At nalaman na nga ni Emerald ang dahilan ng paghihiganti ni Jace. Mapatawad pa kaya niya ang asawaw?
“Hindi mo na dapat kinausap siya!” sigaw ni Jace.“Gusto ko lang tumulong sa’yo,” kalmadong sagot ni Jack. Alam niyang magagalit sa kanya ang kapatid kapag kinausap niya si Emerald, kaya’t pinaalam na niya ito kay Jace noon pa. Ngunit sinabi ng kapatid na huwag na huwag niyang gagawin iyon. Ayaw niyang isipin ni Emerald na nagahanap siya ng kakampi mula sa iba.“Hindi mo naiintindihan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya ng personal, at gusto kong makita niya ang sinseridad ko hangga’t maaari,” sagot ni Jace. “Pero, ano na nga ba ang sinabi niya? Paano siya nag-react?” hindi maiwasang itanong ni young Higginson out of curiousity.“Wala. Tinanong lang niya kung inaasahan kong mapapatawad ka niya dahil sinabi ko ang lahat.”“At ano ang sinagot mo?”“Sabi ko, hindi. Pwede niyang gawin ang gusto niyang paghihiganti at pahirapan ka, kasi deserve mo iyon. Bobo ka kasi, hindi mo man lang inayos ang imbestigasyon bago ka gumawa ng plano at nakialam
Galit na galit si Jace kay Emerald matapos marinig ito na nagsabing "I love you too" sa kung sino mang inakala niyang tinawag nitong "baby." Sobrang selos niya, at kahit gusto niyang ipakita kung gaano siya ka-galit, sinubukan niyang kontrolin ang sarili dahil alam niyang siya ang may kasalanan at naisip niyang kailangan niyang maging pasensyoso sa kanya.Kinabukasan, hindi siya pumasok sa opisina dahil sa takot na baka naghihintay na sa desk niya ang mga divorce papers, gaya ng sinabi ng asawa. Tumawag na lang siya kay Kyle at inutusan itong dalhin ang lahat ng kailangan niya sa penthouse para makapagtrabaho siya.“Bakit dito ka nagtatrabaho?” tanong ni Kyle na nagtataka. Sa pagkakaalam niya, ayaw na ayaw ng kaibigan na magdala ng trabaho sa penthouse. Mas gusto nitong nasa opisina siya para madali siyang makontak kung may problema.“Trip ko lang dito magtrabaho,” sagot ni Jace, dahilan para umiling si Kyle.“Alam kong may dahilan 'yan,” pangungulit ni Kyle.“'Yan na ba lahat ng kaila
‘Ang gago! Paano niya nagawang halikan ako nung gabing iyon, tapos ngayon ito? Pinapakita pa niya ulit sakin na nakikipaglaplapan siya sa babaeng iyon!’ sigaw ni Emerald sa isip niya. Hindi niya kayang sigawan ang asawa niya o ipakita kung gaano siya ka-galit dahil sinabi na niya rito na gusto niyang mag-file ng divorce.“Emerald!” tawag ni Jace nang makita siya.“Ang kapal naman ng mukha mo para umakyat pa dito?” sigaw ni Esther. “Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Jace? Sinabi na niya sayo dati na hindi ka niya mahal, na asawa ka lang niya sa papel, pero ako ang mahal niya!”“Shut the fuck up, Esther!” sigaw ni Jace, na may tingin ng galit sa babae. Nanlaki ang mga mata ng babae sa pagkagulat. Kahit papaano, alam niya na may gusto pa rin si Jace kay Emerald; umaasa siya na makakalimutan na nito ang asawa lalo na at tuluyan na nga siyang iniwanan nito.“Seryoso ka ba?” tanong ni Esther kay Jace.“Umalis ka na, hindi ka naman kailangan dito,” sagot ni Jace, binibigyan ng warning si Esth
Natigilan si Emerald. Ilang araw na niyang iniisip ang tungkol kay Yaya Lucy at ang balitang sinabi ni Liam. Hindi niya kayang intindihin ang lahat nang sabay-sabay dahil sa kalituhan. ‘Alam kaya ito ni Dad?’ tanong niya sa sarili bago siya umiling at naisip, ‘Hindi, kung alam niya, hinding-hindi niya papayagang umalis si Yaya Lucy sa mansyon namin. Pagdating sa pera, gahaman siya at gusto niyang nasa tabi niya lahat ng pwede niyang pakinabangan.’“Kung hindi ka magtatrabaho, bakit hindi ka na lang umuwi?” tanong ng lalaking ayaw na niyang makita o isipin, dahilan para titigan niya ito nang masama. “Matagal na akong nakatayo dito. Nakatingin ka sa akin pero parang hindi mo ako nakikita. Ano sa tingin mo ang maiisip ko, eh ako ang nagbabayad sa'yo para magtrabaho?” patuloy ni Jace habang papalapit ito sa mesa niya.“Alam mo, tingin ko tama ka,” tugon ni Emerald sabay tayo.“Saan ka pupunta?” tanong ni Jace na litong-lito.“Uuwi. Mas pipiliin ko pang mag-stay doon kaysa makita ang mukha
“Sigurado ka ba dito?” tanong ni Jace.“Oo, sir,” sagot ng lalaki, dahilan upang magtagis ang mga bagang ni young Higginson. Naipukpok niya ang kanyang kamay sa armrest ng kanyang kinauupuan dahil sagalit.“We've been working together pero wala siyang sinasabi sa akin tungkol dito.”“Pwede mo siyang tanungin para makumpirma ang report ko, Mr. Higginson.”“Ace ba ang pangalan ng bata?” tanong niya, at tumango ang imbestigador. Ngumiti si Jace, iniisip na pinangalanan ni Emerald ang kanilang anak mula sa kanya. “Itatanggi niya ‘yan, sigurado ako. Ayaw niyang ipaalam sa akin na nagkaroon kami ng anak.”“Naisip ko na rin po iyan kaya narito ang resulta ng DNA at mga larawan ng bata.”“Paano mo nakuha ito?”“Pumunta si Ms. Emerald sa barbershop at salon kasama ang bata,” sagot ng lalaki.“Kaya pala bago ang gupit niya,” sabi ni Jace, na ikinangiti ng lalaki habang hinahaplos ang kanyang ulo. “Salamat, Ronnie.”“Walang anuman, sir,” sagot ni Ronnie, ang imbestigador na inupahan ni Jace. Mata
“Ano ‘to?” galit na tanong ni Emerald. Pumunta siya sa opisina ni Jace at hinarap ito habang ipinapakita ang summon mula sa korte.“Kung ano man ‘yan.” sagot ni young Higginson na parang wala lang sa kanya kung galit man ang asawa dahil inaasahan na niyang ito ang magiging reaksyon niya.“Ano bang iniisip mo at nag-file ka ng ganitong kaso?”“Bakit? Balak mo bang sabihin sa akin tungkol sa anak natin?” tanong ni Jace, matalim ang tingin sa kanya. Alam na niya kung paano siya magre-react, at handa na siya.“Siyempre!” sigaw ni Emerald.“Kailan? Magkatrabaho na tayo dito nang ilang buwan, pero ni pahiwatig wala kang sinabi!”“Pagkatapos ng project natin! Sinabi ko na rin sa anak ko ang tungkol sa’yo.”“Anak natin, Emerald. Anak natin. Huwag mong kalimutan ‘yan.” tugon ni Jace, “At bakit kailangan pang tapusin ang project natin?”“Para hindi na kita makita.”“Ano? May karapatan akong makasama ang anak natin. Ganun mo ba ako kinasusuklaman na ayaw mo akong makita? Pagkatapos ng project na
Isang araw matapos ang pagdinig, kinausap ni Jace si Emerald at sinabi niyang gusto niyang makilala ang kanilang anak. Bagaman sinabi na ng hukom na maaari niyang bisitahin ang bata anumang oras na gusto niya, humingi pa rin siya ng pahintulot mula sa kanyang asawa, alam niyang may pag-aalinlangan pa si Emerald sa desisyon. Ibinigay ni Emerald ang kanilang address kay Jace, ngunit sinabi nito na susundan niya siya pauwi, kaya’t wala nang nagawa si Emerald kundi pumayag. Sa mansion,“Siya ba ang Daddy ko?” tanong ni Ace, hindi inaalis ang tingin kay Jace, na tinitingnan din siya ng may luha sa mata. Hindi siya makapaniwala na ang bata ay kamukha niya, kahit na sinabi na sa kanya ng mga magulang niya at nakita na niya ito sa mga litrato. Napuno ng kaligayahan ang kanyang puso, at hindi niya napigilang yakapin ang kanyang anak.Pinanood sila ni Emerald, at biglang naramdaman niya ang isang hindi maipaliwanag na emosyon. Ang makita kung gaano kasaya ang kanyang anak ay naging dahilan para
"Malaki siya para sa edad niya," sabi ni Jace habang tinitingnan ang kanyang anak na mahimbing nang natutulog. Pagkatapos niyang paliguan si Ace, hiningi nito na manatili siya sa kwarto kasama si Emerald hanggang makatulog ito. Tumingin siya sa kanyang asawa dahil wala itong sinasabi, at nakita niyang nakatitig din ito sa kanilang anak. "Emerald," tinawag niya ito, dahilan para ibaling ng asawa ang tingin sa kanya. "Mag-usap tayo.""Bakit pa?" malamig na tanong ni Emerald."Mag-usap tayo sa labas," sabi ni Jace bago tumingin kay Ace. Ayaw niyang marinig ng kanilang anak ang kahit anong hindi maganda na maaaring sabihin ni Emerald. Ayaw niyang masaksihan ni Ace ang kahit anong pagtatalo o pag-aaway nila. Umalis sila ng kwarto at bumalik sa sala kung saan nasalubong nila si Daryl na kagagaling lang sa kusina."Aakyat na ako sa kwarto, M." Tumango si Emerald at ngumiti, at nagpaalam na ang kaibigan niya."Emerald," panimula ni Jace nang maupo silang magkaharap sa sofa. Gusto sana niyang u