Share

48 - Pain

“Nope. She’s fine, Nika. Vien is fine, safe and sound.”

Halos mapatumba ako sa sahig nang marinig kong ligtas si Vien. My baby’s safe. Okay na ako nang malaman kong ligtas si Vien.

Ramdam ko namang inalalayan ako ni Harvin. Pero kaagad ko ring inilibot ang tingin ko sa paligid nang unti-unti nang lumalapit ang mga Sierra sa amin, ngunit hindi ko nakita si Eros at Elio.

“Si... Si Elio? Where is he? Nasaan ang asawa ko? Wala namang nangyaring masama kay Elio, hindi ba?” sunod-sunod kong tanong.

Sobrang basa na ng kamay ko dahil sa kaba at takot. Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko kung hindi lang ako inaalalayan ni Harvin at ni Ate Lily, paniguradong nasa sahig na ako ngayon.

Nagkatinginan sila Kuya Errol at Kuya Reid, huminga naman ng malalim si Kuya Emman tsaka lumakad naman papasok si Kuya Ezekiel kasama si Kuya Ravi para tabihan ang mga asawa nito. Anong nangyayari?

Kaagad na nagsialisan na ang mga sasakyan para iparada iyon sa parking lot, pero hindi ko pa rin nakikita si Elio.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status