(Abby)Gumiling- giling ako kasabay ng isang musika na hindi ko na maalala ang pamagat. Ewan ko kung anong nangyari sa akin. Basta ang alam ko, hindi ko mapigilan na maging ganito ngayon.Nakanganga na nakatingin si Xavier sa akin. Halos hindi sya kumukurap. Nang aakit ang aking mga titig sa kanya. Dinilaan ko ang aking labi, at papikit- pikit kong kinagat- kagat ito, na parang sarap na sarap na ako. Malandi parin akong nagsayaw habang palapit sa aking asawa."Mamili ka Xavier. Ano ang pinipili mo sa tatlo?""S- Syempre ikaw." sagot nito na humihingal at habol ang hininga."Oohhh....." paungol kong sambit.Kitang- kita ko ang sunod- sunod na paglunok ni Xavier. Nang tuluyan na akong nakalapit sa aking asawa, dumukwang ako sa kanya. Para naman syang humihingal na nakatingin sa akin.Ipinadaan ko ang aking daliri sa gitna ng kanyang dibdib pababa. "Oohh..good answer!" kinuha ko ang kanyang kamay at isinubo ko ang isa nyang daliri. Dinilaan ko ito at sinipsip. Napangiti ako nang nakar
(Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na pumasok sa NAIA. Ngayon ang flight namin papunta sa Cebu. Kasalukuyan tsini- check ang mga bagahe namin nang may lumapit kay Xavier na isang babae. Agad na nag- level up ang aking sense of hearing nang nagsalita ang babae."Xavier, hindi mo naman sinabi na napaaga ang flight mo. Sana nagsabay nalang tayong dalawa. Mag business partner pa naman tayo." Ani ni Rosie na halata sa boses ang pagpapa- cute nya sa aking asawa."Sorry Rosie, hindi ko na nasabi sayo na napaaga ang flight ko." ani ni Xavier na nagpataas ng kilay ko."Okay lang. Buti nalang at naki----"Isang tikhim na mula sa akin ang nagpatigil kay Rosie sa kanyang pagsasalita. Saka sya napalingon sa akin. Ang gaga, hindi yata ako napansin kaya "grab the chance" agad ang kanyang drama sa pagpapa- cute nya sa aking asawa."Kasama mo pala si Abby." ngumiti si Rosie sa akin, pero halata naman ang kaplastikan dun. "Hi Abby, hindi kita napansin."Paano nya ako mapapansin kung ang pagpapa- cute a
(Abby)"Wifey, galit kaba sa akin?" tanong agad sa akin ni Xavier, kapapasok palang nya dito sa hotel room namin. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang nagbisi- bisihan sa cellphone ko.I wanted to confront him. Paano nya nagawang sabihin kay Rosie ang tungkol sa pagkakaroon ko ng PCOS? I felt being betrayed by my husband. Pero, ayaw kong sirain ang kasiyahan nya dahil sa pag- aaway namin. Kaya ko pa naman magtimpi ng ilang araw hanggang sa makabalik kami sa San Bartolome. He is a one step closer to his dream kaya nandito kami ngayon sa Cebu and I don't what to spoil it."Wala. Pagod lang ako." ani ko. Tumabi sya sa pakakaupo ko. "Rosie told me about everything." aniya at pinasiklop ang mga daliri naming dalawa.Really? Ano na naman kaya ang mga kasinunggalingan na pinagsasabi ni Rosie."Nakakataba sa puso ang pagseselos mo but hindi mo naman kailangan kontrontahin si Rosie. We're ove-----""Kontrontahin!" napatango- tango ako. "And you seriously believe on her?"Hindi sya sumagot sa t
(Abby)"Wifey naman! Kausapin mo naman ako. Walang malisya yon nakita mo kanina. It was a friendly hug." sunod- sunod na sambit ni Xavier habang nakasunod sya sa akin. Agad akong pumasok sa elevator, pumasok din sya. May mga kasama kami sa loob kaya pareho kaming tahimik. Plano nya akong akbayan kaya sinipa ko ng patago ang kanyang binti. Napaigik sya sa sakit. Napatingin sa kanya ang mga kasama namin. Hindi ko sya pinansin. Umasta ako na hindi ko sya kilala.Sakto naman at bumukas ang elevator sa 10th floor. Humakbang ako palabas. Para naman syang asong ulol na agad na sumunod sa kanyang amo."Wifey, kausapin mo naman ako. Wifey naman! Sinipa mo pa ako." Nang nakapasok na ako sa hotel room namin, napalanghap ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nanibugho ako.Nasaktan ako at nagalit. Pero kailangan kong kalmahin ang aking sarili. Ayaw ko syang awayin ngayon dahil ayaw kong sirain ang dahilan kung bakit kami nandito sa Cebu. He has to stay focus sa work nya dahil pangarap
Abby)Tulad ng inaasahan ko, pupuntahan nga ako agad ni Xavier dito sa rancho. Kaya nang nakita ko ang kotse nya kanina, agad akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Kinuha ko mula sa kanyang stall ang kabayo kong si "Blacky". Kulay puti po ang kabayong ito at hindi black, wala lang maisip na ipangalan ang author kaya Blacky nalang.Sumampa ako sa aking kabayo at mabilis ko itong pinatakbo papasok sa kasukalan. Ewan ko kung anong nangyari sa akin at natatakot akong harapin ang aking asawa.Sya naman ang may kasalanan sa akin, pero sa inasta ko ngayon, parang ako ang may nagawang kasalanan sa aming dalawa.Mahal ko si Xavier kaya hindi naman siguro ako masisisi kung nakadama ako ng pangamba pag aaminin na nya sa akin ang mga sekreto nya. Pag komtrontahin ko na sya sa mga gumugulo sa aking isip. Natatakot ako na baka tuluyan lang mabasag ang aking puso sa mga ikukumpisal nya sa akin.Inihinto ko ang aking puting kabayo na si blacky sa gilid ng batis. Agad akong bumaba mula sa kabayo saka
(Abby)The next two days will be Xavier's birthday. It's also our 6 months together as married couple, kaya busy ako ngayon sa paghahanda sa surprise party namin para sa kanya. Simple lang naman, at ilang lang sa nalalapit na kakilala ang imbitado. Hindi naman kasi mahilig sa mga party ang aking asawa.Busy kami ngayon ni Carlo para sa pag- assess sa kinuha kong event planner para sa gaganapin party. Ang venue ay ang Hotel Paradise na pagmamay- ari ng Tito Nathan ko, asawa ng tita Ella ko na membro ng ikalawang henerasyon ng Del Fuengo Clan. Napatigil ako nang pasalubong sa akin ang limang nagwagwapuhang kalalakihan. Sina Tristan, Caleb, the soon doctor na si Steven, at ang magkakambal na sina Haven at Hayden. Anim sila noon na laging magkasama pero ngayon minus na ang pinsan kong si Ethan, 4 years ago, pinadala kasi ng tita Ella at Tito Nathan ko ang huli sa Paris para ipagpatuloy ang pag- aaral doon. After the scandal that almost ruined my cousin reputation, mas pinili ng mga magul
(Abby)"Anong nangyari sayo, bakit ang laki ng eye bags mo ngayon?" tanong ko kay Carlo. "Talaga ba?" Aniya at kinuha ang compact mirror ko na nakapatung sa mesa. Sinurvey nya ang kanyang mga mata bago ibinalik ang salamin sa mesa. "Walang hiya kasing Lily na yon, munting na akong ginahasa kagabi. At nung handa ko na sana na ipagkaloob sa kanya ang aking virginity, bigla nalang akong sinipa at tinakasan.""Really? Ikaw talaga ang gagahasain! Baka naman ikaw na ang may balak." pinandilatan ko sya ng mga mata. "Yucks!" aniya sa nandidiring tono."Alam mo, malaking question mark na talaga sa akin yan gender mo. Aminin mo nga, bakla kaba talaga?" "Hindi." walang pagdadalawang isip na sagot nya. "Sabi ko nga ba. Talagang napakasinunggaling mo. Naghuhubad pa yong mga kaklasi natin babae noon sa harapan mo. Sinadya mo ba yon para makapanilip ka? Walang hiya ka! Scammer!" sunod- sunod na sambit ko pero hindi naman talaga ako galit."Wag ka ngang hot dyan! At advance mag- isip. Hindi nga a
(Abby)Betrayal does not only breaks your heart but also darkens your soul.Ito ngayon ang nararamdaman ko. Kailanman, hindi ko lubos akalain na nagawa akong pagtaksilan at linglangin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra."Abby please, let me explain. Hayaan mo naman akong magpaliwanag." Ani ni Xavier sa akin habang wala parin syang tigil sa pagsunod sa akin.Patuloy na rumagasa ang luha sa aking mga mukha. Dahil sa pagod at panghihina narin kaya napahinto ako sa paglalakad. Sunod- sunod ang pagsinghot at paglanghap ko ng hangin dahil nahihirapan ako sa paghinga.Naninigas ako nang mula sa likuran, naramdaman ko ang pagyakap ni Xavier sa aking baywang."Abby please! Magpapaliwanag ako. Please!" nagsusumamo ang kanyang boses. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya pero halatang- halata sa kanyang boses na umiiyak sya."Bitaw!" Ani ko sa kanya, pinatigas ko ang aking boses. "Baby, please!" "Sinabing bitawan mo ako. Bitaw!" Ginawa naman nya ang aking sinabi. Bahagya akong lumayo sa
(Xavier)Hindi ako mapakali habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa labor room. Para akong langaw na may mapulang puwit at hindi ako mapermi sa isang lugar."Daddy!" napalingon ako sa dalawang bata na ngayon masayang nagtatakbo palapit sa akin. Their name is Hershey and Kisses. Sila ang first born namin ni Abby. They are so beautiful just like their mother. Habang lumalaki sila, mas lalong naalala ko sa kanila ang batang Abby na gustong- gusto kong iuwi sa amin noon. They are now 4 years old. Oo, limang taon na ang nakakalipas at ngayon, Abby is recently giving birth to our 2nd born, at lalaki naman ngayon ang baby namin.Looking back, 5 years ago, sobrang saya namin pareho ni Abby nang nalaman namin na kambal ang ipinagbubuntis nya.I was about to declined the offered to be a furniture designer sa malaking resort sa Thailand, dahil hindi ko kayang iwan ang aking asawa lalo pa't kambal ang kanyang ipinagbubuntis. But then, when Abby knew about the offer, pinilit nya akong ta
It's so amazing when someone comes to your life and you expect nothing out of it but suddenly there right in front of you is everything you ever need.----Hindi mapigilan ni Xavier na mapatulo ang kanyang luha habang nakatingin ngayon sa babaeng mahal na mahal nya na naglalakad sa aisle. Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal silang dalawa, pero iba pala ang kasiyahan na dulot ngayon alam nyang magkaisa ang kanilang mga puso.-If I die tonight, i´d go with no regretsIf it's in your arms I know thatI was blessedAnd if your eyes are the lastThing that I seeThen I know the beauty heavenHolds for me-But if I make it through, if I live toSee the dayIf I'm with you, I'll know just what to sayThe truth be told, girl you take my myBreath awayEvery minute, every hour, every day-Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi na nya naalala kung paano isang araw nagising nalang sya na si Abby na ang laman ng kanyang puso't isip. Basta nalang umusbong yon at sa mga paglipas ng mga
(Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na tinahak ang pasilyo papunta sa clinic ni Dr. Micah Robles. Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kanyang kabaitan."Just let me be the one to thank her. Okay?""Pero ba----""Hubby, kaya ko 'to. Magpapasalamat lang naman ako." Ani ko sa malambing na boses."Okay I give you 2 minutes to do that.""2 minutes?" laking mata na sambit ko. "Mahaba ang speech ko, hindi kaya ng 2 minutes lang. 5 minutes." "Fine. 3 minutes.""Deal."Pagkatapos namin magkasundo ng aking adorable hubby, agad akong pumasok sa clinic. Plano pa akong harangin ng sekretarya ni Dr. Robles, pero tinaasan ko sya ng kilay kaya wala syang nagawa kundi ang manatiling maupo at nakatingin lang sa akin.Pagbukas ko sa pinto nang opisina ng doctora, sumalubong sa aking paningin silang dalawa ni Rosie. Pag sinusuwerte ka nga naman. Makapagpasalamat pa ako sa kanilang dalawa ng sabay."What are you doing here?" taas kilay na tanong ni Rosie sa akin."Pasyente ako ni Dr. Robles, Rosie. Ikaw a
(Third Person POV)Nabalikwas ng bangon si Carlo nang nakita nya na may nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto."Lily!" mulagat nyang sambit. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?""Aalis na ako bukas Carlo." sagot nito sa malungkot na tono."Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik sa HPR." magaan syang nakahinga. Kasalukuyan kasi syang naka- leave na naman ngayon kaya sya nandito sa kanila. Bago pa nangyari ang eskandalo nung birthday ni Xavier, na- approved na ang leave nya. Hindi lang sya nakapagbakasyon tulad ng plano nya dahil hindi sya mapakali sa sitwasyon nina Abby at Xavier. Hindi naman sya sasaya sa bakasyon nya kung inalala nya ang kaibigan.Idagdag pa ang Lily na 'to. Mabuti nalang at naisipan na nito ang bumalik sa resort. Para mabawasan ang stress nya. Pag nasa malapit kasi ito, hindi nya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Galit sya pero hindi naman nya mapigilan na pagmasdan ang maamo nitong mukha."Aalis na ako Carlo, pupunta na ako sa America. At hindi na ako baba
(Abby)Kahit naipaliwanag na sa akin ni Xavier ang lahat, at nasabi narin nya na legal talaga kaming mag- asawa, pero hanggang ngayon, hindi parin naghilom ang sugat sa aking puso na nilikha nilang dalawa ni kuya Xander. Galit parin ako sa kanilang dalawa dahil ginawa nilang laruan ang aking damdamin. Lagi akong inuusig ng aking konsensya nung sa pag- aakalang kasalanan ko kung bakit natali si Xavier sa akin. Tapos, pakana pala nilang dalawa ni kuya Xander ang lahat.At dahil nandito parin ako sa bahay nila ni Carlo. Kaya hindi din umuwi si Xavier. May parentahan naman kasing mga maliliit na kwarto na malapit lang. At doon nga sya nagrenta. At dalawang araw na nya akong sinusuyo. Patatawarin ko din naman sya pero hindi muna ngayon. ---Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamaliMuli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisiAlam kong ako'y nangakong 'di na mauulit paAko'y nagkamali sa 'yo, muli ay patawarin moAko ba'y 'yong yayakapin?Nakaraa'y kayang limutinMagtiwalang muli, mahalin mon
Masaya ako sa isipin na gusto na ni Abby na magkaanak kaming dalawa. Nagkaroon ako ng pag- asa na baka mahal na nya ako. Well, hindi naman siguro nya ibibigay sa akin ang kanyang sarili ng paulit- ulit kung wala syang nadarama sa akin. Ang tanong lang kung gaano nya ako kamahal? Kasing tindi ba ng pagmamahal ko sa kanya?Dumaan din sa dagok ang pagsasama namin ni Abby nang nalaman nya na may PCOS sya at hirap syang magbuntis. I was with her, ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko sya. Hindi naman nagtagal ang kanyang depression at mabuti nalang na gumaling sya agad. Pangarap ko naman na magkaroon kami ng anak ni Abby. Pero kung kagustuhan ng panginoon na hindi kami magkaroon ng anak, malugod sa puso ko itong tatanggapin, pwede naman kaming mag- ampon. Si Abby lang talaga ang gusto ko. Wala syang kapalit dito sa puso ko.Xander visited me in my shop. Napag- usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari, ang ginawa ng parents nila ni Abby, pati na ang 6 months na usapan naming dalawa na paib
"Bro, punta ka naman sa Rock Bar. Nandun daw si Abby, naglalasing, sabi sa akin ni Carlo." kausap ko ngayon si Xander sa cellphone. "Umalis na daw sya kasi may emergency sa kanila."Nasa HPR ako para sa engagement nina Abby at Vincent. Kahit masakit pero dapat present ako sa mahalagang araw na 'to sa buhay ni Abby."Ha! Bakit?""Ewan ko. Basta puntahan mo dun."Sa totoo lang, kasalukuyan ko na talagang binabaybay ngayon ang daan patungo sa Rock Bar dahil plano ko ang uminom ng kunti para pampaantok.Naabutan ko si Abby sa labas ng bar. Agad ko syang dinaluhan. Kinarga ko sya at dinala sa suite ko, dahil ayaw nyang magpahatid sa kanyang suite.Vincent is cheated on her, nahuli ito ni Abby na nakipagtalik at sa kanyang suite mismo. Galit na galit ako, parang gusto kong patayin si Vincent dahil sinaktan nya si Abby. Pero at the same time, hindi ko din mapigilan ang makadama ng kasiyahan dahil may pag- asa pa ako. Alam na ng pamilya ni Abby ang tungkol sa nadarama ko para sa kanya, si A
Isa akong menopausal baby, 50 years old na kasi si mommy nang ako ay ipinanganak. Dalawang beses na nag- asawa si mommy at may tatlo syang anak na puro sa lalaki sa una nyang asawa. Habang nag- iisa lang ako na anak ng aking daddy. Masasabi narin na unico ijo ako ng aking mga magulang.Dahil malayo naman ang agwat ng edad ng mga kuya ko sa akin kaya lumaki akong spoiled. Halos lahat ng gusto ko ay nasusunod. Kahit minsan, hindi ko pinangarap na magkaroon ng kapatid.When I was in Grade 7, I met Alexander Saturno and we became my bestfriend. Marami kasi kaming pagkakatulad. Nagiging sobrang close kaming dalawa. I met his family, sobrang bait ng parents nya sa akin and they treated me as their own son. Hindi ko maintindihan kung bakit nakadama ako ng inggit kay Xander sa isipin na may kapatid syang babae. Si Abby. Since then, I always wanted Abby in my life. Dinala pa ako nina mommy at daddy sa isang bahay ampunan para pumili doon kung sino ang aampunin nila para maging kapatid ko, per
(Xavier)"I know that you know where my wife is. Please, just tell where can I find her." Ani ko kay Carlo.Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis si Abby. Alalang- alala na ang kanyang mga magulang. Si Xander naman ay sinisisi ang kanyang sarili dahil sa kasunduan naming dalawa na syang may pakana.Hindi ko hinanap si Abby, alam ko naman kasi kung sino ang nakakaalam kung nasaan sya. Hindi ko sya hinanap hindi dahil ayaw kong magkaayos kami ng aking asawa kundi dahil gusto ko syang bigyan ng panahon para pahupain ang kanyang galit. But isang linggo na ang nakakalipas, hindi parin sya bumalik. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para mapabalik sya sa amin. "Xavier, gusto ko man sabihin sayo kung nasaan sya, pero ayaw pa talaga nyang makausap kahit sino man sa inyo. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang katotohanan na niloloko nyo syang lahat. At hindi ka pala nya tunay na asawa. Alam mo naman na mahal na mahal ka nya diba." Ani ni Carlo."I love her also Carlo, that's