Share

CHAPTER 05

[ CHAPTER 05: TWIN SISTER ]

"What?!" malakas na sigaw ko. Agad akong napatayo at nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.

"Niloloko mo ba ako? Please lang, tama na. Quota'ng quota na ako ngayong araw," naiinis na saad ko habang may hindi makapaniwalang ngisi sa labi.

She sighed. "I should've know this would happen. Sorry, hindi ko talaga gustong biglain ka. Please... Hear me out?" parang nagmamamakaawang aniya.

Umiling ako. "No! Get out. Tigilan mo ako."

She swallowed hard before closing her eyes tightly. "Iyong parents mo— natin," pagsisimula niya.

I stopped facing back and forth when she started talking. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Elizabeth Aurelius and Kael Jared Aurelius..."

Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ni Mommy at Daddy.

Nag-angat siya ng tingin at malungkot na ngumiti.

"Liza Aurelius can't bear a child in her womb."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano bang pinagsasabi mo?!" singhal ko.

Pinapalabas niya bang ampon ako?! Huh, imposible! I look like the combination of mommy and daddy's features!

She blinked thrice. "She can't bear a child," pag-uulit niya pa.

"So, ano bang pinapalabas mo?" galit na tanong ko.

"H-hey! Patapusin mo muna ako."

She nibble her lower lip. "Doon pumasok si mama sa buhay nilang mag-asawa. Si mama, ang mama ko."

"And, what does your 'mama' have to do with this?"

I don't like the idea my mind is forming. No... I must be thinking wrong. Daddy won't cheat on my mom! Never.

"They hired mama. Nangangailangan na din kasi ng pera si mama sa mga oras na iyon. The couple was looking for a, uhm... surrogate mother for their child," marahang pahayag niya na nagpakunot sa noo ko.

What the...

"E-excuse me? Did I hear it wrong? Surrogate... mother?" pag-uulit ko.

She looked straight to my eyes. I can see sadness and pain in the void space in her eyes.

Tumango siya. "Oo... Surrogate mother. Niloko sila ni mama," pikit matang pagbubunyag niya.

Unti unti akong napaupo ulit. It's like she's at the edge of breaking down but she's pretending to be strong in front of me.

"I'm sorry. Si mama kasi..."

Hindi niya na natapos ang sinabi niya nang bigla na lang siyang yumuko at tinakpan ang mukha niya gamit ang mga palad niya bago humagulgol ng iyak.

Shit.

Lumapit ako sa kaniya, hindi malaman kung anong gagawin. I never comforted someone in my entire existence.

For some reason, I want to cry to. Gano'n kalakas ang hatak niya.

"H-hey..." I tapped her shoulder lightly.

"S-sorry," humihikbing pahayag niya.

She cleared her throat but her voice was still groggy. "Itinakbo niya tayo pati iyong p-pera... Pero ang sabi ni mama ay n-nakonsensya siya kaya nang ipinanganak na tayo, iniwan ka niya sa guardhouse ng mansion ng mga Aurelius," she continued.

My heart started breaking. Mas lalong nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang nagsalita siya ulit kahit na umiiyak siya. She's choking in her own words but she didn't mind it.

"N-nawalan din kasi ng anak si mama... at sinisi niya ang mga Aurelius."

"But, why?" I trailed, trying to maintain my posture.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang umaagos sa mata niya.

"I don't know. Hindi niya sinasabi sa akin," she sobbed.

"She applied as our surrogate mother and planned everything. Gusto niyang iparamdam sa kanila kung gaano kasakit mawalan ng anak."

Tumingala ako para pigilan ang iba pang nagbabadyang luha.

"Months after she gave birth to us, she visited the Aurelius mansion secretly... Nakita niya kung gaano kamiserable ang dalawang mag-asawa. They never knew that they had twins. Pinigilan ni mama iyong guilt na nararamdaman niya pero nang maalala niya kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya nang mawalan siya ng anak, she gave in," she uttered while looking at me.

"S-she said she don't want any mother to experience that pain. Pero, nadala siya ng galit niya. K-kaya naisipan niyang ibalik tayo..."

Tumigil siya saglit at biglang humagulgol. I don't know what to say. This is too much for me. This is fucking hurting me!

"Pero, ayaw niya nang mapag-isa pa ulit... Pumili siya ng isang ibabalik, and that's you." Nginitian niya ako. A sad one and it fucking hurt like hell seeing her smile like that.

Umiling ako. Not sure if I can't take another information. I'll probably break down. Ayaw kong mangyari iyon.

I closed my eyes tightly. I felt her warm hand on my cheeks. Pinunasan niya ang luha ko. "I'm very thankful that it was you..."

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung ikaw ang nasa posisyon ko," malungkot na saad niya.

I opened my eyes. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga hikbing kanina pa gustong kumawala.

"Lagi kang kinukwento sa akin ni mama. Siguro ay hindi mo siya kilala sa mga oras na 'yon dahil masyado pa tayong bata. But, she applied as a teacher on your school noong elementary pa tayo."

I was confused. "What?" kunot noong tanong ko.

"Hiraya Vergara. Does that ring a bell?" mahinang tanong niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinalungkat sa utak ko ang pangalan na iyon.

Hiraya Vergara...

"Hi, Eletheria! Pwede bang Ely na lang ang itawag namin sayo?" she asked sweetly.

Nag-isip muna ako kunwari bago bibong tumango.

"Alright, class. Say hi to Ely! Be friendly, okay?"

Nagmulat ako ng mata. Hiraya Vergara. Naalala ko na. She was my teacher since first to forth grade. Lagi siyang absent tuwing may meeting with parents. She was so good to me. Lagi ko din siyang nahuhuling nakatitig sa akin.

"Hiraya Vergara. That's her real name. She used a fake name when she applied as a surrogate mother. Naalala mo bang lagi siyang wala tuwing may parent-teacher meeting? Natatakot siyang makita ang mag-asawang niloko niya kahit na malaki na ang pagbabago sa mukha't katawan niya."

This is too much for me to handle...

"T-tama na, please. Para na akong sasabog!" I exclaimed.

"I'm sorry. But, can you do me a favor? Please. Alam kong malaki ang naging kasalanan ni mama sa mga Aurelius, pero... may sakit si mama. She's barely breathing and she... s-she wants to see you," mahinang bulong niya sa huling pangungusap.

I swallow the lump in my throat. "No," matigas na ani ko.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. "E-ely..."

Tumayo na ako at tinalikuran ko siya. "Ely, please. I'll do everything. Gusto ka lang talagang makita ni mama," naiiyak na pakiusap niya.

But I already closed my heart. Why would I go see someone who almost ruined our family? Mali pala, sinira niya na ang pamilya ko nang kinuha niya si Hiraeth.

I scoffed. She even have the audacity to pretend as my teacher? What the hell?

"Ely, please? Pakinggan mo iyong side niya. Gagawin ko kahit anong gusto mo in exchange."

Nilingon ko siya. "Anything?" paninigurado ko.

She look at me with hope filled in her eyes. Ilang beses siyang tumango. "Anything."

I wiped my tears. "Okay, then."

"Talaga?!" hindi makapaniwalang singhal niya.

I just nodded at her. "Lalabas ako. Don't follow me," ani ko habang nakatingin sa kaniya.

She nodded. "Okay."

Tinalikuran ko na siya at lumabas na ako ng tuluyan. Shit, feeling ko ang lagkit lagkit ko na.

I wasn't able to take a shower!

Hindi ako umalis ng hotel. Nagpaikot ikot lang ako habang lumilipad sa ibang bagay ang isip ko. Umuulan pa din kaya wala akong ibang magagawa.

Nang maramdaman ko ang pangangalay ng paa ko ay napagdesisyunan ko nang bumalik. I walked towards the elevator and blew a sigh of relief when I noticed that no one was in there aside from me.

Much better.

Tiningnan ko ang reflection ko sa pinto ng elevator. I look so... disgusting. Paiwasan ako mula sa jogging kanina. Sira ang leggings ko dahil sa kotseng muntik nang makapatay sa akin. Namumula ang ilong ko dahil sa pag-ingay. Namamaga din ng kaunti ang mga mata ko.

I combed my hear using my fingers. At least, in that way, hindi ako magmukhang bruha.

I sighed when the elevator reached the fifth floor. Finally. Gusto ko na talagang maligo.

Binuksan ko ang pinto pagkarating ko sa tapat ng room namin. I'm still confused about everything. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na mag-walkout. Maybe, that's where I'm good at? Walking out.

Like what I did with daddy.

Hinanap ng mata ko si Hiraeth Vergara. I found her laying down in her bed.

Pasimple ko siyang sinilip. I confirmed that she indeed asleep.

Bumuntong hininga ako at kinumutan siya. It's cold due to the air-conditioned room and rain.

I went to my shopping bags at naghalungkat ng masusuot.

I settled when I found a pair of silk pajamas. Dumiretso na ako sa banyo at in-adjust ang temperature ng tubig.

I took a quick shower instead na magbabad sa bathtub dahil inaantok na talaga ako.

I was combing my hair with my fingers as I went out of the bathroom. Natapos ko na itong i-blow dry pero tinatamad akong gumamit ng suklay.

Hiraeth moved a bit and I stopped on my tracks. Akala ko ay nagising na siya pero hindi pa pala. She just moved to adjust the comforter.

I sighed and walked towards my bed. Pumunta ako sa ilalim ng makapal na kumot. Napapikit ako sa lambot ng kama at sa init na hinahatid ng kumot.

A lot had happened today. It's so draining as hell. Ang daming kong nalaman. Now, I just want to sleep.

Pinikit ko na ang mata ko sa sobrang antok pero hindi ko aakalain na sa pagtulog ko ay ang pagbalik ng mga alaala ko sa nakaraan. Every interactions with Hiraya Vergara, our surrogate mother.

———

"Hi, Ely! Bakit mag-isa ka lang diyan?" marahan na tanong ni Hiraya, ang teacher ni Ely.

I hate her! She's so persistent. Saad ni Ely sa kaniyang isipan.

"I don't want to be with them. I don't like them. I don't like you, either!" naiinis na pahayag ng bata.

Lumulubo pa ang pisngi niya na ikinangiti ng ginang. Lagi kasing nakahiwalay si Eletheria sa ibang mga bata dahil hindi niya daw kasundo ang mga ito.

Hiraya thought that Ely was being bullied. Pero, hindi. Ani pa ng mga bata ay sobrang taray at arte niya daw kaya napakahirap pakisamahan.

"Ely... Magiging malungkot ang buong school year mo kung hindi mo susubukang makipag-kaibigan. Ayaw mo ba talaga? Gusto mo ba 'yon? Mag-isa ka lang?" pabirong pananakot niya sa bata pero hindi siya kinibo nito.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain niya ng lunch na ginawa mismo ng mommy niya.

"Ely, just try. Wala namang mawawala," Teacher Hiraya said sweetly, smiling at her.

Agad naman niyang nilingon ang ginang. "If it won't work out, I'll lose them! Hindi ko kailangan ng friends."

"Po," pahabol niya pa dahil pakiramdam niya ay naging bastos siya. Kahit saang anggulo tingnan ay mas matanda pa din ito sa kaniya at kailangang igalang kahit na naiinis na siya.

Umupo sa tabi niya ang ginang. "Alam mo, Ely, may anak din ako. Sigurado akong magkakasundo kayo."

She pinched her cheeks lightly that made her pout. "You have a daughter? You look young!" ungot ng bata.

Hiraya chuckled. "Really? I'm so flattered!"

Hiraya can't stop staring at Ely. She looks so beautiful. Her hair was long and wavy, unlike Hiraeth...

Mukha din siyang malusog at napakalinis tingnan.

'Kung hindi ko kaya kinuha si Hiraeth, ganito din ba siya kalusog? Ganito din ba siya kalinis? Siguro ay hindi siya kukutyain ng mga ibang bata dahil wala siyang tatay at walang kwenta ang nanay niya,' naisip ni Hiraya habang nakangiti ng malungkot sa bata.

She's regretting everything, again. The guilt is starting to eat her, again. Matagal niya nang ibinaon lahat ng iyon pero habang patagal ng patagal, nasasaktan siya tuwing nakikita si Hiraeth na hindi masyadong naaalagan sa puder niya.

She was consumed by anger. She didn't meant to separate her beloved Hiraeth from her family, from her twin sister.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status