Share

Chapter 11

Pagkatapos ng insidenteng iyon, napansin ni Jace na nagbago na si Emerald. Ang dati niyang mainit na pagbati tuwing umaga ay napalitan ng walang buhay na pakikitungo at walang kasigla sigla. Tulad ngayon, pumunta siya sa dining hall para maghapunan at umupo habang inilalagay ng kanyang asawa ang pagkain sa mesa. Hindi siya tinitingnan o kinakausap manlang ni Emerald, na lalo niyang ikinainis at inisip na nagmamalakai pa ito sa kanya.

"Kuha mo ako ng tubig," utos niya, at mabilis namang sinunod ni Emerald. Naglagay siya ng baso sa mesa bago nilagyan ng tubig. Uminom si Jace, pero "Putsa! Ang lamig nito!" galit niyang sigaw, habang nakatitig nang masama kay Emerald. Hindi siya pinansin ni Emerald at bumalik sa kusina para kumuha ng mainit na tubig at isa pang baso. Nagpatuloy sa pagkain si Jace at saka umalis sa dining room, iniwan ang kanyang asawa na naglilinis.

Sa kanyang kwarto, nagtataka si Jace kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos ng kanyang asawa. 'Sumuko na ba siya?' tanong
Lovella Novela

Matuloy kaya sa pag-alis si Emerald?

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status