Share

SMK 2- Her new KUYA

Author: sweetnanenz
last update Last Updated: 2022-12-01 14:47:16

(Xavier)

Sabay na inihinto namin ni Xander ang sinasakyan naming kabayo. Bumaba si Xander mula sa kanyang kabayo at bumaba din ako mula sa kabayo ko. Pareho namin itinali ang mga kabayo namin sa mga punong nandun.

Magkatabi kaming nakatayo, nakatingin sa ibabang bahagi ng Saturno ranch.

"Pare, malapit na akong pumunta sa Mexico. Pwedeng humingi ng isang pabor sayo." Ani nya, sa seryosong mukha.

"Anything pare--"Ani ko. "Hindi naman siguro 'yan nakakamatay sa akin."

Mahina syang napatawa.

"Hindi naman siguro nakakamatay, depende lang kung gaano katibay ang loob mo."sumeryoso sya at bumugtong- hininga. "Pwedeng bantayan mo si Abby. Ang ibig kong sabihin, pwedeng ikaw muna ang papalit bilang kuya nya habang wala ako."

Alam kong mahal na mahal nya ang kapatid nya. Kaya nga, sobra ang pagka- spoiled ni Abby dahil pinagbibigyan ito sa halos lahat ng gusto nito sa mga taong nakakapaligid dito.

"Of course pare, alam mo naman na mahalaga din si Abby sa akin. She's like a little sister to me." totoong pagkakasabi ko sa kanya.

"Salamat pare, I know hindi madali itong hinihingi kong pabor sayo. Alam ko naman, hindi madaling e- handle ang ugali ni Abby. Pasensyahan mo nalang paminsan- minsan. Bata pa naman sya, kaya masyado pang immature kung mag- isip."

Tumawa sya.

"Kung alam mo lang Bro kung ilang beses kong pinagpasensyahan ang kapatid mo."

Napatawa narin ako.

Hindi lang spoil brat si Abby. Talagang m*****a ito lalo na sa akin. At talagang ipinaramdam nito sa akin kung gaano nya ako ka- hate.

Naalala ko pa, ilang buwan na ang nakakalipas. Si Abby ang dahilan kaya nagkaroon kami ng matinding away ni Krizie na humantong sa paghihiwalay naming dalawa.

"Don't worry bro, pagbalik mo dito. Hindi na m*****a si Abby. Puputulin ko ang sungay ng kapatid mo."

Disidido kong sabi pero nagtawanan naman kami kalaunan.

-----

-----

(Abby)

Hanggang ngayon, pulang- pula parin ang aking mga mata. Kani- kanina lang, inihatid na ng mga magulang ko sa airport ang kuya Xander ko. Pumunta ito sa Mexico, para doon mag- aral ng kolehiyo. Dalawa lang kaming magkakapatid kaya mahal na mahal ko ang kuya Xander ko.

Nasa may kwadra ako na bahagi ng rancho namin. Nakatayo ako sa labas ng stall ng kabayong si "Spirit". Si Spirit ay pagmamay- ari ni kuya Xander. Ang kabayo din ito ang madalas gamitin ni Kuya Xander pag nangangabayo sya.

"Tayong dalawa nalang ngayon, Spirit. Iniwan na tayo ni kuya!" mangiyak- ngiyak na sabi ko sa kabayo, na para bang tao ito na kinakausap ko. Umungol ang kabayo na parang nakikipag- usap din sya sa akin. "Matagal pa bago sya bumalik. Namimiss ko na sya agad."

Maya't maya lang, naramdaman ko ang paghinto nang isang kabayo sa likuran ko. Hindi na ako nag- abalang lumingon dahil ayaw kong mas sasama lang ang pakiramdam ko.

"Guess, you're still crying!" barintonong boses sa likuran ko. Hindi ko na ito pinansin.

Kahit hindi ako lilingon, pero kilalang- kilala ko parin ang nagmamay- ari ng nakakainis na boses. Talagang pakialamero ang lalaking ito.

Naramdaman ko ang pagtayo nya sa likod ko.

"I know that you didn't like me. Pero, sana bigyan mo ako ng chance na pumalit sandali bilang kuya mo." malumanay nyang sabi.

Napalingon ako sa kanya. Nagkatama ang mga paningin naming dalawa.

Maaturidad ang mukha ni Xavier. Sa tingin ko, mahigpit sya bilang kuya, at nakakatakot din.

"Matagal ko na talagang pangarap na magkaroon ng nakababatang kapatid, lalo na kung babae. Kaya nga, inggit na inggit ako kay Xander dahil sayo." dagdag na sabi nya.

Imbes na sagutin sya. Inirapan ko sya. Asa pa sya na pagbibigyan ko sya.

"From now on, you can call me kuya, Abby." ngumiti sya sa akin.

Mas lalo akong nagalit.

Hindi ba nya nahalata na ayaw ko talaga sa kanya. Hindi pa nga ako naka recover sa pag- alis ng kuya Xander ko, ginugulo na nya ako agad. Hindi ba talaga nya ako bigyan ng peace of mind man lamang para magmoment sandali.

"I don't want to call you kuya. Not even in my nightmare. " bulyaw ko sa kanya. "At saka, iwan mo nga ako. Hindi mo ba napansin na kinakausap ko si Spirit?"

Napatawa sya ng mahina sa sinabi ko. Napakunot- noo ako na nakatingin sa kanya.

"Bakit kabayo ang kinakausap mo? Pwede mo naman akong kausapin. Mas maintindihan ko pa ang damdamin mo."

Pairap kong binawi ang paningin ko mula sa kanya.

"Spirit is better! Dahil hindi sya hambog at pakialamero."

"I just want to take care of you Abby, dahil nangako ako sa kuya Xander mo." buo nyang pagkakasabi. " Just don't give it another meaning."

"Whatever!"

Padabog ko syang tinalikuran.

Mukhang wala syang plano na iwan ako. Kaya ako nalang ang lalayas.

Related chapters

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 3- CAUGHT

    (Abby)16 years old Abby.......Kalalabas lang ni Abby mula sa malaking gate ng IES, kasama nya ang dalawang kaibigan nya. Kasalukuyang na syang nasa Grade 11.Napagpasyahan nilang tatlo ang mag cutting classes ngayon. Plano kasi nilang magligalig na magkakaibigan. Matalino naman sya kaya lang hindi sya ulirang mag- aaral. Tamad syang estudyante. Mahilig syang maglalakwatsa kasama ang kanyang mga besties nya na sina Angelie and Jillian. Kaya lang ubod ng higpit ng kanyang parents, kaya madalas syang tumatakas.Ang lakas ng tawanan nila dahil nauto nila ang mga teacher nila, at naniniwala ang mga ito na may sakit sila ngayon. Mabuti nalang at hindi sila magkaklasing tatlo kaya hindi nagtaka nga mga guro nila kung sabay silang umabsent.Pero, napalis agad ang tawa nilang tatlo nang nakita nila ang isang lalaki na nakasandal sa kotse nito na nakaparada sa labas ng EIS. Tila may inaabangan ito."Oh my God, Abby! Ang kuya Xavier mo!" tila kinikilig na sambit ni Jillian. May crush kasi sya

    Last Updated : 2022-12-01
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 4- PAKIALAMERONG!

    (Abby)Swerte ko talaga ngayon, parehong nasa Manila ang parents ko. Ibig sabihin, pwede akong sumama kina Angelie at Jillian ngayon gabi. Nagyaya kasi ang mga ito sa akin na pupunta sa isang bar. Pwede naman daw namin dayain ang edad naming tatlo. Nagawa na daw nila itong dalawa. Kung nandito ang parents ko, alam kong hindi ako papayagan ng mga ito. Wala naman maglakas loob sa mga katulong na pigilan ako sa plano ko, takot kaya sila sa akin. Wala din maglakas loob na isumbong ako sa parents ko.Isa lang naman kasi ang taong kilala ko, na s****p sa parents ko at feeling kung ano na sa akin. Ang tinutukoy ko ay si Xavier. Ito lang ang laging pumipigil sa akin oras na matakasan ko na sana ang parents ko. Bakit ba kasi at lagi akong nahuhuli ng Xavier na 'yon? Para makaganti ako kay Xavier, inaaway ko yong mga girlfriend nya, para mas lalong sasakit ang kanyang ulo sa akin. At matuon ang kanyang pansin sa nagda- drama nyang girlfriend at hindi na sya laging nakasunod sa akin. Pero ku

    Last Updated : 2022-12-01
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 5- Her Chaperone

    Abby)17 years old Abby...Crossed legs akong nakaupo sa gilid ng pool. Nakalusob ang aking papa sa tubig ng pool. Naka- suot lamang ako ng two piece swimsuit. Nakalusob naman sa tubig ng pool ang kalahati ng katawan nina Angelie at Jillian, at tulad ko, naka- two piece swimsuit din ang dalawa. Pareho kaming tatlo na may hawak na baso na may laman na ladies drink.We were just graduated from senior high the past days and we had our graduation party today with our batchmates, friends at ilang kakilala. Pool party ang theme ng party.Matalim na titig ang iniukol ko sa lalaking kanina pa nakabantay sa akin. Inis na inis pa naman ako sa isipin na kailangan ko pang isama si Xavier para payagan lang ako ng mga magulang ko na pumunta ngayon dito. Kaya, hindi ko tuloy masyadong naenjoy ang party dahil sa presensya ni Xavier. Panira talaga sya ng kasiyahan ko."Ang guapo naman ng bantay mo, Abby!" kinikilig na sabi ni Jillian."Duh, wag ka ngang kiligin dyan. Dahil kung ikaw ang nasa posisyon

    Last Updated : 2022-12-05
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 6- Their Start and after a years!

    (Abby)Humakbang palapit sa akin si Lash. Namumutla ako sa sobrang kaba na nadarama ko. Naipikit ko ang aking mga mata sa sobrang takot. Makipagpatayan ako sa mga lalaking maniac na ito kung saka- sakali.Pero, naibuka ko agad ang aking mga mata nang naramdaman ko na parang may nag- aaway. Sunod- sunod na napatumba ni Xavier sina Lash at ang kanyang mga kaibigan.Sunod- sunod parin ang pagtulo ng mga luha ko. Nasa loob na kami ng kotse ni Xavier. Mabuti nalang dumating sya at nailigtas nya ako."Baby girl, please stop crying!" pag- aalo ni Xavier sa akin. Kanina, galit na galit sya na pinagsasalitaan ako. Pero nang nakita nya na umiiyak na ako ng sobra, napalis nalang ang galit nya. At inaalo- alo na nya ako."Please, don't tell this to my parents. Itago nalang natin ito." pagmamakaawa ko sa kanya.I know my parents, pag malaman nila ito, alam kong hindi nila ito palalampasin. Ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko ng palakihin ang issue, wala naman nangyaring masama sa akin. "But, kailangan ma

    Last Updated : 2022-12-06
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 7- The Dance!

    (Abby)Kasama ko sa isang mesa sina Stefie at Lianne, mga pinsan ko sila, na membro sa angkan Del Fuengo, at si Alexa, adopted cousin ko naman sya. Legal adopted daughter sya ng tito Kyle and tita Alissa ko, kaya membro narin sya ng angkan Del Fuengo.Pagkatapos ng kasal nina Kuya Xander at ate Melissa na ginanap sa San Bartolome Parish Church kanina, ay dumiretso na kami sa reception na ginaganap sa Hidden Paradise Hotel. Pagmamay- ari ang hotel na ito ng tito Nathan ko. We did a random talk ng mga kasama ko. Ang ilan sa mga iyon ay tungkol sa mga next step namin sa buhay, since malapit narin grumadwet sina Stephie at Lianne. Habang si Alexa naman ay next school year pa sya gra- gradwet. Kunti lang sa mga pinsan ko na bahagi ng Del Fuengo Clan ang nakadalo sa kasal ni Kuya, partikular na 'yon mga lalaki. Biglaan naman kasi ang kasal ni Kuya, at kadalasan sa pinsan ko, nandun pa sa ibang bansa nag- aaral. Natigil kami sa pag- uusap ng mga kasama ko nang nagsimula ng magsayawan ang

    Last Updated : 2022-12-07
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 8- Broken Hearted Abby!

    (Xavier)"Happy 8th monthsarry!" isang candle light dinner ang bumungad sa akin, pagkapasok ko sa dining ng condo unit ni Rosie. Oo. Walong buwan ko na syang girlfriend. I dated her at first para pagbigyan ang pangungulit ni Abby. But then, I learned to enjoyed her company. I courted her. We have a lot of things in common , kaya magkasundo kaming dalawa. Our relationship is neutral, there's no ups and downs. But hindi naman ako nabo- bored, were just mature enough to understand each other differences."Wow!" tanging sambit ko."Surprise?""Sobra. Thank you, honey!" Lumapit sya sa akin. At iniyakap nya ang kanyang braso sa leeg ko. Pinungay- pungay nya ang kanyang mga mata. I knew that she is seducing me. Hindi ako ang klasi ng lalaki na madaling mapukaw ang desire. Kaya, ilang beses lang na may nangyari sa aming dalawa. Yes! We're fucking. Hindi kami teenager para itago ang bagay na yon. "I think, we have to eat first." malambing kong sabi sa kanya."Wala kaba ibang gustong kaini

    Last Updated : 2022-12-08
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 9- XL?!

    (Abby)"Good morning kuya Xavier!" Bati ko agad kay kuya Xavier. Kabubukas lang nya sa pinto nitong two- storey apartment nya.Naka- roba lang sya, halata na katatapos lang nyang maligo. Maaga ko syang binibisita ngayon dahil excited na ako sa sasabihin ko sa kanya. "Abby, ang aga mo yata!" aniya nang nakabawi sa pagkagulat."Dinalhan kita ng breakfast mo." masaya kong sabi, sabay taas ng supot na dala ko na may logo ng isang sikat na pastry house.Hindi ko na hinintay na papasukin nya ako, ako na ang kusang nag- imbita ng aking sarili papasok. Agad akong dumiretso sa dining, naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin.Agad kong inihanda ang mga dala ko sa mesa. May dala akong dalawang slice ng blueberry cake. Favorite ito ni Kuya Xavier, kasi mahilig talaga sya sa mga matatamis na pagkain. May donut din at ilang klasi ng breads at cupcakes. "Ngayon mo lang yata ako muling binisita dito."Napalingon ako kay kuya Xavier, nasa may bungad sya ng kusina, nakasandal sa habla ng pinto.Totoo

    Last Updated : 2022-12-13
  • Suddenly Married to my kuya   SMK 10- Meet Vincent!

    (Abby)Isang magarbong birthday party ang idinaos para sa kambal na anak nina kuya Xander at Melissa. Kasama ko sa pagpunta sa party si Vincent. Isa- isa kong ipinakilala si Vincent sa mga pinsan ko na dumalo sa party. Ipinakilala ko sya bilang kaibigan na sya naman totoo. Nagpaparamdam na sya sa akin, at kung liligawan na nga nya ako, sasagutin ko na sya agad.Bakit ko pa patatagalin? I like him. I like him very much. At mas lalo ko syang nagugustuhan ngayon dahil mas lalo kong napatunayan na ubod talaga sya ng gentleman. Hila ko sa kamay si Vincent habang palapit kami nina Mommy at Daddy. Ang lapad ng ngiti ni Dad nang nakita kami na palapit ni Vincent sa kanya."Dad, Mom..si Vincent ho, 'yon sinasabi ko sa inyo."nakangiti kong sambit."Magandang gabi maam and sir." magalang na bati ni Vincent sa aking mga magulang.Ngiti lang ang isinagot ng mga magulang ko kay Vincent. "Ijo Vincent, I heard a lot about you. Mula nang nagkakilala kayo ni Abby mga 4 days ago pa yata, lagi kana nya

    Last Updated : 2022-12-15

Latest chapter

  • Suddenly Married to my kuya   SMK- Special Chapter

    (Xavier)Hindi ako mapakali habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa labor room. Para akong langaw na may mapulang puwit at hindi ako mapermi sa isang lugar."Daddy!" napalingon ako sa dalawang bata na ngayon masayang nagtatakbo palapit sa akin. Their name is Hershey and Kisses. Sila ang first born namin ni Abby. They are so beautiful just like their mother. Habang lumalaki sila, mas lalong naalala ko sa kanila ang batang Abby na gustong- gusto kong iuwi sa amin noon. They are now 4 years old. Oo, limang taon na ang nakakalipas at ngayon, Abby is recently giving birth to our 2nd born, at lalaki naman ngayon ang baby namin.Looking back, 5 years ago, sobrang saya namin pareho ni Abby nang nalaman namin na kambal ang ipinagbubuntis nya.I was about to declined the offered to be a furniture designer sa malaking resort sa Thailand, dahil hindi ko kayang iwan ang aking asawa lalo pa't kambal ang kanyang ipinagbubuntis. But then, when Abby knew about the offer, pinilit nya akong ta

  • Suddenly Married to my kuya   SMK- Epilogue

    It's so amazing when someone comes to your life and you expect nothing out of it but suddenly there right in front of you is everything you ever need.----Hindi mapigilan ni Xavier na mapatulo ang kanyang luha habang nakatingin ngayon sa babaeng mahal na mahal nya na naglalakad sa aisle. Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal silang dalawa, pero iba pala ang kasiyahan na dulot ngayon alam nyang magkaisa ang kanilang mga puso.-If I die tonight, i´d go with no regretsIf it's in your arms I know thatI was blessedAnd if your eyes are the lastThing that I seeThen I know the beauty heavenHolds for me-But if I make it through, if I live toSee the dayIf I'm with you, I'll know just what to sayThe truth be told, girl you take my myBreath awayEvery minute, every hour, every day-Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi na nya naalala kung paano isang araw nagising nalang sya na si Abby na ang laman ng kanyang puso't isip. Basta nalang umusbong yon at sa mga paglipas ng mga

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 54

    (Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na tinahak ang pasilyo papunta sa clinic ni Dr. Micah Robles. Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kanyang kabaitan."Just let me be the one to thank her. Okay?""Pero ba----""Hubby, kaya ko 'to. Magpapasalamat lang naman ako." Ani ko sa malambing na boses."Okay I give you 2 minutes to do that.""2 minutes?" laking mata na sambit ko. "Mahaba ang speech ko, hindi kaya ng 2 minutes lang. 5 minutes." "Fine. 3 minutes.""Deal."Pagkatapos namin magkasundo ng aking adorable hubby, agad akong pumasok sa clinic. Plano pa akong harangin ng sekretarya ni Dr. Robles, pero tinaasan ko sya ng kilay kaya wala syang nagawa kundi ang manatiling maupo at nakatingin lang sa akin.Pagbukas ko sa pinto nang opisina ng doctora, sumalubong sa aking paningin silang dalawa ni Rosie. Pag sinusuwerte ka nga naman. Makapagpasalamat pa ako sa kanilang dalawa ng sabay."What are you doing here?" taas kilay na tanong ni Rosie sa akin."Pasyente ako ni Dr. Robles, Rosie. Ikaw a

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 53

    (Third Person POV)Nabalikwas ng bangon si Carlo nang nakita nya na may nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto."Lily!" mulagat nyang sambit. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?""Aalis na ako bukas Carlo." sagot nito sa malungkot na tono."Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik sa HPR." magaan syang nakahinga. Kasalukuyan kasi syang naka- leave na naman ngayon kaya sya nandito sa kanila. Bago pa nangyari ang eskandalo nung birthday ni Xavier, na- approved na ang leave nya. Hindi lang sya nakapagbakasyon tulad ng plano nya dahil hindi sya mapakali sa sitwasyon nina Abby at Xavier. Hindi naman sya sasaya sa bakasyon nya kung inalala nya ang kaibigan.Idagdag pa ang Lily na 'to. Mabuti nalang at naisipan na nito ang bumalik sa resort. Para mabawasan ang stress nya. Pag nasa malapit kasi ito, hindi nya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Galit sya pero hindi naman nya mapigilan na pagmasdan ang maamo nitong mukha."Aalis na ako Carlo, pupunta na ako sa America. At hindi na ako baba

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 52

    (Abby)Kahit naipaliwanag na sa akin ni Xavier ang lahat, at nasabi narin nya na legal talaga kaming mag- asawa, pero hanggang ngayon, hindi parin naghilom ang sugat sa aking puso na nilikha nilang dalawa ni kuya Xander. Galit parin ako sa kanilang dalawa dahil ginawa nilang laruan ang aking damdamin. Lagi akong inuusig ng aking konsensya nung sa pag- aakalang kasalanan ko kung bakit natali si Xavier sa akin. Tapos, pakana pala nilang dalawa ni kuya Xander ang lahat.At dahil nandito parin ako sa bahay nila ni Carlo. Kaya hindi din umuwi si Xavier. May parentahan naman kasing mga maliliit na kwarto na malapit lang. At doon nga sya nagrenta. At dalawang araw na nya akong sinusuyo. Patatawarin ko din naman sya pero hindi muna ngayon. ---Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamaliMuli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisiAlam kong ako'y nangakong 'di na mauulit paAko'y nagkamali sa 'yo, muli ay patawarin moAko ba'y 'yong yayakapin?Nakaraa'y kayang limutinMagtiwalang muli, mahalin mon

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 51- Xavier's side 3

    Masaya ako sa isipin na gusto na ni Abby na magkaanak kaming dalawa. Nagkaroon ako ng pag- asa na baka mahal na nya ako. Well, hindi naman siguro nya ibibigay sa akin ang kanyang sarili ng paulit- ulit kung wala syang nadarama sa akin. Ang tanong lang kung gaano nya ako kamahal? Kasing tindi ba ng pagmamahal ko sa kanya?Dumaan din sa dagok ang pagsasama namin ni Abby nang nalaman nya na may PCOS sya at hirap syang magbuntis. I was with her, ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko sya. Hindi naman nagtagal ang kanyang depression at mabuti nalang na gumaling sya agad. Pangarap ko naman na magkaroon kami ng anak ni Abby. Pero kung kagustuhan ng panginoon na hindi kami magkaroon ng anak, malugod sa puso ko itong tatanggapin, pwede naman kaming mag- ampon. Si Abby lang talaga ang gusto ko. Wala syang kapalit dito sa puso ko.Xander visited me in my shop. Napag- usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari, ang ginawa ng parents nila ni Abby, pati na ang 6 months na usapan naming dalawa na paib

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 50- Xavier's side 2

    "Bro, punta ka naman sa Rock Bar. Nandun daw si Abby, naglalasing, sabi sa akin ni Carlo." kausap ko ngayon si Xander sa cellphone. "Umalis na daw sya kasi may emergency sa kanila."Nasa HPR ako para sa engagement nina Abby at Vincent. Kahit masakit pero dapat present ako sa mahalagang araw na 'to sa buhay ni Abby."Ha! Bakit?""Ewan ko. Basta puntahan mo dun."Sa totoo lang, kasalukuyan ko na talagang binabaybay ngayon ang daan patungo sa Rock Bar dahil plano ko ang uminom ng kunti para pampaantok.Naabutan ko si Abby sa labas ng bar. Agad ko syang dinaluhan. Kinarga ko sya at dinala sa suite ko, dahil ayaw nyang magpahatid sa kanyang suite.Vincent is cheated on her, nahuli ito ni Abby na nakipagtalik at sa kanyang suite mismo. Galit na galit ako, parang gusto kong patayin si Vincent dahil sinaktan nya si Abby. Pero at the same time, hindi ko din mapigilan ang makadama ng kasiyahan dahil may pag- asa pa ako. Alam na ng pamilya ni Abby ang tungkol sa nadarama ko para sa kanya, si A

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 49- Xavier's side

    Isa akong menopausal baby, 50 years old na kasi si mommy nang ako ay ipinanganak. Dalawang beses na nag- asawa si mommy at may tatlo syang anak na puro sa lalaki sa una nyang asawa. Habang nag- iisa lang ako na anak ng aking daddy. Masasabi narin na unico ijo ako ng aking mga magulang.Dahil malayo naman ang agwat ng edad ng mga kuya ko sa akin kaya lumaki akong spoiled. Halos lahat ng gusto ko ay nasusunod. Kahit minsan, hindi ko pinangarap na magkaroon ng kapatid.When I was in Grade 7, I met Alexander Saturno and we became my bestfriend. Marami kasi kaming pagkakatulad. Nagiging sobrang close kaming dalawa. I met his family, sobrang bait ng parents nya sa akin and they treated me as their own son. Hindi ko maintindihan kung bakit nakadama ako ng inggit kay Xander sa isipin na may kapatid syang babae. Si Abby. Since then, I always wanted Abby in my life. Dinala pa ako nina mommy at daddy sa isang bahay ampunan para pumili doon kung sino ang aampunin nila para maging kapatid ko, per

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 48

    (Xavier)"I know that you know where my wife is. Please, just tell where can I find her." Ani ko kay Carlo.Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis si Abby. Alalang- alala na ang kanyang mga magulang. Si Xander naman ay sinisisi ang kanyang sarili dahil sa kasunduan naming dalawa na syang may pakana.Hindi ko hinanap si Abby, alam ko naman kasi kung sino ang nakakaalam kung nasaan sya. Hindi ko sya hinanap hindi dahil ayaw kong magkaayos kami ng aking asawa kundi dahil gusto ko syang bigyan ng panahon para pahupain ang kanyang galit. But isang linggo na ang nakakalipas, hindi parin sya bumalik. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para mapabalik sya sa amin. "Xavier, gusto ko man sabihin sayo kung nasaan sya, pero ayaw pa talaga nyang makausap kahit sino man sa inyo. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang katotohanan na niloloko nyo syang lahat. At hindi ka pala nya tunay na asawa. Alam mo naman na mahal na mahal ka nya diba." Ani ni Carlo."I love her also Carlo, that's

DMCA.com Protection Status