth
Natigilan si Emerald. Ilang araw na niyang iniisip ang tungkol kay Yaya Lucy at ang balitang sinabi ni Liam. Hindi niya kayang intindihin ang lahat nang sabay-sabay dahil sa kalituhan. ‘Alam kaya ito ni Dad?’ tanong niya sa sarili bago siya umiling at naisip, ‘Hindi, kung alam niya, hinding-hindi niya papayagang umalis si Yaya Lucy sa mansyon namin. Pagdating sa pera, gahaman siya at gusto niyang nasa tabi niya lahat ng pwede niyang pakinabangan.’“Kung hindi ka magtatrabaho, bakit hindi ka na lang umuwi?” tanong ng lalaking ayaw na niyang makita o isipin, dahilan para titigan niya ito nang masama. “Matagal na akong nakatayo dito. Nakatingin ka sa akin pero parang hindi mo ako nakikita. Ano sa tingin mo ang maiisip ko, eh ako ang nagbabayad sa'yo para magtrabaho?” patuloy ni Jace habang papalapit ito sa mesa niya.“Alam mo, tingin ko tama ka,” tugon ni Emerald sabay tayo.“Saan ka pupunta?” tanong ni Jace na litong-lito.“Uuwi. Mas pipiliin ko pang mag-stay doon kaysa makita ang mukha
“Sigurado ka ba dito?” tanong ni Jace.“Oo, sir,” sagot ng lalaki, dahilan upang magtagis ang mga bagang ni young Higginson. Naipukpok niya ang kanyang kamay sa armrest ng kanyang kinauupuan dahil sagalit.“We've been working together pero wala siyang sinasabi sa akin tungkol dito.”“Pwede mo siyang tanungin para makumpirma ang report ko, Mr. Higginson.”“Ace ba ang pangalan ng bata?” tanong niya, at tumango ang imbestigador. Ngumiti si Jace, iniisip na pinangalanan ni Emerald ang kanilang anak mula sa kanya. “Itatanggi niya ‘yan, sigurado ako. Ayaw niyang ipaalam sa akin na nagkaroon kami ng anak.”“Naisip ko na rin po iyan kaya narito ang resulta ng DNA at mga larawan ng bata.”“Paano mo nakuha ito?”“Pumunta si Ms. Emerald sa barbershop at salon kasama ang bata,” sagot ng lalaki.“Kaya pala bago ang gupit niya,” sabi ni Jace, na ikinangiti ng lalaki habang hinahaplos ang kanyang ulo. “Salamat, Ronnie.”“Walang anuman, sir,” sagot ni Ronnie, ang imbestigador na inupahan ni Jace. Mat
“Ano ‘to?” galit na tanong ni Emerald. Pumunta siya sa opisina ni Jace at hinarap ito habang ipinapakita ang summon mula sa korte.“Kung ano man ‘yan.” sagot ni young Higginson na parang wala lang sa kanya kung galit man ang asawa dahil inaasahan na niyang ito ang magiging reaksyon niya.“Ano bang iniisip mo at nag-file ka ng ganitong kaso?”“Bakit? Balak mo bang sabihin sa akin tungkol sa anak natin?” tanong ni Jace, matalim ang tingin sa kanya. Alam na niya kung paano siya magre-react, at handa na siya.“Siyempre!” sigaw ni Emerald.“Kailan? Magkatrabaho na tayo dito nang ilang buwan, pero ni pahiwatig wala kang sinabi!”“Pagkatapos ng project natin! Sinabi ko na rin sa anak ko ang tungkol sa’yo.”“Anak natin, Emerald. Anak natin. Huwag mong kalimutan ‘yan.” tugon ni Jace, “At bakit kailangan pang tapusin ang project natin?”“Para hindi na kita makita.”“Ano? May karapatan akong makasama ang anak natin. Ganun mo ba ako kinasusuklaman na ayaw mo akong makita? Pagkatapos ng project na
“Maghanda ka ng hapunan. Dadating ang mga magulang at kuya ko para ipakilala ka sa kanila,” sabi ni Jace, na hindi mapaniwalaan ni Emerald na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. Nakaayos na ang mga gamit niya, at hinihintay na lang sana niya na umalis ang asawa papunta sa trabaho bago siya umalis sa mansyon nila para tuluyan na niyang iwan ito. Sobra na siyang nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya nito kaya naman nagdesisyon na siyang lumayo.Sa kabila nito, nakaramdam ng saya si Emerald, inakala niyang nagbago na ang isip ni Jace at handa na siyang tanggapin bilang asawa niya. Kaya naman, snimulan niyang magplano ng menu na ihahanda para sa hapunan. Gusto niyang mapabilib ang pamilya ni Jace para tanggapin din siya ng mga ito. Sa loob ng isang taon, inisip niyang hindi na niya makikilala ang pamilya ng asawa niya, at patuloy niyang tinatanong sa sarili kung alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ang tungkol sa pagpapakasal nila.Sa sobrang tuwa, nilinis ni Emerald an
"Pakihanda si Emerald para sa kasal sa susunod na linggo," sabi ni Jace Higginson na ikinagulat ng pamilya Morgan. Hindi nila inaasahan na pipiliin niya ang nakababatang anak na babae kaysa sa edukada at napakasopistikadang panganay.Sa suot niyang maluwang na damit, tiningnan ni Emerald ang pinaka-guwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi rin siya makapaniwala na ang lalaking pumasok sa kanilang mansyon kanina ay siya ang pipiliin."Sigurado ka ba, Mr. Higginson?" tanong ni Emerson Morgan, ama ni Emerald, na halatang nagulat."Mas bagay sa'yo ang panganay naming anak. Siya ay edukada, maganda, at napaka-kaakit-akit. Sigurado akong magugustuhan mo siyang ipakilala sa mga kasosyo mo sa negosyo," dagdag pa ni Merly Morgan.Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit ganito ang sinasabi ng kanyang mga magulang. Parang ipinahihiwatig nila na wala siyang halaga at hindi karapat-dapat na mapangasawa ng isang tulad ni Jace Higginson. Wala siyang magawa kundi yumuko sa hiya haban
"Sir, nakahanap na po ako ng nurse na mag-aalaga kay Sir Jack," sabi ni Nolan, ang assistant ni Jace, pagkapasok niya sa opisina kinabukasan."Siguraduhin mong maaalagaan niya nang mabuti ang kapatid ko.""Naipaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Nai-inform na rin ang mga katulong tungkol sa supplements niya," dagdag pa ng kanyang assistant. Hindi na mabilang ni Jace kung ilang beses na siyang kumuha ng nurse para sa kapatid dahil palaging nagreresign ang mga ito kahit gaano kalaki ang sahod nila. Ito'y dahil sinasaktan sila ng kanyang kapatid at sinasabihan ng masasakit na salita dahil ayaw nitong matulungan. Determinado itong tapusin ang sariling buhay na lalo pang ikinagalit ni Jace. Ayaw ng kapatid niyang gumaling kahit na malaki pa ang tsansa nito, lalo na't kumpleto sila sa resources para sa gamot at anumang operasyong kakailanganin.Umupo si Jace sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, iniisip ang asawa ni