Share

Stranger's Promises:A Contract
Stranger's Promises:A Contract
Author: Tazze Katha

Chapter 1

Author: Tazze Katha
last update Last Updated: 2021-06-15 07:18:57

Celina's Point of View

Ang pagmamahal niya sa akin ay handa na n'yang bawiin at muling ialay sa iba. Iyon ang tanging bagay na naisip ko nang mga oras na humarap siya para tapusin na ang namamagitan sa amin. Sa ilang taon namin na magkasama, wala akong mahanap na butas para maging dahilan upang iwan niya ako. Kampante ako kasi alam ko, 'mahal' niya ako.

Lalamya-lamya akong naupo sa lilim ng isang puno habang pinapanood ang kumikinang na tubig sa dagat. Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod kahit na hindi naman gano'n kalayo ang aking nalalakad. Kitang-kita ang pagmamadali ng iba sa paglalakad dahil sa tindi ng init na dumadaampi sa balat ngunit hindi ko iyon maramdaman. Agad akong nagbaling ng tingin sa ibang direksiyon dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha dahil sa alaalang patuloy umiikot sa aking isipan. Tila ba, wala itong planong lubayan ako.

"Alam kong wala kang balak na paniwalaan ang mga sinasabi ko, ngunit may mahal na akong iba. Masaya na ako sa kan'ya ngayon. Celina, isa sa mga maling desisyon na aking ginawa ay ang nahulog ako sa iyo." Hindi panghihinayang o pagsisisi ang aking nakikita sa mga titig niya kun'di pagkaawa. Pakiramdam ko'y kinaawaan niya lang ako kaya nangyari ang lahat ngunit tiningnan ko iyon na para bang tunay na pag-ibig na malabong makita kung kanino lang. Naninikip ang aking d****b sa tuwing lalabas ang imahe niya sa aking utak, o sa tuwing may mga alaalang bumabalik na lang bigla. Masakit isipin na hindi iyon tunay na pagmamahal.

Para maibsan ang sakit na aking nadarama ay agad kong inilabas ang aking cell phone at tinawagan si Ara, kaibigan ko. Ilang ring pa ang nakalipas bago niya tuluyang sagutin. Tahimik ang paligid kaya hinintay ko na lang siyang magsalita. Alam kong hindi pa nila break sa trabaho ngunit gusto kong marinig ang boses niya, kahit saglit lang.

"Sorry Cel, busy ngayon dito sa hospital. Pwede mamaya ka na lang tumawag?" pambungad niyang saad na mapait kong ikinangiti. Tumungo na lang ako at saka tinapos ang tawag. Huminga ako ng malalim bago i-dial ang number ni Mia. Ilang segundo pa ang lumipas at sinagot niya ang tawag. Katulad ng kanina ay hinintay ko rin siyang magsalita ngunit hindi katulad ng kay Ara ay namayani ang ingay sa kabilang linya. Mga yapak, kaluskos ng mga printer na naglalabas ng mga papel at mga kableng naaapakan. Halata ang pagmamadali ng mga tao. 

"Hello, Celina? Bakit ka napatawag, may nangyari ba?" tugon niya. Halatang maraming papeles ang inaasikaso niya ng mga oras na 'yon. Gusto kong sabihing may nangayari, na malungkot ako ngayon. Na kailangan ko ng kaibigan na mapagkwekwentuhan. Ngunit may nagtutulak sa 'kin na huwag na lang umimik dahil alam kong magiging sagabal lang ako sa tahimik nilang buhay sa trabaho.

"Wala naman..." tugon ko na sinundan ng nag-aalangang tawa. "Tumawag ako para sana tanungin kung kumain ka na ba ng lunch. Ayain sana kita," dagdag ko. Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng aking shirt at pinipilit na 'wag pumiyok o gumawa ng nakakahiyang ingay habang hinihintay ang kan'yang magiging sagot.

"Sorry Cel, nakakain na kasi ako. Pero if you insist... I'll be there within an hour," masaya niyang pagkakasabi. Magsasalita na sana ako para magpasalamat nang biglang may sumigaw ng pangalan niya kaya agad siyang nagdali-dali at saka muling nagsalita. "Hintayin mo 'ko, tapusin ko lang 'to!" tugon niya bago tuluyang ibinaba ang phone.

Sumilay ang kaunting ngiti sa aking labi at saka agad na nagtungo sa pinakamalapit na resto sa park na tinambayan ko at mabilis siyang it-in-ext upang ibinigay ang  address. Nakaramdam ako ng kaunting lakas sa aking mga tuhod, na para bang kahit papaano ay naibsan ang aking sama ng loob. Madalas akong napapatingin sa wall clock dahil parang napakabagal lumipas ng isang oras. Um-order na rin ako ng pagkain para ihahain na lang pagkadating ni Mia.

Pero, hindi siya dumating. Walang Mia na nagpakita sa harap ko para sabihing 'pasensiya na na-late ako'. Naghintay ako ng halos tatlong oras, nakatulala ngunit tanging hangin lang ang sumalubong sa akin. Tinadtad ko siya ng message ngunit wala man lang respond o explanation, nakakapanglumo.

Agad akong bumalik sa tabing dagat at doon naglakad- lakad. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang nagtataasang building na nakakasilaw. Napatingin ako sa building na malapit sa isang lake at naiiba ang design sa lahat dahil triangle ang shape nito at may bridge sa gitna. Nakakamangha man 'yon sa iba ngunit hindi na sa akin. Halos nakaimprinta na iyon sa aking utak maging ang bawat kwarto o disenyo sa loob. Iyon ang DAVS building, pagmamay-ari ng angkan ng mga Davantes, ang dugong dumadaloy sa akin at ako ang naatasan bilang susunod nitong tagapagmana.

Napaupo ako sa isang malaking puno malayo sa mga dumadaan at saktong lugar para tumambay at para makita ang tuluyang paglubog ng araw. Iyon muli ang unang beses na gagawain ko mag-isa ang paghihintay sa paglubog ng araw dahil wala na si Renz. Iwinaksi ko ang lahat ng aking iniisip at saka ipinaubaya ang sarili sa nais nitong gawin ng kusa. Gusto ko na lang muna magpahinga. 

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising sa kaunting gilawgaw sa aking pisngi. Napapahid ako ng mukha at nakitang takipsilim na. Wala akong nagawa kun'di magpakawala ng buntong hininga at tumayo para makauwi. Ano mang pagmumukmok ko sa lugar na 'to, hindi pa rin natatanggal ang sakit pagkagising ko. Napatigil ako nang mapagtanto kong may hawak akong isang bagay na hindi ko naman pagmamay-ari, isang jacket. Humahalo ang  matapang na amoy nito sa hangin, hindi maitatanging ang may-ari nito ay isang lalaki. Hindi ko alam kung kanino o saang lupalop iyon nanggaling ngunit kailangan ko iyong maibalik. 

Napatingin ako sa paligid at hinintay na may umangkin sa gray na jacket sa kamay ko. Umupo ako sa isang bench 'di kalayuan sa aking tinulugan at napalinga-linga sa pag-aasam na isa sa mga tao rito ang may-ari. Malapit rin ako sa lamppost upang madali kong malaman kung sino iyon. Pinagmasdan ko ang mga ilaw na unti-unting dumadami na nagbibigay liwanag sa buong paligid. Napakagandang pagmasdan ng tanawing ito tuwing gabi. Inilabas ko ang cellphone ko at nakitang nag-text sa akin si Mia na humihingi ng sorry kung hindi siya nakarating dahil may pina-rush sa kanilang presentation. Agad naman akong nag-reply para sabihing ayos lang.

Ilang minuto pa ang ginugol ko para pagmasdan at hintayin na rin ang may-ari ng jacket at unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil baka kanina pa siya nakaalis. Hindi ko alam kung bakit ko rin iyon ginagawa ngunit sadyang may pakiramdam lang ako na baka kilala ko siya. Akma na akong tatayo nang biglang may lumapit na lalaking nakablack at saka ako biglang inabutan ng kape. Hindi ko alam ngunit tinanggap ko ang alok niya at saka naupong muli. Wala siyang sinasabi o pakilala at maging pakiusap. Tahimik lang akong naghintay habang hawak ang mainit na kape.

"Ibalik mo sakin yang ano," saad niya habang nakayuko kaya hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa kape na hawak ko. Akala ko pa naman binigay niya talaga, 'yon pala pinahawak lang. Mahinahon kong iniabot ang kapeng hawak ko at saka hindi na nagsalita pa. Wala na akong lakas para sayangin pa ang natitirang laway ko.

 Nakasumbrero siya at natatabunan din ng kan'yang kulot at makapal na buhok ang kan'yang mata kaya hindi ko makita ang buo niyang mukha.

Ipinagpag niya ang kan'yang braso at agad na napatingin sa direksiyon ko. Hindi man niya sabihin ngunit alam kong  gusto niyang iparating na 'ang tanga ko'. Napairap na lang ako at hinintay na kunin ang kape sa kamay ko ngunit nanatili lang siyang nakatayo at para bang naputa sa ibang mundo.

Dahil sa inis ko ay inilapag ko na 'yon sa bench at saka tumayo. Ang weird ng taong 'to, grabe.

"Where are you going?" Hinablot niya ang damit ko na siyang mabilis kong ikinatigil. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at saka umirap.

"Aalis, malamang." Naglakad ako paalis at hindi na siya inatupag. Mabilis na naman niya akong hinawakan na unti-unting umuubos sa aking pasensiya. Bigla ko siyang nasampal, maging ako ay nagulat sa aking nagawa.

"Aray, ba't mo naman ako sinampal?" Hinaplos niya ang kan'yang pisngi na siguro'y namamanhid na dahil sa lakas ng sampal ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kan'ya ngunit nagsalubong ang titig namin sa isa't-isa. Para akong napako sa aking kinatatayuan at hindi magawang makapagsalita.

"I-Ikaw,  ba't mo ba 'ko hinahabol?" inis kong tanong sa kan'ya na nagpa-angat sa labi niya. Na parang wala naman siyang naaalala na 'yon ang balak niya.

"Ano, ikaw hinahabol ko? Ganito na pala mag-abot ng pasasalamat ang tao ngayon. Tsk!" Nagtataka ko siyang tinitigan nang bigla niyang kunin ang jacket sa akin. "Akin kasi 'to. At saka, hindi kita hinahabol 'no, 'yung jacket, kasi mahal pagkakabili ko niyan!" sunod-sunod niyang protesta na mas lalong nagpatigil sa akin.

Hindi ko siya magawang tingnan dahil sa hiya na nararamdaman ko.

"Baka kasi lamukin ka, wala ka bang bahay? Mukha ka namang may kaya ta's dito ka sa tabing dagat natutulog? Dun sa condo ko, may kaunting space pa, gusto mo do'n ka muna pansamantala?" Rinig sa kan'yang boses ang pagka-seryoso sa mga sinasabi niya ngunit natahimik na lang ako sa pag-aakalang masama siyang tao.

"'Yung kape, akin na ba 'yon?" Tumango naman siya kaya agad ko iyong kinuha at ininom. Mabuti na lang at hindi na masyadong nakakapaso sa dila kaya agad ko ring naubos. Pagkatapos kong lagukin lahat at agad akong yumuko na ikina-atras niya.

"I'M SORRY!" saad ko at saka bumalik sa pagkakatayo. "And, thank you." Nginitian ko siya at saka akmang aalis. Umupo siya sa bench at nagpakawala ng malalim na hininga.

Ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa kan'ya nang bigla na naman siyang nagsalita.

"I can help you, mukha ka kasing problemado," mahina man ngunit umulit-ulit iyon sa aking utak at pilit na ipinapasok kung anong sinasabi ng lalaking 'to. Tumatawa-tawa man siya ng mahina pero sigurado siya sa mga sinasabi niya na para bang isa siyang manghuhula.  Paano niya ako matutulungan kung ngayon ko lang siya nakilala at ano bang alam niya?

"Baka nagkakamali ka lang. Hindi ko kailangan ng tulong mo," diretsahan kong tugon sa kan'ya. Hindi siya umimik at sumeryoso lang ang mukha saka bumaling ang tingin sa akin.

May parte sa aking puso na nagsasabing kausapin ko siya at pagkatiwalaan. Hindi rin ako nakakaramdam ng kahit anong kaba sa mga sinasabi niya. Ngunit pinipilit kong 'wag siyang pansinin at umalis na lang. 

"Sabi nga nila, mas magandang magkwento sa estranghero dahil hindi mo sila kilala. Malay mo may solusyon akong maibigay," dagdag pa nito. Nagkita na naman ang aming mga mata na nagpataas ng aking mga balahibo. Sino ang taong 'to, parang ang dami niyang alam tungkol sa akin?

Humarap ako sa kan'ya at saka siya tinitigan. Ayoko na muna sanang magtiwala kaso sasabog na talaga e, hindi na kaya ng puso kong dalhin lahat ng bigat. 

Nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha.

Nakapagdesisyon na ako.

At nakita ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kinauupuan niya. 

One last try.

Napahinga ako ng malalim at saka humanda sa mga mangyayari. 

"Maaari mo akong pagtawanan sa lahat ng ka-artihan at ka-dramahan ko..." Nanatili siyang nakasandal sa bench at nakatingin sa malayo habang tahimik na nakikinig. " Naghiwalay kami ng boyfriend ko for almost 6 years, at ang dahilan niya lang ay napilitan siyang mahalin ako." 

Hinintay kong tumawa siya ng malakas at sabihing ako ang pinakama-drama sa balat ng lupa ngunit hindi niya ginawa. Nagpatuloy siyang nakinig sa akin at hindi nagreklamo. Nakita ko ang sarili kong umiiyak sa harap ng lalaking hindi ko naman kilala. Ipinapakita kung gaano ako kahina.

"Hinahangaan kita Celina," mahina niyang sambit. Napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakatingin sa langit. Ngumiti ako ng mapait sa mga sinabi niya at napasinghot dahil hindi na ako makahinga ng maayos.

"Gusto mong subukang muli? Tulungan kita," may ngiti sa kan'yang labi na nagpanganga sa akin.

"Para saan pa?" Napatingala rin ako tulad niya. Ang sarap sa pakiramdam. Sumilay ang munting ngiti sa labi ko. Muli ko siyang tiningnan habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin. 

"Para sumaya ka," basa ko sa mga labi niya.

Napakaweirdong stranghero. 

Paano niya nasasabi ang mga bagay na 'yon. Sabagay, bukas hindi ko naman na siya makikita o makakausap. Napatawa naman ako at saka inumpisahang i-imagine ang mga mangyayari.

"Magpanggap ka bilang boyfriend ko, kaya mo?" Natahimik siya at saka napangisi ng bahagya na para bang iniisip niya na minamaliit ko siya sa mga kayang niyang gawin.

"Kaya!" Napanganga ako sa mga sinabi niya.

Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong dinukot sa kan'yang bulsa at sinagot dahil mukhang importante. Marami kaming napagkwentuhan o sabihin na nating marami akong naikwento sa kan'ya. Napangiti na lang ako sa hangin dahil sa mga pinagsasasabi ko.

"I'm sorry I have to go," seryoso niyang sabi na ikinatango ko naman. "Good night," marahan niyang sambit. Ngumiti siyang muli bago tuluyang umalis.

"Good night!" mahina kong saad at pinanood ang kan'yang likod habang papalayo.

"I'm  Celina Davantes, by the way!" dagdag ko bago siya tuluyang naglaho sa dilim. "Ikaw? Anong pangalan mo..."

He's strange... Very strange.

Related chapters

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 2

    Celina's Point of View May mga bagay na nabigo nating protektahan, katulad ng taong hindi natin inaakalang bigla na lang tayong iiwan. "Ah! Bakit ba nakalimutan kong itanong ang pangalan niya?" inis kong sambit. Nasasabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis at panghihinayang. Wala akong maisipan kun'di mag-imbento ng pangalan na babagay sa estrangherong 'yon. Masyado yata akong naging kampante na kausapin siya kaya hindi ko man lang namalayan na hindi ko alam ang pangalan niya samantalang kung titingan ay masyado ko na siyang inabala dahil sa sandamakmak kong inipong problema. Nagawa kong bumalik sa trabaho ngayong araw. Kung ikukumpara kahapon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ngunit parang bigla na namang bumigat ang aking pakiramdam habang hawak ko ang mga nag-ipong gawain sa aking office. Tatlong araw lang naman akong nawala ngunit hindi ko na makita pa ang magandang view sa bintana. Halos manigas ako sa kinatatayuan k

    Last Updated : 2021-06-15
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 3

    Celina's Point of View Halos mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nung araw na humingi ako ng favor kay Mia. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil na mamangha sa tuwing titingnan ko ang post na ginawa niya. Hindi ko inaasahan na aani iyon ng atensiyon, comments at shares na talagang ikinatawa ko na lang. A ngayon, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa dinami-dami ng nag-apply halos iilan lang ang pumasa sa hinahanap ko at ngayon, nagsasagawa kami ng meet-up at huling interview para malaman ko kung sila nga ang hinahanap ko. Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na namamayani sa loob ko. Sa tuwing nai-imagine ko na makikita ko ulit siya ay tumataas ang mga balahibo ko sa katawan. Bilang venue, pinili ko na lang na isagawa ang event sa isang private villa sa labas ng siyudad na isa na sa mga pagmamay-ari ko. Malayo iyon sa kabahayan, para makaiwas sa mga kumakalat na balita na maaaring makasira sa iniingatang pangalan ng kom

    Last Updated : 2021-06-15
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 4: Part 1

    Celina's Point of View Iminulat ko ang aking mata ngunit nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Walang liwanag o ingay ang maririnig, ngunit ramdam ko na para akong nakalutang sa hangin. "Celina, ayos ka lang ba?" Iyon ang katagang paulit-ulit kong napapakinggan sa aking isipan. Nakikita ko ang aking sarili na nakakulong sa loob ng salamin habang pilit na sumisigaw. Bigla akong nahulog sa sahig na yari sa mahunang salamin at unti-unting lumulubog sa mas malalim na parte ng walang hanggang kadiliman. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa paglalim ng pagkahulog ay mas lalo akong nahihirapang huminga. "Celina?!" Isang tawag ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa aking d****b dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang?" dagdag niya. Hinawi niya ang kurtina kaya mabilis na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa buong kwarto at ipinapakita ang ganda ng langit ngayong araw. Namataan ko si Mia na nakatayo na sa tabi ko. Hal

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 4: Part 2

    Celina's Point of View Napakasimpleng tao lang ni Darwin. Makikita mo iyon sa kan'yang pananamit, itsura, pag-uugali at galaw. Wala kang makikitang kakaiba sa kan'ya maliban sa paraan niya ng pagsasalita at matatamis na ngiti. Siya 'yung tipo ng lalaki na parang nakikisabay lang sa uso. Katulad siya ng karaniwang lalaki na matatagpuan mo kung saan, makinis ang mukha ngunit hindi mo masasabing sagana sa iba't-ibang produktong pampaganda. Magaling siya pagdating sa pagpili ng masusuot. May pagkakaparehas sila. Nakasuot siya ng white shirt na inibabawan ng light blue polo na hanggang d****b lang ang pakakabutones. Tinernuhan niya ito ng black jeans at puting sapatos na katulad ng kulay ng sling bag niyang dala. Minabuti kong pag-suotin muna siya ng casual at ipakilala bilang kaibigan ng kaibigan ko at balak mag-apply bilang aking secretary. Nabalik sa daan ang aking paningin nang bigla siyang nagsalita. "As expected sa kompanyang ta

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 5: Part 1

    Celina's Point of View Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata. "I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya. Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan. Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo. "Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 5: Part 2

    Celina's Point of View Napalingon ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga matang nakatingin. Ang iba pa ay nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa unang araw ng pagsasagawa ng plano. Halos magkakalahating oras na kaming nandito, at kalahating oras na rin akong nagtitiis sa mga bulungan at tingin ng lahat. Para kaming show na kasalukuyang inaaliw sila habang kumakain. "What are you doing?" prangka kong bulong kay Darwin ngunit sumandal lang ito sa upuan at nginitian ako. "Ginagawa ang trabaho ko," sabay turo sa direksiyon nila Renz, 'di kalayuan sa table na iinuupuan namin. Abala sila sa pagkain at hindi man lang kami binigyan ng atensiyon. "Oo nga naman," maikli kong sagot. Nakakainis! Alam kong mangyayari ang bagay na 'to ngunit nage-expect pa rin ako na magwo-walk out sila palabas sa oras na makita nila kami. "Say ah!" Nabalik muli kay Darwin ang tingin ko. Sadya niyang nilaksan ang

    Last Updated : 2021-07-20
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 6: Part 1

    Celina's Point of View Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kisame at pilit inaalala ang buong detalye ng mga nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako dahil sa pagkadismaya, hindi kasi gano'n kalinaw ang lahat sa aking isipan. Natatandaan ko ang kahihiyang natamo ko sa loob ng mall, at ang paglapit ni Renz habang inaantay ko si Darwin sa parking lot at nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa pagitan nila ngunit matapos akong isakay ni Darwin sa kotse ay wala na akong magaanong maalala. Napagpasyahan kong bumangon na para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Malakas na laguslos at malamig na tubig ang gumising sa aking natutulog na diwa. Saglit akong napatulala sa repleksiyon ko sa salamin, at kapansin-pansin ang lumalaking itim na balat sa baba ng aking mata. Para akong pagod na pagod sa itsura ko. Muli akong napabuntong hininga at minabuting bumalik na sa ginagawa ko. "It's not you Celina," bulong ko sa aking sarili at saka lumabas sa CR. "You

    Last Updated : 2021-07-26
  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 6: Part 2

    Darwin's Point of View Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo? Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit. Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema. "Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki

    Last Updated : 2021-07-26

Latest chapter

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 18

    Celina's Point of ViewBiglang napaatras ang lalaking nakahawak sa akin kaya tinanggal ko ang aking braso sa kamay niya at sinampal siya nang malakas. "How dare you!" Ramdam ko ang pagpintig ng kamay at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ito nakapalag nang marahas siyang hinawakan ni Renz hanggang sa dumating ang ilang staff para awatin sila."I'll be back," seryosong pagkakasabi ni Renz na ikinataas ng balahibo ko. Ang nagawa ko lang ay ang tumango at tingnan sila paalis."Miss, this way po." Napatingin ako sa babaeng staff na nakasuot ng dilaw na polo at maong pants. Nag-aalala niya akong tiningnan kaya slight akong ngumiti. Pinulot ko ang can ng beer na nabitawan ko kanina at sinundan siya papunta sa isang booth kung saan matatanaw ko rin si Renz na masinsinang kinakausap ang mga staff sa maliit na building. Napatitig na lang ako sa direksiyon niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang po ba?" saad niya habang nag-aalala akong inalalayan. Hindi ako kumibo at tumitig lang kay Renz

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 17

    Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 16

    Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 15

    Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya? Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko. Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 14

    Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz.Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit."Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 13

    Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 12

    Darwin's Point of ViewPatuloy kong nilakad ang madilim na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto. Tanging mga yapak ko lang ang maririnig sa buong lugar, walang tao o ni kung anong bagay na maaaring lumikha ng ingay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bintana ay matatanaw ang isang malaking tarangkahan papasok sa isang ileganteng lugar kung saan naroon ang misteryosong tao, at hinihintay nito ang pagdating ko. Ngunit mukha hindi lang ako ang ipinatawag doon dahil mukhang may nauna na sa akin.Napahinga ako ng malalim at malakas na itinulak ang pinto upang ipaalam ang pagdating ko. Napa-ismid na lang ako nang mapagtanto na si Diane o mas kilala ko bilang Neone ang unang dumating kaysa sa'kin."Nicollo." Matalim na tingin niya ang bumungad sa akin, na para bang kayang-kaya niya akong kainin ng buhay. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil ako lang naman ang nagsisilbing balakid sa kan'yang kagustuhan."Kanina ka pa namin hinihintay,

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 11

    Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa.Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a

  • Stranger's Promises:A Contract   Chapter 10

    Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas

DMCA.com Protection Status