Umubra nga kaya nag paraan ni Jace para mapaibig na muli si Emerald? Mai-close kaya ni Elise ang deal sa grocery sore ng pamilya Morgan? Abangan po ang susunod na kabanata. Maraming salamat!
Maayos ang takbo ng kumpanya ni Emerald. Nakuha nila ang kontrata sa JHBank, ang pinakamalaking commercial bank sa bansa. Si Creep at Daryl ang nag-asikaso ng lahat ng kailangang meeting at dokumento. Lalo pang sumaya si Emerald nang makuha ni Elise ang 60% controlling share ng Morgan’s Grocer. Hindi alam ng kanyang pamilya na pinaghahandaan na niya ang engrandeng pagpasok niya sa kanilang kumpanya.Isa pang linggo ang lumipas, at ipinaalam ni Liam kay Emerald na tapos na ang kanyang bakasyon at kailangan na niyang bumalik sa Europa. “Mami-miss kita, Daddy Liam,” sabi ni Ace, habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Hinayaan na lang ni Emerald na tawagin ng anak ng ganoon ang lalaki, dahil aalis na rin naman ang kaibigan.“Wag kang mag-alala, Ace. Tatawagan kita paminsan-minsan. Babalik ako para magbakasyon.” Sabi ni Liam habang tinatapik ang ulo ng bata, na kadalasan ay ayaw nitong ginagawa sa kanya ng kahit na sino, maliban sa lalaki na itinuturiing na niyang ama.“Totoo ba 'yan?
“Mommy, ang ganda mo,” sabi ni Ace habang pinapanood si Emerald mag-makeup. Gaya ng dati, napaka-light lang dahil hindi talaga siya mahilig pagdating sa bagay na iyon. Pakiramdam niya ay hindi nakakahinga ng maayos ang balat niya kapag makapal ang nailagay niya na pangkaraniwan na rin namang paraan ng paglalagay non.“Talaga ba?” masayang tanong ni Emerald kay Ace. Sanay na siya sa mga papuri ng anak niya, at siyempre, naniniwala siya kahit alam niyang sinasabi lang iyon dahil siya ang mommy nito.“Opo, Mommy. Wala pa akong nakikitang ibang nanay na kasing ganda mo,” sagot ni Ace, na nagpapatawa nang husto kay young Morgan. Hinarap niya ang anak at lumuhod para magpantay sila ng taas, at saka sinabi,“Nasasabi mo lang yan kasi anak kita. Alam mo kung paano ako pasayahin at ipadama ang pagmamahal mo.” Hinaplos niya ang mukha ni Ace at hindi mapigilang makita si Jace sa kanya. Kahit saan man niya tingnan si Ace, ang asawa agad ang pumapasok sa isip niya. Ganoon sila magkamukha—mula sa je
Pumunta si Emerald sa event hall kasama si Daryl habang iniisip si Jace. Hindi niya inasahan na hahalikan siya nito, at lalong hindi niya inakala na tutugunin niya iyon. Napailing siya at sumunod sa kanyang kaibigan na huminto sa harap ng entablado.“Let's all welcome, the new CEO of Morgan’s Grocer, at malapit nang maging ACE’s Family Mart!” sabi ni Elise, itinuro si Emerald para magbigay ng senyas na umakyat siya sa entablado. Lahat ng tao ay tumingin sa kanya, at hindi nakaligtas sa kanya ang biglang paghinga nang malalim nina Emerson, Merly, at Emerose Morgan, na ngayon ay tila hindi makapaniwala sa nakikita nilang nasa harapan ng kanyang kaibigan.Nakatayo sa harap nila si Emerald Morgan, suot ang kanyang eleganteng emerald green na evening dress na may slit hanggang kalahati ng kanyang hita, at pares ng emerald green na stilettos. Ang kanyang mga alahas ay yari sa purong emerald green crystals, na nagpapatingkad pa ng kanyang kagandahan. Napakaganda niya kaya’t hindi naiwasang ti
“Hindi mo na dapat kinausap siya!” sigaw ni Jace.“Gusto ko lang tumulong sa’yo,” kalmadong sagot ni Jack. Alam niyang magagalit sa kanya ang kapatid kapag kinausap niya si Emerald, kaya’t pinaalam na niya ito kay Jace noon pa. Ngunit sinabi ng kapatid na huwag na huwag niyang gagawin iyon. Ayaw niyang isipin ni Emerald na nagahanap siya ng kakampi mula sa iba.“Hindi mo naiintindihan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya ng personal, at gusto kong makita niya ang sinseridad ko hangga’t maaari,” sagot ni Jace. “Pero, ano na nga ba ang sinabi niya? Paano siya nag-react?” hindi maiwasang itanong ni young Higginson out of curiousity.“Wala. Tinanong lang niya kung inaasahan kong mapapatawad ka niya dahil sinabi ko ang lahat.”“At ano ang sinagot mo?”“Sabi ko, hindi. Pwede niyang gawin ang gusto niyang paghihiganti at pahirapan ka, kasi deserve mo iyon. Bobo ka kasi, hindi mo man lang inayos ang imbestigasyon bago ka gumawa ng plano at nakialam
Galit na galit si Jace kay Emerald matapos marinig ito na nagsabing "I love you too" sa kung sino mang inakala niyang tinawag nitong "baby." Sobrang selos niya, at kahit gusto niyang ipakita kung gaano siya ka-galit, sinubukan niyang kontrolin ang sarili dahil alam niyang siya ang may kasalanan at naisip niyang kailangan niyang maging pasensyoso sa kanya.Kinabukasan, hindi siya pumasok sa opisina dahil sa takot na baka naghihintay na sa desk niya ang mga divorce papers, gaya ng sinabi ng asawa. Tumawag na lang siya kay Kyle at inutusan itong dalhin ang lahat ng kailangan niya sa penthouse para makapagtrabaho siya.“Bakit dito ka nagtatrabaho?” tanong ni Kyle na nagtataka. Sa pagkakaalam niya, ayaw na ayaw ng kaibigan na magdala ng trabaho sa penthouse. Mas gusto nitong nasa opisina siya para madali siyang makontak kung may problema.“Trip ko lang dito magtrabaho,” sagot ni Jace, dahilan para umiling si Kyle.“Alam kong may dahilan 'yan,” pangungulit ni Kyle.“'Yan na ba lahat ng kaila
‘Ang gago! Paano niya nagawang halikan ako nung gabing iyon, tapos ngayon ito? Pinapakita pa niya ulit sakin na nakikipaglaplapan siya sa babaeng iyon!’ sigaw ni Emerald sa isip niya. Hindi niya kayang sigawan ang asawa niya o ipakita kung gaano siya ka-galit dahil sinabi na niya rito na gusto niyang mag-file ng divorce.“Emerald!” tawag ni Jace nang makita siya.“Ang kapal naman ng mukha mo para umakyat pa dito?” sigaw ni Esther. “Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Jace? Sinabi na niya sayo dati na hindi ka niya mahal, na asawa ka lang niya sa papel, pero ako ang mahal niya!”“Shut the fuck up, Esther!” sigaw ni Jace, na may tingin ng galit sa babae. Nanlaki ang mga mata ng babae sa pagkagulat. Kahit papaano, alam niya na may gusto pa rin si Jace kay Emerald; umaasa siya na makakalimutan na nito ang asawa lalo na at tuluyan na nga siyang iniwanan nito.“Seryoso ka ba?” tanong ni Esther kay Jace.“Umalis ka na, hindi ka naman kailangan dito,” sagot ni Jace, binibigyan ng warning si Esth
Natigilan si Emerald. Ilang araw na niyang iniisip ang tungkol kay Yaya Lucy at ang balitang sinabi ni Liam. Hindi niya kayang intindihin ang lahat nang sabay-sabay dahil sa kalituhan. ‘Alam kaya ito ni Dad?’ tanong niya sa sarili bago siya umiling at naisip, ‘Hindi, kung alam niya, hinding-hindi niya papayagang umalis si Yaya Lucy sa mansyon namin. Pagdating sa pera, gahaman siya at gusto niyang nasa tabi niya lahat ng pwede niyang pakinabangan.’“Kung hindi ka magtatrabaho, bakit hindi ka na lang umuwi?” tanong ng lalaking ayaw na niyang makita o isipin, dahilan para titigan niya ito nang masama. “Matagal na akong nakatayo dito. Nakatingin ka sa akin pero parang hindi mo ako nakikita. Ano sa tingin mo ang maiisip ko, eh ako ang nagbabayad sa'yo para magtrabaho?” patuloy ni Jace habang papalapit ito sa mesa niya.“Alam mo, tingin ko tama ka,” tugon ni Emerald sabay tayo.“Saan ka pupunta?” tanong ni Jace na litong-lito.“Uuwi. Mas pipiliin ko pang mag-stay doon kaysa makita ang mukha
“Sigurado ka ba dito?” tanong ni Jace.“Oo, sir,” sagot ng lalaki, dahilan upang magtagis ang mga bagang ni young Higginson. Naipukpok niya ang kanyang kamay sa armrest ng kanyang kinauupuan dahil sagalit.“We've been working together pero wala siyang sinasabi sa akin tungkol dito.”“Pwede mo siyang tanungin para makumpirma ang report ko, Mr. Higginson.”“Ace ba ang pangalan ng bata?” tanong niya, at tumango ang imbestigador. Ngumiti si Jace, iniisip na pinangalanan ni Emerald ang kanilang anak mula sa kanya. “Itatanggi niya ‘yan, sigurado ako. Ayaw niyang ipaalam sa akin na nagkaroon kami ng anak.”“Naisip ko na rin po iyan kaya narito ang resulta ng DNA at mga larawan ng bata.”“Paano mo nakuha ito?”“Pumunta si Ms. Emerald sa barbershop at salon kasama ang bata,” sagot ng lalaki.“Kaya pala bago ang gupit niya,” sabi ni Jace, na ikinangiti ng lalaki habang hinahaplos ang kanyang ulo. “Salamat, Ronnie.”“Walang anuman, sir,” sagot ni Ronnie, ang imbestigador na inupahan ni Jace. Mata