(Third Person POV)Napatawa si Xavier nang malakas pagkatapos nyang narinig ang sinabi ng kanyang kaibigan sa cellphone. Nang nalaman kasi nito na nagpaplano sila ni Abby na magbakasyon, para sa second honeymoon nila, pinadalhan sya nito ng regalo. Isang alak na may malakas na sexual content. Talaga daw mag- iinit ng sobra ang pakiramdam ng umiinom nito at tanging sex lang ang gamot sa pag- iinit nito. Para itong sex drugs.At talagang dito pa ipinadeliver sa HPR sa pag- aakalang dito sila nagbakasayon ng kanyang asawa. Nandito kasi sila ngayon ni Abby para makapag- relax. Nakaka- relaks naman talaga ang resort. Ilang araw na nga silang hindi muna umuuwi sa kanilang bahay, busy din kasi ang kanyang asawa dito dahil sa malapit na ang anniversary ng resort.Binuksan nya ang maliit na refrigerator na nandito sa suite nila ng kanyang asawa at inilagay nya sa loob ang alak.Agad naman nyang inatupag ang kanyang naiwan trabaho. Agad nyang kinuha ang kanyang sketch pad at ilang gamit, at na
(Abby)Gumiling- giling ako kasabay ng isang musika na hindi ko na maalala ang pamagat. Ewan ko kung anong nangyari sa akin. Basta ang alam ko, hindi ko mapigilan na maging ganito ngayon.Nakanganga na nakatingin si Xavier sa akin. Halos hindi sya kumukurap. Nang aakit ang aking mga titig sa kanya. Dinilaan ko ang aking labi, at papikit- pikit kong kinagat- kagat ito, na parang sarap na sarap na ako. Malandi parin akong nagsayaw habang palapit sa aking asawa."Mamili ka Xavier. Ano ang pinipili mo sa tatlo?""S- Syempre ikaw." sagot nito na humihingal at habol ang hininga."Oohhh....." paungol kong sambit.Kitang- kita ko ang sunod- sunod na paglunok ni Xavier. Nang tuluyan na akong nakalapit sa aking asawa, dumukwang ako sa kanya. Para naman syang humihingal na nakatingin sa akin.Ipinadaan ko ang aking daliri sa gitna ng kanyang dibdib pababa. "Oohh..good answer!" kinuha ko ang kanyang kamay at isinubo ko ang isa nyang daliri. Dinilaan ko ito at sinipsip. Napangiti ako nang nakar
(Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na pumasok sa NAIA. Ngayon ang flight namin papunta sa Cebu. Kasalukuyan tsini- check ang mga bagahe namin nang may lumapit kay Xavier na isang babae. Agad na nag- level up ang aking sense of hearing nang nagsalita ang babae."Xavier, hindi mo naman sinabi na napaaga ang flight mo. Sana nagsabay nalang tayong dalawa. Mag business partner pa naman tayo." Ani ni Rosie na halata sa boses ang pagpapa- cute nya sa aking asawa."Sorry Rosie, hindi ko na nasabi sayo na napaaga ang flight ko." ani ni Xavier na nagpataas ng kilay ko."Okay lang. Buti nalang at naki----"Isang tikhim na mula sa akin ang nagpatigil kay Rosie sa kanyang pagsasalita. Saka sya napalingon sa akin. Ang gaga, hindi yata ako napansin kaya "grab the chance" agad ang kanyang drama sa pagpapa- cute nya sa aking asawa."Kasama mo pala si Abby." ngumiti si Rosie sa akin, pero halata naman ang kaplastikan dun. "Hi Abby, hindi kita napansin."Paano nya ako mapapansin kung ang pagpapa- cute a
(Abby)"Wifey, galit kaba sa akin?" tanong agad sa akin ni Xavier, kapapasok palang nya dito sa hotel room namin. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang nagbisi- bisihan sa cellphone ko.I wanted to confront him. Paano nya nagawang sabihin kay Rosie ang tungkol sa pagkakaroon ko ng PCOS? I felt being betrayed by my husband. Pero, ayaw kong sirain ang kasiyahan nya dahil sa pag- aaway namin. Kaya ko pa naman magtimpi ng ilang araw hanggang sa makabalik kami sa San Bartolome. He is a one step closer to his dream kaya nandito kami ngayon sa Cebu and I don't what to spoil it."Wala. Pagod lang ako." ani ko. Tumabi sya sa pakakaupo ko. "Rosie told me about everything." aniya at pinasiklop ang mga daliri naming dalawa.Really? Ano na naman kaya ang mga kasinunggalingan na pinagsasabi ni Rosie."Nakakataba sa puso ang pagseselos mo but hindi mo naman kailangan kontrontahin si Rosie. We're ove-----""Kontrontahin!" napatango- tango ako. "And you seriously believe on her?"Hindi sya sumagot sa t
(Abby)"Wifey naman! Kausapin mo naman ako. Walang malisya yon nakita mo kanina. It was a friendly hug." sunod- sunod na sambit ni Xavier habang nakasunod sya sa akin. Agad akong pumasok sa elevator, pumasok din sya. May mga kasama kami sa loob kaya pareho kaming tahimik. Plano nya akong akbayan kaya sinipa ko ng patago ang kanyang binti. Napaigik sya sa sakit. Napatingin sa kanya ang mga kasama namin. Hindi ko sya pinansin. Umasta ako na hindi ko sya kilala.Sakto naman at bumukas ang elevator sa 10th floor. Humakbang ako palabas. Para naman syang asong ulol na agad na sumunod sa kanyang amo."Wifey, kausapin mo naman ako. Wifey naman! Sinipa mo pa ako." Nang nakapasok na ako sa hotel room namin, napalanghap ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nanibugho ako.Nasaktan ako at nagalit. Pero kailangan kong kalmahin ang aking sarili. Ayaw ko syang awayin ngayon dahil ayaw kong sirain ang dahilan kung bakit kami nandito sa Cebu. He has to stay focus sa work nya dahil pangarap
Abby)Tulad ng inaasahan ko, pupuntahan nga ako agad ni Xavier dito sa rancho. Kaya nang nakita ko ang kotse nya kanina, agad akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Kinuha ko mula sa kanyang stall ang kabayo kong si "Blacky". Kulay puti po ang kabayong ito at hindi black, wala lang maisip na ipangalan ang author kaya Blacky nalang.Sumampa ako sa aking kabayo at mabilis ko itong pinatakbo papasok sa kasukalan. Ewan ko kung anong nangyari sa akin at natatakot akong harapin ang aking asawa.Sya naman ang may kasalanan sa akin, pero sa inasta ko ngayon, parang ako ang may nagawang kasalanan sa aming dalawa.Mahal ko si Xavier kaya hindi naman siguro ako masisisi kung nakadama ako ng pangamba pag aaminin na nya sa akin ang mga sekreto nya. Pag komtrontahin ko na sya sa mga gumugulo sa aking isip. Natatakot ako na baka tuluyan lang mabasag ang aking puso sa mga ikukumpisal nya sa akin.Inihinto ko ang aking puting kabayo na si blacky sa gilid ng batis. Agad akong bumaba mula sa kabayo saka
(Abby)The next two days will be Xavier's birthday. It's also our 6 months together as married couple, kaya busy ako ngayon sa paghahanda sa surprise party namin para sa kanya. Simple lang naman, at ilang lang sa nalalapit na kakilala ang imbitado. Hindi naman kasi mahilig sa mga party ang aking asawa.Busy kami ngayon ni Carlo para sa pag- assess sa kinuha kong event planner para sa gaganapin party. Ang venue ay ang Hotel Paradise na pagmamay- ari ng Tito Nathan ko, asawa ng tita Ella ko na membro ng ikalawang henerasyon ng Del Fuengo Clan. Napatigil ako nang pasalubong sa akin ang limang nagwagwapuhang kalalakihan. Sina Tristan, Caleb, the soon doctor na si Steven, at ang magkakambal na sina Haven at Hayden. Anim sila noon na laging magkasama pero ngayon minus na ang pinsan kong si Ethan, 4 years ago, pinadala kasi ng tita Ella at Tito Nathan ko ang huli sa Paris para ipagpatuloy ang pag- aaral doon. After the scandal that almost ruined my cousin reputation, mas pinili ng mga magul
(Abby)"Anong nangyari sayo, bakit ang laki ng eye bags mo ngayon?" tanong ko kay Carlo. "Talaga ba?" Aniya at kinuha ang compact mirror ko na nakapatung sa mesa. Sinurvey nya ang kanyang mga mata bago ibinalik ang salamin sa mesa. "Walang hiya kasing Lily na yon, munting na akong ginahasa kagabi. At nung handa ko na sana na ipagkaloob sa kanya ang aking virginity, bigla nalang akong sinipa at tinakasan.""Really? Ikaw talaga ang gagahasain! Baka naman ikaw na ang may balak." pinandilatan ko sya ng mga mata. "Yucks!" aniya sa nandidiring tono."Alam mo, malaking question mark na talaga sa akin yan gender mo. Aminin mo nga, bakla kaba talaga?" "Hindi." walang pagdadalawang isip na sagot nya. "Sabi ko nga ba. Talagang napakasinunggaling mo. Naghuhubad pa yong mga kaklasi natin babae noon sa harapan mo. Sinadya mo ba yon para makapanilip ka? Walang hiya ka! Scammer!" sunod- sunod na sambit ko pero hindi naman talaga ako galit."Wag ka ngang hot dyan! At advance mag- isip. Hindi nga a