Share

CHAPTER 04

[ CHAPTER 04: ROOMMATE ]

Wait, what? This is my roommate?!

Pareho kaming gulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan namin. Nakatunganga siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

I looked at her from head to toe. She has a cute above the shoulder length black hair.

But...

Why does she look like me?!

I was panicking in the inside. Sino siya? Ito na ba iyong tinatawag nilang doppelganger? Or is she a spirit that's trying to copy my face?!

I groaned mentally. Now, look at what that jerk made me do. Kung ano ano na lang ang naiisip kong pananakot sa sarili ko!

Natigil lang ako sa pag-iisip nang magsimula siyang umabante.

Napalunok ako at umatras. "W-who are you?!" lakas loob na sigaw ko kahit na halos mautal utal na ako para lang itanong iyon.

She stopped. "A-are you Eletheria? Eletheria Aurelius?" tanong niya na ikinatigil ko salita.

Hinila ko ang unan na nahagip ko at iniharang iyon sa harapan ko. "Anong kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko.

She can't be a stalker, right?

Napatakip siya sa bibig niya at unti unting napaupo sa sahig.

What's happening?

"So, ikaw si Ely..." bulong niya pero rinig ko dahil halos ilang metro lang ang layo niya sa akin.

Tumango naman ako at dahan dahang binaba ang unan.

Why do I feel like I know her? Parang ang bilis naman gumaan ng loob ko sa kaniya.

Linapitan ko siya. Umupo din ako para mapantayan siya. "W-why are you crying?!" I exclaimed when I saw a tear fell from her eyes.

Agad niya naman iyong pinunasan gamit ang likod ng palad niya at tatlong beses na umiling. "No, no. Hindi ako umiiyak. Uhm, ano, sorry, ah? Kasi, ano, nabigla kita," saad niya, nauutal.

"Masaya lang talaga kasi nakita kita."

Tumitig lang ako sa kaniya. Para akong nakatingin sa salamin pero ang naiiba lang ay ang buhok. So, I'll look like this when I have a short hair, huh?

"So... who are you, really? Anong kailangan mo sa akin? Bakit magkamukha tayo? Ikaw ba iyong roommate ko?" sunod sunod na tanong ko.

She chuckled. "I'm, uhm, Hiraeth. Hiraeth Vergara."

Linahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tiningnan ko muna siya bago kinamayan.

"Hi, Hiraeth."

She smiled. "Uhm, I didn't know that you're here. Ang sabi sa akin sa reception, ano, umalis na daw iyong isang roommate ko at may pumalit naman daw agad. So, uhm, yeah, I'm your roommate," she said awkwardly.

Napansin kong kanina pa siya gano'n magsalita. "Are you okay?"

Maski ako ay nagulat sa tinanong ko. Again, I'm acting weird. Why would I ask her if she's okay if i should be suspecting her?

"I-i'm sorry, what?" mahinang tanong niya.

Tumikhim ako bago umiling. "Anong kailangan mo sa akin?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina pero ngayon mas seryoso na.

Yumuko siya. "I would love to tell you the whole story pero kasi, ano—"

Natigilan siya nang may narinig kaming kumalam na sikmura.

Walang nagsalita. Parehas kaming nakikiramdam.

"Ano... Sorry!" sigaw niya habang tinatakpan ang mukha niya ng dalawang palad niya.

Kumurap kurap ako. "P-pwede bang kumain muna tayo?" mahinang tanong niya habang nakatakip pa din ang mukha.

Tumango na lang ako dahil nagugutom na din ako.

Tumayo na kami at akmang tatawag na ng room service nang biglang may kumatok sa pinto.

Nagkatinginan kami. Parehong nanlaki ang mga mata namin sa gulat at sabay na nag-iwas ng tingin.

"Uhm, ako na ang magbubukas—"

"I'll open it—"

Pareho kaming natahimik nang sabay kaming magsalita.

"Ah, sige, ika—"

"Okay—"

This is awkward than I thought it would be!

Tumikhim ako dahil may kumatok na naman sa pinto at pareho kaming hindi pa gumagalaw.

Tumikhim din siya at tumingin sa akin. Sinenyasan niya akong magsalita.

"I'm sorry. Ako na lang ang magbubukas."

Tumango siya at tahimik na sinundan ako ng tingin.

Umubo muna ako ng dalawang beses bago pinagbuksan kung sino man ang kumakatok sa labas.

"Hi, ma'am! Here are your things. Pasensya na po medyo natagalan." Nahihiyang yumuko siya bago inabot sa akin ang shopping bags ko.

Siguro siya ang inutusan na kunin ang mga gamit ko. I smiled at him. "It's okay, I understand."

Tumango siya. "Is there anything else I can do for you, ma'am?"

Binaba ko ang mga shopping bag sa gilid ng pinto sa loob ng kwarto bago nagsalita. "Right! Can you bring us some lunch? Or just inform someone to bring us lunch. It would be much appreciated."

Ngumiti siya at tumango tango. "Sure po! Your lunch will be right back."

"Thank you."

"It's our pleasure, ma'am!" saad niya bago nagpaalam at umalis.

I closed the door with my foot while holding the shopping bags on my hand. Pagkalingon na pagkalingon ko, nakita ko iyong babaeng roommate ko, na kamukhang kamukha ko, na nakatingin sa akin.

Parehas kaming nagulat. Out of panic, she turned around quickly and didn't saw that what's behind her is a wall. So, she end up bumping to it accidentally.

"Aray ko po..."

I pursed my lips, trying not to laugh because it'll be so rude. Laughing at someone before helping them is a big no no for me.

Nilapitan ko siya. Inilipat ko ang mga hawak ko sa kanang kamay ko bago siya mahinang tinapik sa balikat niya gamit ang kaliwang kamay ko.

"That must've hurt," I uttered, stating the obvious.

Hawak niya ang ilong niya dahil tumama iyon sa dingding. "Syempre..." mahinang sagot niya.

Ngumisi ako at umiling ng ilang beses bago siya tinalikuran at nilapag ang mga gamit ko sa unoccupied na kama. It's my bed now.

"I told the guy from earlier if he could tell someone from their staffs to bring us lunch. Hintayin na lang natin."

I looked at her and she's still holding her nose, slightly massaging it.

"Aray ko," d***g niya.

Ngumiwi ako dahil kanina pa siya d*******g. The impact must've been that painful for her to act like that or she's really sensitive.

O baka sadyang oa lang siya?

Nilingon niya ako at dalawang beses na tumango. "Okay," mahinang sagot niya.

While waiting for the food, instead of talking and explaining, we wasted the time by saying nothing and just sitting in our own beds.

Walang lingunan. Walang kibuan. Nothing. Just pure silence tainted with awkwardness.

I reached for the tips of my hair and curled in using my fingers. Iyon lang ang ginawa ko habang nakatitig sa eleganteng disenyo ng dingding ng hotel.

When the doorbell finally rung, na meron pala pero hindi ko napansin kasi kumatok lang naman iyong lalaki kanina, agad kaming bumalik sa katinuan.

Nagkatinginan kami, waiting for someone from the two of us to stand. Nang hindi siya tumayo ay tumayo ako pero nang tumayo ako ay tumayo din siya kaya umupo ako ulit na ginawa niya din kasabay ko.

I sighed out of frustration and she looked away, slightly pouting her lips and furrowing her eyebrows.

Hindi siya nagsalita so I took it as a sign. "Ikaw na lang ang magbukas," utos ko.

Walang sagot na tumayo siya bago tumayo at binuksan ang pinto.

Ang masasabi ko lang ay, shit, that was really awkward. Nakakalito din and at the same time nakaka-frustrate dahil gaya gaya siya!

And, for the nth time, I sighed as I massage my temple.

Oh, god. Ang daming ganap ngayong araw. I don't even know how to keep up!

Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya naman ay nilingon ko siya. Kanina pa ako kating kati na kausapin siya. Like, really, who is she?

Nilapag niya ang mga pagkain sa mesa. Nilingon niya ako at sinenyasan na lumapit. "Kain muna tayo."

Tumango ako. I sighed before standing up and following her. Umupo ako sa bakanteng upuan at tiningnan ang pagkaing nakahain.

"They said they don't know what lunch they should get us. Hindi naman daw kasi tayo, ano, nagsabi. Kapag ayaw mo, sabihin mo lang, para, ano, mapalitan natin," she said as she bit her lower lips, nervous.

Tinolang manok at kanin. Mainit pa and it's really good because of the weather. Mukhang paborita niya at kabadong kabado pa na baka ay papalitan ko.

"It's fine. Malamig kaya mabuti na ding may mainit na sabaw."

She smiled in an instant before sitting down.

Inabot ko ang kutsara't tinidor. Nagulat ako at hindi ako makakilos nang siya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. She even put the mainit na sabaw in the bowl for me and poured water into my glass.

Bakit niya ba ako pinagsisilbihan? Mukha ba akong balbado?

Nagtatakang tiningnan ko siya. Tumikhim ako. "I-i can handle it, wag ka nang mag-abala," sabi ko.

She stopped and looked at me. Kumurap siya nang tatlong beses bago dahan dahang tumango.

"Okay," mahinang pahayag niya.

We ate in silence. Hindi nakatakas sa paningin at pandinig ko ang pagdadasal niya bago kumain. Now, I'm feeling embarrassed because I immediately ate when the food was already served.

I want to hit myself for forgetting to thank God. Nagpasalamat na lang ako para sa pagkain sa loob ng isip ko.

Natapos na kaming kumain nang wala ni isang nagsasalita. I just stared at my plate. Hindi naman siguro kami ang maghuhugas nito, diba? I don't know how to wash plates!

But, then, again, hotel pala ito. Nag-facepalm ako sa katangahan ko at dahil doon napatingin sa akin ang babaeng hindi ko pa din alam kung anong pangalan up until now.

"Uhm, okay ka... lang?" marahan niyang tanong habang kumukurap kurap.

'Seriously, why does she always do that?' kunot noong tanong ko sa loob ng isipan ko.

"Yes, I'm fine. Now, pwede na ba tayong mag-usap?" I asked and she immediately nodded her head like a little kid.

Umupo ako sa sahig at gano'n din ang ginawa niya.

Ako ang unang nagsalita. "Who are you?"

She looked at me, her eyes widened then in just a snap of a finger, she was blinking, again.

"Ano, Hiraeth... Vergara. I already t-told you earlier," mahinang saad niya.

Pasimple akong ngumiwi. "Ah, gano'n ba? I'm sorry, I was too confused that I forgot." Lies. I wasn't really paying attention.

Tumango lang siya. "It's okay." She gave me a small smile.

"Uhm, please don't freak out. Hindi ako stalker o ano. Hear me out," she said softly.

The moment she told me not to freak out, my brain immediately told me to freak out!

"Why? What's going on? Kung hindi ka stalker, eh, ano ka? Sino ka ba talaga? I mean, aside from the fact that your name is Hiraeth Vergara," I mumbled.

"Besides, hindi pa din ako convinced kung coincidence ba talaga na nasa iisang hotel room tayo. Bakit magkamukha tayo? Are you a fan? Oh my, god! Don't tell me because of too much admiration you copied my face and now you can't undo it?" I exclaimed exaggeratedly.

Tumayo pa ako at nagpabalik balik sa paglalakad. See? This is why you shouldn't tell me not to freak out because I'll surely will!

Napatayo na din siya at lumapit sa akin. Marahan niya akong hinawakan sa braso. "C-calm down, p-please," kinakabahang saad niya.

"I'll tell you everything, but, calm down for now. Please, Eletheria?"

I only calmed a bit when she uttered my name softly. It sounds so... sweet.

Huminga ako ng malalim bago bumalik sa pagkakaupo sa sahig. Sumunod naman siya agad.

She sighed. "Promise me, first. Na hindi ka muna magr-react sa kahit na anong sasabihin ko," seryosong saad niya.

Gusto kong tumawa pero seryoso siya. So, that's how I look when I'm serious, huh? Nakakatakot pala ang mukha ko kung seryoso. That's why they call me mataray o masungit!

"Actually, ano," pangbibitin niya.

Napataas ang dalawang kilay ko sa suspension. Inaabangan ko ang mga susunod na sasabihin niya.

Tumikhim siya. "I feel like you'll probably freak out..." bulong niya habang pasimpleng ngumingiwi.

I groaned. "I won't, promise. Go on, continue na!" I encouraged her dahil naiinip na ako.

My inner marites is kicking in again.

She sighed deeply. Ngumiti siya nang alanganin. Tumikhim siya at tatlong beses na kumurap bago ako hinarap.

Face to face, eye to eye. She told me the words that made forget the promise I told her just seconds ago.

"We're twins."

I totally freaked out.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status