Share

PROLOGUE

WARNING: Grammatical errors and typography.

—————

[ PROLOGUE ]

"You're a what?!" hindi makapaniwalang singhal ko.

I even put my palm in my chest to let him know that what he said was unbelievable. At least for me.

"Yes, babe. You heard it right."

He winked at me that made me want to punch his face. Napakayabang! Nakakainis!

Mariin kong kinagat ang loob ng pang-ibabang labi ko dahil sa labis na pagtitimpi.

I saw him smirked annoyingly. "So..." he trailed.

I stopped biting my lip and looked at him, clearly, annoyed. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi siya sumagot at nakangising tumitig lamang sa akin.

I don't know but, out of nowhere, I suddenly felt conscious of how I look. Pakiramdam ko ay ang haggard ko na dahil kanina pa ako naii-stress sa kaniya!

But, wait. Since when did I became conscious of the way I look?

"What?" Naiinis na tanong ko nang umabot na ng ilang segundo ang nakalipas pero hindi pa din siya nagsasalita.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Kairita!

He bit his lower lip. "Sungit mo naman," natatawang saad niya, nang-aasar.

God, I can't believe he's a Ferrer.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harap ng dibdib ko habang nanghahamong nakatingin sa kaniya. "Well, “Mr. I am a Ferrer”, I don't care about your opinion."

"Besides," I trailed.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Well, if we are going to talk about his looks and aura, I can't deny the fact that it screams Ferrer. But, the attitude? I don't think so.

Kilala ang mga Ferrer dahil sa kanilang kayamanan at mala-Diyos at Diyosang kagandahan. Bukod pa doon ay bali-balitang mababait ang bawat isang myembro ng pamilya.

I have seen and talked to some of the Ferrer tuwing sinasama ako ni Daddy sa party kaya parang imposible para sa akin na maniwalang isa siyang Ferrer because he's rude, annoying and arrogant!

"I don't believe you. Ang sabi mo isa kang Ferrer, hindi ba?" I asked.

He nodded. "Yeah, I did," he replied boringly while his busy doing something in his phone.

Sinilip ko iyon. I gasped loudly. He's playing that damn game called Piano Tiles!

"Pwede bang makinig ka muna sa akin?!" inis na singhal ko sabay hablot ng cellphone niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya, and, damn, girl, he looked hot for a split second.

Wait, what am I even thinking? Erase.

"I am paying attention. I even answered your question. Stop being a brat."

Natahimik ako. He was right. Ano bang ginagawa ko?!

Linahad niya ang palad niya sa harapan ko. "My phone, please? Malapit ko nang makuha ang third crown but you snatched it away. Now, I have to start all over again," saad niya na parang kinokonsensya ako.

Inis ko namang binalik sa kaniya ang cellphone niya.

Seryoso lang akong nakatitig sa kaniya habang naglalaro siya. I didn't utter a word.

He keeps on looking at me from time to time.

He sighed. Pinatay niya ang cellphone niya at binulsa ito. "Alright, babe. You're not mad, aren't you?" kumakamot sa batok na tanong niya.

Hindi pa din ako nagsalita at tiningnan lamang siya ng seryoso.

Nagpakawala ulit siya ng isang malalim na hininga. "Okay, okay. Seryoso na."

"I really am a Ferrer. Hmm, wait, how can I prove it?" he asked himself while looking up.

He snapped. "Uhuh!"

I sighed and rolled my eyes when he went to his car and motioned me to follow him. Daming pakulo.

Sinundan ko na lang siya para hindi na sumakit pa ang ulo ko sa lalaking 'to.

Binuksan niya ang kotse at ang compartment nito bago may kinuha doon. Magkakrus ang mga brasong hinintay ko siya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang isang papel ang hawak niya. Ano 'yan?

Napansin niya panigurado ang pagtatakang nakasulat sa mukha ko. "My birth certificate."

"Anong gagawin ko diyan?" takang tanong ko.

He sighed. Hinawakan niya ang braso ko at pinadausdos ang kamay niya papunta sa pulso ko.

Pakiramdam ko ay nanindig ang mga balahibo ko sa ginawa niya. His palm is warm but it literally sent chills down my spine. I remained silent and acted like I wasn't bothered with what he did.

Linagay niya ang papel sa kamay ko. Agad namang nalipat sa papel ang atensyon ko.

I scanned it and my eyes were glued at his name.

Acanthus Jarvis Ferrer.

Son of Lyca Ferrer and Argus Ferrer.

Ang ganda ng pangalan niya. Halatang sobrang yaman.

"Oh?" I said.

Tiningnan ko siya. Tiningnan niya din ako pabalik.

"What? Do you believe me now?" he asked.

I raised a brow. "Paano ako makasisigurado na hindi lang talaga kayo magkaparehas ng apelyido?" seryosong tanong ko.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kinamot niya ang batok niya, tila nauubusan na ng pasensya.

I bit my lower lip.

Hindi ko alam na mainipin pala ang isang 'to.

"Get in the car," he commanded.

"I'm sorry, what?"

"I said, get in the car. I'll show you something you'll love." Inulit niya ang sinabi niya gamit ang naiinis na tono.

Tahimik naman akong nagtungo sa kabilang side ng kotse bago ito binuksan. Nang makapasok na ako ay agad akong nagsuot ng seatbelt.

"Kulit." I heard him whispered, forehead creased.

"Narinig ko 'yon," I informed him.

Liningon niya ako. "Oh, congrats kasi hindi ka bingi?" taas kilay na tanong niya.

"Geez, stop being sarcastic!"

He glanced at me sideways while his busy driving. "Hindi kasing haba ng buhok mo ang pasensya ko, brat."

"It's Ely."

"Whatever, Fely."

Inis na binalingan ko siya ng tingin. He was smirking. Ugh, this guy.

"And, for your information, mahaba lang ang buhok ko pero mas maikli pa sa pilik mata ko ang pasensya ko," I rebutted.

Nagkibit balikat lang siya at ngumisi muli. "Whatever, Fely."

"It's Ely," pagdidiin ko.

Hindi na siya sumagot at nag-focus na lang sa pagd-drive.

"Are we almost there?" naiinip na tanong ko.

Halos tatlong oras na kaming bumabiyahe pero hindi pa din kami humihinto. Hindi ko na tuloy alam kung linoloko lang ba ako ng lalaking ito.

Liningon niya ako. "Why? Are you hungry?"

Sakto naman nang tanungin niya iyon ay nakaramdam ako ng gutom.

Tinanguan ko siya.

"Alright. Let's look for a drive thru or nearby restaurant."

I sighed and just waited. Minutes had passed and we're still looking for a restaurant or a drive thru.

I searched for a nearby coffee shop since I'm craving for coffee. Luckily, we found one.

"You want to go inside together or you'll stay here?" tanong niya, nakaangat ang parehong makakapal na mga kilay habang may mapaglarong ngiti sa mga mapupula niyang labi.

Hindi ako nagsalita ng ilang segundo bago napagdesisyunan na sumama na lang papasok sa loob. I want to see the menu.

"Good morning, ma'am, sir! Welcome to Astro Cafe. What can I get you?" the girl with a cute wavy brown hair asked, smiling.

Agad namang lumipat sa menu na nakapaskil sa taas ang atensyon ko. They have quite a good combination here, huh?

Liningon ko ang kasama ko at nakitang katulad ko ay nakatingin din siya sa itaas, sinusuri ang mga nakasulat.

Siguro ay naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya ay agad na lumipat sa akin ang paningin niya.

I gasped quietly. Agad akong nag-iwas ng tingin.

I cleared my throat. "Uhm, one order of... Aes-tea-tic Sprinkle, please."

It's a cup of tea and three slices of cupcake with a very cute sprinkles.

Bumaling naman ang tingin niya kay Acanthus. Hanggang ngayon ay hindi pa din sanay ang isip at dila ko na bigkasin ang pangalan niya.

"How about you, sir?" nakangiting tanong ni  Ashanti.

Iyon ang pangalang nakalagay sa plate name na nakasabit sa upper right part ng damit niya.

"I'll have one order of Black Forest."

Tiningnan ko ulit ang menu. Black Forest. It's a black coffee and a slice of dark chocolate cake.

Hmm, not bad.

She wrote it down on a piece of paper. "Is that all, ma'am, sir?"

We both nodded. Akmang kukunin ko na sa dala kong hand bag ang wallet ko nang unahan niya na ako.

"My treat," he said, smiling.

Umiling ako. "No, ako magbabayad ng akin," saad ko sabay abot ng cash.

Agad niyang inabot ang card niya sa cashier na awkward na nakangiti sa amin dahil pinipilit kong kunin niya ang bayad ko.

"Uhm," she said, scratching her cheeks. She chuckled awkwardly.

"Rock, paper, scissors na lang po kayo," nahihiyang pags-suggest niya.

I arched my eyebrow and looked sideways. He did the same.

"Okay," he replied.

Hinanda niya na ang nakakuyom niyang kamao sa harapan ko. What? Is he gonna do it for real?

Umikot ang mga mata ko sa ginawa niya. "Ano ako? Isip bata?" naiinsultong tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya habang nakalahad pa din sa harapan ko ang kamay niyang nakakuyom.

"Miss, I'll pay for my order," saad ko.

She looks hesitant. Nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ng broccoli na ito.

I hate broccolis so that means I hate him too dahil parang broccoli ang buhok niya.

"Come on, babe. Afraid you'll lose?" nang-iinis na tanong niya habang hindi mawala wala ang ngisi sa mga labi niya.

"What? Annoying broccoli!" I hissed.

I gave in.

"Bato bato, pick!"

Mine was paper and his was scissors.

He had this victorious smirk plastered on his lips. So annoying.

"Huh. Guess I'm good at everything, after all," pagyayabang niya pa.

He paid for our foods and ate in silence. Matapos naming kumain ay agad din kaming bumyahe ulit.

Tiningnan ko ang bawat dinadaan namin. Pinilit kong huwag matulog dahil hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to.

My eyebrows furrowed. We entered a property. An exclusive property?

Huminto kami sa isang malaki at magarbong gate na hindi pamilyar.

I looked at him. "Where are we? If you're planning to kill me or kidnap me, don't even think about it!"

Tinapunan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "What? Seriously? You watched too much crime documentation, brat."

"Don't you 'brat' me!"

He just laughed. May lumapit na guard at agad niya namang kinatok ang bintana ng kotse.

"Remember, be kind to me. Or at least, act like you are."

I gulped. Gone the annoying jerk, I'm looking at a serious broccoli right now.

Tumango ako.

"Good."

He rolled down the window. "Hello, Mang Janus!" masayang bati niya sa guwardiya.

"Uy, ser Canth! Tagal niyo na pong hindi dumadalaw, ah?"

"Yeah, got busy. Oh, by the way, this is Ely, my wife. Ely this is Mang Janus. Siya iyong lagi kong kinukwento sayo na poging bodyguard namin."

Wait, what? Wife? Kinukwento?

I raised an eyebrow, confused. "What?"

"Ay, hala, ser! Nakakahiya naman. At, kailan pa po kayo kinasal? Alam po ba ito ni ma'am Lyca?" magkasunod na tanong niya.

He chuckled. "That's why we're here. Come on, open the gate. Papasukin mo muna kami."

He saluted. "Areglado, ser!"

He immediately went to the gate and opened it while I'm left confused and speechless.

Kinawayan niya muna ang matandang gwardya bago nag-drive papasok.

"What the hell do you think you're doing?!" agad na sigaw ko.

He held his right ear. "Can you please stop shouting? You're disturbing other people."

"What? Alam mo ba ang—"

He cut me off. "Shh. Look at your right."

"Why would I?"

"I said look at your right," he repeated, now more serious.

Napalunok ako. I did what he told me. Napanganga ako sa nakita ko.

It was a sign. Paraiso de la Ferrer.

Fuck. He is indeed a Ferrer.

Nilibot ko agad ang paningin ko at napasinghap nang tuluyan nang nabigyan ng atensyon ang mga elegante at nagtataasang mga mansiyon sa paligid.

"What the..." namamanghang bulong ko.

Dumiretso siya sa isang mansiyon at hindi ako pinansin. May kinalikot siya sa phone niya at biglang bumukas ang gate.

He drive inside the gate at dumiretso sa garage. I was still speechless when he got out of the car.

"Tutunganga ka na lang ba diyan o lalabas ka?" nakataas kilay na tanong niya.

Napakurap kurap ako at nilingon siya na may masamang tingin. He just chuckled.

Tss. Annoying broccoli!

Lumabas ako at sinundan siya. I was amaze by the elegant surrounding. Wow, just wow.

Sinundan ko si AB. Short for Annoying Broccoli.

Linagay niya ang hinlalaki niya sa parang scanner at otomatikong bumukas ang pinto.

Binuksan niya ang ilaw sa pamamagitan lamang ng pagpalakpak. This mansion is fucking amazing!

"Welcome to my house!" pagbati niya matapos akong lingunin.

"What if blackout?" I asked curiously.

Nagtatakang tiningnan niya ako sa biglaan kong tanong.

"What..."

"I mean, paano kung blackout? Paano ka makakapasok sa bahay mo? Yes, it's amazing pero paano nga kung blackout o maputulan kayo ng kuryente?" mahabang pahayag ko.

He looked at me, completely amazed. "What the hell are you talking about?"

Malakas siyang humalakhak, hawak hawak ang tiyan. "You're funny."

"I'm serious!"

He wiped his imaginary tears. "Whatever. But, that's a weird question. Of course, hindi lahat ng nasa mansion na ito ay de-kuryente, we're not that dumb."

"I didn't said you were," mabilis na saad ko.

"Yeah, yeah, whatever. Come with me," he said, raising his hands like he gave up.

I rolled my eyes but still followed him.

Umakyat kami sa second floor at binuksan niya ang isang kwarto. An office, his office.

Lumapit siya sa mesa at binuksan ang drawer. I watched him carefully as he get something from the drawer. I stayed alert.

Malay ko bang baril pala ang huhugutin niya diyan at bigla akong tutukan?

"Oh, here it is!"

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang papel lang pala iyon.

He motioned me to get closer and sit on the chair infront of him. I did what he asked me to do.

"What now?" kunot noong tanong ko.

"Sign this." Linapit niya sa akin ang papel at isang panulat.

What is this? Binaba ko ang tingin ko para suriin ang papel.

Marriage... Contract?!

"What the hell?! Why would I sign this?!" naiinis na tanong ko sa kaniya. Napatayo ako sa inis.

Pinagkrus niya ang dalawang palad niya at linagay ito sa ilalim ng panga niya.

And, damn. He looked hot, can't deny it.

"Read the other paper first," utos niya.

Lumipat naman ang tingin ko sa papel. What does he mean by other paper?

I scanned the thing on my hand and I realized that there were two papers. Kinuha ko iyon at ineksamina.

It's an agreement. I just have to sign the marriage contract and be his wife in paper, act infront of his family and I get the chance to live in his mansion. Parang binibigyan niya ako ng pagkakataon na manatili dito sa Paraiso de la Ferrer pero kailangan kong maging asawa niya.

"This is crazy. You're crazy," saad ko.

He scoffed. "Oh, come on, brat. Alam kong gusto mong pumunta dito but you can't. Because you are not a Ferrer, so I'm making you one. All you have to do is sign that contract and act like a good wife infront of my family. That's all. We can make our agreement and rules later. We're having a dinner later at my parents' place, so, better think fast, brat."

"What?" Gulong gulo na ako. Part of me is saying that I should not accept his offer. Pero, mas nananaig ang kagustuhan kong manatili sa paraiso na ito. Hindi pa ako nakakapaglibot!

"So?" he asked, raising an eyebrow at me. "What's your decision?"

"Let me think! Pwede ba?" naiinis na tanong ko.

"Alright. Just so you know, if you're my wife, I'll give you anything you want. Designer clothes? Bags? A property? A mansion? Name it all. Ang gagawin mo lang ay pirmahan 'yan."

He's tempting me. Alam niyang maluho ako. Napalunok ako.

May kinuha siya sa bulsa niya. "If you're going to be my wife, wear this," saad niya at nilagay sa harap ko ang isang eleganteng singsing.

Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng diamond na nakalagay doon!

"But, if you don't want to, I'd be happy to let the guards drag you out," seryosong pahayag niya.

Huminga ako ng malalim bago kinuha ang ballpen at pinirmahan ang dalawang papel. Here's goes nothing.

Matapos kong pinirmahan iyon ay inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Malawak ang ngiti niya. "Good girl."

I gritted my teeth. Naiinis ako sa ngiti niya!

Inabot niya ang singsing at ang kamay ko. Kinilabutan ako nang magtama ang kamay namin.

Suwabe niyang sinuot sa daliri ko ang eleganteng wedding ring.

"There you go. Welcome to Paraiso de la Ferrer, Mrs. Eletheria Ferrer," nakangising aniya.

"Gross."

He laughed. "Sungit naman ng misis ko."

I covered my ears. "Geez, stop that!"

"Alright. I need to rehearse you para sa dinner mamaya... misis ko," nang-iinis na dagdag niya.

Minasahe ko ang sintido ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Ito talaga ang pinakamalaking problema ng mga maluhong katulad ko, ang daling mauto!

I groaned frustratedly.

"Umalis ako at nagpakalayo layo dahil tinakasan ko ang kasal ko. Then, what? Suddenly, I'm married?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status