It's so amazing when someone comes to your life and you expect nothing out of it but suddenly there right in front of you is everything you ever need.----Hindi mapigilan ni Xavier na mapatulo ang kanyang luha habang nakatingin ngayon sa babaeng mahal na mahal nya na naglalakad sa aisle. Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal silang dalawa, pero iba pala ang kasiyahan na dulot ngayon alam nyang magkaisa ang kanilang mga puso.-If I die tonight, i´d go with no regretsIf it's in your arms I know thatI was blessedAnd if your eyes are the lastThing that I seeThen I know the beauty heavenHolds for me-But if I make it through, if I live toSee the dayIf I'm with you, I'll know just what to sayThe truth be told, girl you take my myBreath awayEvery minute, every hour, every day-Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi na nya naalala kung paano isang araw nagising nalang sya na si Abby na ang laman ng kanyang puso't isip. Basta nalang umusbong yon at sa mga paglipas ng mga
(Xavier)Hindi ako mapakali habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa labor room. Para akong langaw na may mapulang puwit at hindi ako mapermi sa isang lugar."Daddy!" napalingon ako sa dalawang bata na ngayon masayang nagtatakbo palapit sa akin. Their name is Hershey and Kisses. Sila ang first born namin ni Abby. They are so beautiful just like their mother. Habang lumalaki sila, mas lalong naalala ko sa kanila ang batang Abby na gustong- gusto kong iuwi sa amin noon. They are now 4 years old. Oo, limang taon na ang nakakalipas at ngayon, Abby is recently giving birth to our 2nd born, at lalaki naman ngayon ang baby namin.Looking back, 5 years ago, sobrang saya namin pareho ni Abby nang nalaman namin na kambal ang ipinagbubuntis nya.I was about to declined the offered to be a furniture designer sa malaking resort sa Thailand, dahil hindi ko kayang iwan ang aking asawa lalo pa't kambal ang kanyang ipinagbubuntis. But then, when Abby knew about the offer, pinilit nya akong ta
Abby)"Kuya Xavier, 3 years na ang nakakalipas mula ng ikinasal si Kuya Xander." nakangiti kong bulalas sa kuya- kuyahan ko na si Xavier. Nakakapit ako sa kanyang balikat. Kasalukuyan namin tinahak ang daan patungo sa inihanda kong room para sa kanya dito sa Hidden Pearl Resort (HPR)."Ikaw, kailan ka magpapakasal?" dagdag ko. Huminto kami sa paglakad. Hinarap ko sya at nagpuppy eyes ako sa kanya."Nandyan ka na naman sa pangungulit mo sa akin kung kailan ako mag- aasawa. Darating din tayo dyan!"nakatawa nyang sabi."Ikaw talaga! Naunahan na kita." nakanguso kong sabi.Totoo naman ito. Nagpo- proposed na kasi sa akin ang boyfriend ko na si Vincent nung isang araw. At bukas nga ang engagement party namin na gaganapin dito sa HPR. 2 years ko ng boyfriend si Vincent. "Kaya nga hindi pa ako nag- aasawa dahil gusto kong mauna ang baby ko."Sandali nyang itinapat ang kanyang daliri sa tungki ng ilong ko.Napasimangot ako. Sa totoo lang, gusto ko sana na mas mauna syang mag- asawa kaysa sa
(Abby)Inis na inis akong nakatingin sa lalaking nagmamaneho ng kotse. Hindi ko lubos akalain na ihahabilin ako ng aking kuya sa lalaking ito.Hindi kasi ako masundo ng daddy ko ngayon dahil may pupuntahan sya sa Pearl Island. May riding club kasi doon at si daddy ang namamahala, kahit pa ang tito Zac at tita Loraine ko ang may- ari ng isla. Ibinilin ako ng daddy ko na isabay sa kuya Xander ko pauwi. Pero, ang kuya ko, dito pa naman ako ibinilin sa Xavier Mondragon na 'to. Mas pinili pa ng kuya ko na makasama ang girlfriend nya kaysa sa akin. Lagot sya mamaya kina mommy at daddy, dahil isusumbong ko talaga sya.Kalalabas lang ng kotse ni Xavier sa EIS (EastWest International School), kung saan dito ako nag- aaral. I am 12 years old now and I'm still in Grade 7. Dito kaming magpipinsan na bahagi ng Del Fuengo Clan, 3rd generation, nag- aaral sa EIS. Pareho naman nasa Grade 12 sina Xavier at ang kuya Xander ko. At magbestfriend silang dalawa. Mula pa nung Grade 7 ang dalawa, magbestfri
(Xavier)Sabay na inihinto namin ni Xander ang sinasakyan naming kabayo. Bumaba si Xander mula sa kanyang kabayo at bumaba din ako mula sa kabayo ko. Pareho namin itinali ang mga kabayo namin sa mga punong nandun.Magkatabi kaming nakatayo, nakatingin sa ibabang bahagi ng Saturno ranch."Pare, malapit na akong pumunta sa Mexico. Pwedeng humingi ng isang pabor sayo." Ani nya, sa seryosong mukha."Anything pare--"Ani ko. "Hindi naman siguro 'yan nakakamatay sa akin."Mahina syang napatawa."Hindi naman siguro nakakamatay, depende lang kung gaano katibay ang loob mo."sumeryoso sya at bumugtong- hininga. "Pwedeng bantayan mo si Abby. Ang ibig kong sabihin, pwedeng ikaw muna ang papalit bilang kuya nya habang wala ako."Alam kong mahal na mahal nya ang kapatid nya. Kaya nga, sobra ang pagka- spoiled ni Abby dahil pinagbibigyan ito sa halos lahat ng gusto nito sa mga taong nakakapaligid dito."Of course pare, alam mo naman na mahalaga din si Abby sa akin. She's like a little sister to me." t
(Abby)16 years old Abby.......Kalalabas lang ni Abby mula sa malaking gate ng IES, kasama nya ang dalawang kaibigan nya. Kasalukuyang na syang nasa Grade 11.Napagpasyahan nilang tatlo ang mag cutting classes ngayon. Plano kasi nilang magligalig na magkakaibigan. Matalino naman sya kaya lang hindi sya ulirang mag- aaral. Tamad syang estudyante. Mahilig syang maglalakwatsa kasama ang kanyang mga besties nya na sina Angelie and Jillian. Kaya lang ubod ng higpit ng kanyang parents, kaya madalas syang tumatakas.Ang lakas ng tawanan nila dahil nauto nila ang mga teacher nila, at naniniwala ang mga ito na may sakit sila ngayon. Mabuti nalang at hindi sila magkaklasing tatlo kaya hindi nagtaka nga mga guro nila kung sabay silang umabsent.Pero, napalis agad ang tawa nilang tatlo nang nakita nila ang isang lalaki na nakasandal sa kotse nito na nakaparada sa labas ng EIS. Tila may inaabangan ito."Oh my God, Abby! Ang kuya Xavier mo!" tila kinikilig na sambit ni Jillian. May crush kasi sya
(Abby)Swerte ko talaga ngayon, parehong nasa Manila ang parents ko. Ibig sabihin, pwede akong sumama kina Angelie at Jillian ngayon gabi. Nagyaya kasi ang mga ito sa akin na pupunta sa isang bar. Pwede naman daw namin dayain ang edad naming tatlo. Nagawa na daw nila itong dalawa. Kung nandito ang parents ko, alam kong hindi ako papayagan ng mga ito. Wala naman maglakas loob sa mga katulong na pigilan ako sa plano ko, takot kaya sila sa akin. Wala din maglakas loob na isumbong ako sa parents ko.Isa lang naman kasi ang taong kilala ko, na s****p sa parents ko at feeling kung ano na sa akin. Ang tinutukoy ko ay si Xavier. Ito lang ang laging pumipigil sa akin oras na matakasan ko na sana ang parents ko. Bakit ba kasi at lagi akong nahuhuli ng Xavier na 'yon? Para makaganti ako kay Xavier, inaaway ko yong mga girlfriend nya, para mas lalong sasakit ang kanyang ulo sa akin. At matuon ang kanyang pansin sa nagda- drama nyang girlfriend at hindi na sya laging nakasunod sa akin. Pero ku
Abby)17 years old Abby...Crossed legs akong nakaupo sa gilid ng pool. Nakalusob ang aking papa sa tubig ng pool. Naka- suot lamang ako ng two piece swimsuit. Nakalusob naman sa tubig ng pool ang kalahati ng katawan nina Angelie at Jillian, at tulad ko, naka- two piece swimsuit din ang dalawa. Pareho kaming tatlo na may hawak na baso na may laman na ladies drink.We were just graduated from senior high the past days and we had our graduation party today with our batchmates, friends at ilang kakilala. Pool party ang theme ng party.Matalim na titig ang iniukol ko sa lalaking kanina pa nakabantay sa akin. Inis na inis pa naman ako sa isipin na kailangan ko pang isama si Xavier para payagan lang ako ng mga magulang ko na pumunta ngayon dito. Kaya, hindi ko tuloy masyadong naenjoy ang party dahil sa presensya ni Xavier. Panira talaga sya ng kasiyahan ko."Ang guapo naman ng bantay mo, Abby!" kinikilig na sabi ni Jillian."Duh, wag ka ngang kiligin dyan. Dahil kung ikaw ang nasa posisyon