Share

Chapter 2

Author: Tazze Katha
last update Last Updated: 2021-06-15 07:20:51

Celina's Point of View

May mga bagay na nabigo nating protektahan, katulad ng taong hindi natin inaakalang bigla na lang tayong iiwan.

"Ah! Bakit ba nakalimutan kong itanong ang pangalan niya?" inis kong sambit. Nasasabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis at panghihinayang. Wala akong maisipan kun'di mag-imbento ng pangalan na babagay sa estrangherong 'yon. Masyado yata akong naging kampante na kausapin siya kaya hindi ko man lang namalayan na hindi ko alam ang pangalan niya samantalang kung titingan ay masyado ko na siyang inabala dahil sa sandamakmak kong inipong problema. 

Nagawa kong bumalik sa trabaho ngayong araw. Kung ikukumpara kahapon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ngunit parang bigla na namang bumigat ang aking pakiramdam habang hawak ko ang mga nag-ipong gawain sa aking office. Tatlong araw lang naman akong nawala ngunit hindi ko na makita pa ang magandang view sa bintana. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko, dahil iyon na agad ang bumungad sa akin kanina.

Napabuntong hininga ako at napagpasyahang magpahinga muna. Napatayo ako mula sa swivel chair papunta sa mini living room, ilang hakbang lang ang layo sa desk ko at doon ginugol ang oras para pag-isipan ang mga susunod kong gagawin sa buhay ko. Pinag-iisipan ko rin ang ma sinabi niya kahit malabo naman na kaming muling magkita. Hays, maliit lang naman ang mundo kaya okay lang siguro.

Nagpaikot-ikot ako sa sofa hanggang sa may ideya akong naisip. Agad akong lumabas sa office at napagdesisyunang makipagkita kay Mia sa isang restaurant.  Tumakbo ako papunta sa elevator na nasa dulo lang ng hallway ngunit  bago pa ako makarating do'n ay agad na iyong sumara. Napayuko ako at tinungo na lang ang hagdanan pababa.

Nasa 7th floor ang office ko ngunit posibleng bumukas ang elevator sa 6th floor para pasakayin ang mga empleyado doon.  Wala mang kasiguraduhang makakasakay ako roon ngunit agad ko 'yong tinungo. 

"Ma'am, 'wag po kayong tumakbo!" rinig kong sigaw ng janitor na abala sa pagpupunas ng mga railings at mukhang nag-aalala na baka bigla akong madulas o baka nangangamba lang siya na ulitin ang paglilinis nang dahil sa akin. 

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa aking pagbaba. Nakakainis lang dahil sumabay pa sa lunch break ang paglabas ng ideya sa aking isipan. Kailangan ko pa tuloy gumamit ng hagdanan dahil sa dami ng empleyado na bababa para marating ang cafeteria. Kailangan ko ding bilisan dahil limitado lang ang oras na meron ako, baka may traffic pa sa labas.

Sawa na akong humalikipkip lang sa tabi o matulog sa park at doon magbakasakaling makalimot. Oras na para gumawa ako ng paraan para maibsan ang nararamdaman ko!

Napa-ngiti na lang ako at patuloy na tinahak ang hagdan pababa ng isa pang palapag. Parang iyon na kasi ang pinakamagandang ideya na naisip ko sa buong buhay ko.

Agad ko namang narating ang isang elevator na malapit nang magsara kaya agad kong iniharang ang aking braso. Bakas ang gulat sa bawat empleyado na nasa loob ng elevator na hindi ko na lang pinansin. Nakahinga ako ng maayos dahil nagawa kong makasakay. Binati ako ng mga empleyado na sa tingin ko'y mananang-halian na kaya binati ko rin sila ng may malawak na ngiti. 

Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Mia dahil sa tiyansang matulungan niya ako.

"Celina, sa wakas!" masigla niyang bungad at tuluyang humalakhak ng mapagtantong ako nga ang tumawag. Na para bang dekada na ang nakalipas nang huli akong magparamdam. Napasandal ako sa dingding ng elevator at agad na napa-irap dahil sa sinabi niya. Nagkita kami kahapon, at naikwento ko rin sa kan'ya ang nangyari. "Done crying?" dagdag pa niya kaya nagpakawala na lang ako ng buntong hininga. Siya si  Earlmia  Rioflorico, isa sa mga kaibigan ko. Isa siyang animator ng isang 'di gaanong kilalang Animation Company. May pagkagaspang ang ugali niya pero hindi ako nagsisisi na kaibigan ko ang isang tulad niya. 

Wala na akong inaksayang oras at diniretso ko na ang pakay ko.

"Mia, kailangan mo 'kong tulungan," saad ko kasabay ng pag-tunog ng tiyan ng isang tao. Pakuwari ko ay hindi siya kumain ng umagahan. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at umastang walang narinig at gano'n din sila. 

"Wala akong gayuma. Sa iba ka na lang magpatulong," natatawa niyang sagot na ikinairap ko na lang. Kasabay no'n ang pagtunog ng elevator, hudyat na nakarating na kami sa 3rd floor.

Naglabas ako ng pera at agad na iniabot sa isang lalaking empleyado na pilit tumatanggi sa maliit na halagang ibinibigay ko. Nauubos na ang aking oras kaya nilagay ko na lang 'yon sa kan'yang kamay at ngumiti.

"Kumain kayo ng masarap ah!" Kinindatan ko sila na sabay-sabay pang yumuko at nagpasalamat. Agad din silang umalis at nakangiting tinungo ang cafeteria. Ayokong isipin nilang suhol iyon kun'di pagmamagandang loob lang.

Ibinalik ko sa tenga ko ang aking cellphone at narinig ang pagtikhim ni Mia sa kabilang linya. 

Muling sumara ang elevator at ngayon ay nag-iisa na lang ako sa loob.

"Suhol ba 'yon?" natatawang asik niya kaya napatawa na lang din ako. Muling bumukas ang pinto kaya tumalikod na ako at tinahak ang exit. Siguro nga, suhol 'yon para magustuhan nila ako.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Back to the topic, kailangan kita para hanapin ang isang tao," diretsahang sabi ko. Agad siyang natahimik kaya nai-imagine ko ang kan'yang mukha habang nakanganga dahil sa mga ideya ko.

"For what?" tanong niya na parang nalilito sa mga sinasabi ko. Diretso lang akong naglakad sa hallway at ninamnam ang malamig na hangin. Ramdam ko ang kaunting pagka-excite kahit tutulan pa nila iyon.

"Para maging boyfriend ko," diretsahan kong sagot bago ako tuluyang napaatras sa malakas na pagbungo ng isang lalaki sa aking balikat dahilan para mabitawan ko ang aking cell phone. Isa siya sa mga empleyado ng kompanya. 

"WHAT?!" rinig ko pang sigaw ni Mia bago unti-unting bumabagsak ang cell phone ko sa sahig. Tuluyang nabasag ang screen nito at biglang nagblack-out. Napatingin ako sa taong nasa harap ko at akmang sisigawan nang makita ko itong nakayuko sa harap ko. Napatigil ako sa aking kinatatayuan.

"Sorry po Ma'am, hindi ko po sinasadya." Pinulot niya ang sira kong cell phone at saka iniabot sa akin. Patuloy siyang humihingi ng sorry kaya hinawakan ko ang kan'yang balikat  na siyang ikinagitla niya. 

"Okay lang, bibili na lang ako ng bago," mahinahong saad ko. Mabuti na lang at siya ang unang nagsalita sa aming dalawa. Napahinga ako ng malalim at saka kinuha ang cell phone sa kan'ya.

"Kapag cell phone, bumibili agad ng bago. Kapag mga empleyado, delayed ang sweldo?" rinig kong saad niya saka tumingin sa akin at ngumiti. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kan'ya at natulala.

"Anong sinabi mo?" Ngumiti naman siya sa aking harapan na ikinakunot ng noo ko. Hindi kaya gutom lang ako kaya kung ano-ano na ang naririnig ko?

"Sabi ko po, ingat po kayo sa daan niyo para bumili ng cell phone na bago. Sige po ma'am, pasensiya na po talaga. Good day po." Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad ng matulin at iniwan akong nakatulala sa hangin.

Baka nga namali lang ako ng dinig.

Tinitigan ko ang aking cell phone at saka tuluyang nilisan ang building. Dumiretso ako sa pinakamalapit na mall at agad na bumili ng new model at inilipat ang sim doon. Napangiti ako ng malawak nang mahawakan na 'yon.

Dumiretso ako sa isang resto kung saan ko kikitain si Mia na kasama raw si Ara. Agad ko naman silang nakita nang mabuksan ang pinto. Kumaway ako na ikinangiti nila. Nang makaupo ako ay lumapit ang waiter dala ang menu at nakangiti kaming kinausap. Mabuti na lang at hindi gaanong traffic.

"May I take your order, Ma'am?" saad nito. Napatingin ako sa kan'ya na patuloy ang pag-ngiti habang isinusulat ang mga in-o-order ng mga kaibigan ko. Morena, may katangkaran, maganda ang hugis ng katawan at saka straight hair. Hindi ko alam kung bakit nakuha niya ang atensiyon ko ngunit parang may nakita na akong kamukha niya. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Celina?" Nabalik ako sa realidad ng mapansin na ako na pala ang tinatanong niya. Natawa pa ito ngunit agad ding umayos ng tayo.

"Ah, small hawaiin pizza na lang sa'kin saka water." Tumango naman siya at saka bumalik sa counter.

"Sa tingin n'yo ba may kamukha siya?" Nagtinginan naman sila sa akin ng may pagtataka at umiling din pagkalipas. 

Tumango naman ako at pilit na iniisip kung nakita ko na ba s'ya. Ilang minuto rin kaming tahimik bago tuluyang s-in-erve ang foods na in-order namin. Steak para kay Mia at salad naman para kay Ara.

"Enjoy your meal." Ngumiti kami sa kan'ya at nagpasalamat.

Tinitigan ko ang pagkain sa mesa saka ibinaling sa mga kaibigan kong napakaseryoso sa pagkain.

"Tungkol sa sinabi ko kanina..." Tinitigan ko ang mga mata nila at binabasa kung anong iniisip nila. "I'm serious, so please help me." Bigla silang nabulunan kaya pasya silang inuman ng tubig at pukpok sa kanilang d****b.

"Are you out of your mind?" naguguluhang tanong ni Ara. Siya si Ara Kim S. Roquesa, isa siyang nurse. Palagi siyang ganito, masyadong strikto pagdating sa mga ideyang hindi masyadong pinag-isipan. Pero, desidido na talaga ako.

"Oo, Ara. Baliw na 'ata ako, desperada." Kinuha ko ang isang slice ng pizza at isinubo.

"No, hindi kita papayagang lamunin niyang pagkadesperada mo. Baka mas lalo ka lang masaktan." Tumawa ako sa sinabi niya. Hindi pa ba ako nasasaktan ngayon? Pinagpalit lang naman ako at gusto ko lang siyang bawiin mula sa babaeng 'yon.

"So, anong magagawa ko para matulungan ka?" Napatingin ako kay Mia na nakasandal na ngayon at tapos nang kainin ang steak. Nakaisang kagat pa lang ako ah.

"Hanapin mo siya para sa 'kin," Tumaas ang kan'yang kilay sa sinabi ko.

"Sinong siya? Anong pangalan?" Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa hindi ko rin alam ang pangalan niya.

"I don't know either," nahihiya kong tugon habang patuloy sa pag-nguya ng pizza.

"Seryoso ka? Gusto mong ituloy ang plano pero 'di mo alam kung sino ang taong gusto mong hanapin? Don't tell me, 'yung stranger ang tinutukoy mo." Napakamot na lang ako sa ulo. Kaya nga humihingi ako ng favor kasi hindi ko siya mahanap dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Napatango na lang rin ako sa mga sinabi ni Mia.

"Yung appearance niya lang alam ko e. Magaling ka namang mag-drawing kaya sige na," pamimilit ko sa kan'ya. Napailing-iling na lang siya at tumango. Sininalaysay ko sa kan'ya ang itsurang nakita ko ng gabing 'yon na siya naman niyang ini-sketch. Nang matapos ay agad niyang pinakita ang larawan ng iginuhit niya. Natawa pa siya dahil hindi niya rin magawa ng specific ang parte sa may mata kung saan natatabunan ng buhok.

"Don't worry, mahahanap din 'yan ni Mia." Tumango naman ako sinabi ni Ara habang patuloy lang sa paglasap ng gulay niya sa plato na tila wala siyang kinalaman sa mga nangyayari.

May tiwala ako sa kan'ya. Agad nitong kinuha ang phone at saka gumawa ng kung anong bagay mula doon. Ilang minuto din ang nakalipas bago niya iharap sa akin ang phone na naka- log in sa isang dummy account. Binasa ko ang post mula sa timeline nito na agad inani ng sunod-sunod na reacts and comment. Sikat ang page niya, sa tingin ko ay doon niya prino-promote ang kanilang animation.

'If you are qualified with the given characteristics, please direct message me for more information. Magbibigay kami ng trabaho na may malaking sahod, thanks!'

Napanganga na lang ako dahil sa ginawa niya. Is it for real? Napapahid na lang ako ng tutulong luha dahil sa saya. Agad akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit. Sana makita niya ang post na 'to.

"For your happiness," sambit niya saka niyakap ako pabalik. Napatingin naman kami kay Ara na padabog na kumakain. 

Alam kong tutulungan nila ako sa aking gagawin ngunit hindi sumagi sa isip ko na ganito lang sila kadaling pumayag sa plano ko. iniisip ko sesermonan pa nila ako ng sobra dahil sa kagagahan ko. 

"So, anong role ko?" diretsahang saad ni Ara na nagpatawa sa 'min.

"Taga monitor!" Umirap naman ito sa sinabi namin ni Mia.

" Talaga lang? Hanggang dito ba naman, taga monitor pa rin ako?" naiirita niyang dagdag na tuluyang nagpatawa sa amin.

Hindi ko inaasahan na makukumbinsi ko sila sa plano kong ito. Hindi ako sigurado kung gagana ngunit susubukan ko. 

Kinuha kong muli ang pizza at agad na inubos. Sana umayon ang lahat sa iniisip ko. Alam kong madami akong kahaharapin na consequences at posible rin akong masaktan at ang malala pa ay baka tuluyang maubos ang tiwala ko para sa iba. Tama kaya 'tong ginagawa ko?

Related chapters

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 3

    Celina's Point of View Halos mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nung araw na humingi ako ng favor kay Mia. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil na mamangha sa tuwing titingnan ko ang post na ginawa niya. Hindi ko inaasahan na aani iyon ng atensiyon, comments at shares na talagang ikinatawa ko na lang. A ngayon, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa dinami-dami ng nag-apply halos iilan lang ang pumasa sa hinahanap ko at ngayon, nagsasagawa kami ng meet-up at huling interview para malaman ko kung sila nga ang hinahanap ko. Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na namamayani sa loob ko. Sa tuwing nai-imagine ko na makikita ko ulit siya ay tumataas ang mga balahibo ko sa katawan. Bilang venue, pinili ko na lang na isagawa ang event sa isang private villa sa labas ng siyudad na isa na sa mga pagmamay-ari ko. Malayo iyon sa kabahayan, para makaiwas sa mga kumakalat na balita na maaaring makasira sa iniingatang pangalan ng kom

    Last Updated : 2021-06-15
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 4: Part 1

    Celina's Point of View Iminulat ko ang aking mata ngunit nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Walang liwanag o ingay ang maririnig, ngunit ramdam ko na para akong nakalutang sa hangin. "Celina, ayos ka lang ba?" Iyon ang katagang paulit-ulit kong napapakinggan sa aking isipan. Nakikita ko ang aking sarili na nakakulong sa loob ng salamin habang pilit na sumisigaw. Bigla akong nahulog sa sahig na yari sa mahunang salamin at unti-unting lumulubog sa mas malalim na parte ng walang hanggang kadiliman. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa paglalim ng pagkahulog ay mas lalo akong nahihirapang huminga. "Celina?!" Isang tawag ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa aking d****b dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang?" dagdag niya. Hinawi niya ang kurtina kaya mabilis na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa buong kwarto at ipinapakita ang ganda ng langit ngayong araw. Namataan ko si Mia na nakatayo na sa tabi ko. Hal

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 4: Part 2

    Celina's Point of View Napakasimpleng tao lang ni Darwin. Makikita mo iyon sa kan'yang pananamit, itsura, pag-uugali at galaw. Wala kang makikitang kakaiba sa kan'ya maliban sa paraan niya ng pagsasalita at matatamis na ngiti. Siya 'yung tipo ng lalaki na parang nakikisabay lang sa uso. Katulad siya ng karaniwang lalaki na matatagpuan mo kung saan, makinis ang mukha ngunit hindi mo masasabing sagana sa iba't-ibang produktong pampaganda. Magaling siya pagdating sa pagpili ng masusuot. May pagkakaparehas sila. Nakasuot siya ng white shirt na inibabawan ng light blue polo na hanggang d****b lang ang pakakabutones. Tinernuhan niya ito ng black jeans at puting sapatos na katulad ng kulay ng sling bag niyang dala. Minabuti kong pag-suotin muna siya ng casual at ipakilala bilang kaibigan ng kaibigan ko at balak mag-apply bilang aking secretary. Nabalik sa daan ang aking paningin nang bigla siyang nagsalita. "As expected sa kompanyang ta

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 5: Part 1

    Celina's Point of View Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata. "I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya. Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan. Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo. "Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 5: Part 2

    Celina's Point of View Napalingon ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga matang nakatingin. Ang iba pa ay nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa unang araw ng pagsasagawa ng plano. Halos magkakalahating oras na kaming nandito, at kalahating oras na rin akong nagtitiis sa mga bulungan at tingin ng lahat. Para kaming show na kasalukuyang inaaliw sila habang kumakain. "What are you doing?" prangka kong bulong kay Darwin ngunit sumandal lang ito sa upuan at nginitian ako. "Ginagawa ang trabaho ko," sabay turo sa direksiyon nila Renz, 'di kalayuan sa table na iinuupuan namin. Abala sila sa pagkain at hindi man lang kami binigyan ng atensiyon. "Oo nga naman," maikli kong sagot. Nakakainis! Alam kong mangyayari ang bagay na 'to ngunit nage-expect pa rin ako na magwo-walk out sila palabas sa oras na makita nila kami. "Say ah!" Nabalik muli kay Darwin ang tingin ko. Sadya niyang nilaksan ang

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 6: Part 1

    Celina's Point of View Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kisame at pilit inaalala ang buong detalye ng mga nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako dahil sa pagkadismaya, hindi kasi gano'n kalinaw ang lahat sa aking isipan. Natatandaan ko ang kahihiyang natamo ko sa loob ng mall, at ang paglapit ni Renz habang inaantay ko si Darwin sa parking lot at nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa pagitan nila ngunit matapos akong isakay ni Darwin sa kotse ay wala na akong magaanong maalala. Napagpasyahan kong bumangon na para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Malakas na laguslos at malamig na tubig ang gumising sa aking natutulog na diwa. Saglit akong napatulala sa repleksiyon ko sa salamin, at kapansin-pansin ang lumalaking itim na balat sa baba ng aking mata. Para akong pagod na pagod sa itsura ko. Muli akong napabuntong hininga at minabuting bumalik na sa ginagawa ko. "It's not you Celina," bulong ko sa aking sarili at saka lumabas sa CR. "You

    Last Updated : 2021-07-26
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 6: Part 2

    Darwin's Point of View Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo? Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit. Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema. "Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki

    Last Updated : 2021-07-26
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 7: Part 1

    Celina's Point of View Napangiti ako ng malapad nang makita kong papalapit sa'kin si Darwin. Suot na niya ang kulay asul na jacket na may maliit na bear sa kaliwang bahagi bilang design. 'Di maipagkakaila na nangingibabaw siya sa iba pang taong nagdaraan dahil sa suot at itsura niya. Itinaas ko ang aking hinlalaki para sabihing bagay na bagay sa kan'ya ang jacket, at nasuklian naman iyon ng isang munting ngiti. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan, maski ang kwento ng kan'yang buhay. Ngunit sa tuwing ngumingiti siya, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. "Bagay sa'yo," saad ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Tumango naman siya kaya napatawa na lang ako. Sa tingin ko, dapat hindi ko na lang sinabi ang bagay na 'yon dahil parang matagal na niya iyong alam. "Isa lang ang dahilan kung bakit, iyon ay dahil mula 'to sa'yo!" pagmamalaki niyang bigkas sa'kin, na para bang kaming dalawa lang ang nandito.

    Last Updated : 2021-08-05

Latest chapter

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 18

    Celina's Point of ViewBiglang napaatras ang lalaking nakahawak sa akin kaya tinanggal ko ang aking braso sa kamay niya at sinampal siya nang malakas. "How dare you!" Ramdam ko ang pagpintig ng kamay at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ito nakapalag nang marahas siyang hinawakan ni Renz hanggang sa dumating ang ilang staff para awatin sila."I'll be back," seryosong pagkakasabi ni Renz na ikinataas ng balahibo ko. Ang nagawa ko lang ay ang tumango at tingnan sila paalis."Miss, this way po." Napatingin ako sa babaeng staff na nakasuot ng dilaw na polo at maong pants. Nag-aalala niya akong tiningnan kaya slight akong ngumiti. Pinulot ko ang can ng beer na nabitawan ko kanina at sinundan siya papunta sa isang booth kung saan matatanaw ko rin si Renz na masinsinang kinakausap ang mga staff sa maliit na building. Napatitig na lang ako sa direksiyon niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang po ba?" saad niya habang nag-aalala akong inalalayan. Hindi ako kumibo at tumitig lang kay Renz

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 17

    Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 16

    Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 15

    Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya? Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko. Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 14

    Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz.Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit."Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 13

    Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 12

    Darwin's Point of ViewPatuloy kong nilakad ang madilim na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto. Tanging mga yapak ko lang ang maririnig sa buong lugar, walang tao o ni kung anong bagay na maaaring lumikha ng ingay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bintana ay matatanaw ang isang malaking tarangkahan papasok sa isang ileganteng lugar kung saan naroon ang misteryosong tao, at hinihintay nito ang pagdating ko. Ngunit mukha hindi lang ako ang ipinatawag doon dahil mukhang may nauna na sa akin.Napahinga ako ng malalim at malakas na itinulak ang pinto upang ipaalam ang pagdating ko. Napa-ismid na lang ako nang mapagtanto na si Diane o mas kilala ko bilang Neone ang unang dumating kaysa sa'kin."Nicollo." Matalim na tingin niya ang bumungad sa akin, na para bang kayang-kaya niya akong kainin ng buhay. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil ako lang naman ang nagsisilbing balakid sa kan'yang kagustuhan."Kanina ka pa namin hinihintay,

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 11

    Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa.Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 10

    Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status