"Sir, nakahanap na po ako ng nurse na mag-aalaga kay Sir Jack," sabi ni Nolan, ang assistant ni Jace, pagkapasok niya sa opisina kinabukasan.
"Siguraduhin mong maaalagaan niya nang mabuti ang kapatid ko."
"Naipaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Nai-inform na rin ang mga katulong tungkol sa supplements niya," dagdag pa ng kanyang assistant. Hindi na mabilang ni Jace kung ilang beses na siyang kumuha ng nurse para sa kapatid dahil palaging nagreresign ang mga ito kahit gaano kalaki ang sahod nila. Ito'y dahil sinasaktan sila ng kanyang kapatid at sinasabihan ng masasakit na salita dahil ayaw nitong matulungan. Determinado itong tapusin ang sariling buhay na lalo pang ikinagalit ni Jace. Ayaw ng kapatid niyang gumaling kahit na malaki pa ang tsansa nito, lalo na't kumpleto sila sa resources para sa gamot at anumang operasyong kakailanganin.
Umupo si Jace sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, iniisip ang asawa niyang natutulog sa ibang kwarto. Hindi niya akalaing mag-iiba ang nararamdaman niya kay Emerald.
"Kumusta na, bro?" bati ng kaibigan niyang si Kyle pagkakita sa kanya sa opisina. "Kumusta ang bagong kasal?"
"Tigilan mo nga ang kalokohan mo," sagot ni Jace. Hindi pabor ang kaibigan niya sa plano niyang paghihiganti. Oo, ipinaghihiganti ni Jace ang nakatatanda niyang kapatid na si Jack.
"Bahala ka, pero gusto ko lang ipaalala ang biyahe natin sa susunod na linggo," sabi ng kaibigan niya, kaya't tumango siya. Naka-schedule silang dumalo sa isang conference sa California kung saan maraming mahihilig sa teknolohiya ang dadalo. Mahalagang pumunta siya doon dahil gusto niyang malaman ang pinakabagong mga trend.
Ang SoftWare Group ay isang in-demand na kompanya ng computer software na itinatag ni Jace. Noong nasa kolehiyo siya, nagdesisyon siyang magtayo ng sariling kompanya, na ikinagalit ng kanyang ama dahil gusto nitong pamunuan nila ang kanilang family business.
Napakalaki ng pasasalamat ni Jace sa kanyang nakatatandang kapatid dahil pinayagan siya nitong gawin ang gusto niya habang si Jack ang nag-training para pamunuan ang family business nila. Naging maayos ang lahat ayon sa plano, at nakita ni Jace ang tagumpay ng kapatid niya.
Isang bagay na hinahangaan ni Jace kay Jack ay ang pagiging mapagkumbaba nito. Ang panganay na Higginson ay laging nananatiling nakatapak sa lupa at tahimik lang. Dahil mahiyain, ipinapaubaya niya sa kanyang assistant ang pagdalo sa mga mahahalagang event. Itinago niya ang kanyang pagkakakilanlan, kaya walang nakakaalam bukod sa kanyang pamilya na siya ang CEO ng number one commercial bank sa bansa at sa ibang bansa.
Natuklasan ni Jace na may karelasyon si Jack at labis itong nagmamahal sa isang babae. Ngunit dahil inisip ng babae na mahirap ang kapatid niya, iniwan siya nito. Kahit ano pang gawin ni Jack na pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa babae, hindi siya pinakinggan, dahilan para malugmok siya sa depresyon at kalaunan ay magtangkang tapusin ang sariling buhay sa isang car accident.
Ngunit nailigtas ng doktor si Jack, kaya lang ay nakatali siya sa wheelchair at sa kadiliman. May pag-asa pa sana siyang makakita at makalakad, ngunit ayaw niyang sumailalim sa anumang operasyon. Dahil sa kanyang kalagayan, ayaw na niyang lumabas ng bahay.
Nalungkot ang patriyarka at matriyarka ng mga Higginson sa nangyari sa kanilang panganay, kaya't inalagaan nila ito nang personal kasama ang isang nurse. Pinamunuan din ni Jace ang family business nila at ang sarili niyang kompanya, ang SoftWare Group.
"Ngayon na kasal ka na sa kanya, paano mo ipaghihiganti ang kapatid mo?" tanong ni Kyle.
"Siya ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Jack. Ayaw niyang kumain; gusto lang niyang tapusin ang buhay niya. Makasarili ang babaeng iyon! Sisiguraduhin kong magdurusa siya sa bawat araw ng buhay niya," galit na tugon ni Jace, namumula ang mukha. Naging mahigpit ang kanyang panga habang sinisikap niyang kontrolin ang emosyon.
"Nakausap mo na ba siya? Naitanong mo na ba sa kanya tungkol kay Jack?" tanong ng kaibigan niya.
"Ano pa bang dapat itanong, Kyle?" iritadong tanong ni Jace. Hindi niya gusto na parang pinapanigan ng kaibigan niya ang babae.
"Gusto ko lang siguraduhin. Kasal ka na sa kanya at magkasama na kayo sa iisang bahay."
Malalim na napabuntong-hininga si Jace, iniisip ang asawa niyang si Emerald at naalala ang unang pagkakataon na nakita niya ito:
"Mr. Higginson, ito ang panganay kong anak, si Emerose. May degree siya sa--" sabi ni Mr. Morgan habang ipinakikilala ang paborito niyang anak kay Jace, na nakatuon ang atensyon sa babaeng nakaupo sa tapat niya. Sa unang tingin pa lang, napansin niya agad ito. Agad nakuha ang pansin nito, na ikinagulat niya dahil wala naman itong ginawa. Para bang gusto niyang umupo sa tabi nito, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil sa kanyang misyon. Kahit gaano pa siya naaakit sa babae, kailangan niyang isagawa ang plano niya.
Habang nagsasalita si Mr. Morgan, nagdilim ang mukha ni Jace nang marinig niyang ang panganay na anak ay pinangalanang Emerose. Ito ang nagbigay ng kasiguruhan na ang babaeng tinititigan niya na nakayuko ay si Emerald. Ang parehong babaeng iniwan ang kapatid niya, na inakala niyang mahirap ito.
Nakita ni Jace ang gulat sa mga mukha ng lahat matapos niyang ipahayag na pakakasalan niya si Emerald. 'Nagpapanggap kang inosente, pero sa totoo lang isa kang tusong babae,' isip niya habang tinitingnan ang batang Morgan. 'Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo sa piling ko,' dagdag niya.
"Jace!" tawag ni Kyle, na bumalik sa kasalukuyan.
"Ihanda mo na ang lahat para sa biyahe natin, at huwag mo akong guluhin tungkol sa asawa ko," sabi niya habang ipinagpapatuloy ang trabaho.
"Kung 'yan ang gusto mo." Sagot ng kaibigan niyang umiiling. Pagkabukas ni Kyle ng pinto upang iwan si Jace mag-isa, napadako ang mata niya sa isang babae.
"Hi, gusto ko sanang makausap si Mr. Higginson," sabi ng babae, kaya't napalingon si Kyle pabalik sa kaibigan niyang abala na sa trabaho. "Ako si Emerose Morgan," dagdag pa ng babae.
"I see," sabi ni Kyle habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa at pabalik bago muling tumingin sa kaibigan niya at tinawag ang atensyon nito.
"Ano?" galit na tanong ni Jace at hindi man lang tumingin sa kaibigan, iniisip na mang-iinis lang ito.
"Emerose Morgan daw, gusto kang makausap," sagot ni Kyle, kaya napatingin si Jace sa kanila.
"Hi, Jace," bati ni Emerose na parang close sa kanya. Tinulak pa niya si Kyle para makalapit kay Higginson.
"Emerose," sabi ni Jace nang tumayo na sa harap niya ang babae.
"Puwede ba kitang makausap sandali?" tanong nito. Tumango si Jace bago tingnan si Kyle na naghihintay pa rin sa may pinto sakaling kailanganin siya ng kaibigan.
"Okay lang, Kyle, kilala ko siya," sabi ni Jace kaya't umalis na ang kaibigan niya.
"Maupo ka," sabi niya kay Emerose nang silang dalawa na lang ang naiwan.
"Salamat," malambing na sagot ni Emerose. Hindi alam ni Emerose, iniisip ni Jace na maaari niyang gamitin ito para pahirapan si Emerald, kaya't hinayaan niya itong makalapit sa kanya.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan, Ms. Morgan?" tanong ni Jace habang tinatago ang iritasyon.
"Puwede mo akong tawaging Emerose. Alam kong hindi mo gusto si Emerald, at wala akong pakialam sa dahilan mo sa pagpili sa kanya bilang asawa mo. May kutob ako na gusto mo ako pero pinili mo siya imbes na ako."
Pailalim na ngumisi si Jace. Iniisip niya na mangmang itong babaeng ito, na inakala niyang magugustuhan niya ang tulad nito. Pero kailangan niyang kontrolin ang galit niya dahil sa kanyang plano, at nakita na niya ang magiging resulta nito dahil kay Emerose.
Sa loob ng mansyon, naguguluhan si Emerald dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa. Kahit pa nararamdaman na niyang may kakaiba, hindi niya ito binigyang pansin. Nasa kusina siya at naglilinis nang maalala niya kung paano siya kinausap ni Jace kanina.“Papasok ka sa trabaho?” tanong niya, ngunit binigyan lang siya ng matalim na tingin ni Jace habang nag-aayos ito ng polo at naghahanda para pumasok.“Akala mo ba, dahil kasal na tayo ay titigil na ako sa pagnenegosyo?” matalim na sabi ni Jace. Hindi ito maintindihan ni Emerald, kaya nagtanong siya ulit.“Kakasal pa lang natin, hindi ba dapat ay mag-leave ka muna sa trabaho para magkaroon tayo ng pagkakataon para magkasama at magkakilala?” inosenteng tanong ni Emerald, at napansin ni Jace na parang nahihiya ito. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam, ngunit ang kanyang asawa ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang damdamin. Damdaming alam niyang sisira ng kanyang plano kung hindi niya iyon paglalabanan."Gusto mo bang magtalik na ta
Habang lumilipas ang mga araw, hindi tumitigil ang pagdurusa ni Emerald. Minsan ay dumadalaw si Emerose sa kanilang mansyon upang saktan siya, pisikal at emosyonal. Hindi alam ng batang Morgan kung bakit ganoon ang ate niya sa kanya na nagsimula noong bata pa siya.Buong buhay niya, inakala niyang masuwerte siya na magkaroon ng isang ate or kapatid na magiging kasama niya. Ngunit habang siya'y tumatanda, napagtanto niya na malayong maging magiliw sa kanya si Emeros dahil siya sa tingin niya ay kakumpetensiya ang tingin nito sa kanya. Na siya ring magdadala sa kanya sa kapahamakan.Bukod sa kanyang kapatid, si Jace ay isa pang dahilan ng kanyang pagdurusa at pighati. Ang lalaking inakala niyang magiging kasama niya sa hirap at ginhawa ay nagpabaya at nanakit sa kanya. Tinutupad ni Emerald ang kanyang tungkulin bilang asawa sa loob ng isang buwan ng kanilang kasal.Nakakaramdam siya ng sobrang hiya at panliliit sas sarili sa tuwing pinipilit ni Jace na isubo ni Emerald ang kanyang pagkal
Akala niya ay hindi totoo ang sinabi ng kanyang kapatid at ina, na may nakalaan ang Diyos para sa kanya. Pero lahat ng iyon ay nawala nang siya ay piliin at sumama kay Jace na manirahan sa iisang bubong. Ngunit dahil sa nangyari ay gusto nang maniwala ni Emerald sa mga ito.Dahil wala na siyang silbi, nagdesisyon si Emerald na umalis. Ngunit bago niya magawa iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang asawa. "Nasaan ka?" galit na tanong ni Jace."Nasa parking lot," sagot niya, pilit na hindi nalunok ang kanyang laway. Ayaw niyang malaman ng asawa niya na umiiyak siya."Ano bang ginagawa mo diyan? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na dinala kita rito para ipakita kung ano ang ginagawa ko?" tanong ulit ni Jace. "Pumunta ka na dito ngayon din!" sigaw niya. Malalim na huminga si Emerald bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Hindi niya napansin ang kanilang driver na inaabot sa kanya ang facial tissue para punasan ang kanyang mukha.Maraming tao sa event, at alam ni Emerald na lahat sila
"Ito na po, sir," sabi ni Nolan bago inabot kay Jace ang isang sobre na naglalaman ng mga litrato na kinunan ng nagdaang gabi sa party na in-attend-an niya kasama ang magkapatid na Morgan."You may leave," sabi ni Jace bago sumandal sa kanyang swivel chair. Ilang minuto na ang lumipas, ngunit nakatingin pa rin siya sa sobre, nag-aalangan kung tbubuksan ba niya iyon.Matapos ang mahabang pag-iisip, iniunat niya ang kanyang mga kamay at inabot ang sobre. Binuksan niya ito, at ang maganda ngunit malungkot na mukha ni Emerald ang bumungad sa kanya. Ito ay noong iniwan niya ito sa entrance ng venue kasama si Emerose. Na-capture ng photographer ang kanyang asawa sa kanyang kaakit akit na itsura kahit na ba sa tingin niya ay biglaan iyon. Maamo at tila nanghahalina na pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang galit para dito.Isa-isang tiningnan ni Jace ang mga larawan, at kahit saan siya tumingin, umaangat ang kagandahan ni Emerald. Pinili niya ang damit na iyon, sa pag-aakalang magmumukha
Hapon ng Linggo, at si Emerald ay nasa kanyang kwarto, sinusubukang magpahinga. Katatapos lang niyang maglaba habang naglilinis ng bahay, at hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Umalis si Jace noong nakaraang araw at hindi pa bumabalik, kaya't nagdasal siya na sana'y hindi muna bumalik ang asawa hanggang sa makapagpahinga lang siya. Ngunit hindi sinagot ang kanyang dasal dahil makalipas lang ang ilang minuto, biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, at lumitaw ang galit niyang asawa."Iyan ba ang ginagawa mo kapag wala ako? Nagpapahinga?" galit na tanong ni Jace."Kakatapos ko lang maglaba at maglinis ng bahay," mahinang sagot ni Emerald habang bumangon siya mula sa kama, na hindi nakaligtas sa pansin ni Jace. Kumunot ang kanyang noo habang lumalapit kay Emerald."Huwag mong sabihin sa akin na may sakit ka!" sigaw niya."Hindi, sandali lang akong nagpapahinga dahil balak kong pumunta kay Yaya Lucy mamaya.""At sino namang demonyo iyon?" tanong ni Jace, taas kilay."Siya ang yaya k
"Okay ka lang ba?" nagtanong si Emerose nang may pag-aalala. Nasa opisina ni Jace sila, at nagtaka siya kung bakit tahimik ang lalaki. Matagal na siyang nagsasalita, ngunit wala siyang natanggap na anumang reaksyon mula rito."Iniisip ko lang ang negosyo," sagot ni Jace, na halatang inis. "Bakit ka nga pala nandito na naman?" tanong niya. Abala si Jace sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa nang ipaalam ng kanyang assistant na si Nolan ang pagdating ni Emerose. Ayaw niya sa lahat na nagpupunta ang babae sa kanyang kumpanya dahil ayaw niyang may mag-isip ng kahit na anong ugnayan sa pagitan nila ang kahit na sinong tao. Kahit na babaero si young Higginson ay sobrang mapili rin naman ito sa babae."Ika-anim na buwan niyo nang mag-asawa ni Emerald, at labis na siyang napahiya at nagdusa. Hindi mo pa ba siya idi-divorce?" tanong ni Emerose. "Huwag mo sana akong mamasamain, naawa lang ako sa kanya dahil kapatid ko siya, at sa tingin ko ay sapat na ang naranasan niyang paghihirap," dagdag niy
Samantala, sa loob ng anim na buwang kasal nila, palaging may dalang ibang babae si Jace sa kanilang mansyon. Ipinapakita niya kay Emerald na wala siyang halaga sa kanya. Sinisiguro niyang makikita ng kanyang asawa ang kanyang pagtataksil, upang iparamdam dito ang kawalang-halaga."Ano ba ang ginagawa mo, Jace?" tanong ni Emerald, "Sa simula pa lang ay ganyan ka na,aAno ba ang nagawa ko para parusahan mo ako nang ganito?" dagdag niya, litong-lito at labis ang sama ng kanyang loob."Nangahas ka pang magsalita sa akin ng ganyan? Wala kang karapatang kwestyunin ako, Emerald! Wala akong ibinibigay na karapatan sa iyo sa bahay na ito, naintindihan mo?" itinaas ni Jace ang kanyang kamay at tila sasampalin na ang asawa pero bigla siyang huminto. Hindi pa siya kailanman nanakit ng babae, at nang makita niya ang takot sa mga mata ni Emerald, alam niya na nakuha na niya ang takot nito. "Huwag mo na akong kakausapin or tatanungiin ulit, o mararanasan mo ang nararapat sa'yo," dagdag pa niya bago s
Pagdating ni Emerald sa bahay, agad siyang nagtungo sa kusina. Inayos niya ang mga pinamili bago maghanda ng hapunan ni Jace, para hindi siya magalit at isipin na naman na nagpahinga lang siiya maghapon.Si Dr. Sanders ang naging kaagapay at kasama ni Emerald. Masaya siyang makita ito, hindi dahil sa anumang bagay kundi dahil lamang sa may isang taong nagmamalasakit sa kanya. Bagamat gwapo si Dr. Sanders, si Jace pa rin ang tanging lalaking pinakanakaakit para kay Emerald. Naalala niya ang unang pagkakataon na nasilayan niya ang mukha ng batang Higginson.Nasa kwarto siya noon, gamit ang lumang laptop ng kapatid upang makipag-chat sa kanyang online friend na si Creep tungkol sa pinakabagong trend sa teknolohiya.“Alam mo ba na naglunsad na ng bagong software ang SoftWare Group?” tanong ni Creep.“Talaga? Sila na ngayon ang nangungunang kompanya sa larangan ng software. Sa palagay ko ay wala ng makakatalo pa sa kanila,” sagot ni Emerald.“Nakita mo na ba ang CEO nila?” tanong ni Creep n
"Siguraduhin mong mabulok sa kulungan ang babaeng iyon!" galit na sabi ni Jessica sa anak niyang si Jace, na tumango bilang sagot. Dahil weekend, pumunta si Jace at ang kanyang pamilya sa lumang mansyon ng mga Higginson upang dalawin ang kanyang mga magulang, na labis nang namimiss si Ace. "Bakit hindi n'yo hayaan na dito muna manatili ang apo namin? Kami na ang mag-aalaga sa kanya habang inaasikaso n'yo ang kaso," dagdag pa ni Jessica."Mom, hindi puwede iyon. May lolo at great-grandfather din siyang gusto siyang makasama. Isa pa, hindi ko kayang hindi siya makita at makalaro kahit isang araw. Paano pa kaya si Emerald?" sagot ni Jace, alam na alam ang magiging reaksyon ng asawa niya sa suhestyon ng ina."Pasensya ka na, anak, hindi ko naisip iyon. Nakalimutan kong ayaw ko ring malayo sa inyo noon ng kuya mo," sabi ni Jessica, looking apologetic kay Emerald."Okay lang po, Mom. Naiintindihan ko kung gaano n'yo gustong makasama si Ace. Ako ang dapat humingi ng paumanhin dahil hindi ko
"Saan ka nanggaling, anak?" tanong ni Merly. Kakagaling lang niya sa kusina at tatawagin sana si Emerson para mag-almusal nang biglang dumating si Emerose."Wala," sagot ng dalaga bago dumiretso sa kanyang kwarto."Hindi ka pa ba kakain muna?" tanong muli ng kanyang ina ngunit hindi siya nilingon ni Emerose kaya napailing na lang ang matanda bago pumunta sa kwarto nila upang tawagin ang kanyang asawa.Nag-aalmusal na ang mag-asawa nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila, at itinuro ni Emerson si Merly na tumayo at tingnan kung sino ang kumakatok. Napabuntong-hininga ang ginang habang naglalakad papunta sa pintuan at binuksan iyon."Magandang umaga. Ito ba ang bahay ni Ms. Emerose Morgan?" Nanlaki ang mga mata ni Merly at gusto sana niyang sabihin na hindi, dahil mga pulis ang nagtanong at nagsimula na siyang mangamba."Ano ang kailangan ninyo sa kanya?" tanong niya na pilit itinatago ang kaba, kahit nangingibabaw na ang takot sa kanya."Kailangan namin siyang imbitahan sa presin
Nararamdaman ni Emerald ang matinding sakit ng ulo habang dahan-dahan siyang nagkamalay, pinupuno ng malamig at mamasa-masang hangin ang kanyang mga baga. Iminulat niya ang kanyang mga mata, sinasanay ang sarili sa malamlam na ilaw ng nag-iisang bombilya na mahina at pabaling-baling sa itaas.Napansin niyang nasa isang marumi, madilim na silid siya na walang bintana, at ang mga dingding ay tila may mga bakas ng mantsa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagtanto niyang nakatali siya sa isang lumang upuan, ang kanyang mga pulso at bukung-bukong ay mahigpit na nakagapos ng magaspang at masakit na lubid.Nagpumiglas siya upang kumawala, ngunit lalong bumaon ang lubid sa kanyang balatat lalo nawalan ng saysay ang kanyang mga pagsisikap na makakawala. Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng pagdukot sa kanya—ang biglaang paghatak ng makalabas siya ng Uber saharap mismo ng opisina ng grocery, ang magaspang na mga kamay na humihila sa kanya papasok ng van, at ang nakakabinging kadil
“Sigurado ka bang ito ang normal na ginagawa nila?” tanong ni Hubert sa lalaking inupahan niyang bantayan si Emerald at ang pamilya nila.“Umalis kami pagkahatid nila sa bahay mula sa hotel,” sagot ng lalaki.“Ano ang ginawa nila doon?”“Hindi ko alam, pero may dumating pang isa pang lalaki pagkatapos.”“Sino ang lalaking iyon?”“Hindi ko pa siya natititigan nang mabuti. Nakita ko lang siya kanina. Tungkol naman sa nananatili sa hotel na iyon, sabi ng mga staff, isa raw siyang business tycoon mula sa ibang bansa.”“Kaya pala, mukhang may negosyo pa silang ginagawa. Talagang mayaman ang mag-asawa,” sabi ni Hubert.“Ganoon na nga. Alam mo namang kilalang negosyante si Mr. Higginson. Mahirap siyang kalabanin.”“Natatakot ka na ba ngayon?” galit na tanong ni Hubert.“Siyempre hindi! Pero gusto ko lang ipaalala na dapat mabayaran mo kami ng maayos; hindi biro ang kalabanin si Mr. Higginson.”“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon. Sinabi ni Emerose na mayaman ang kapatid niyang bast
Pumunta sina Emerald at Jace sa hotel kung saan nananatili sina Mr. Landers at Mr. Ferguson. Kinausap nila ang mga ito tungkol sa nangyari sa amusement park habang naglalaro naman si Ace kasama ang kanyang yaya sa isang kwarto at hinihintay sila."Kailangan nating bigyan ng karagdagang proteksyon ang bata; hindi natin siya puwedeng iwan sa yaya lang kahit na may nagbabantay sa kanila mula sa malayo," sabi ni Mr. Landers na kita ang pag-aalala sa mukha para sa kanyang apo.“Napag-isipan ko na rin ito at humingi ako ng tulong sa investigator ko para maghanap ng maaasahan at mapagkakatiwalaang tao na magiging bodyguard ni Ace,” sagot ni Jace.“Ibigay mo sa apo ko ang pinakamagandang proteksyon na kaya natin, anak. Pakitaan mo ang kung sino mang may balak na kalabanin tayo. Ipaalam mo sa kanila kung sino ang kinakalaban nila,” dagdag ni Mr. Ferguson habang nakatingin kay Jace. Hindi siya ang tipo na ipinagyayabang ang yaman, pero mula nang umalis at nagtago ang kanyang anak, hindi siya nag
“Dad, sasama ka ba sa rollercoaster?” tanong ni Ace. Tumingin si Jace kay Emerald, na natawa naman. Ganito talaga ang bata; alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakasakay. Nasa amusement park sila, isang request ni Ace para sa family bonding.“Ahm, kasi–”“Wag mong sabihing takot kang sumakay, Dad.” Hindi napigilan ni Emerald ang matawa, kaya napatingin sa kanya ang mag-ama nang nagtataka.“Pasensya na,” sabi niya habang kumakaway sa kanila.“Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong ni Jace, kunot ang noo.“Yes, Daddy. Sigurado akong natatawa si Mommy kasi parang takot ka sa rollercoaster,” sabi ni Ace, na lalo pang nang-asar at kinindatan ni Emerald.“Hindi ako takot!” tugon ni Jace. Kahit hindi siya mahilig sa rides, hindi naman siya natatakot. Nag-aalala lang siya para sa anak.“Kaya mo ba?” tanong ni Jace, halatang nag-aalala. Tumango si Ace nang masigla, iniisip na sasamahan siya ng ama. “Sige, tara na.”“Yehey!!” Tumalon sa tuwa si Ace bago tumingin kay Emerald na nag-thu
"Kamusta ang lahat?" tanong ni Jace, nakatingin kay Emerald at sa iba pang team na handa nang i-launch ang laro na kanilang dinevelop. Kitang-kita ang kasiyahan at excitement sa kanilang mga mukha dahil natapos nila ang lahat nang mas maaga sa inaasahan, at buong industriya ng esport ay sabik nang masubukan ito.Nang una nilang ilunsad ang teaser, lahat ng manlalaro ay nasabik, inaasahan ang larong puno ng challenge at excitement. Siniguro ni Emerald na mae-enjoy ng mga players ang bawat level bago sila makausad. Ang mga item na kailangan nilang bilhin ay naka-sale sa unang linggo, na siguradong susulitin ng mga gamers. Ang kwento sa likod ng bawat karakter ay isinulat ng kilalang mga manunulat kaya't sulit ang bawat oras ng paghihintay."Yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng lahat kasabay ng palakpakan. Si Emerald, na nakatayo sa tabi ng kanyang asawa, ay kinakabahan—isang pakiramdam na palagi niyang nararanasan tuwing naglulunsad sa tuwing magla-launch sila ng bagong game. Kinuha ni Jac
Isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Mr. Landers kay Emerald ang tungkol sa pagdating ng kanyang lolo. Si young Morgan ay nasa pangunahing opisina ng Ace Family Grocer’s matapos siyang ipadala ni Jace doon bago ito pumunta sa kanyang kumpanya. Abala siya sa pakikipag-usap kay Elise tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng grocery.“Hindi ako makapaniwalang ganito kabilis ang paglago natin,” sabi ni Emerald habang tinitingnan si Elise na mukhang masayang-masaya.“Kahit ako ay hindi makapaniwala. Dati, kontento na ako sa ACEGame; tumutulong lang ako sa inyo ni Creep para maibigay ang mga kailangan niyo when it comes to legal matters. Pero ngayong minamanage ko ang grocery store, napagtanto kong gusto ko pala ang ganitong trabaho.”Nakangiti si Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi niya magagawa ang lahat ng ito nang mag-isa kung wala sina Elise at Creep. Bagama’t napakatalino ni niya, alam niya ring kailangan niya ng mga taong gagabay at susuporta
Mature ContentSi Emerald ay nasa SoftWare Group at tinatapos na ang collaboration game nila ng kumpanya ni Jace. Hindi siya makapaniwala na magiging inspirasyon ang mga nangyari kamakailan upang matapos ang proyekto. Dahil napakahusay ng kanyang team, wala siyang naging problema maliban sa ilang minor changes, kaya nakapag-focus siya sa kanyang gawain.“Dear wife, huwag mo namang masyadong pagurin ang sarili mo.” Napatingin si Emerald, nakangiti nang marinig ang boses ng kanyang asawa at nakita ito na nakasandal sa pintuan ng kanyang opisina, gaya ng dati.“Hindi naman,” sagot niya, hinihintay si Jace na lumapit at halikan siya.“Lampas na ng alas-sais, hindi ba't sobra-sobra na 'yan?”“Overtime pero hindi overworking. At, sa totoo lang, alam ko namang alam mo na, na kapag may pumasok na idea sa isip mo, hindi mo mapipigilan ang sarili mong magtrabaho.”“Yeah, gets kita diyan.” Ngumiti si Jace habang hinahaplos ang makinis na mukha ng asawa. Masaya siyang naging maayos ang lahat para