Suddenly Married to my kuya
"I'm not your brother, Abby. I am your husband. And I need you as the husband needs his wife."
Nang umalis ang kuya Xander ni Abby para mag- aral sa ibang bansa, pumalit sa papel nito bilang kuya nya ang bestfriend nito na si Xavier. Kaya lumaki sya na kuya ang turing kay Xavier.
Hindi naman nya lubos akalain na magbabago ang lahat dahil sa isang gabi ng pagkakamali at hindi pagkaunawaan. So, her kuya Xavier, turns to be her husband.
Dahil sa guilt at kasalanan naman nya, kaya binigyan nya ito ng karapatan para makasama parin nito ang babaeng mahal nito, sabay pangako dito na papayag sya ng annulment kung saka- sakali.
Pero, isang araw bigla nalang syang nagising na ayaw na nyang e- share sa iba ang kuya Xavier nya. Pero ano nga ba ang magagawa nya kung iba ang nagmamay- ari ng puso nito?
Hahayaan nalang ba nya ito na makasama ang babaeng mahal nito o ipaglaban nya ang karapatan nya bilang asawa nito?
Originally from my: Del Fuengo Clan, 3rd gen.
Read
Chapter: SMK- Special Chapter(Xavier)Hindi ako mapakali habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa labor room. Para akong langaw na may mapulang puwit at hindi ako mapermi sa isang lugar."Daddy!" napalingon ako sa dalawang bata na ngayon masayang nagtatakbo palapit sa akin. Their name is Hershey and Kisses. Sila ang first born namin ni Abby. They are so beautiful just like their mother. Habang lumalaki sila, mas lalong naalala ko sa kanila ang batang Abby na gustong- gusto kong iuwi sa amin noon. They are now 4 years old. Oo, limang taon na ang nakakalipas at ngayon, Abby is recently giving birth to our 2nd born, at lalaki naman ngayon ang baby namin.Looking back, 5 years ago, sobrang saya namin pareho ni Abby nang nalaman namin na kambal ang ipinagbubuntis nya.I was about to declined the offered to be a furniture designer sa malaking resort sa Thailand, dahil hindi ko kayang iwan ang aking asawa lalo pa't kambal ang kanyang ipinagbubuntis. But then, when Abby knew about the offer, pinilit nya akong ta
Last Updated: 2023-05-12
Chapter: SMK- EpilogueIt's so amazing when someone comes to your life and you expect nothing out of it but suddenly there right in front of you is everything you ever need.----Hindi mapigilan ni Xavier na mapatulo ang kanyang luha habang nakatingin ngayon sa babaeng mahal na mahal nya na naglalakad sa aisle. Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal silang dalawa, pero iba pala ang kasiyahan na dulot ngayon alam nyang magkaisa ang kanilang mga puso.-If I die tonight, i´d go with no regretsIf it's in your arms I know thatI was blessedAnd if your eyes are the lastThing that I seeThen I know the beauty heavenHolds for me-But if I make it through, if I live toSee the dayIf I'm with you, I'll know just what to sayThe truth be told, girl you take my myBreath awayEvery minute, every hour, every day-Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi na nya naalala kung paano isang araw nagising nalang sya na si Abby na ang laman ng kanyang puso't isip. Basta nalang umusbong yon at sa mga paglipas ng mga
Last Updated: 2023-05-12
Chapter: SMK 54(Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na tinahak ang pasilyo papunta sa clinic ni Dr. Micah Robles. Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kanyang kabaitan."Just let me be the one to thank her. Okay?""Pero ba----""Hubby, kaya ko 'to. Magpapasalamat lang naman ako." Ani ko sa malambing na boses."Okay I give you 2 minutes to do that.""2 minutes?" laking mata na sambit ko. "Mahaba ang speech ko, hindi kaya ng 2 minutes lang. 5 minutes." "Fine. 3 minutes.""Deal."Pagkatapos namin magkasundo ng aking adorable hubby, agad akong pumasok sa clinic. Plano pa akong harangin ng sekretarya ni Dr. Robles, pero tinaasan ko sya ng kilay kaya wala syang nagawa kundi ang manatiling maupo at nakatingin lang sa akin.Pagbukas ko sa pinto nang opisina ng doctora, sumalubong sa aking paningin silang dalawa ni Rosie. Pag sinusuwerte ka nga naman. Makapagpasalamat pa ako sa kanilang dalawa ng sabay."What are you doing here?" taas kilay na tanong ni Rosie sa akin."Pasyente ako ni Dr. Robles, Rosie. Ikaw a
Last Updated: 2023-05-08
Chapter: SMK 53(Third Person POV)Nabalikwas ng bangon si Carlo nang nakita nya na may nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto."Lily!" mulagat nyang sambit. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?""Aalis na ako bukas Carlo." sagot nito sa malungkot na tono."Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik sa HPR." magaan syang nakahinga. Kasalukuyan kasi syang naka- leave na naman ngayon kaya sya nandito sa kanila. Bago pa nangyari ang eskandalo nung birthday ni Xavier, na- approved na ang leave nya. Hindi lang sya nakapagbakasyon tulad ng plano nya dahil hindi sya mapakali sa sitwasyon nina Abby at Xavier. Hindi naman sya sasaya sa bakasyon nya kung inalala nya ang kaibigan.Idagdag pa ang Lily na 'to. Mabuti nalang at naisipan na nito ang bumalik sa resort. Para mabawasan ang stress nya. Pag nasa malapit kasi ito, hindi nya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Galit sya pero hindi naman nya mapigilan na pagmasdan ang maamo nitong mukha."Aalis na ako Carlo, pupunta na ako sa America. At hindi na ako baba
Last Updated: 2023-05-05
Chapter: SMK 52(Abby)Kahit naipaliwanag na sa akin ni Xavier ang lahat, at nasabi narin nya na legal talaga kaming mag- asawa, pero hanggang ngayon, hindi parin naghilom ang sugat sa aking puso na nilikha nilang dalawa ni kuya Xander. Galit parin ako sa kanilang dalawa dahil ginawa nilang laruan ang aking damdamin. Lagi akong inuusig ng aking konsensya nung sa pag- aakalang kasalanan ko kung bakit natali si Xavier sa akin. Tapos, pakana pala nilang dalawa ni kuya Xander ang lahat.At dahil nandito parin ako sa bahay nila ni Carlo. Kaya hindi din umuwi si Xavier. May parentahan naman kasing mga maliliit na kwarto na malapit lang. At doon nga sya nagrenta. At dalawang araw na nya akong sinusuyo. Patatawarin ko din naman sya pero hindi muna ngayon. ---Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamaliMuli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisiAlam kong ako'y nangakong 'di na mauulit paAko'y nagkamali sa 'yo, muli ay patawarin moAko ba'y 'yong yayakapin?Nakaraa'y kayang limutinMagtiwalang muli, mahalin mon
Last Updated: 2023-05-05
Chapter: SMK 51- Xavier's side 3Masaya ako sa isipin na gusto na ni Abby na magkaanak kaming dalawa. Nagkaroon ako ng pag- asa na baka mahal na nya ako. Well, hindi naman siguro nya ibibigay sa akin ang kanyang sarili ng paulit- ulit kung wala syang nadarama sa akin. Ang tanong lang kung gaano nya ako kamahal? Kasing tindi ba ng pagmamahal ko sa kanya?Dumaan din sa dagok ang pagsasama namin ni Abby nang nalaman nya na may PCOS sya at hirap syang magbuntis. I was with her, ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko sya. Hindi naman nagtagal ang kanyang depression at mabuti nalang na gumaling sya agad. Pangarap ko naman na magkaroon kami ng anak ni Abby. Pero kung kagustuhan ng panginoon na hindi kami magkaroon ng anak, malugod sa puso ko itong tatanggapin, pwede naman kaming mag- ampon. Si Abby lang talaga ang gusto ko. Wala syang kapalit dito sa puso ko.Xander visited me in my shop. Napag- usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari, ang ginawa ng parents nila ni Abby, pati na ang 6 months na usapan naming dalawa na paib
Last Updated: 2023-05-01