Share

7 - Leon

VERONIKKA ELYSE LAURIER

Napagpasyahan ng mag-ama na gumala sa mall. Sobrang saya ng dalawang bata, siguro lalo na kasama ng dalawa ang kanilang ama.

Sir Elio spoiled his kids. Kung ano ang tinuturo ng mga bata ay binibigay niya kaagad. Kaya heto kaming tatlo nila Ate Kelly, hirap na hirap na sa pagbitbit ng mga pinamili nila.

"Sir, baka pwede nang umawat?" Nakanguso kong sabi. Napatingin naman si Sir Elio saakin buhat niya si Vlad dahil napagod na siyang maglakad-lakad.

Napatingin siya sa mga bitbit namin. Napataas naman sila ng kilay kaya mas lalong napanguso ako.

"Hindi naman mabigat, keri nalang." Sarkastikong sabi ko. Huminga naman siya ng malalim.

"Give me some," napataas ang kilay ko sa tanong niya. "No, I'll call the security team nalang." Napanganga ako nang sabihin niya iyon. Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya at may tinawagan. Ilang sandali lang ay dumating ang limang lalaki na naka all black.

"Give that to them," utos niya. Seriously?

"N-Nurse Nika," napatingin ako kay Vien na gustong magpabuhat kaya natawa ako.

Si Ate Lia sana ang hahawak sa kanya nang bigla siyang umiyak at tumakbo sakin para yakapin ang binti ko.

"I... I w-want... You..." Ngumiti ako. Kaya binuhat ko kaagad si Vien. She's not heavy at all. She's petite and I can still carry her.

Ramdam ko naman na may nakatingin saakin kaya pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Sir Elio na nakatingin saakin. Seryoso ang mga titig kaya hindi ko mabasa.

"I think, umuwi na po tayo Sir. Pagod na po mga bata." Sabi ko. Tumango naman siya at naglakad na. Sumunod naman sa kanya sila Ate Kelly at mga bodyguard kaya sumunod narin kami.

"Are you okay, Vien?" Bulong ko. Tumango naman siya at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Thank you," napatigil ako nang marinig ko ang paghingi ng pasalamat ni Vien. Aside, straight niyang nasabi iyon.

Napatingin naman si Vien saakin at ngumiti tsaka ako hinalikan sa pisngi.

"Mommy," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumawa naman ito kaya napatawa ako.

"Hoy, hindi ah! Mumultuhin ako ng mommy mo pag tinawag mo 'kong ganon!" But she just giggled kaya kiniliti ko siya. Tawa naman siya ng tawa.

Napatigil lang ako nang may maramdaman akong kamay sa likod ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Sir Elio na seryosong nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa direksyon ng kanyang kamay pero nagulat ako nang maglakad siya habang tulak ako ng marahan kaya napalakad narin ako.

Nanggugulat!

Rinig na rinig ko ang hagikgik ni Vien na para bang kinikilig. Napailing nalang ako.

Tulog na ang mga bata nang makauwi kami. Inasikaso na sila nila Ate Lia at Ate Kelly habang ako ay dumiretso na sa kwarto para makapagligo. Bago ako natulog ay dinaanan ko muna ang kwarto ni Vien dahil nandoon ulit si Vlad natutulog.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Vlad na hawak ang kamay ni Vien habang natutulog. Nakasandal ako sa entrada ng kwarto ni Vien at pinagmamasdan ang dalawang bata.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang baby ko. Kaedad lang nila Vlad at Vien kung buhay palang siya. I lost my child when I was too stress and had emotional breakdown because of my ex-boyfriend. Buhay pa sana siya ngayon kung inalagaan ko ang sarili ko.

"So your name's Veronica?" Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Sir Elio sa likuran ko.

"Sir! 'Wag kang manggugulat! Kung may sakit ako sa puso baka namatay na ako!" Mahinang sigaw ko. He arched his brows. Napanguso ako at muling binalik ang tingin sa mga bata.

"Veronikka sir. Instead of 'C', it's double 'k'." Correction ko. Baka kasi 'C' ang pagkakaalam nila. Hindi na ako iyon.

"Veronikka. Just Veronikka?" Takang tanong niya. Umiling ako. "Veronikka Elyse," kaagad din akong napatingin kay Sir Elio at ngumisi.

"Huuy, inaalam pangalan ko." Asar ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at pinitik ang noo ko ng mahina.

"Sir!" Singhal ko. Umismid naman siya at pumasok sa loob kaya sinundan ko siya.

"Are they..." Panimula niya, nakatitig lang ako kay Sir Elio na seryosong nakatingin sa mga bata.

Nakapamulsa siya at suot ang ternong pajama na plain navy-blue satin pajamas. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at halatang basa pa at walang kasuklay-suklay.

"Hmm..." Tugon ko at binaling ang tingin sa kambal. Umupo ako sa tabi ni Vien at inayos ang buhok na nasa kanyang mukha.

"Are they looking for their mother?" Napatigil ako sa tanong ni Sir Elio at inaalala kung may pagkakataon bang na mention ng dalawa ang paghahanap nila sa kanilang ina.

"As far as I remember sir, mukhang hindi ata. Siguro alam narin ng mga bata. They're smart sir." Napatingin ako kay Sir Elio. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at takot. Huminga siya ng malalim at napatingin saakin.

"B-Bakit?" Tanong ko nang maramdamang ilang minuto na kaming nagkatitigan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa pagtitig niya sa akin.

"Help me..." He spoke. I furrowed my brows in confusion.

"I wanted to be a better father for them. So, help me." Napabasa ako ng labi nang sabihin niya iyon. Ngumiti naman ako.

"I don't think I can help you sir, ikaw lang makakatulong sa sarili mo, but I'm always here, susupotahan po kita."

Tumingin siya sa mga bata at hindi ko na mabilang kung ilang minuto kaming tahimik. Nagtataka ako. I wanted to ask him questions but I don't think I can. It's too personal and I might offend him.

"Ms. Veronikka," napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ako. "The night we met... What do you mean by that?" Tumingin siya saakin at naghihintay ng sagot.

Kumunot naman ang noo ko, inaalala kung ano ang sinabi ko. "The guts in saving someone yet I can't even save and fix myself... What do you mean by that?" He asked confusedly.

"Ah," I tilted my head to face Vein. I chuckled, "nakakatawa lang kasi nagawa mo akong iligtas five years ago. Pero nang makita kita sa ganitong lagay, hindi mo pala kayang iligtas ang sarili mo."

"Five... Five years ago?" Tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti.

"Sa tulay. I... I was about to end my life. It was raining so hard, kaya alam kong kapag tumalon ako doon, tuluyan na akong mawawala." I bit my lips.

"I was about to, but... You came. Unexpectedly, for unknown reasons and such, you came. You came to save me." I chuckled awkwardly.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo nito tila inaalala ang nangyari ng gabing iyon. Napangiti ako.

"You don't need to remember that night, sir. It's fine. Thank you. Thank you for saving my life. Because of you, naging registered nurse ako and still serving up until now."

Maaga akong nagising kinabukasan para mag yoga. Pagdating ko sa gym ay nakita ko si Sir Elio na nakasandal sa glass wall ng gym. Mukhang malalim ang iniisip.

"Good morning," bati ko. Napatayo naman siya kaagad at tumingin saakin.

"Morning," malamig niyang sabi. Ganito ba talaga siya? Malamig? Walang ka-emosyon-emosyon?

"Shall we start?" Tanong ko. Tumango naman siya at lumapit saakin.

Naglatag kami ng yoga mat. He's wearing a seamless tee, and a sweat shorts. While I, wears a sport bra and a yoga pants.

Nagsimula kami sa mga simple poses after our meditation. May mga times na nagtatama mga balat namin ni Sir Elio dahil sa mga poses na tinatama ko.

"Lie on your back, sir," utos ko, ginawa ko ang position na iyon at ginaya niya naman. "Draw both knees towards your chest, and hold your shins if necessary. Gently rock side to side to massage your lower back."

"Hold for 8-10 breaths."

Napatingin ako kay Sir Elio na seryosong-seryoso na makuha ang position na iyon. I smiled.

"Now let's do the Cat-cow pose,"

"Start on your hands and knees, with your shoulders aligned with your wrists and your hips over your knees. As you inhale, arch your spine... Ganito." I did what I instructed him to do. Ginaya din iyon kaagad ni Sir Elio.

"And lift your head to look up. As you exhale, round your spine and lower your head to look back towards your navel. Repeat 4-5 times."

"Now, the tree pose." Tumayo ako kaya napatayo din kaagad siya.

"Kaya pa?" Tumango naman siya, kaya napangiti ako.

"Bring your hands together in the prayer position and lift them over your head." Ginawa ko ang pinapagawa ko sa kanya. "Balance on your right leg. Bend your left knee out to the left side and press your left foot to the inner thigh of your right leg, or even just your ankle." I explained, and did the position. Pero nakita kong nahihirapan siya, kaya lumapit ako sa kanya.

"Ganito sir," inayos ko ang porma niya medyo naninigas pa siya. "Teka, don't be too tease, sir. Kalmahan mo lang." Natatawang sabi ko. Sumama naman ang tingin niya saakin kaya napatahimik ako bigla.

"Ganito kasi," I bite my lips and avoided his stares. He's looking at me intensely! Baka ako itong hindi kumalma dahil sa mga tingin ni Sir Elio! Bakit ba ganon siya makatitig?!

Nang makuha na ni Sir Elio ang tree pose, "Hold for 30 seconds. Switch legs and repeat."

Aalis na sana ako nang biglang nawalan ng balanse si Sir Elio at nahagip niya ako, kaya pareho kaming nahulog sa sahig. I'm on his top! Ulit! Nakakainis!

Aalis na sana ako nang mapatitig ako sa mukha ni Sir Elio. He's too hot!

Teka ako ata ang nag-iinit! Sobrang init ng mukha ko shemay!

Kaagad akong umalis sa pagkakadapa ko sa harapan ni Sir Elio at umiwas ng tingin. Tumalikod ako para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. Shit. Shit. Shit.

Umabot kami ng isang oras sa pagyo-yoga. Pawis na pawis ako pero siya mukhang hindi naman. Mas bagay talaga sa kanya ang heavy exercise. Pero dahil mental health ang priority niya e mas pinili niyang magyoga nalang.

"Doc Hira!" Bati ko nang makita ko si Doc na kakababa lang mula sa itaas. Galing siguro sa kwarto ng kambal.

"Nika!" Bati niya saakin. "Ow," reaksyon niya. Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Doc Hira at nakita namin si Sir Elio na kakapasok lang din.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin tsaka tumingin nalang kay doc. Kita ko naman ang pilyong ngisi ni doktora dahilan para mapasimangot ako. Kinausap saglit ni Doc Hiraya si Sir Elio, maybe about Vlad's health. Tumango naman si Sir Elio at may sinabi pero hindi na ako nakinig sa kanila at nasa malayo din sila.

"Kumusta ka dito? At ano iyong iwas-iwas na tingin? May nangyari ba?" She smirked. Napahampas ai kay Doc sa braso niya ng mahina.

"Doc naman e! Tigilan niyo na nga kaka-manifest at baka magkatotoo." Napatawa naman si Doc Hira sa sinabi ko.

"Doc naman e!!" Kinurot niya ako sa pisngi. "Kung sa'yo lang din naman, hindi. Bahala ka, landiin mo na. Boto naman kaming lahat sa'yo." Napanganga naman ako sa sinabi ni Doc.

"Lahat?!" Gulat kong sabi. Tumango naman siya.

"Oo, lahat."

Naglakad si Doc papuntang kusina kaya sinundan ko siya. "What do you mean doc?" Takang tanong ko.

"Ni wala nga akong ginagawa kay Sir Elio e."

"'Yun na nga, wala pa, pero may epekto ka na sa kanya." Napa-'huh?' ako.

"Epekto? Like?" I asked but she just chuckled. Kinuha niya ang baso at naglagay ng tubig tsaka ito ininom.

"Huwag niyo pong guluhin isip ko doc, hindi ko kayang makipag-mind games sa inyo! Hindi ako kasing talino niyo!" Singhal ko. Napabuga ng tubig si Doc Hira. Worst sa mukha ko.

"Doc naman!" Tawang-tawa si Doc habang humihingi ng sorry.

"Huwag ka kasing magsabi ng mga ganon, Nika!"

"Wala naman akong sinabing kakaiba e!"

"Meron kaya! Hindi mo naman kailangang maging matalino ano! Makiramdam ka, kung hindi ka manhid!"

"May iba akong crush," I bluntly said, binasa ni Doc Hira ang labi niya at tumango sa sinabi ko na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Ayaw mo kay Elio? Mayaman, matalino, malamig naman pero kayang pakisamahan. Doctor din—but he stopped studying medicine five years narin ang nakakaraan." Bigla akong napatahimik sa sinabi ni Doc Hira.

"Bakit? Bakit siya tumigil? Hindi ba kaya siya nag-doctor dahil gusto niyang magligtas ng buhay?" Tumango si Doc Hiraya.

"Nako, siya nalang tanungin mo, Nika. O siya aalis na ako at kailangan pa ako sa ospital." Napabasa ako ng labi nang makitang nagmamadali si Doc Hira.

"Landiin mo na," habol pa ni Doc habang tawang-tawa na naglakad paalis ng kusina.

"Doc naman!" She waved her hands and vanished.

Lumipas ang mga araw na patuloy kami sa yoga classes ni sir Elio, kahit na nakakailang e tuloy parin kami. We don't talk much kung hindi mga bata ang usapan. Mas mabuti narin iyon para hindi ako mahulog sa kanya lalo. Alam ko kasing may pagtingin na ako kay Sir Elio at iniiwasan ko iyon.

Medyo nagiging malapit narin siya sa mga anak niya at si Vienna ay nag-iimprove na sa pananalita niya.

"Nurse Nika!" Nakita ko si Vlad na natakbo palapit saakin.

"Hey, I said don't run, baby," I called out gently. He just laughed and handed me the neatly wrapped roses.

"Daddy and I picked these earlier at the garden. Do you like it?" Vlad said, his eyes filled with excitement.

My eyes widened at his words. "Bakit naman?" I asked, still puzzled but accepting the flowers and bringing them to my nose to inhale their sweet fragrance.

The thought of Sir Elio and Vlad carefully selecting these roses for me made my heart flutter.

"Do you like it? Daddy picked the big roses for you," Vlad said giddily, nagningning ang mga mata ni Vlad habang nakatingin siya saakin, inaabangan ang magiging reaksyon ko. Napangiti ako sa kanya.

I glanced at Sir Elio, who was now watching his son with a soft expression that made my heart skip a beat. The bouquet of vibrant, blooming roses in my hands felt heavier with the weight of his gesture.

I knelt down to Vlad's level, smiling warmly at him. "I love it, Vlad. They're beautiful. Thank you so much."

Vien giggled too, her laughter like a tinkling bell that echoed in the room, making the moment even more surreal. Sir Elio straightened up, his eyes meeting mine briefly, and for a second, I thought I saw a flicker of something deeper in his gaze.

"Thank you, Sir Elio," I said, trying to keep my voice steady. "The roses are lovely."

"You're welcome," he replied, his tone softer now. "I'm glad you like them."

Nasa mall kami ngayong araw para mamili ng mga school supplies ng mga bata. They wanted to go to school now, at dahil five years old narin naman sila ay sumang-ayon narin si Sir Elio.

Sa susunod na linggo na ang pasukan ng dalawa. Pero ako itong kinakabahan para sa kanila. Vien, though improving with her speech, there's a circumstances na ayaw niyang magsalita, at feel ko on her first day, hindi talaga siya magsasalita dahil mahiyahin na bata si Vien.

As for Vlad, I'm afraid that he can't play much with his classmates because of his heart condition. Baka i-bully ang dalawa. Natatakot akong mangyari iyon sa kanila.

"Are you okay? You look tense." Napatingin kaagad ako kay Sir Elio na nasa tabi ko.

Kakahatid lang namin sa dalawang bata sa school at nasa labas parin kami ng gate. Kasama nila si Ate Kelly at Ate Lia sa loob para magbantay sa dalawang bata.

"Kinakabahan kasi ako, baka may mangyaring masama sa loob. Paano kung i-bully sila? Paano kapag ayaw maipagkaibigan mga kaklase nila sa kanila?" Kinakabahang tanong ko.

Sir Elio chuckled. "Tinalo mo pa ako sa pagiging magulang ng dalawa." Muli akong napatingin kay Sir Elio pero diretso ang tingin niya sa gate.

"They're be fine. I promise." Tumingin si Sir Elio saakin tsaka ngumiti. Hindi ko parin mapigilang hindi mag-alala.

"How about ice cream to make you calm?" I pressed my lips and nodded. "Let's go, balikan nalang natin sila after three hours." Tumango ako at sinundan siya papunta sa parking lot.

Nasa ice cream parlor kami medyo malapit lang sa school. I ordered cotton candy ice cream flavor, tapos 'yung kanya naman ay mint chocolate ice cream.

Ang we-weird ng mga gusto namin.

Nag-usap lang kami ni Sir Elio sa mga bagay-bagay, nagtatawanan habang busy sa pagkain ng ice cream. I just realized that Sir Elio is a nice man. Sadyang hindi lang siya expressive na tao, but when with someone he knows nor he loves, he can be sometimes showy too.

Aalis na sana kami para bumalik ng school nang makita ko ang ex ko kasama ang pinagpalit saakin.

"Nika?" Tawag niya saakin. I smiled awkwardly.

"Leon," napatingin ako kay Nicole na masama ang titig saakin. As if naman aagawin ko ang boyfriend niya. Sayo na oy, wala namang kwentang lalaki 'yan.

"Your boyfriend?" Tanong ni Leon. Titig na titig siya kay Sir Elio. Tinignan niya pa ito mula ulo hanggang paa.

Sir Elio is wearing a branded shoes from 'the Crown' which owned by Sir Ezekiel's wife, Miss Zahouri. Even his polo and slacks are all branded. Isama pa ang relong mamahalin na tingin ko ay lalagpas ng fifty thousand ata or more than that.

Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Sir Elio sa bewang ko. Napatingin ako doon tsaka lumipat kaagad kay Sir Elio.

He's coldly looking at them.

"I'm her boyfriend, so? Move. We still have to fetch our kids." Halos malaglag ang puso ko sa sinabi ni Sir Elio.

Napalunok pa ako ng ilang beses. At ramdam na ramdam ko ang kaba. Dahil sa panginginig ng mga tuhod ko muntikan na ako matumba kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ni Sir Elio sa bewang ko.

"Kids? M-may anak ka na pala, Nika." I swear, pain and sadness are evident on his voice and eyes. Gusto ko siyang irapan pero hindi ko magawa.

"O-oo, kaya pwede ba? Susunduin pa namin sila." Sagot ko. Nakisabay narin ako sa trip ni Sir Elio para hindi na ako guluhin ni Leon.

These past few days, he kept pestering me. Pero hindi ko iyon pinanasin. He want us back; he want me again in his life. But I just couldn't. I don't want him anymore. He caused me too much pain and trauma. He's not good for my mental health.

"Are you okay?" Sir Elio asked as soon as we got out from the parlor. Ramdam kong nag-aalala siya saakin. Mabilis ang paghinga ko at nanlalabo ang paningin ko.

Simula nang makita ko ulit si Leon, bumabalik lahat ng sakit na ginawa niya saakin. How I lost my child because of him.

"L-Let's go..." Sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Thank you," tumango lang siya sa sinabi ko at nagmaneho na pabalik sa school ng mga bata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status