Thank you for reading!
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" sabi ni Jace kay Kyle. Katatapos lang ng kanilang meeting sa marketing department at naiwan sila sa conference room."Gusto ng ACEGame na magsubmit tayo ng detalyadong proposal," ulit ni Kyle."Nagbibiro ka ba? Hindi ba dapat magkita tayo ng boss nila para mas maipaliwanag natin nang husto ang mga detalye?""Sabi nila, sobrang busy daw ng boss nila ngayong buwan, kaya kinansela ang meeting. Nangako naman silang pag-aaralan ang proposal natin and will get back to us after na magdesisyon ang boss nila.""Paano kung tanggihan nila? Paano natin maipapaliwanag ang proyekto kung base lang sa proposal ang magiging desisyon nila? Paano natin masasagot ang mga tanong nila kung hindi tnila tayo imi-meet?" sunod-sunod na tanong ni Jace. Gusto niya talagang magkaroon ng collaboration sa ACEGame pero hindi niya maintindihan kung bakit nagbago ang isip ng mga ito."We will request another meeting if you want. Sabi nila, magiging abala ang boss nila ngayong buwan, kaya
“Liam!” bulalas ni Emerald nang makita kung sino ang pumasok sa kanyang opisina. Sa likod ng lalaki ay si Daryl, na agad nagpaalam dahil kailangan niyang makipagkita kina Jace at Kyle.“Hi,” sagot ng lalaki na may ngiti sa kanyang mga labi, habang lumalapit sa kanya.“Kailan ka pa dumating?” tanong ni Emerald kasabay ang pagtayo mula sa kanyang upuan upang salubungin ang bagong dating.“Kakarating ko lang at dumiretso na ako rito mula sa airport.”“Dapat sinabi mo na darating ka. Pwede kang sunduin ni Creep.”“Alam kong busy siya, kaya nag-desisyon na akong pumunta rito mag-isa,” sagot ni Liam. “At tingin ko, busy ka rin.” dagdag pa niya, ngunit umiling lang si Emerald.“Walang hindi ko kayang ayusin at itigil kung alam kong para sayo."“Confident as always.” Sabay pa silang natawa dahil sa tinuran ng lalaki.“Maupo ka,” sabi ni Emerald, sabay turo sa sofa na hindi kalayuan sa kanila. Medyo tensyonado siya dahil alam niyang may meeting sina Jace at Daryl. Alam din niya na kapag sinabi
“Huwag mong sabihing mangyayari na naman ito! Ilang beses na ba tayong haharap sa ganito, Dad?” galit na sabi ni Emerose. Naiinis siya dahil muli na namang nalalapit sa pagkalugi ang kanilang negosyo. Tatlong taon nang nahihirapan si Emerson na patakbuhin ang kompanya nila. Sayang ang perang ininvest ni Jace dahil hindi napigilan ng ama ng mga Morgan ang labis na paggastos ng pamilya.“Ginawa ko ang lahat para mapanatiling buhay ang negosyong ito, Emerose. Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan ng nanay mo na huwag mag-aksaya ng pera, pero hindi kayo nakinig. Kaya huwag mo akong sisihin kung nauwi tayo ulit sa ganito.”“Sinasabi mo bang kasalanan namin ito? Bilang padre de pamilya, responsibilidad mong tugunan ang mga pangangailangan namin,” galit na sagot ni Merly. Naiinis siya sa paninisi ng asawa sa kanya at sa kanilang anak.“Maghanap ka ulit ng investor, Dad. O mas mabuti pa, kausapin mo ulit si Jace. Baka sakaling gusto na niyang pakasalan ako ngayon dahil hiwalay na siya kay Emera
Bumalik sina Liam at Emerald sa L.A. matapos nilang makaharap ang lalaki at maipasa sa kustodiya ng mga pulis, dahil sa kuha ng CCTV mula sa ospital na narekober ni Creep at ipinadala sa kanila. Masaya si Emerald pero may lungkot pa rin dahil wala pa rin siyang ideya kung nasaan si Lucy. Ayon kay Donato, ang lalaking kumuha sa yaya niya mula sa ospital, isang buwan matapos alagaan si Lucy, may kumuha rin sa kanya mula sa kanya.Sinabi ni Donato na handa siyang alagaan si Lucy at balak ituloy ang pagpapagamot nito sa pamamagitan ng pananakot kay Merly. Sa ngayon, wala siyang ideya kung nasaan si Lucy at iniisip niyang wala namang kinalaman si Mrs. Morgan sa pagkawala nito dahil patuloy siyang tumatanggap ng pera mula dito hanggang noong nakaraang buwan.“Ipagpapatuloy natin ang paghahanap sa yaya mo, Emerald,” sabi ni Creep.“Ang kinakatakutan ko ay wala akong ideya kung sino ang kumuha sa kanya. Paano kung may masama nang nangyari sa kanya?”“Maging positibo tayo. Pakiramdam ko walang
Dapat sana’y pumunta sina Emerald at Ace sa zoo nitong weekend, ngunit may biglang nangyari kaya’t napilitang kanselahin ito ni Young Morgan. Pumunta siya sa kumpanya, pero isinama niya ang anak niya.“Ano’ng nangyari?” tanong ni Emerald nang nakaupo na silang lahat. Pinaupo niya si Ace sa kanyang office chair at pinabayaan itong maglaro sa cellphone.“Marami tayong natanggap na mga reklamo mula sa mga manlalaro ng Mobile Ace Clash,” sagot ni Daryl. Ang Mobile Clash, o MAC, ang pinakaunang online game na nagbigay sa kanila ng malaking kita. Ito ang kanilang proyekto na nagbigay daan para sumikat sila.“Tulad ng ano?” tanong ni Emerald.“Sa pagbili ng mga item. Sinasabi nilang bumili sila ng isang uri ng armor pero hindi nila ito natanggap,” tugon ni Daryl.“May mga bug din,” dagdag ni Creep.“Bakit ang aga naman nito?” tanong ni Young Morgan.“Naasahan mo ba ito?” tanong ni Creep.“Hindi ganito kaaga, pero may naka-plano na akong optimization. Habang dumadami ang users, mas nagiging co
Galit at wasak na wasak ang puso. Ganoon eksakto ang nararamdaman ni Jace matapos makita sina Emerald at Liam na naghahalikan sa opisina. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makagalaw. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit, ngunit sa parehong oras din na yon, ramdam din niya ang kahinaan nang makita kung gaano kaganda at kaakit-akit ang asawa niya ngayon. Pero ang ideya na may ibang lalaking humahawak sa kanya ay nagpatigas sa kanyang panga na naging dahilan upang magmukha siyang galit na galit. Papalapit na sana siya kay Liam, pero napigilan siya ni Kyle, na nakabawi mula sa pagkagulat.“Kalma lang, Jace,” bulong ni Kyle.“I'm sorry, hindi namin siya napigilan sa pagpunta dito,” sabay-sabay na sabi nina Daryl at Creep.“Sa tingin ko, kailangan ko nang umalis,” sabi ni Liam kay Emerald habang tinutulungan siyang ayusin ang sarili. “Babalik ako sa bahay mo at hihintayin kita roon,” dagdag pa niya, at tumango si Emerald na nakangiti.“Kita tayo pagkatapos ng trabaho,” sagot ni Emera
Mature ContentSa bahay ni Emerald, kinausap siya ni Liam. "Magkamukha talaga sila," sabi ng lalaki paglapit ni Emerald sa sala kung saan ito naghihintay sa pagdating niya.“Oo nga…” sagot ni Emerald habang umupo sa sofa na katapat ng kanya. “Nasaan siya?”“Nasa yaya niya. Sigurado akong papunta na yon dito. Lagi niyang nararamdaman kapag nararamdaman kapag dumadating ka na eh.” sagot ni Liam, at napangiti si Emerald. At gaya nga ng sinabi ng lalaki,“Mommy!” masayang sigaw ni Ace.“Hi, baby.” Binuksan ni Emerald ang kanyang mga bisig para yakapin ang anak. Nagsimula siyang mag-alala na baka may gawin si Jace kapag nalaman nito ang tungkol sa kanilang anak.“Kumusta ang trabaho mo, Mom?” tanong ni Ace matapos maupo sa kanyang kandungan.“Walang dapat ipag-alala. Alam mo naman kung gaano kagaling ang Mommy mo, ‘di ba?” sagot ni Emerald na nakangiti. Ayaw rin niyang mag-isip ang anak para sa kanya. Palaging gising ang pagiging ina ni Emerald pagdating kay Ace. Ayaw niyang mapalayo rito.
“Wow, Mommy!” sigaw ni Ace habang naglalakad sila sa amusement park, papalayo sa parking lot kung saan nila ipinarada ang kanilang kotse. Weekend noon, at gaya ng ipinangako ni Emerald sa anak, dinala niya ang bata para magsaya kasama si yaya Keng at si Liam, na nagmaneho para sa kanila.“Ang saya mo yata?” tanong ni Emerald habang tumatawa. Hindi niya akalain na matutuwa nang husto ang anak sa simpleng pagbisita sa amusement park. Mas pinili niyang lumabas sila kaysa makita ang anak na nakatutok sa laptop, nagsasanay ng pagko-code.“Syempre!” sigaw ni Ace. Gustung-gusto niyang magkasama sila ni Emerald para magsaya, pero nag-atubili siyang humiling dahil alam niyang abala ang ina sa trabaho. “Kung maaari lang, gusto ko ganito lagi tuwing weekend. Para tayong masayang pamilya kasama si Daddy Liam,” masayang sabi ni Ace. Ngunit nalungkot si Emerald dahil alam niyang hinahanap ng anak ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya.“Okay lang, ganyan talaga ang mga bata ngayon,” sabi ni Liam haba
"Siguraduhin mong mabulok sa kulungan ang babaeng iyon!" galit na sabi ni Jessica sa anak niyang si Jace, na tumango bilang sagot. Dahil weekend, pumunta si Jace at ang kanyang pamilya sa lumang mansyon ng mga Higginson upang dalawin ang kanyang mga magulang, na labis nang namimiss si Ace. "Bakit hindi n'yo hayaan na dito muna manatili ang apo namin? Kami na ang mag-aalaga sa kanya habang inaasikaso n'yo ang kaso," dagdag pa ni Jessica."Mom, hindi puwede iyon. May lolo at great-grandfather din siyang gusto siyang makasama. Isa pa, hindi ko kayang hindi siya makita at makalaro kahit isang araw. Paano pa kaya si Emerald?" sagot ni Jace, alam na alam ang magiging reaksyon ng asawa niya sa suhestyon ng ina."Pasensya ka na, anak, hindi ko naisip iyon. Nakalimutan kong ayaw ko ring malayo sa inyo noon ng kuya mo," sabi ni Jessica, looking apologetic kay Emerald."Okay lang po, Mom. Naiintindihan ko kung gaano n'yo gustong makasama si Ace. Ako ang dapat humingi ng paumanhin dahil hindi ko
"Saan ka nanggaling, anak?" tanong ni Merly. Kakagaling lang niya sa kusina at tatawagin sana si Emerson para mag-almusal nang biglang dumating si Emerose."Wala," sagot ng dalaga bago dumiretso sa kanyang kwarto."Hindi ka pa ba kakain muna?" tanong muli ng kanyang ina ngunit hindi siya nilingon ni Emerose kaya napailing na lang ang matanda bago pumunta sa kwarto nila upang tawagin ang kanyang asawa.Nag-aalmusal na ang mag-asawa nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila, at itinuro ni Emerson si Merly na tumayo at tingnan kung sino ang kumakatok. Napabuntong-hininga ang ginang habang naglalakad papunta sa pintuan at binuksan iyon."Magandang umaga. Ito ba ang bahay ni Ms. Emerose Morgan?" Nanlaki ang mga mata ni Merly at gusto sana niyang sabihin na hindi, dahil mga pulis ang nagtanong at nagsimula na siyang mangamba."Ano ang kailangan ninyo sa kanya?" tanong niya na pilit itinatago ang kaba, kahit nangingibabaw na ang takot sa kanya."Kailangan namin siyang imbitahan sa presin
Nararamdaman ni Emerald ang matinding sakit ng ulo habang dahan-dahan siyang nagkamalay, pinupuno ng malamig at mamasa-masang hangin ang kanyang mga baga. Iminulat niya ang kanyang mga mata, sinasanay ang sarili sa malamlam na ilaw ng nag-iisang bombilya na mahina at pabaling-baling sa itaas.Napansin niyang nasa isang marumi, madilim na silid siya na walang bintana, at ang mga dingding ay tila may mga bakas ng mantsa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagtanto niyang nakatali siya sa isang lumang upuan, ang kanyang mga pulso at bukung-bukong ay mahigpit na nakagapos ng magaspang at masakit na lubid.Nagpumiglas siya upang kumawala, ngunit lalong bumaon ang lubid sa kanyang balatat lalo nawalan ng saysay ang kanyang mga pagsisikap na makakawala. Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng pagdukot sa kanya—ang biglaang paghatak ng makalabas siya ng Uber saharap mismo ng opisina ng grocery, ang magaspang na mga kamay na humihila sa kanya papasok ng van, at ang nakakabinging kadil
“Sigurado ka bang ito ang normal na ginagawa nila?” tanong ni Hubert sa lalaking inupahan niyang bantayan si Emerald at ang pamilya nila.“Umalis kami pagkahatid nila sa bahay mula sa hotel,” sagot ng lalaki.“Ano ang ginawa nila doon?”“Hindi ko alam, pero may dumating pang isa pang lalaki pagkatapos.”“Sino ang lalaking iyon?”“Hindi ko pa siya natititigan nang mabuti. Nakita ko lang siya kanina. Tungkol naman sa nananatili sa hotel na iyon, sabi ng mga staff, isa raw siyang business tycoon mula sa ibang bansa.”“Kaya pala, mukhang may negosyo pa silang ginagawa. Talagang mayaman ang mag-asawa,” sabi ni Hubert.“Ganoon na nga. Alam mo namang kilalang negosyante si Mr. Higginson. Mahirap siyang kalabanin.”“Natatakot ka na ba ngayon?” galit na tanong ni Hubert.“Siyempre hindi! Pero gusto ko lang ipaalala na dapat mabayaran mo kami ng maayos; hindi biro ang kalabanin si Mr. Higginson.”“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon. Sinabi ni Emerose na mayaman ang kapatid niyang bast
Pumunta sina Emerald at Jace sa hotel kung saan nananatili sina Mr. Landers at Mr. Ferguson. Kinausap nila ang mga ito tungkol sa nangyari sa amusement park habang naglalaro naman si Ace kasama ang kanyang yaya sa isang kwarto at hinihintay sila."Kailangan nating bigyan ng karagdagang proteksyon ang bata; hindi natin siya puwedeng iwan sa yaya lang kahit na may nagbabantay sa kanila mula sa malayo," sabi ni Mr. Landers na kita ang pag-aalala sa mukha para sa kanyang apo.“Napag-isipan ko na rin ito at humingi ako ng tulong sa investigator ko para maghanap ng maaasahan at mapagkakatiwalaang tao na magiging bodyguard ni Ace,” sagot ni Jace.“Ibigay mo sa apo ko ang pinakamagandang proteksyon na kaya natin, anak. Pakitaan mo ang kung sino mang may balak na kalabanin tayo. Ipaalam mo sa kanila kung sino ang kinakalaban nila,” dagdag ni Mr. Ferguson habang nakatingin kay Jace. Hindi siya ang tipo na ipinagyayabang ang yaman, pero mula nang umalis at nagtago ang kanyang anak, hindi siya nag
“Dad, sasama ka ba sa rollercoaster?” tanong ni Ace. Tumingin si Jace kay Emerald, na natawa naman. Ganito talaga ang bata; alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakasakay. Nasa amusement park sila, isang request ni Ace para sa family bonding.“Ahm, kasi–”“Wag mong sabihing takot kang sumakay, Dad.” Hindi napigilan ni Emerald ang matawa, kaya napatingin sa kanya ang mag-ama nang nagtataka.“Pasensya na,” sabi niya habang kumakaway sa kanila.“Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong ni Jace, kunot ang noo.“Yes, Daddy. Sigurado akong natatawa si Mommy kasi parang takot ka sa rollercoaster,” sabi ni Ace, na lalo pang nang-asar at kinindatan ni Emerald.“Hindi ako takot!” tugon ni Jace. Kahit hindi siya mahilig sa rides, hindi naman siya natatakot. Nag-aalala lang siya para sa anak.“Kaya mo ba?” tanong ni Jace, halatang nag-aalala. Tumango si Ace nang masigla, iniisip na sasamahan siya ng ama. “Sige, tara na.”“Yehey!!” Tumalon sa tuwa si Ace bago tumingin kay Emerald na nag-thu
"Kamusta ang lahat?" tanong ni Jace, nakatingin kay Emerald at sa iba pang team na handa nang i-launch ang laro na kanilang dinevelop. Kitang-kita ang kasiyahan at excitement sa kanilang mga mukha dahil natapos nila ang lahat nang mas maaga sa inaasahan, at buong industriya ng esport ay sabik nang masubukan ito.Nang una nilang ilunsad ang teaser, lahat ng manlalaro ay nasabik, inaasahan ang larong puno ng challenge at excitement. Siniguro ni Emerald na mae-enjoy ng mga players ang bawat level bago sila makausad. Ang mga item na kailangan nilang bilhin ay naka-sale sa unang linggo, na siguradong susulitin ng mga gamers. Ang kwento sa likod ng bawat karakter ay isinulat ng kilalang mga manunulat kaya't sulit ang bawat oras ng paghihintay."Yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng lahat kasabay ng palakpakan. Si Emerald, na nakatayo sa tabi ng kanyang asawa, ay kinakabahan—isang pakiramdam na palagi niyang nararanasan tuwing naglulunsad sa tuwing magla-launch sila ng bagong game. Kinuha ni Jac
Isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Mr. Landers kay Emerald ang tungkol sa pagdating ng kanyang lolo. Si young Morgan ay nasa pangunahing opisina ng Ace Family Grocer’s matapos siyang ipadala ni Jace doon bago ito pumunta sa kanyang kumpanya. Abala siya sa pakikipag-usap kay Elise tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng grocery.“Hindi ako makapaniwalang ganito kabilis ang paglago natin,” sabi ni Emerald habang tinitingnan si Elise na mukhang masayang-masaya.“Kahit ako ay hindi makapaniwala. Dati, kontento na ako sa ACEGame; tumutulong lang ako sa inyo ni Creep para maibigay ang mga kailangan niyo when it comes to legal matters. Pero ngayong minamanage ko ang grocery store, napagtanto kong gusto ko pala ang ganitong trabaho.”Nakangiti si Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi niya magagawa ang lahat ng ito nang mag-isa kung wala sina Elise at Creep. Bagama’t napakatalino ni niya, alam niya ring kailangan niya ng mga taong gagabay at susuporta
Mature ContentSi Emerald ay nasa SoftWare Group at tinatapos na ang collaboration game nila ng kumpanya ni Jace. Hindi siya makapaniwala na magiging inspirasyon ang mga nangyari kamakailan upang matapos ang proyekto. Dahil napakahusay ng kanyang team, wala siyang naging problema maliban sa ilang minor changes, kaya nakapag-focus siya sa kanyang gawain.“Dear wife, huwag mo namang masyadong pagurin ang sarili mo.” Napatingin si Emerald, nakangiti nang marinig ang boses ng kanyang asawa at nakita ito na nakasandal sa pintuan ng kanyang opisina, gaya ng dati.“Hindi naman,” sagot niya, hinihintay si Jace na lumapit at halikan siya.“Lampas na ng alas-sais, hindi ba't sobra-sobra na 'yan?”“Overtime pero hindi overworking. At, sa totoo lang, alam ko namang alam mo na, na kapag may pumasok na idea sa isip mo, hindi mo mapipigilan ang sarili mong magtrabaho.”“Yeah, gets kita diyan.” Ngumiti si Jace habang hinahaplos ang makinis na mukha ng asawa. Masaya siyang naging maayos ang lahat para