Grabe naman. Sobrang sakit sigurado ng naramdaman ni Emerald. Huhuhu...
Pagkatapos ng insidenteng iyon, napansin ni Jace na nagbago na si Emerald. Ang dati niyang mainit na pagbati tuwing umaga ay napalitan ng walang buhay na pakikitungo at walang kasigla sigla. Tulad ngayon, pumunta siya sa dining hall para maghapunan at umupo habang inilalagay ng kanyang asawa ang pagkain sa mesa. Hindi siya tinitingnan o kinakausap manlang ni Emerald, na lalo niyang ikinainis at inisip na nagmamalakai pa ito sa kanya."Kuha mo ako ng tubig," utos niya, at mabilis namang sinunod ni Emerald. Naglagay siya ng baso sa mesa bago nilagyan ng tubig. Uminom si Jace, pero "Putsa! Ang lamig nito!" galit niyang sigaw, habang nakatitig nang masama kay Emerald. Hindi siya pinansin ni Emerald at bumalik sa kusina para kumuha ng mainit na tubig at isa pang baso. Nagpatuloy sa pagkain si Jace at saka umalis sa dining room, iniwan ang kanyang asawa na naglilinis.Sa kanyang kwarto, nagtataka si Jace kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos ng kanyang asawa. 'Sumuko na ba siya?' tanong
“Jace, mukhang masaya ka,” puna ni Kyle.“Siyempre, nakakakita na si Jack ngayon. Salamat kay Eunice na nakumbinsi siyang magpaopera ilang buwan na ang nakalipas. Sabi ni Mom, magpapa-check-up sila sa ospital next week para lang masigurong okay ang lahat.”“Wow, ang ganda naman ng balitang 'yan,” sagot ni Kyle. “Bakit hindi mo sinabi sa akin tungkol sa operasyon niya? Dapat sana’y binisita ko siya.”“Ayaw niyang malaman ng iba, dahil takot siyang baka madisappoint tayo. Nababahala siya na baka hindi maging matagumpay ang operasyon.”“At naging matagumpay nga.”“Talaga,” sagot ni Jace na may kasiyahan.“Kaya hindi mo na kailangang ituloy ang paghihiganti mo, di ba? Okay na si Jack, at kasal ka na kay Emerald. Wala akong nakikitang dahilan para patuloy mo pa siyang saktan.” Hindi makapagsalita si Jace. Iniisip niya kung posible ba iyon. Kahit na alam niyang may nararamdaman siya para sa asawa, ngayon na nakakakita na si Jack, nag-aalala siya na baka magalit ang kapatid kapag nalaman niya
Balisa. Ganito ang nararamdaman ni Emerald habang patuloy niyang hinahanap ang yaya niyang si Lucy. Ayaw niyang tumigil at ipinagpaliban niya ang plano niyang iwanan ang asawa. Sa mansyon, tinutupad pa rin niya ang mga tungkulin niya kahit na pakiramdam niya ay wala na itong saysay dahil hindi pa rin niya natatagpuan si Lucy. Pero ayaw din niyang magalit si Jace.Sa umaga, naghahanda siya ng agahan para kay Jace at inihahain ito sa kanya. Kahit pagod na pagod na siya mula sa trabaho, hindi kailanman nakalimutan ni Emerald ang mga dapat niyang gawin. Isang araw, napaupo si Emerald sa sofa, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, iniisip ang sarili at ang kalagayan niya. ‘Okay pa ba ito? Wala na ba akong pagpapahalaga sa sarili ko kaya hinahayaan kong tratuhin ako ni Jace ng ganito? Hanggang kailan ko hahayaan na saktan niya ako?’ tanong niya sa sarili.Pumunta si Emerald sa kanyang kwarto at tinawagan ang kaibigan niya. Gusto na niyang tapusin ang plano niya at tuluyan nang iwan si Jace
Five years later...“Maayos na ang lagay ni Jack kasama ang asawa niya. Kailan mo naman aayusin ang sa’yo?” tanong ni Kyle kay Jace, na tumingin lamang sa kanya at pumikit.“Sa halip na isipin mo ang buhay ko, bakit hindi mo gawin ang trabaho na ipinagagawa ko sa'yo?” sagot ni Jace.“Nagawa ko na, at pumayag ang ACEGame na makipag-meet para pakinggan ang proposal natin,” tugon ni Kyle.“Sigurado ka?” tanong ni Jace. Hindi ito makapaniwala kaya naman gusto niyang siguruhin sa kaibigan. Matagal na silang humihingi ng appointment sa kompanyang iyon, ngunit ayaw ng kanilang CEO.“Siyempre. Ito ay dahil nakatira ang boss nila sa Europe at babalik na siya rito sa bansa para tuluyang manirahan. Nalaman ko na ngayon ang dating niya so malamang nasa airport na siya as we speak.”“Ganun ba, mukhang hands-on talaga siya sa operation ng company. Gusto kong makipag-collaborate sa kanila. Matapos kong matiyak na bumalik na si Jack sa dating siya at masaya na sa kanyang asawa, nagsimula akong makaram
Ang ACEGame building ay puno ng sigla mula sa mga empleyado na sabik nang makilala ang kanilang boss, na hindi pa nila nakita sa loob ng apat na taon. Curious ang mga empleyado kung ano ang hitsura niya, dahil sa Europe siya naninirahan. Lagi niyang iniiwasang makunan ng larawan, kaya wala ni isa ang talagang nakakakilala sa mukha niya maliban sa kanilang operations boss na si Creep at ang kanyang asawa na si Elise.“Sa tingin niyo, guwapo kaya si boss?” tanong ng isa sa mga babaeng empleyado habang nakapila sila sa tapat ng entrance door sa unang palapag ng gusali.“Sana nga! Gusto kong makakita ng guwapong mukha habang nagtatrabaho para lalo akong ganahan,” tugon ng isa pang babae, sabay tawa.“Maghanda na kayo,” sabi ng isa pa sa harapan nila bago tumingin sa entrance. At nang makita nila ang boss na pumasok kasama si Creep at Elise, nagtaka sila kung bakit may babaeng kasama sa gitna ng dalawang kinikilala nilang mga boss din.Naglalakad si Emerald kasama sina Creep, Elise, at Dary
Nakatira si Jace sa penthouse ng gusali ng kanyang kumpanya. Pagkaalis ni Emerald, hindi na niya kayang mag stay pa sa mansyon dahil puro alaala ng kanyang asawa ang naroon. Pero matapos ang nangyari sa mall, nagpasya siyang bumalik sa bahay na tinirhan nila ng babaeng mahal niya sa loob ng isang taon.“Gusto niyo po bang ihanda ko ang hapag, sir?” tanong ng butler habang nakaupo si Jace sa sofa sa sala, pero umiling lang ito.“Get me a bottle of whiskey pati na rin baso,” sabi niya bago siya sumandal at ipinikit ang mga mata.“Pero hindi pa kayo kumakain, sir. Mabuti sana kung may laman ang tiyan niyo bago uminom,” pilit ng butler. Matagal na kasi siyang naglilingkod sa pamilya ni Jace kaya kampante siyang paalalahanan ito. Pagkaalis ni Emerald, iniutos ni Jessica na bantayan niya ang anak, pero hindi ito nagustuhan ni Higginson.“Hindi mo ba pwedeng sundin na lang ang inuutos ko? Hindi ako gutom. Tawagan mo si Jack kung gusto mo. Kumain na kami bago kami nagkahiwalay,” iritadong tugo
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" sabi ni Jace kay Kyle. Katatapos lang ng kanilang meeting sa marketing department at naiwan sila sa conference room."Gusto ng ACEGame na magsubmit tayo ng detalyadong proposal," ulit ni Kyle."Nagbibiro ka ba? Hindi ba dapat magkita tayo ng boss nila para mas maipaliwanag natin nang husto ang mga detalye?""Sabi nila, sobrang busy daw ng boss nila ngayong buwan, kaya kinansela ang meeting. Nangako naman silang pag-aaralan ang proposal natin and will get back to us after na magdesisyon ang boss nila.""Paano kung tanggihan nila? Paano natin maipapaliwanag ang proyekto kung base lang sa proposal ang magiging desisyon nila? Paano natin masasagot ang mga tanong nila kung hindi tnila tayo imi-meet?" sunod-sunod na tanong ni Jace. Gusto niya talagang magkaroon ng collaboration sa ACEGame pero hindi niya maintindihan kung bakit nagbago ang isip ng mga ito."We will request another meeting if you want. Sabi nila, magiging abala ang boss nila ngayong buwan, kaya
“Liam!” bulalas ni Emerald nang makita kung sino ang pumasok sa kanyang opisina. Sa likod ng lalaki ay si Daryl, na agad nagpaalam dahil kailangan niyang makipagkita kina Jace at Kyle.“Hi,” sagot ng lalaki na may ngiti sa kanyang mga labi, habang lumalapit sa kanya.“Kailan ka pa dumating?” tanong ni Emerald kasabay ang pagtayo mula sa kanyang upuan upang salubungin ang bagong dating.“Kakarating ko lang at dumiretso na ako rito mula sa airport.”“Dapat sinabi mo na darating ka. Pwede kang sunduin ni Creep.”“Alam kong busy siya, kaya nag-desisyon na akong pumunta rito mag-isa,” sagot ni Liam. “At tingin ko, busy ka rin.” dagdag pa niya, ngunit umiling lang si Emerald.“Walang hindi ko kayang ayusin at itigil kung alam kong para sayo."“Confident as always.” Sabay pa silang natawa dahil sa tinuran ng lalaki.“Maupo ka,” sabi ni Emerald, sabay turo sa sofa na hindi kalayuan sa kanila. Medyo tensyonado siya dahil alam niyang may meeting sina Jace at Daryl. Alam din niya na kapag sinabi