Home / Sci-Fi / Spell And Kill (Taglish) / CHAPTER 2: EIGHTEEN

Share

CHAPTER 2: EIGHTEEN

last update Huling Na-update: 2021-07-19 11:46:27

Synecdoche’s POV.

Our hearts beat only with their permission. But at least, we have never known a world without them.

I did not know that our nation was divided separately and alphabetically from A to Z—not until I read a dictionary, stopped on its page 143, saw an English word and went outside to see if we have it.

"Sabi nila, ang isang butil daw ng palay ay katumbas ng isang kitil ng buhay. Na ang pagkain ng palay ay paghain ng pagkawalay—kahit kalahati ng isang butil. That's why, I don't want you to go out, Synecdoche. Soldiers—the Manjies, will attack you," Padre Oriel said, lighting up the candle near the altar.

Siya ang paring kumupkop sa akin. I want to thank him a million times for saving my life—several times as how often I recite, recall and reflect on those letters and definitions of the words in the dictionary; sa ilang taon na tumitingin sa labas ng aming bintana.

"Can I be in a state of fear without being afraid of them?" I asked him innocently, looking outside the window. Twenty-three na ako ngayon but I haven't been outside for so long. I just went out to feed our piglet below our bamboo house then went back again.

"Anong klasemg tanomg iyan?" Padre asked me again while he was sitting beside me. Hawak niyang mukha ko. The forehead is puckered but he's smiling. He wants to feel me that they'll not get us.

"Theologically, logically and critically speaking, what's the purpose of humanity?" I kill my curiosity before it kills me.

"To live and let live. To love and be loved. To be treated equally. To know your meaning and fulfill your purpose." Padre squinted, then looked heavenward.

"Just like words in the dictionary, right? 

If I read all those words again and again, can I know my purpose, Padre?"

"If that so you are in the process of knowing your purpose. Kapag tumigil ka sa pagbabasa, you start fulfilling it eventually."

"But as I scan the pages, I stopped when I saw the word Freedom, Padre." I showed him the word in the dictionary which I highlighted last time using the green leaf.

"Back in the days, our ancestors are fighting for our freedom. Our ancestors— Aetas, Negritos, Balúgas, Dumágas, Mamanúas, Manguiánes, Tagals as Soldiers and Sailor. Maharlika. Grass," Padre started.

District G.

We call it Grass. Home of farmers, supplier of grains to Mahar—the capital of Maharlika. That's where we live now—in where we hide.

"Alam mo ba ang pinakamalala?" We went behind the windows and watch its demeanor, "we have our ancestors, and other districts have their ancestors, too. That's why it started the rebellion and created the civil war, they failed—long before you see those green green lush hybrid grasses." Tinuro niya ang mga palay.

"But you know what's the worst of the worsts, Padre?"

"Hindi, ano iyon?" He asked.

"Our ancestors remain in our hearts and the fact that we failed to fight for it, remains in our mind." I looked at him trying to figure out the mole on his cheek looked like grain seeds.

Filled with farmland of Grains, I am not accustomed to unsee them—not the grains, but those Embassy's armies ransacking our grains without reluctance. I don't know why they call them Manjies. Ang alam lang namin ay masasama sila, mga tauhan ni Ambassador Hugo Cassidy na nagpapaka-presidente. Mukha ay walang kadukha-dukha, diwa ay puno ng tuwa—dahil sa aming mga nasa laylayan ng lipunan.

Pati paghinga namin ay walang paglinga. Kada-hinga ay parang inuutang sa kanila. 

The word is Freedom. 

Always...seldom,

No peace, and hope. Abject poverty. Oppression. Controlled.

We are powerless. 

We are afraid.

They have all the resources.

So we need to fight... the locusts, not the Embassy. We need to protect the grains so they have something to eat, bahala nang wala kaming makain kaysa sapilitang patayin.

That's why, one time, I closed my eyes to see if there is a light of hope but... I saw something. Something that can tell that I am unique, that I can go with the flow...let them flow, let them glow. Let the letters let me.

"So what happens when you close your eyes, Synecdoche?" curious na tanong ng isang lalaki sa akin. Ang mga bughaw niyang mga mata ay nakatutok sa akin. Ang kanang kamay ay nakahawak sa ilalim ng kaniyang bibig samantalang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa lamesa and its fingers are tapping on it like the sound of a clock. I will not be shocked if I can see an hourglass anywhere around. But I still sit, firmly.

 "I can see them," my voice echoed in this small laboratory room and I am exhausted dahil parang nag-iba ang tono ng boses ko. “I can see them,” I said it again to ensure and I bite my lips as I heard the same voice.

"Who?" he asked while holding a pen and started writing something on a paper. 

Who? What. They are not people. 

"Words. Lots of words!" May diin ang pagkasabi ko nito. When I say Lots, I mean it—as much as the precious golds of power we have. The gold of helplessness. The power to be a slave.

"It seems very exaggerated. Paano nangyari 'yon?" Tumaas ang kaniyang kilay and he paused for a while. 

"Ewan ko? Baka bunga ito ng pagbabasa ko ng mga libro?" sabi ko at parang sumang-ayon siya kasi tumango ang kaniyang ulo. 

"Darling, in the English language, can you spell the 5th longest wor⁠—" I interrupted him.

I closed my eyes, jumbled letters began to flow like pixie dusts forming a word. It's like a magic but It's not fantasy. It is sensory, a thought experiment. It is science.

That's how I imagine.

Kung wala ang imahinsayon, William Harvey wouldn’t have discovered the full circulation of blood in the human body. Sir Isaac Newton would not have defined the concept of gravity and above all, Albert Einstein would not have developed the theory of special and general relativity.

"F- L- O- C- C- I -N- A- U -C -I- N- I- H -I -L- I- P- I- L- I- F- I- C- A- T- I- O- N." I spelled it without a doubt.

Tiniyak niya ang kapasidad ko at sinisiguro kung nagbabasa nga ba talaga ako ng libro o ng dictionary. I think, and I know that people also think, that it is the 5th longest word in the English Language. It is defined as the action or habit of estimating something as worthless.

Are we worthless or are we worthy to be less?

Meron kaming halaga hindi lang nakikita ng Embassy. 

Before he completely says what he wants to say, my brain is functioning. Now, I am the one who is tapping my fingers and each letter I pronounce has one tap on the table. I just want to add some bang effect, it's so tedious.

"And what is the 4th⁠ word—"

"It's Pseudopseudohypoparathyroidism, composed of thirty letters," I grinned which made him feel uncomfortable. He stopped once again. He tried to talk faster but I can still catch it up and his face was triggered. I'm hungry, I love to crack words. Come on!

 "And the definition?" tanong niya pero this time ay mabagal na ang pananalita niya. Wala na, naunahan ko na siya. 

"A mild form of inherited pseudohypoparathyroidism that simulates the symptoms of the disorder but isn't associated with abnormal levels of calcium and phosphorus in the blood." Napahingal ako dahil sa bilis ng pagsalita ng bibig ko.

I can still recall it. It is still fresh in my mind. Sa taas ng sinabi ko ay dali-dali niyang kinuha ang dictionary at naghalungkat doon, nilawayan pa nga niya ang mga papel nito upang malipat sa kabilang pahina. Mayamaya ay lumaki na lamang ang kaniyang mata nang malamang walang kahit isang mali o sablay sa sinabi ko. 

"And what is the longest word that doesn't contain⁠—" Muli siyang nagsalita at hindi pa siya kumbinsido sa mga narinig niya. Buti na lang handa ang utak at bibig ko.

 "Rhythyms is the longest word in the English language that doesn't contain vowels, sir." Muntik pa akong mabulol pero buti na lang nasabi ko ito. 

 "Patapusin mo muna ako. I mean the longest word that doesn't contain conso⁠—" Okay, expected ko na ang susunod na sasabihin niya.

 "It's Euouae. Six letters which composed of exclusively without consonants, Sir." Alam ko, na muhkang na-iintimidate sa presensiya ko itong lalaking ito.  

"Holly, molly. You are a crackerjack! Hindi ako nagkamali sa pagpili sa ’yo. I'm impressed, really impressed! Magaling na magaling na magaling ka darling Synec, how old are you?" Masigla niyang tugon sa akin like he got a miracle from the heaven o parang isang bulalakaw na siya lamang ang nakakita, na parang nakakita ng anting-anting o mahiwagang kaban na naglalaman ng mga alahas na may katumbas na malaking halaga.

 "23 years old na po ako⁠—" Napatingin ako sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Buti naman at kalmado na siya ngayon. Minsan lang ako nakikipag-sasalamuha ng mga ibang tao, swerte siya.

"I'm Dr. Connor by the way. So pwede ba kitang matanong about sa 'yo and sa family mo?" walang katapusan niyang tanong. Pero syempre mabait akong tao kaya sumagot ako.

"Wala akong alam sa kanila. As far as I can remember, iniwan nila ako sa tapat ng simbahan and then the Padre, of course he saw me habang hubo't h***d. Lumaki ako sa piling niya, kasama ng mga baboy, ng mga mapuputik na lugar, ng mga malalawak na lupaing maraming mga tanim ng Grains, sa lugar kung saan maraming magsasaka. The District G, we call it Grass. The Padre once said that we are one of the poorest among 26 districts, and our industry are Grains,” panimula ko.

Agad ko namang inisip ang klase-klaseng bigas na mayroon kami kagaya na lamang ng NFA, Ivory, Brown Rice, yellow corn at marami pang iba. Lahat ito masasarap at tatak District G. Ito ang nagsisilbing pamana ng aming mga ninuno na inaangkin ng mga tao sa government.

 “Aha, That’s correct haha haha. Just continue darling,” singit ni Dr. Connor sabay bigay ng putol-putol na halakhak. Ngayon ay nagsimula na siyang tumayo at sinunod naman ng mga mata ko ang mga galaw niya. 

 Nagsalita muli ako, “Hindi ko alam kung ano ang industry ng ibang districts. Kami, taga-tanim lang pero hindi pinapayagang kainin ang kahit isang butil ng bigas. All our rice grains will be exported directly to Mahar, the capital of Maharlika. Only wealthy people has the previlege to live there. Not to mention the Embassy⁠—where Hugo Cassidy is the Ambassador.”

Naalala ko tuloy ang sitwasyon namin. Nakalulungkot isipin na kahit isang butil ng bigas⁠—Oo, isang butil⁠—ay ipinagkakait pa rin ito sa amin.

 “Masamang damo iyan, Synec. Tsk.” Si Ambassor Hugo ang kaniyang tinutukoy. Nagtama ang ibabaw at ilalim na mga ngipin niya at ito ay nangangahulugang may galit o inis siya sa kaniya. “O ano pa, ano pa?” atat na atat niyang sabi. Nakasandal na siya sa dingding. Kay puti ng damit ang kulay ng dingding.  

“Kinukuha ng mga taga-Mahar ang mga bigas na hindi nagbibigay ng bayad sa amin, paraan daw namin iyon sa pagbayad ng tax at hindi raw iyon ibinebenta sa kanila kundi ipamimigay lang. Maraming Manjies ang pumupunta rito sa District namin para bantayan kami, iyong mga armies ng Embassy, iyon sila. Kung may magtangkang kainin ang sariling ani ay papatayin. Tanim namin 'yon, amin 'yon. How could they do that to Grass? They don't have humanity!” Nabagsak tuloy sa lamesa ang kamay ko nang wala sa oras. Talaga namang naiinis din ako. Kayo kaya ang ganyanin nila, no. Makakaya kaya? Matatanggap kaya?

 “They really are. Pero how about you as a grassgirl?” How about me? It is none of his business. Ano ito interview? May thesis ba siyang ginagawa? Nakaka-intimidate na din siya, ha. Pero syempre, mabait ulit ako.

 “Ah, hindi po ako lumalabas ng bahay, the Padre is the only one I have. Hindi ako nakapag-aral sa school but I am educating myself through reading the books which are kept for a long time inside his old box. I always read books at the corner of the house. Hindi ako pinapayagan ng Padre na lumabas unless he wants me to. Baka raw kunin ako ng mga Manjies, iyong mga tauhan ng Embassy na parating nakaunipormeng pang militar with guns on their hand,” medyo nanginginig ang boses ko sa takot. Parang feeling ko kada segundo, kada minuto o oras andito sila nakapalibot sa akin.

 “Bang!” Nagulat ako sa pagbitiw niya ng salita at sabay halakhak. Akala ko baril, nakaka-trauma naman. Naririnig ko kasi iyon eh kapag nagbabasa ako ng mga books at dictionary, ewan ko ba kung totoo ba basta ang naalala ko, biglang nag oink-oink nang malakas 'yung nag-iisang biik namin. Parang iniihaw lang. Ganoon.

 “All districts are controlled by the Embassy. Every district, from A to Z, every people, every industry, everything! It fears me, all of us here in Grass! That is why some grass people join the rebellion," pagpapatuloy ko at medyo huminga nang malalim.

Eh, wala namang mangyayaring ganito if the Embassy has a good relationship with us. How ironic na mas mukhang manipulado nila ang presidente ng Maharlika. Akala nila gold 'yung pagkatao nila. Mukha naman silang goma, lakas buminat ng iba pababa.

"Rebellion? You know, Hugo hates rebel," he paused.

I know it, sir.

Ilang segundo siyang natulala at biglang nagsalita ulit, “They will do everything just to protect the Embassy and the government. People who will be against them will meet their death. Here in Maharlika, the Embassy treated every district differently. Those 'haves' will be safe and those 'have-nots' will suffer from intimate restrictions," he explained.

 Bakit, is it our fault that we have less penny? Is it our fault that we are suffering from abject poverty but ironically, all trade and commerce in our district are forbidden?

 "Kaya ganito ang estado natin ngayon dito sa ating District? Ganun ba?" pagsisiguro ko sa kaniya.

 "Sa inyong district," sabi niya at agad ko namang nakuha ang punto niya. Hindi siya taga rito sa District G. "Well, sabi mo kanina na hindi ka nakapag-aral?" Umikot siya sa aking paligid habang nasa loob ng bulsa ng puting laboratory gown ang kaniyang kamay.

Tumango ako at alam kong alam niya na malungkot ako.

Inayos niya muna ang kaniyang salamin sa mata bago nagsalita, "Gusto mo bang makapag-aral ng high school?"

 Napatingin ako sa malayo na parang nag-aalinlangan. "Yes, but it's too late. 23 years old na ako. Ayaw kong pagtawanan nila ako. Never!" I explained. Iniisip ko 'yung magiging tugon ng iba sa akin, kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita ang isang katulad ko na mas matanda sa kanila.

 "Based on my research, it can be gleaned here," kinuha niya ang tablet niya, "that, among all hundred and four million Maharlikas, there were just 6% who haven't sent in school and you are one of them," wika niya at alam kong seryosong-seryoso siya sa mga data na nasa kaniya.

 I am one of them? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kasali ako sa 6% but when I process what he said, I must be disappointed.

 "So you should be in school and did you know that you are missing for 2 weeks, Synec?" The moment I heard it, parang gusto kong tanungin ang sarili ko kung paano nangyari 'yon? Kung paano ako napadpad dito sa maliit na laboratory room na ito at kasama itong Dr. Connor na ito. Bakas sa mukha ko na walang kaalam-alam pero kalaunan ay parang naalala ko na.

 All I can remember is that, sa isang maaliwalas na umaga, I am reading a book in our house then someone caught my attention.

 A pig.

 She's a pretty-dirty pinky piggy, and the pig ran away to the forest. Pumunta siya sa farmlands ng mga Grains. Naghabulan kami, paikot-ikot sa pasikot-sikot, may dala pa akong net upang doon siya ilagay. Muntik na akong masubsob sa putikan, napasubo talaga ako. Baka makita siya ng Manjies. Lintik na biik!

Nakawala kasi siya kaya hinabol ko siya until nahulog ako sa isang sulok, sa isang butas na kasyang-kasya sa akin. I am trapped, sumigaw ako nang sumigaw tapos...tapos naabutan ako ng ulan.

Mayamaya ay dumungaw ang biik mula sa taas, ang mukha niya'y parang gusto niya akong tulungan, kasabay na din ng boses niyang tunog ng pag-aalala.

Dahil sa anyo niya at isa lamang siyang mumunting biik ay wala na siyang nagawa. Pinilit ko na lang umakyat gamit ang mga sanga ng kahoy at mga pinagpatong-patong na bato ngunit nung malapit na ako sa taas ay bumigay ang tinatapakan ko kaya nabalik ako sa baba. Ang sakit talaga dahil sa impact ng pagbagsak ko. My eyes became blurry, then I saw someone, he's Dr. Connor and... here I am.

"You are missing because I have been experimenting you for two weeks. You want to know the result? The good result," pabulong na sabi niya sa tenga ko na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang presensiya.

 Anong experiment iyong tinutukoy niya?

 "Look at the mirror, darling." Bahagya niyang itinapat ang salamin sa mukha ko.

 I looked young. I remember my youth. “Wait, what? Nagmukha ba akong bata...ulit? Anong...paano nangyari 'to?” Napatayo ako nang makita ang mukha ko sa salamin. Gulat na gulat ako habang hawak-hawak ang mukha. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Nananaginip ba ako?

 "Anong ginawa mo sa 'kin, Dr. Connor?" Napatayo ako nang wala sa oras. Gusto kong magwala! Feeling ko lumalabas na ang mga ugat ko. Anong nangyayari? Bakit naging ganito?

 "Aren't you surprised, Darling? Well, that is what a scientist does. They experiment. I put you inside the rejuvenation machine and make you part in an experimental program and reverse the aging process. From a 23-year-old lady became an 18-year-old girl. Successful, This is amazing! You are smart Synecdoche, and you are the hope of Grass so I need to do this so you should join," kumbinse niya.

 You should join. 

 Diyan ako na-hook.

 Saan?

I faced the guy again. "You know what, darling? The Embassy in Mahar City is a technologically advanced metropolis, utilizing advanced science and engineering to make life easier for its plutocratic citizens. However, we are set in a dystopian world where it contrasts the lives of us— the poor District residents with those of the cutting-edge Mahar citizens. Despite cataclysmic natural disasters and human-made war, the astounding technological innovations of Mahar appear from area to area in the form of hovercrafts, flying ships, and miracle medicine. In those other districts, Technology development is the primary industry; the citizens are highly adept at engineering, and the district contains factories and establishments that manufacture televisions, computers, electronic devices, and weapons. Here in District G, only Grains which give life to its residents but still taken away. And those rebels back in the days, there were pods, which are obstacles or maze made in Mahar that are used to stop the rebels from advancing into the city," He explained thoroughly.

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya. "Pwede naba akong umuwi ngayon Dr. Connor? Sigurado akong hinahanap na ako ni Padre!” Atat na atat kong sabi sa kaniya at dahan dahang lumayo sa kaniya at naghandang lumayo.

 "Padre Oriel, right?" Papalabas na sana ako pero narinig ko ang pangalan na sinabi niya. Kilala niya si padre?

"Give this to him," binigay niya ang isang maliit na book or I must say a beige notebook, "go! It'll be getting dark soon. Mag-ingat ka baka makita ka ng mga Manjies," paalala niya sa akin at parang binabalaan niya ako. Na para bang hindi na ako makauuwi ng buhay o kaya ay may mga Mnajies na naghihintay sa akin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan ako. Natatakot ako!

Napatanong ako sa sarili ko. Dapat ba akong magpasalamat sa kaniya dahil sa bago kong anyo? O dapat ba akong magalit sa kanya dahil ginawa niya akong puppet sa loob ng two weeks?

 Dali-dali akong lumabas sa maliit na laboratory room at dumaan ako sa isang clandistine tunnel dala ang lampara and I ended here up the mountain.

Mountain? Dito niya ako dinala?

But I see my district from up here. The grains, the whole Grass, it is so green and brown. I like how everything looks from up here.

It's like a painting. 

 And the sunset adds aesthetics to its panoramic view.

 My home.

 Pero mayroong parte ng Grass na parang kalbo na. The Manjies, the Embassy. They ruined it!

 How powerless we are.

 Palubog na ang araw at kailangan ko nang makauwi. As I am walking down the mountain, a shadow crosses the hillside, I heard it again, the sound of the big flying ship in the sky. Silver and gold. It signifies the Embassy.

 Nagtago muna ako sa isang liblib na parte. Ang laki ng bagay na ito, isang sasakyang pang-itaas, hindi siya eroplano kasi wala namang pakpak pero parang ganon na nga. Inikot ko ang mata ko sa bahagi nito. Ngayon ko lang napagmasdan nang mabuti. Napakatalino ng gumawa ng bagay na ito. Saan kaya gawa 'to? Metal? Iron? Gold and Silver?

 When the sky is clear, nagpatuloy ako sa paglalakad. No, sa pagtakbo pala. Hanggang hingal na hingal akong nakapunta sa tapat ng pintuan ng bahay ni Padre.

 Kumatok ako... ng maraming beses. Kay bilis ng pagkatok ang pagitbok ng aking puso. Nanginginig ako na hindi ko maipaliwanag. 

 Come on open the door, Padre!

 Nang bumukas ang pinto ay napanganga si Padre. Hindi siya makapaniwala no'ng nakita niya ako. I can't help but to give the book na bigay ni Dr. Connor. Wala akong ibang magawa, eh kundi iyan lang. Pagagalitan kaya niya ako?

 Binasa niya ang nakasulat sa cover ng libro at tumingin sa 'kin.

 "Jusko bata. Te.. teka, Synecdoche ikaw ba 'yan? Anong nangyari, bakit parang pumayat ka? Akala ko kinuha ka ng mga Manjies, saan ka nanggaling?” pautal-utal na sabi niya at ang mukha ay punong puno ng pag-aalala, "two weeks ka nang nawawala! Anong ginawa niya sa 'yo, Synecdoche? Okay ka lang? Pasok, dali! Baka may makakita pa sa 'yo," ang boses niya'y 'di makapaniwala.

 Binasa niya ang laman ng libro at bigla na lang siyang nagsalita.

 "Hindi! Anong ginawa mo sa anak ko, Connor? Dahil naging 18 years old ulit siya nang dahil sa 'yo, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito, pag-aaralin ko lang siya sa Grass University. Hindi ko siya pasasalihin kahit anong mangyari. Mahal ko ang batang ito." Mula sa libro, ay tumingin siya sa 'kin, "oo matalino 'to, pero hindi ko siya pasasalihin sa Maharlika Spelling TwistBee competition. Bakit siya pa? Jusko, sana matauhan si Connor sa ginawa niya." Nag-sign of the cross si Padre at parang may ibinulong sa ere.

Ano ba itong nangyayari? Sana hindi ko na lang hinabol ang biik. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayri sa akin ay hindi na sana ako lumabas.

 Maharlika Spelling TwistBee. 

Parang bago sa pandinig ko. Gusto kong sumali, kaso anong problema? Bakit ayaw ni Padre?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Silencieuxon RS
ang galing po author ...️...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 3: GRASS

    Bukod noong araw na hinabol ko 'yung biik, ngayon lang ulit ako nakalabas ng bahay. I think, the sky above really appreciate my happiness today. I think, the sound of the animals associate their welcome ceremony for me, that I am out of the house, that I am going to school. For the first time. I think the wind is as fresh as I am. I think the farmers were excited as I am. It is a new day. It is a new life. And maybe a new trouble. Malalim ang iniisip ko habang naglalakad ako sa isang gubat. "Dalaga na ulit ako," saad ko sa aking sarili. Sino ba namang tao ang hindi gustong maging bata ulit? Mas kuminis ulit ang balat ko na parang isang ahas na nagbago ng balat. Mas kumurba ang katawan ko na parang isang bote. Pero, kaya ko bang magpanggap bilang isang dalaga? For what? Bakit niya ako ginawang dise-otso anyos sa halip na bente-tres? At saka, bakit sila magkakilala ni Padre? Anong laman ng librong binigay ni Dr. Conno

    Huling Na-update : 2021-07-19
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 4: HOLOGRAM

    "Okay ka lang, Expert?" tanong niya habang naglalakad kaming lahat patungong quadrangle dahil nandito na ang Embassy. Ano bang problema nitong babaeng ito at tinatawag niya akong expert? "Hindi expert ang pangalan ko. My name is Synecdoche Rochet," maktol ko. "Okay, ‘yan pala ang pangalan mo, Exp... I mean Synecdoche. Well, Tumingin ka lang sa taas, ‘yan ang pangalan ko. Nice to meet you, itago mo 'yon ha," sabi niya at tumakbo siya nang mabilis. Tumingin ako sa taas. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga ulap. Ulap siguro ang pangalan niya? At saka anong ibig niyang sabihin

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 5: SILHOUETTE

    "Synecdoche, gising. Gumising ka, oy." Narinig ko ang boses niya. "Anong nangyari sa 'yo? Gising," dagdag pa niya. Tinapik niya ang likod ko at dahang-dahang bumuka ang dalawa kong mga mata at nakita ko siya, ang napaka-aliwalas niyang mukha. "Anong nangyari?" tanong ko, sinusuri ang paligid kung nasa'n ako. "Aba, ewan ko? Nakita lang kita ritong nakabulagta. Saan ka ba nanggaling? Ang dumi-dumi na ng suot mo. Kanina pa kita hinahanap." Tinignan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa aking balikat at sunod na tiningnan ay ang aking kasuotan. Totoo nga ang sinabi niya, ang dumi ko, na para bang hinabol ng babay-ramo o toro o ng kahit na anong mababangis na hayop dito sa gubat. Bigla kong inisip kung anong nangyari sa 'kin. Pagtingin ko sa gilid may well. Yung well. Agad akong tumayo at tumingin ako sa loob ng well. Ang dilim ng ilalim. Alam

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 6: ACCOMPANY

    Ulap is here! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at pumunta siya rito. Paano niya nalaman ang bahay namin? I didn't tell her our house and actually, her entrance was quite horiffic. Tumayo ang ang balahibo ko. Akala ko aswang siya o magnanakaw o mamamatay-tao. Malay ko ba? Basta-basta na lang siyang pumapasok nang walang pasabi. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pero bigla niya akong hinawakan sa balikat. May dala siyang sumbrero at panyo. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya rito at ang mga tubig sa kamay ay tumutulo sa balat ko. "Synecdoche, tulungan mo ako. Kay mama itong panyo at kay papa itong sumbrero.

    Huling Na-update : 2021-07-21
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 7: CHALLENGE

    Hindi ako nakauwi pero may klase pa ako ngayon. Lagot ako kay Padre Oriel nito! Sigurado akong hinhanap na niya ako ngayon. Pansin ko lang, kapag lumalayo ako ng aming bahay parang may mga masasamang mangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag. Kung nakinig lang sana ako kay Padre edi sana, nando'n ako ngayon kasama niya. "Nasaan ako? Gusto ko nang umuwi," I said but she just laughed. Teka lang, hanggang sa pag tawa ay parang si Miss Ahaha. Parang magkadugo yata sila, pati boses at pagtawa kopyang-kopya. Nakakapanindig balahibo! "I must say you are inside the Embassy's precious property, darling," sabi niya na siyang ikingulat ko. Baka hino-hostage na ako ngayon? Baka nasa isang liblib na lugar na naman ako na ang Embassy lang ang nakaaalam. Nasa isipian ko na baka ay nasa dungeon a

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 8: INMATES

    Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakadapa. Nilibot ko ang aking mata sa buong bahagi ng lugar na ito. It is very spacious at maraming mga silid. I can see babies in the incubators, there are big flat screens overhead, the temperature is I think, 16 degrees celsius. It's actually cold here. And still, the surveillance cameras are everywhere. Maraming nagkalat na mga tauhan ng Embassy na may iba't ibang ginagawa. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ko ito nakikita sa Grass. Nakalulula rito. Gusto kong kumuha ng kahit ano rito at dalhin sa District G. Suddenly, may anim na tauhan ang papalapit sa akin, trying to get me and lock me again. But I'm alert. Sorry na lang sa kanila. Tum

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 9: LAY FIGURE

    I am lying facedown on the dirt. Dirt, as what I have always seen in Grass. Nandito na kaya kami sa District G? Ang buong katawan ko ay napakasakit, lalong lalo na ang aking buto at parang nabungol ang mga tenga ko. I can't move yet. Tinitiis ko muna ang sakit. I'm still in shock. And I sit up, weakly. I don't know how we got here but we're clear of the wreckage, which is still burning black smoke at the distance. I can't take my eyes off the chopper. The burning metal carcass which is our only chance to escape the Manjies is going up in flames.

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 10: RUN

    Hindi nakaligtas si Khate sa mga sermon ni nanay Katy. Walang ibang ginawa si Khate kundi humingi ng tawad sa biglaang pagkawala niya. Kahit ako, naiintindihan ko si Khate dahil pareho kami ng sitwasyon. "Salamat sa pahahanap nitong anak ko ha," pasasalamat ni Nanay Katy sa amin habang naka ngiti. "Asus, walang anuman 'yon Katy," pangiting sabi ni aling Sunny. "At least, nalibot namin ang lugar dito, e

    Huling Na-update : 2021-08-19

Pinakabagong kabanata

  • Spell And Kill (Taglish)   EPILOGUE

    We eradicated the chaos. Our ability to reach unity in diversity will be the beauty and the test of our civilization. Ang bulalakaw na pumukaw sa natutulog na paraiso ang dahilan ng pagkabuklod-buklod. Bawat letra ay katumbas ng bawat tao, sa bawat distrito, na may kani-kaniyang pamumuhay. Our world is arranged in Alphabetical order—as well our life. Natutunan kong 'di lahat ng sinasabing maayos ay nakaayos. I am not a word but I have my origin, my definition, my purpose, my own example. Regardless of how short and long—how easy and difficult, how complicated. Young people have this almost romantic attachment to civil rights, liberties, emancipating people from oppression, from being controlled. The idea that such oppression exists in this nation offends me, but it's able to be pushed and sold because education in this nation is so woefully incompetent and inept—but it's not too late. This is who we are and

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 38: HOPE

    Scientist Mr. David Abalos has been assigned the position of Acting Ambassador, La Maharlika Projects—for telling the truth. Military Presence will be increased until the Rebellion can be put down and the game is complete. We will not be stopped short of our unification Goal. The bidders still want to bid. Billions of words to pick, no matter how long and short they are. Mahar is still a paradise for all. Scientist Mr. Connor Everdeen has been found guilty of treason and sentenced to death by order of the house of the lords, origin office—for a no permit experimentiation of a tribute named Synecdoche Rochet, from District G. Disqualification is amended. Current Ambassador Hugo Cassidy will execute the sentence at his discretion. May silence bring him peace. Naririnig ko pa rin si Mikey sa speaker. As soon as the day engulfs by darkness, I saw the flying ship again, silver and gold. So closed to the ground. Not even before. The ship cover

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 37: EIGHTH WORD

    Only energy in its purest form. Heat and power and connection. In a world where letters are the indicators—of our death. Sa buong buhay ko, I've been afraid it would overwhelm me. That the feelings are too big, the people too many, the pain too great. I spent every minute of every hour of every day understanding the definitions of everything from having to feel all the life there that is around me. I always taught myself that I am not alone. Because even the words have synonyms. Even the words have creators. May ibat-ibang lengguwahe. The words can be deceiving. May kani-kaniyang pinagmulan. Kagaya nila, namin, nating lahat. It's the freedom. We lost our vocabulary, our knowledge. What we have lost, we have lost together. To say that the government deliberately adopted the Machiavellian policy of mastering the revolution by setting race against race, shatters those who shattered, reaped on the 2nd Maharlika Spelling Twistbee—would be to pay too high a compliment to i

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 36: SEVENTH WORD

    Tirik na ang araw nang gumising ako. Akala ko papatayin nila ako kasi pagkabangon ko ay bigla na lang nila akong hinampas sa ulo ng itlog. Nabiyak ang itlog at namantsahan ako sa laman nito at ang hinihigaan kong grass. "Happy Birthday, Synecdoche!" Sabay na sabi nila. I did not expect this. I was so shocked. I looked Vani, nagtutukan lang kami at bigla na lang siyang tumawa. "I don't need to explain. I just told them. It's your special day." "Why throw me eggs?" Tiningnan nila si Yong. "It's a tradition in the Youth Industry. We, youths throw eggs. Buti nga walang flour dito sa Arena. Bagay siya pagkatapos batuhin ng itlog para dumikit. And here's a blood," Lumapit siya sa akin. He marked something on my forehead, "We mark cross on the celebrant's forehead using the chicken's blood." I smiled. Ganoon pala 'yun? "Earlier this morning, ginising kami ni Vani and he told us that it's your birthday. Went to a farm to catch th

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 35: SYNECDOCHE

    "So you were twins," Tanong ni Pen kay Yong at Vani. Nakapalibot kami lahat sa isang apoy na lumalagablab. Gabi na at panahon na para magpahinga ngunit napagdesisyunan naming mag-usap muna. At kung mayroong killers dito sa grupo namin ay hindi kami magpapatayan. "What do you think?" Yong asked back. Nagluluto siya ng isang hippo. Tumango na lamang si Pen kasi halata naman sa mukha nila. Mariin naman siyang humiga at tumingin sa kalangitan. Pinaghalo ng hanging malamig at init ng apoy ang aming paligid. We can hear the crickets, pati ang uwang ng mga lobo, we can hear the cascading waterfall nearby. Napalilibutan kami ng kadiliman ngunit kapag tumingin sa taas ay makikita ang mga bituing nagniningning ngunit mapula ang buong kalangitan na para bang nagbabadya. I smiled when I heard people singing blocks away. I am glad they're alive. Those jinglers who love music. Always joyful. Nang biglang umiyak ang dalawang sanggol ay bigla na lang

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 34: SIXTH WORD

    Wala si Yana. The next days we burried Yana. Malapit sa iba't-ibang mga bulaklak na pinagtulungan naming i-arrange bilang mga palamuti. Yong was in somber. He's crying in front of Yana who is wearing a white dress that I made it. I got a thread and a needle. I knitted it, just like Aling Khaty did. Got them from the boxes. I heard Sam again—transferring from one boxes to another. I know all Mahar is watching us. Because they know I need clothes for her. But they gave thread and needle instead. They still need me to be challenged. Afterall, it's a goddamn game for them—picking their bets. Madaling araw pa lang kanina ay maaga na akong nagising at nag-ikot. Kumuha ako ng mga boxes sa pag-aakalang mayroon kaming makukuha. At hindi ako nabigo. I got 10 boxes. I have spelled the words. Those one of the most difficult words. I almost missed it but as I closed my eyes, jumbled letters began to flow like pixie dusts forming a word. It's like a magic but It's not

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 33: FIFTH WORD

    After the third word, we haven't killed by the other tributes. Although, pinalibutan nila kami sa disyerto, hindi pa rin nila kami nadakip at napatay kasi nagtulong-tulong kami. Keithwarth has swords. I don't know where did he get those. Pero wala kaming napatay, kasi spells kami nung huling araw. Nasugatan lang sila. I think there is no rule na bawal sugatan ng mga spells ang mga killers. It's a form of self defense. We're just seven, they're more than a hundred. What would they expect us to do? Nothing? "I'm f*cking sorry, Yana. You ain't know how many propitiatory sacrifices I've done just to find you! 'Yung tatlong kasama natin tigok na. And I'm thinking about you and your... damn baby!" Nakaluhod ang isa nitong paa habang kinakausap si Yana. "Here," may iniabot si Yong kay Yana, "Naiwan mo," sabi nito sabay tingin sa gilid. "Bakit na sa iyo ito? Buti nahanap mo. Akala ko..." "Alam kong malapit ka nang manganak. I should effin blame the

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 32: FOURTH WORD

    Kinabukasan, muli kaming nagtipon. "I'm glad you came back here, Synecdoche at kasama mo si Yong," Sabi ni Yana habang nakahiga siya sa isang katre na kahoy nangawa naming lima. Ginawan namin siya ng mahihigaan dahil hindi namin alam kung kailan siya manganganak. "Yana, ilang ulit ba naming sasabihin sa iyo na hindi Yong ang pangalan niya. Siya si Vani. GiovanninRoan Cornetto, Taga district G, laki sa putikan, anak ng magsasaka," hinawi ko ang buhok niya, "ilang beses na naming pinatingin sa iyo ang tattoo niya sa braso," pagtatapos ko. Nung dumating kami nung isang araw kahit na sumasakit ang tiyan niya ay pilit niyang niyakap si Vani na siyang ipinigtaka namin. Akala namin may relasyon silang dalawa. Buti naman wala. Sabi ni Vani. Alam kong totoo ang sinabi ni Vani. Hindi dapat maging totoo ang nasa isip ko. I trust him. I have learned to trust him. After all that happens... since the beginning. Since the day the bee started to spell words.

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 31: THIRD WORD

    Another three days have come. Parang hinahanap-hanap na ng tenga ko ang boses ni Mikey. Gising ang mga senses ko. I don't want to miss any word. Kung ang lahat ng ito ay pawang mga laro lamang at nasa mga kamay ng bidders ang buhay namik, ay dapat makalusot kamo rito. Hindi pwedeng hindi. Hindi na kami nagkita-kita ng mga kasama ko simula kahapon. Hindi ko gustong lamunin ako ng takot lalong-lalo nang may kasama akong buntis. "Dito ka lang, Yana," sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa isang liblib na lugar kung saan pinalilibutan kami ng dalawang tapampas. "Saan ka pupunta? Huwag mo akong iwan dito." "Look. Mikey haven't pronounce any word yet. I'll go to Patag again. I will get some bag supplies for us. I know you are safe here. Babalikan kita rito. Hahanapin ko ang ang mga kasama ko at mga kasama mo," paliwanag ko sa kaniya at bakas sa mukha ang pag-aalala niya. "Sama na lang ako, Synec, natatakot ako."s? She was paralyze

DMCA.com Protection Status