Era’s POV Maingat na inilapag ko muna ang pugad na may itlog ng ibon sa ibabaw ng aking kama katabi ang pung-pung ng bulaklak. Naligo muna ako at nagbihis bago ako bumaba sa kusina habang hawak sa dalawa kong mga kamay ang pugad kasama ang bulaklak. Muli ay nakita ko ang tatlong pinagkakaguluhan ang hawak na cellphone ni Kuya Renz. “Good morning!” bati ko sa kanila upang kunin ang kanilang atensyon. “Ahay! Good morning ma’am!” Heto na naman yung weird nilang mga kilos. Nagdududa na talaga ako sa tatlong ito. “Kayo ba’y may tinatago sa akin, ha?” tanong ko sa kanila. “Wala!” sabay-sabay nilang sagot. Isa-isa ko silang pinakatitigan ngunit umiiwas itong makasalubong ang mga mata ko. Nang tingnan ko si Ate Luz ay kay bilis nitong tinaas ang isang kamay at sinipat-sipat ang kuku. “Ang dumi na pala ng kuku need ko ng magpa-manicure,” biglang saad nito. Nang ilipat ko ang tingin kay Kuya Renz ay napatingala naman ito sa kisame. “Pati yung kisame, kailangan na rin linisin,” saad naman
Nicco’s POV Muli ay malakas kong hinampas ng aking palad ang pintuan niya, napapikit ito takot. “S-orry! I’-m s-o s-orry N-icco.” naluha ito at nanginginig sa takot. Naikuyom ko ang kamao, labis ang pagpipigil ko sa sariling wag siyang tamaan. Nanggagalaiti yung loob ko sa galit na nararamdaman sa kanya. Nais kong ipadama sa kanya yung sakit na pinagdaraanan ko lalo na ng asawa ko dahil sa pagkamakasarili niya. Gigil na muling hinampas ko ang pintuan bago ko siya tinalikuran at iwan. Narinig ko ang malakas niyang paghikbi ngunit kahit konti ay hindi ako nakadama ng awa sa kanya. Kay laki ng mga hakbang kong tinungo ang elevator ngunit bago ko pa man ito marating ay napahinto ako ng biglang hawakan niya ang isa kong braso. Napalingon ako sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay kong mariin siyang tinitigan habang nakaluhod sa harapan ko. “I’-m sorry! P-atawarin mo ko. ‘D-i ko na uulitin, patawarin mo lang ako. Wag mo kong ipakulong please, masisira ang imahe at ang karera ko na ka
Era’s POV Hindi iniwan ng mga mata ko ang kanyang mukha habang kinukumbinsi niya ang mga magulang kong paniwalaan siya lalo na ang Daddy Mel ko. Kung sinceridad man ang pagbabasehan, sobrang dama ko ang bawat katagang binitawan niya, lalo ng titigan niya ko ng mariin sa mga mata habang sinasabing mahal niya ko. Sobrang damang-dama ko ang saloobin ng puso niya na dumirekta sa puso ko. Ni ‘di ko namalayan ang paglandas ng luha sa mga pisngi ko habang tinititigan at pinapakinggan ang mga sinasaad niya. Kinagat ko ang pangibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng hikbi sa mga labi ko. Sobrang nahiya ako sa sarili na pinagdudahan ko ang pagmamahal niya para sa’kin. “Sana hayaan niyo po akong alagaan siya. Hayaan niyo kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko at mapunan ang mga mga araw na wala ako sa tabi niya at ang mga pagkukulang ko. Hayaan niyo po sana akong gawin lahat upang maibalik ang tiwalang nawala niya para sa akin,” saglit na napayuko ito at mabilis na pinunasan ang pumatak n
Era’s POVHindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi. Pakiramdam ko kakapikit ko lang ng muling magising ako. Nakatagilid akong nakahiga sa kama, nakapwesto ako sa edge nito, balut na balut ng kumot ang katawan ko. Tamad na tinaas ko ang isang kamay at kinapa ang cellphone sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kamang hinihigaan ko at nang makapa ng kamay ko’y kinuha ko ito upang tingnan kung anong oras na. Mag-aalas sies pa lang ng umaga. Kaya pala ang bigat ng ulo ko at ng mga talukap ko. Kay aga kong nagising. Simula ng magbuntis ako ay around nine to ten na ko gumigising sa umaga kahit pa maaga akong natutulog. Nakakatamad gumising ng maaga kahit pa wala akong ginagawa sa buong araw. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko. Gusto ko na lamang lumihata sa kama buong araw pero ngayon nakakapanibago. Tila nananabik akong magising. Tila may gustong masilayan ang mga mata ko. Nanabik ang puso ko. Siguro dahil alam kong nandito siya. Hindi ako sigurado kung sumunod ba siya sa utos ng Dad
Nakatambay muli ako sa terrasa upang makalanghap ng sariwang hangin. Muli’y nagbabasa ako ng Guide to a healthy pregnancy ng maagaw ang atensyon ko sa ibaba ng terasa. Unti-unti ko ibinaba ang hawak na libro habang labi ko. Dahan-dahan akong dumungaw sa ibabaw ng terasa upang tanawin ang taong nakatayo habang pinapanood si Kuya Renz kung paano magsibak ng kahoy. Kay raming kahoy na pinakuha si Daddy sa kung saan na ngayo’y nakahelera at nakapatong sa isa’t-isa bilang sunod na pagsubok ni Nicco.. Naaawa na nga ako ng malaman kong tatlong higanteng drum ang pinag-igib ni Nicco mula sa deepwell ilang metro ang layo mula sa bahay namin na kahit abundant naman kami sa tubig. May-ari nga kami ng number one water refilling station sa bansa, ang Lardizabal Crystal Water na may mahigit isang daang branches na sa buong Pilipinas. Kahit putulan man kami o mawalan ng tubig sa mansion, our branches can deliver tons of bottled water for us. Grabe talaga ang galit at sama ng loob ni Daddy kay Nicc
Era’s POV“Tangina sakit ng balakang ko.” Inalalayan namin ni Nicco si Kuya Renz tumayo at pinaupo sa stool na pinatungan niya kanina.Nakonsensya ako at naawa kay Kuya Renz. I was just kidding about the Hyena, ‘di ko naman kasi alam na ganun maging reaksyon at mangyari sa kanya, napurohan pa tuloy. Naaawa ako pero tangina, sobra ang pagpipigil ko sa sariling wag bumunghalit ng tawa. “Sorry talaga Kuya Renz, joke lang po yung Hyena Kuya. Beef asado po gusto ko.” Nangingiting saad ko kay Kuya Renz. Binawi ko na at baka totohanin niyang mag-hanap talaga ng Hyena na ilaman sa siopao ko. “Hay! Salamat naman!” Tila nabunutan ito ng tinik sa narinig mula sa akin. “Sure na yan ma’am? Wala na yang pa twist?” paninigurado niya. “It’s not a vird! It’s not a fleyn! It’s Renz! Umay Gad! Renz! Are you oki? How is your skydaybing?” ‘Di ko na napigilan humagalpak ng tawa ng sumingit si Ate Luz, maging si Nicco, si Sel at ang iba pang kasama namin sa kusina. Walang hiya tong si Ate Luz, kita nang
“By the way, how was Sam and our baby?” tanong ko sa kanya. Kakatapos ko lang linisin ang sugat niya at lagyan ito ng benda.“Emmanuelle is doing great!” Masiglang saad niya. Bakas ang saya at excitement sa mga mata niya. “Nagdagdag ng dalawa pang nurse si Daddy to take good care of Samantha and so she intake only healthy foods.” “If you get a chance, can you at least whisper to Emmanuelle how much I love her? Gustuhin ko mang makita siya pero natatakot akong baka ikasama ng loob ni Samantha ang makita ako at baka mapano pa ang anak natin.”“Don’t worry, sweetheart. I will bring you a photo of Emmanuelle, tomorrow. I have her 3D photo and she’s so adorable, just like you.”“Talaga?” Tumango-tango siya sa akin.“Yes, sweetheart. Sana kung pwede lang hilahin yung araw para lumabas na siya upang makapiling nating dalawa.”“Oo nga eh.”“And ofcourse our twin. I’ll be a father of three in an instant! Ang saya, nun tapos kapiling ka pa mas masaya yun.” Ngumiti lamang ako sa kanya. “What
Nicco’s POV“Did I hear it right? Manganganak na si Sam?” Bakas ang pag-alala sa mga mata ng asawa ko. When I turned to face them again ay nakatayo na ito at nakahakbang palapit sa akin. Maging ang mga magulang niya’y huminto sa pagkain at nagsitayuan at katulad naming mag-asawa bakas ang pag-alala sa kani-kanilang mga mukha para sa panganay na apo.“That’s what Nurse Jennifer told me. She is Samantha’s new nurse by the way.” Kinakabahan ako para sa anak namin. “She can’t be. Baka mapano anak natin, Niccolai.” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi ng maramdaman ko ang takot niya. “Don’t stress yourself, okay? Buntis ka rin at dalawa pa sila sa tummy mo. She’ll be alright baka contraction lang. Wala naman sinabing komplikasyon si Samanthan noong huling bisita namin sa doctor niya. The doctor also told us that the baby was healthy kaya wag masyadong mag-alala. Pupuntahan ko siya and report to you right away, okay.”“Sama ako-”“If only you are not pregnant, I a