Chapter: Chapter 18Celina's Point of ViewBiglang napaatras ang lalaking nakahawak sa akin kaya tinanggal ko ang aking braso sa kamay niya at sinampal siya nang malakas. "How dare you!" Ramdam ko ang pagpintig ng kamay at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ito nakapalag nang marahas siyang hinawakan ni Renz hanggang sa dumating ang ilang staff para awatin sila."I'll be back," seryosong pagkakasabi ni Renz na ikinataas ng balahibo ko. Ang nagawa ko lang ay ang tumango at tingnan sila paalis."Miss, this way po." Napatingin ako sa babaeng staff na nakasuot ng dilaw na polo at maong pants. Nag-aalala niya akong tiningnan kaya slight akong ngumiti. Pinulot ko ang can ng beer na nabitawan ko kanina at sinundan siya papunta sa isang booth kung saan matatanaw ko rin si Renz na masinsinang kinakausap ang mga staff sa maliit na building. Napatitig na lang ako sa direksiyon niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang po ba?" saad niya habang nag-aalala akong inalalayan. Hindi ako kumibo at tumitig lang kay Renz
Last Updated: 2024-07-18
Chapter: Chapter 17Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan
Last Updated: 2023-04-01
Chapter: Chapter 16Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,
Last Updated: 2023-04-01
Chapter: Chapter 15Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya? Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko. Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-
Last Updated: 2022-02-10
Chapter: Chapter 14Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz.Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit."Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo
Last Updated: 2022-02-06
Chapter: Chapter 13Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.
Last Updated: 2022-02-05