Stranger's Promises:A Contract

Stranger's Promises:A Contract

last updateLast Updated : 2024-07-18
By:   Tazze Katha  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
22Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Si Celina R. Davantes ang susunod na tagapamahala ng kanilang kompanya. Masaya siya sa buhay niya ngunit magtatapos pala lahat ng masasayang araw niya, hiniwalayan siya ng kanyang ex na si Renz Fillamore sa hindi maayos na dahilan. Ilang araw siyang nagmukmok sa kan'yang kwarto at hindi nagsalita sa kung sinumang tao. Isang araw, dinala siya ng kan'yang mga paa sa tabing dagat. Tanghali na no'n ngunit paikot-ikot lang siya hanggang sa maisipan niyang maglakwatsa. Doon niya nakilala si Darwin, isang weirdong estranghero. Sinabi nitong matutulungan siya nito sa mga problema niya. Ilang araw matapos nilang magkita ay may naisip na ideya si Celina. Ang planong akitin si Renz para muli itong bumalik sa piling niya. At muling nagkita ang dalawa, at bumuo ng alyansa. Isang kontrata ang nagawa. Ngunit habang umuusad ang plano ay madaming bagay ang napagtanto ni Celina. Makukuha kaya ni Celina ang huling halakhak o uuwing luhaan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Celina's Point of View Ang pagmamahal niya sa akin ay handa na n'yang bawiin at muling ialay sa iba. Iyon ang tanging bagay na naisip ko nang mga oras na humarap siya para tapusin na ang namamagitan sa amin. Sa ilang taon namin na magkasama, wala akong mahanap na butas para maging dahilan upang iwan niya ako. Kampante ako kasi alam ko, 'mahal' niya ako. Lalamya-lamya akong naupo sa lilim ng isang puno habang pinapanood ang kumikinang na tubig sa dagat. Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod kahit na hindi naman gano'n kalayo ang aking nalalakad. Kitang-kita ang pagmamadali ng iba sa paglalakad dahil sa tindi ng init na dumadaampi sa balat ngunit hindi ko iyon maramdaman. Agad akong nagbaling ng tingin sa ibang direksiyon dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha dahil sa alaalang patuloy umiikot sa aking isipan. Tila ba, wala itong planong lubayan ako. "Alam kong wala kang balak na paniwalaan ang mga sinasabi ko,...

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
22 Chapters
Chapter 1
  Celina's Point of View   Ang pagmamahal niya sa akin ay handa na n'yang bawiin at muling ialay sa iba. Iyon ang tanging bagay na naisip ko nang mga oras na humarap siya para tapusin na ang namamagitan sa amin. Sa ilang taon namin na magkasama, wala akong mahanap na butas para maging dahilan upang iwan niya ako. Kampante ako kasi alam ko, 'mahal' niya ako. Lalamya-lamya akong naupo sa lilim ng isang puno habang pinapanood ang kumikinang na tubig sa dagat. Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod kahit na hindi naman gano'n kalayo ang aking nalalakad. Kitang-kita ang pagmamadali ng iba sa paglalakad dahil sa tindi ng init na dumadaampi sa balat ngunit hindi ko iyon maramdaman. Agad akong nagbaling ng tingin sa ibang direksiyon dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha dahil sa alaalang patuloy umiikot sa aking isipan. Tila ba, wala itong planong lubayan ako. "Alam kong wala kang balak na paniwalaan ang mga sinasabi ko,
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 2
  Celina's Point of View May mga bagay na nabigo nating protektahan, katulad ng taong hindi natin inaakalang bigla na lang tayong iiwan. "Ah! Bakit ba nakalimutan kong itanong ang pangalan niya?" inis kong sambit. Nasasabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis at panghihinayang. Wala akong maisipan kun'di mag-imbento ng pangalan na babagay sa estrangherong 'yon. Masyado yata akong naging kampante na kausapin siya kaya hindi ko man lang namalayan na hindi ko alam ang pangalan niya samantalang kung titingan ay masyado ko na siyang inabala dahil sa sandamakmak kong inipong problema.  Nagawa kong bumalik sa trabaho ngayong araw. Kung ikukumpara kahapon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ngunit parang bigla na namang bumigat ang aking pakiramdam habang hawak ko ang mga nag-ipong gawain sa aking office. Tatlong araw lang naman akong nawala ngunit hindi ko na makita pa ang magandang view sa bintana. Halos manigas ako sa kinatatayuan k
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 3
Celina's Point of View Halos mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nung araw na humingi ako ng favor kay Mia. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil na mamangha sa tuwing titingnan ko ang post na ginawa niya. Hindi ko inaasahan na aani iyon ng atensiyon, comments at shares na talagang ikinatawa ko na lang.  A ngayon, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa dinami-dami ng nag-apply halos iilan lang ang pumasa sa hinahanap ko at ngayon, nagsasagawa kami ng meet-up at huling interview para malaman ko kung sila nga ang hinahanap ko.  Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na namamayani sa loob ko. Sa tuwing nai-imagine ko na makikita ko ulit siya ay tumataas ang mga balahibo ko sa katawan. Bilang venue, pinili ko na lang na isagawa ang event sa isang private villa sa labas ng siyudad na isa na sa mga pagmamay-ari ko. Malayo iyon sa kabahayan, para makaiwas sa mga kumakalat na balita na maaaring makasira sa iniingatang pangalan ng kom
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 4: Part 1
Celina's Point of View Iminulat ko ang aking mata ngunit nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Walang liwanag o ingay ang maririnig, ngunit ramdam ko na para akong nakalutang sa hangin. "Celina, ayos ka lang ba?" Iyon ang katagang paulit-ulit kong napapakinggan sa aking isipan. Nakikita ko ang aking sarili na nakakulong sa loob ng salamin habang pilit na sumisigaw. Bigla akong nahulog sa sahig na yari sa mahunang salamin at unti-unting lumulubog sa mas malalim na parte ng walang hanggang kadiliman. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa paglalim ng pagkahulog ay mas lalo akong nahihirapang huminga.  "Celina?!" Isang tawag ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa aking d****b dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang?" dagdag niya. Hinawi niya ang kurtina kaya mabilis na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa buong kwarto at ipinapakita ang ganda ng langit ngayong araw. Namataan ko si Mia na nakatayo na sa tabi ko. Hal
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more
Chapter 4: Part 2
Celina's Point of View Napakasimpleng tao lang ni Darwin. Makikita mo iyon sa kan'yang pananamit, itsura, pag-uugali at galaw. Wala kang makikitang kakaiba sa kan'ya maliban sa paraan niya ng pagsasalita at matatamis na ngiti. Siya 'yung tipo ng lalaki na parang nakikisabay lang sa uso. Katulad siya ng karaniwang lalaki na matatagpuan mo kung saan, makinis ang mukha ngunit hindi mo masasabing sagana sa iba't-ibang produktong pampaganda. Magaling siya pagdating sa pagpili ng masusuot. May pagkakaparehas sila.  Nakasuot siya ng white shirt na inibabawan ng light blue polo na hanggang d****b lang ang pakakabutones. Tinernuhan niya ito ng black jeans at puting sapatos na katulad ng kulay ng sling bag niyang dala. Minabuti kong pag-suotin muna siya ng casual at ipakilala bilang kaibigan ng kaibigan ko at balak mag-apply bilang aking secretary. Nabalik sa daan ang aking paningin nang bigla siyang nagsalita. "As expected sa kompanyang ta
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more
Chapter 5: Part 1
Celina's Point of View Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata. "I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya. Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan. Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo. "Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more
Chapter 5: Part 2
Celina's Point of View  Napalingon ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga matang nakatingin. Ang iba pa ay nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa unang araw ng pagsasagawa ng plano. Halos magkakalahating oras na kaming nandito, at kalahating oras na rin akong nagtitiis sa mga bulungan at tingin ng lahat. Para kaming show na kasalukuyang inaaliw sila habang kumakain. "What are you doing?" prangka kong bulong kay Darwin ngunit sumandal lang ito sa upuan at nginitian ako.  "Ginagawa ang trabaho ko," sabay turo sa direksiyon nila Renz, 'di kalayuan sa table na iinuupuan namin. Abala sila sa pagkain at hindi man lang kami binigyan ng atensiyon. "Oo nga naman," maikli kong sagot. Nakakainis! Alam kong mangyayari ang bagay na 'to ngunit nage-expect pa rin ako na magwo-walk out sila palabas sa oras na makita nila kami. "Say ah!" Nabalik muli kay Darwin ang tingin ko. Sadya niyang nilaksan ang
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more
Chapter 6: Part 1
Celina's Point of View Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kisame at pilit inaalala ang buong detalye ng mga nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako dahil sa pagkadismaya, hindi  kasi gano'n kalinaw ang lahat sa aking isipan. Natatandaan ko ang kahihiyang natamo ko sa loob ng mall, at ang paglapit ni Renz habang inaantay ko si Darwin sa parking lot at nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa pagitan nila ngunit matapos akong isakay ni Darwin sa kotse ay wala na akong magaanong maalala. Napagpasyahan kong bumangon na para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Malakas na laguslos at malamig na tubig ang gumising sa aking natutulog na diwa. Saglit akong napatulala sa repleksiyon ko sa salamin, at kapansin-pansin ang lumalaking itim na balat sa baba ng aking mata. Para akong pagod na pagod sa itsura ko. Muli akong napabuntong hininga at minabuting bumalik na sa ginagawa ko. "It's not you Celina," bulong ko sa aking sarili at saka lumabas sa CR. "You
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 6: Part 2
Darwin's Point of View Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni  Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo? Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit.  Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema. "Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 7: Part 1
   Celina's Point of View Napangiti ako ng malapad nang makita kong papalapit sa'kin si Darwin. Suot na niya ang kulay asul na jacket na may maliit na bear sa kaliwang bahagi bilang design. 'Di maipagkakaila na nangingibabaw siya sa iba pang taong nagdaraan dahil sa suot at itsura niya.  Itinaas ko ang aking hinlalaki para sabihing bagay na bagay sa kan'ya ang jacket, at nasuklian naman iyon ng isang munting ngiti. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan, maski ang kwento ng kan'yang buhay. Ngunit sa tuwing ngumingiti siya, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. "Bagay sa'yo," saad ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Tumango naman siya  kaya napatawa na lang ako. Sa tingin ko, dapat hindi ko na lang sinabi ang bagay na 'yon dahil parang matagal na niya iyong alam. "Isa lang ang dahilan kung bakit, iyon ay dahil mula 'to sa'yo!" pagmamalaki niyang bigkas sa'kin, na para bang kaming dalawa lang ang nandito.
last updateLast Updated : 2021-08-05
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status