Hi po. Pa-add po sa library niyo para sa update notif and pa-follow na rin po ng aking profile. Maraming salamat!
Hapon ng Linggo, at si Emerald ay nasa kanyang kwarto, sinusubukang magpahinga. Katatapos lang niyang maglaba habang naglilinis ng bahay, at hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Umalis si Jace noong nakaraang araw at hindi pa bumabalik, kaya't nagdasal siya na sana'y hindi muna bumalik ang asawa hanggang sa makapagpahinga lang siya. Ngunit hindi sinagot ang kanyang dasal dahil makalipas lang ang ilang minuto, biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, at lumitaw ang galit niyang asawa."Iyan ba ang ginagawa mo kapag wala ako? Nagpapahinga?" galit na tanong ni Jace."Kakatapos ko lang maglaba at maglinis ng bahay," mahinang sagot ni Emerald habang bumangon siya mula sa kama, na hindi nakaligtas sa pansin ni Jace. Kumunot ang kanyang noo habang lumalapit kay Emerald."Huwag mong sabihin sa akin na may sakit ka!" sigaw niya."Hindi, sandali lang akong nagpapahinga dahil balak kong pumunta kay Yaya Lucy mamaya.""At sino namang demonyo iyon?" tanong ni Jace, taas kilay."Siya ang yaya k
"Okay ka lang ba?" nagtanong si Emerose nang may pag-aalala. Nasa opisina ni Jace sila, at nagtaka siya kung bakit tahimik ang lalaki. Matagal na siyang nagsasalita, ngunit wala siyang natanggap na anumang reaksyon mula rito."Iniisip ko lang ang negosyo," sagot ni Jace, na halatang inis. "Bakit ka nga pala nandito na naman?" tanong niya. Abala si Jace sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa nang ipaalam ng kanyang assistant na si Nolan ang pagdating ni Emerose. Ayaw niya sa lahat na nagpupunta ang babae sa kanyang kumpanya dahil ayaw niyang may mag-isip ng kahit na anong ugnayan sa pagitan nila ang kahit na sinong tao. Kahit na babaero si young Higginson ay sobrang mapili rin naman ito sa babae."Ika-anim na buwan niyo nang mag-asawa ni Emerald, at labis na siyang napahiya at nagdusa. Hindi mo pa ba siya idi-divorce?" tanong ni Emerose. "Huwag mo sana akong mamasamain, naawa lang ako sa kanya dahil kapatid ko siya, at sa tingin ko ay sapat na ang naranasan niyang paghihirap," dagdag niy
Samantala, sa loob ng anim na buwang kasal nila, palaging may dalang ibang babae si Jace sa kanilang mansyon. Ipinapakita niya kay Emerald na wala siyang halaga sa kanya. Sinisiguro niyang makikita ng kanyang asawa ang kanyang pagtataksil, upang iparamdam dito ang kawalang-halaga."Ano ba ang ginagawa mo, Jace?" tanong ni Emerald, "Sa simula pa lang ay ganyan ka na,aAno ba ang nagawa ko para parusahan mo ako nang ganito?" dagdag niya, litong-lito at labis ang sama ng kanyang loob."Nangahas ka pang magsalita sa akin ng ganyan? Wala kang karapatang kwestyunin ako, Emerald! Wala akong ibinibigay na karapatan sa iyo sa bahay na ito, naintindihan mo?" itinaas ni Jace ang kanyang kamay at tila sasampalin na ang asawa pero bigla siyang huminto. Hindi pa siya kailanman nanakit ng babae, at nang makita niya ang takot sa mga mata ni Emerald, alam niya na nakuha na niya ang takot nito. "Huwag mo na akong kakausapin or tatanungiin ulit, o mararanasan mo ang nararapat sa'yo," dagdag pa niya bago s
Pagdating ni Emerald sa bahay, agad siyang nagtungo sa kusina. Inayos niya ang mga pinamili bago maghanda ng hapunan ni Jace, para hindi siya magalit at isipin na naman na nagpahinga lang siiya maghapon.Si Dr. Sanders ang naging kaagapay at kasama ni Emerald. Masaya siyang makita ito, hindi dahil sa anumang bagay kundi dahil lamang sa may isang taong nagmamalasakit sa kanya. Bagamat gwapo si Dr. Sanders, si Jace pa rin ang tanging lalaking pinakanakaakit para kay Emerald. Naalala niya ang unang pagkakataon na nasilayan niya ang mukha ng batang Higginson.Nasa kwarto siya noon, gamit ang lumang laptop ng kapatid upang makipag-chat sa kanyang online friend na si Creep tungkol sa pinakabagong trend sa teknolohiya.“Alam mo ba na naglunsad na ng bagong software ang SoftWare Group?” tanong ni Creep.“Talaga? Sila na ngayon ang nangungunang kompanya sa larangan ng software. Sa palagay ko ay wala ng makakatalo pa sa kanila,” sagot ni Emerald.“Nakita mo na ba ang CEO nila?” tanong ni Creep n
Kinabukasan, bumisita si Emerald sa kanyang nanny, tulad ng sinabi niya kay Jace. Bago umalis ay nagpaalam muna na isya na medyo matatagalan siya ng uwi dahil sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na yaya.“Hi, nanny! Kumusta ka na ngayon?” bati ni Emerald pagpasok sa silid ng ospital. Nagmukha siyang masigla kahit na hindi siya marinig o makita ni Lucy. Nananatili itong walang malay, at hindi masabi ng doktor kung bakit hindi pa rin ito gumagaling.Hila-hila ni Emerald ang upuan papalapit sa hospital bed at naupo. “Maligayang kaarawan, nanny.” Bati niya kay Lucy at hinalikan ang kamay nito. “Sana gumaling ka na. Sasabihin ko sa asawa ko na doon ka na tumira sa amin, at magiging masaya tayo pagnakalabas ka na dito. Gusto mo ba iyon?” patuloy niya.Habang nananatili si Lucy sa ospital, hindi nawalan ng pag-asa si Emerald na gagaling ang kanyang nanny. Naniniwala siya na sa patuloy niyang panalangin, maririnig at tutugunin ng Diyos ang kanyang hiling.Dumating din si Dr. Sanders upang bis
"Estupido! Estupido ako kung maniniwala pa ako sa kanya!" sigaw ni Jace habang ibinabato ang lahat ng gamit sa kanyang lamesa. Pagkatapos niyang komprontahin si Emerald nang nagdaang gabi ay nagpunta siya sa trabaho nang puno ng galit.Ipinakita ni Emerose sa kanya ang larawan ng kanyang asawa na mukhang masaya habang kasama ang doktor sa isang café. Hindi niya alam kung kailan iyon kinunan, pero ayon kay Emerose, napadaan lang siya at nagkataong nakita iyon kaya kinunan niya ng litrato.Ang mga sinabi ni Emerald na mahal niya si Jace at wala nang iba ay nagbigay ng kaguluhan sa kanyang damdamin, na halos mapaniwala siya rito. Sinubukan ni Jace na hindi ito ipakita dahil gusto niyang pahirapan ang kanyang asawa at hindi iparamdam na mahal niya ito."Hoy, pare—" bungad ni Kyle nang pumasok siya sa opisina ni Jace. "Anong nangyari?" tanong niya habang iniikot ang tingin at nakita ang kaibigan na nakaupo sa silya."Umalis ka, Kyle," patamad na sabi ni Jace sa kaibigan, pero hindi siya pin
Maagang nagising si Emerald dahil espesyal na araw iyon para sa kanya. Sabik siyang inaabangan ang araw na ito, umaasang alam ni Jace ang kahalagahan nito. Masiglang siyang bumaba sa hagdan at nagsimula sa kanyang pang-araw-araw na gawain sa kusina. Nagluto siya ng almusal at siniguradong magugustuhan ito ng kanyang asawa. "Happy birthday to me. Happy birthday to me... Happy birthday, happy birthday, happy birthday, to me," kinakanta niya sa isip habang nagluluto. "Jace, birthday ko ngayon. Can I ahve this honor to have breakfast with you?" tanong niya sa sarili, sinusubukang bigkasin ang mga salitang sasabihin sa kanyang asawa. Inayos niya ang mesa at hinintay si Jace na bumaba. Hindi alam ni Emerald kung anong oras dumating ang kanyang asawa ng nakaraang gabi. Hinintay niya ito upang magpaalam na bibisitahin ang kanyang Yaya Lucy, hanggang sa siya'y makatulog ay hindi pa rin niya namalayan ang pagdating ng asawa. "Magandang umaga!" masayang bati ni Emerald nang makita niya si Jac
Pagkatapos ng insidenteng iyon, napansin ni Jace na nagbago na si Emerald. Ang dati niyang mainit na pagbati tuwing umaga ay napalitan ng walang buhay na pakikitungo at walang kasigla sigla. Tulad ngayon, pumunta siya sa dining hall para maghapunan at umupo habang inilalagay ng kanyang asawa ang pagkain sa mesa. Hindi siya tinitingnan o kinakausap manlang ni Emerald, na lalo niyang ikinainis at inisip na nagmamalakai pa ito sa kanya."Kuha mo ako ng tubig," utos niya, at mabilis namang sinunod ni Emerald. Naglagay siya ng baso sa mesa bago nilagyan ng tubig. Uminom si Jace, pero "Putsa! Ang lamig nito!" galit niyang sigaw, habang nakatitig nang masama kay Emerald. Hindi siya pinansin ni Emerald at bumalik sa kusina para kumuha ng mainit na tubig at isa pang baso. Nagpatuloy sa pagkain si Jace at saka umalis sa dining room, iniwan ang kanyang asawa na naglilinis.Sa kanyang kwarto, nagtataka si Jace kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos ng kanyang asawa. 'Sumuko na ba siya?' tanong