Celina's Point of View
Iminulat ko ang aking mata ngunit nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Walang liwanag o ingay ang maririnig, ngunit ramdam ko na para akong nakalutang sa hangin.
"Celina, ayos ka lang ba?" Iyon ang katagang paulit-ulit kong napapakinggan sa aking isipan. Nakikita ko ang aking sarili na nakakulong sa loob ng salamin habang pilit na sumisigaw. Bigla akong nahulog sa sahig na yari sa mahunang salamin at unti-unting lumulubog sa mas malalim na parte ng walang hanggang kadiliman. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa paglalim ng pagkahulog ay mas lalo akong nahihirapang huminga.
"Celina?!" Isang tawag ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa aking d****b dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang?" dagdag niya. Hinawi niya ang kurtina kaya mabilis na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa buong kwarto at ipinapakita ang ganda ng langit ngayong araw.
Namataan ko si Mia na nakatayo na sa tabi ko. Halata ang pag-aalala sa kan'yang mga mata. Naupo ako at napahilamos na lang ng mukha, mabuti na lang at kahit papaano ay nawawala na ang kaba ko.
"Mia, ikaw pala..." mahina kong usal.
Nabalik ang aking tingin sa kinatatayuan niya para siguraduhing siya nga talaga ang aking nakikita. Tinapik-tapik ko pa ang aking pisngi para gisingin ang aking diwa dahil baka nasa loob pa rin ako ng panag-inip ngunit nakita ko siyang nakatayo habang matalim akong tinititigan.
"Tch! Wala ka na sa panag-inip," aniya at saka ako inirapan. Muli akong natawa sa inasal niya ngunit agad iyong natigil nang umupo siya sa tabi ko. Kahit hindi pa siya nagsasalita ay alam ko na ang nais niyang sabihin.
"Sorry," nahihiya kong sabi.
"Mia," mahina kong usal. Malawak akong ngumiti at saka itinaas ang aking braso sa kan'yang harapan na para bang bata. "Ibangon mo naman ako, katulad ng dati. Please," malambing kong pakiusap na may bahid ng kalokohan.
Ang kan'yang kilay ay nagsalubong at saka tinatamad akong tinitigan na para bang wala siyang balak na gawin ang bagay na 'yon.
"Ano ka, 6 years old?" sarkastikong tanong nito at saka tumalikod. Humakbang siya papalapit sa pinto ngunit agad na napatigil at saka bumalik muli sa akin. Akma ko na sanang bibigatan ang aking sarili para pahirapan siya nang marahas niya akong hilahin paalis ng kama na naging dahilan ng pagsakit ng aking mga braso. Imbis na tumayo ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Na-miss kita Mia," malambing kong dagdag. Namayani ang katahimikan sa buong kwarto kaya agad akong kumalas at dumiretso sa banyo, baka mabaho lang ang hininga ko kaya natulala siya.
Tatlong taon na pala ang nakalipas nang mangyari ang bagay na pumipigil kay Mia na pumunta sa bahay na 'to. Pilit kong binabago ang usapan sa pagitan naming dalawa upang maiwasan ang sermon niya dahil alam ko naman na ang sasabihin niya.
Dali-dali akong humakbang papalabas ng kwarto matapos makapaghanda ng sarili ngunit hindi ko pa nararating ang hagdanan ay halos mabingi na ako sa reklamo ni Mia sa kitchen.
"Ilang beses ko bang uulitin na 'wag niyang abusuhin ang sarili niya sa trabaho?" maktol pa nito sa kasambahay na natatawa na lang din.
'Nagsalita ang 4 na oras lang natutulog kada araw.'
Umiwas na lang ako ng tingin at hinayaan na lang siyang magsalita hanggang gusto niya. Kinailangan ko lang talagang tapusin ang lahat ng trabaho ko sa office dahil may mga plano akong gawin ngayong araw.
"Mia, thanks sa advice ha," sarkastik kong sagot na mas lalo niyang ikinainis. Patuloy akong humakbang pababa ng hagdan papunta sa dining table. "Magkikita kami ni Darwin ngayong araw," dagdag ko na ikinatigil niya sa paglalagay ng jam sa sandwich.
Kitang-kita ang maitim na aura na bumabalot kay Mia kaya agad akong napalunok. Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kan'ya...
"Pero..." Halos saksakin na niya ako sa tingin. Kagat niya ang kan'yang labi at pinipigilan ang mga salitang lumabas sa kan'yang bibig. "That Darwin is just... different. Ah, Forget it!" Umiwas siya ng tingin at saka padabog na ipinagpatuloy ang kan'yang ginagawa kaya minabuti ko na ring tumulong para makakain na kami.
Ngumiti ako at saka hinawakan ang kan'yang kamay.
"Pumasa siya sa screening at procedures na isinagawa mo, kaya sigurado akong worth it siya. At saka, gwapo naman si Darwin e," nang-aasar kong tugon. Binitiwan niya ang kamay ko at saka tumalikod papunta sa hapag-kainan.
"Tsk! Siguraduhin lang niya kun'di ako ang makakalaban ng wirdong 'yon! Tusukin ko lang siya ng ballpen sa mata!" natatawa ngunit mapagbantang usal nito na ikingiti ko rin.
Matapos naming makapag-almusal ay nagmadali na siyang sumakay sa kotse para pumasok sa trabaho. Marami daw kasi siyang deadline na hahabulin. Kaya minabuti ko na ring maghanda para kitain si Darwin.
Sa maikling panahon ay narating ko ang lugar kung saan ko siya kakausapin para talakayin ang mahahalagang bagay.
Mabilis ko siyang napansin dahil nag-iisa lang siya sa nakahilirang mga tables malapit sa bintana. May hawak siyang papel na sa tingin ko ay dyaryo at malalim na nag-iisip.
Sunod-sunod akong humakbang papalapit sa kan'ya ngunit hindi man lang niya ako nagawang malingon. Busy siya sa pagsagot ng mga riddles doon at mukhang hindi niya namalayan na nasa tabi na niya ako.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kan'ya para mas makita ang binabasa niya sa pahina. Amoy na amoy ang pabangong gamit niya na humahalo sa hangin. Inilibot ko ang aking tingin sa buong mukha niya na hindi ko masyadong nakita nung gabing 'yon. Kung titingnan nang malapitan ay makikita ang maliliit niyang nunal sa tabi ng tenga. Rinig ko na rin ang bawat pagbuntong hininga niya dahil sa pagkadismaya.
Nang mapansin na may iilan nang tumitingin sa direksiyon namin ay agad naman akong nabalik sa realidad at minabuting umupo na lang sa likod niya.
"W," mahina kong saad na sinunod naman ng mokong. "E," dagdag ko na isinulat na naman niya. "I," sunod kong usal na may halong inis. Manhid pala 'to! "R," sarkastiko kong sabi na ikinatigil na niya.
"Wala namang letter R," reklamo nito na mas lalo kong ikinaasar. Akma ko na sana siyang babatukan mula sa likod ng bigla siyang lumingon papunta sa direksiyon ng aking mukha. Halos ilang sentimetro na lang ang pagitan ng aming mukha. Ang mga mata niya ay sumalubong sa aking titig, ilang segundo na ang nakakalipas ngunit walang gumalaw sa amin.
"Ang lapit mo," reklamo ko sa kan'ya.
Ramdam ko na ang pag-init ng aking mukha at akma ko na sana siyang sasampalin nang magawa niyang salagin ang aking kamay at ilapat naman ang isa pa sa aking noo na mas lalo kong ikinainit ng ulo.
Napakalapit niya.
"Celina, may sakit ka ba? Namumula ka," seryoso niyang saad kaya agad kong inilayo ang aking mukha at inagaw ang aking braso.
"W-wala no!" Ngumiti siya ng matamis at saka tumango.
"I see. Kung sakaling magkasakit ka, ako na lang mag-aalaga sayo," muli niyang sabi. Aba, parang ipinapanalangin niya pang magkasakit ako para lang magawa ang gusto niya!
Mabilis akong umiwas ng tingin at saka tumikhim. Hindi ito ang oras para gawin ang bagay na 'to! Nang maayos ko na ang sarili ay tumalikod na ako at saka siya tinitigan.
"Come with me. Kailangan kita para sa plano," utos ko na agad niyang sinunod.
Celina's Point of View Napakasimpleng tao lang ni Darwin. Makikita mo iyon sa kan'yang pananamit, itsura, pag-uugali at galaw. Wala kang makikitang kakaiba sa kan'ya maliban sa paraan niya ng pagsasalita at matatamis na ngiti. Siya 'yung tipo ng lalaki na parang nakikisabay lang sa uso. Katulad siya ng karaniwang lalaki na matatagpuan mo kung saan, makinis ang mukha ngunit hindi mo masasabing sagana sa iba't-ibang produktong pampaganda. Magaling siya pagdating sa pagpili ng masusuot. May pagkakaparehas sila. Nakasuot siya ng white shirt na inibabawan ng light blue polo na hanggang d****b lang ang pakakabutones. Tinernuhan niya ito ng black jeans at puting sapatos na katulad ng kulay ng sling bag niyang dala. Minabuti kong pag-suotin muna siya ng casual at ipakilala bilang kaibigan ng kaibigan ko at balak mag-apply bilang aking secretary. Nabalik sa daan ang aking paningin nang bigla siyang nagsalita. "As expected sa kompanyang ta
Celina's Point of View Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata. "I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya. Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan. Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo. "Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya
Celina's Point of View Napalingon ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga matang nakatingin. Ang iba pa ay nagbubulungan sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa unang araw ng pagsasagawa ng plano. Halos magkakalahating oras na kaming nandito, at kalahating oras na rin akong nagtitiis sa mga bulungan at tingin ng lahat. Para kaming show na kasalukuyang inaaliw sila habang kumakain. "What are you doing?" prangka kong bulong kay Darwin ngunit sumandal lang ito sa upuan at nginitian ako. "Ginagawa ang trabaho ko," sabay turo sa direksiyon nila Renz, 'di kalayuan sa table na iinuupuan namin. Abala sila sa pagkain at hindi man lang kami binigyan ng atensiyon. "Oo nga naman," maikli kong sagot. Nakakainis! Alam kong mangyayari ang bagay na 'to ngunit nage-expect pa rin ako na magwo-walk out sila palabas sa oras na makita nila kami. "Say ah!" Nabalik muli kay Darwin ang tingin ko. Sadya niyang nilaksan ang
Celina's Point of View Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kisame at pilit inaalala ang buong detalye ng mga nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako dahil sa pagkadismaya, hindi kasi gano'n kalinaw ang lahat sa aking isipan. Natatandaan ko ang kahihiyang natamo ko sa loob ng mall, at ang paglapit ni Renz habang inaantay ko si Darwin sa parking lot at nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa pagitan nila ngunit matapos akong isakay ni Darwin sa kotse ay wala na akong magaanong maalala. Napagpasyahan kong bumangon na para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Malakas na laguslos at malamig na tubig ang gumising sa aking natutulog na diwa. Saglit akong napatulala sa repleksiyon ko sa salamin, at kapansin-pansin ang lumalaking itim na balat sa baba ng aking mata. Para akong pagod na pagod sa itsura ko. Muli akong napabuntong hininga at minabuting bumalik na sa ginagawa ko. "It's not you Celina," bulong ko sa aking sarili at saka lumabas sa CR. "You
Darwin's Point of View Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo? Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit. Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema. "Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki
Celina's Point of View Napangiti ako ng malapad nang makita kong papalapit sa'kin si Darwin. Suot na niya ang kulay asul na jacket na may maliit na bear sa kaliwang bahagi bilang design. 'Di maipagkakaila na nangingibabaw siya sa iba pang taong nagdaraan dahil sa suot at itsura niya. Itinaas ko ang aking hinlalaki para sabihing bagay na bagay sa kan'ya ang jacket, at nasuklian naman iyon ng isang munting ngiti. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan, maski ang kwento ng kan'yang buhay. Ngunit sa tuwing ngumingiti siya, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. "Bagay sa'yo," saad ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Tumango naman siya kaya napatawa na lang ako. Sa tingin ko, dapat hindi ko na lang sinabi ang bagay na 'yon dahil parang matagal na niya iyong alam. "Isa lang ang dahilan kung bakit, iyon ay dahil mula 'to sa'yo!" pagmamalaki niyang bigkas sa'kin, na para bang kaming dalawa lang ang nandito.
Celina's Point of View Tila may magnet sa aking kinauupuan na humihila sa akin para 'di makagalaw. Ngunit kahit na gano'n ay may isang bagay akong nagawa at iyon ay ang pagmasdan kung paano prinotektahan ni Darwin si Diane mula sa malakas na pagbuhos ng tubig. Walang nakakaalam kung saan at kung paano iyon nangyari dahil sa biglang pagsara ng mga ilaw. Katulad ng mga madalas nating makita sa mga palabas, dumating ang isang lalaki para sagipin at tulungan ang bidang babae habang ang isang kasama niya ay walang nagawa kun'di titigan sila. Kung titingnan ang mga nangyayari ay maihahalintulad ito sa isang impromptu na stage play. Nakakulong sa mga bisig ni Darwin si Diane at mahigpit itong yakap. Lahat ay nakanganga at tulala dahil sa kanilang nakita. Itinulak ni Diane si Darwin upang kumawala sa pagkakayakap nito. Nang makadistansya siya ay malakas niyang sinampal si Darwin na nanatiling tahimik. Unti-unting bumalik ang ingay s
Celina's Point of View "So, saan mo ba talaga ako dadalhin Darwin? Akala ko ba iuuwi mo ako?" Sumuko ako sa kan'yang pamimilit. Masakit siya sa mata kaya wala na akong magawa kun'di hayaan siya ang besides mas makakatipid ako ng energy. Ngunit saang lupalop ng mundo niya ba ako balak dalhin? Nginitian niya lang ako, as he usually do at saka nabalik sa kalsada ang tingin. "Wait and see," sagot niya. "Kapag malungkot ka, yakapin mo lang si Happy. Mapapakalma ka niya. Kapag hindi mo matagpuan si Happy, tawagin mo lang ako. Okay? Akoang magpapasaya sa'yo, munti kong prinsesa." "Mama, mama, mama!" Sa pagkakaalala ko, nakangiti kong tinawag ang pangalan niya. Kita ko ang saya sa mga ngiti niya. Pero iyon ang huling beses na nagpakita siya kahit ilang beses ko siyang tawagin. Pasasayahin ba kamo? Kasinungalingan! At saka, bakit ba sumagi sa utak ko ang mga alaalang 'yon? Halos 15 years na din siyang nawala, wala na rin nam
Celina's Point of ViewBiglang napaatras ang lalaking nakahawak sa akin kaya tinanggal ko ang aking braso sa kamay niya at sinampal siya nang malakas. "How dare you!" Ramdam ko ang pagpintig ng kamay at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ito nakapalag nang marahas siyang hinawakan ni Renz hanggang sa dumating ang ilang staff para awatin sila."I'll be back," seryosong pagkakasabi ni Renz na ikinataas ng balahibo ko. Ang nagawa ko lang ay ang tumango at tingnan sila paalis."Miss, this way po." Napatingin ako sa babaeng staff na nakasuot ng dilaw na polo at maong pants. Nag-aalala niya akong tiningnan kaya slight akong ngumiti. Pinulot ko ang can ng beer na nabitawan ko kanina at sinundan siya papunta sa isang booth kung saan matatanaw ko rin si Renz na masinsinang kinakausap ang mga staff sa maliit na building. Napatitig na lang ako sa direksiyon niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang po ba?" saad niya habang nag-aalala akong inalalayan. Hindi ako kumibo at tumitig lang kay Renz
Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan
Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,
Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya? Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko. Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-
Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz.Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit."Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo
Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.
Darwin's Point of ViewPatuloy kong nilakad ang madilim na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto. Tanging mga yapak ko lang ang maririnig sa buong lugar, walang tao o ni kung anong bagay na maaaring lumikha ng ingay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bintana ay matatanaw ang isang malaking tarangkahan papasok sa isang ileganteng lugar kung saan naroon ang misteryosong tao, at hinihintay nito ang pagdating ko. Ngunit mukha hindi lang ako ang ipinatawag doon dahil mukhang may nauna na sa akin.Napahinga ako ng malalim at malakas na itinulak ang pinto upang ipaalam ang pagdating ko. Napa-ismid na lang ako nang mapagtanto na si Diane o mas kilala ko bilang Neone ang unang dumating kaysa sa'kin."Nicollo." Matalim na tingin niya ang bumungad sa akin, na para bang kayang-kaya niya akong kainin ng buhay. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil ako lang naman ang nagsisilbing balakid sa kan'yang kagustuhan."Kanina ka pa namin hinihintay,
Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa.Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a
Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas