Home / Sci-Fi / Spell And Kill (Taglish) / CHAPTER 5: SILHOUETTE

Share

CHAPTER 5: SILHOUETTE

last update Last Updated: 2021-07-20 00:50:56

"Synecdoche, gising. Gumising ka, oy." Narinig ko ang boses niya.

"Anong nangyari sa 'yo? Gising," dagdag pa niya. Tinapik niya ang likod ko at dahang-dahang bumuka ang dalawa kong mga mata at nakita ko siya, ang napaka-aliwalas niyang mukha.

"Anong nangyari?" tanong ko, sinusuri ang paligid kung nasa'n ako.

"Aba, ewan ko? Nakita lang kita ritong nakabulagta. Saan ka ba nanggaling? Ang dumi-dumi na ng suot mo. Kanina pa kita hinahanap." Tinignan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa aking balikat at sunod na tiningnan ay ang aking kasuotan. Totoo nga ang sinabi niya, ang dumi ko, na para bang hinabol ng babay-ramo o toro o ng kahit na anong mababangis na hayop dito sa gubat.

Bigla kong inisip kung anong nangyari sa 'kin. Pagtingin ko sa gilid may well.

Yung well.

Agad akong tumayo at tumingin ako sa loob ng well. Ang dilim ng ilalim. Alam kong nahulog ako rito kanina at saka hinahabol ako ng mga Manjies. Anong pakay nila sa 'kin? 'Yung hologram kaya? O iba?

"Vani, talaga bang nakabulagta lang ako rito sa lupa?" Tanong ko habang pinapagpag ang madumi kong kasuotan. Nagpabalik-balik ang mata ko sa kaniya at sa well. Hindi ako mapakali.

"Oo, ano bang nangyari?" sagot niya na agad naman ikinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

Hindi. 

Alam kong nahulog ako kanina, eh pero bakit wala akong sakit na nadarama sa katawan ko ngayon? Tanging gasgas lang ang inabot ko. Kung sino mang mahuhulog sa well na ito ay tiyak na mababali ang mga buto. Bakit ako nakalabas ng well? Sinong tumulong?

Kailangan ko ng sagot.

Pero,  I dreaming? Totoo bang hinahabol ako ng mga Manjies kanina? Nahulog ba talaga ako? Wala akong maalala. I mean, hindi ako sure sa aking kutob.

Tingnan ako nang matagal ni Vani, parang may hinihintay. "Ay, oo nga pala. Sorry Vani, walang bumili sa puso mo. Bakit ka ba nagtitinda? Bawal iyon dito sa ating district, baka makita a ng Manjies. Teka lang, kunin ko lang 'yun sa bag ko, ha." Hinalungkat ko ang bag at laking gulat ko sapagkat 'yung hologram lang ang nakita ko.

"Vani, wala rito sa bag ko! Nasan na 'yun? Nandito lang iyon, eh." Lumuhod ako sa lupa upang mas mahalughog ko nang mabuti ang aking bag pero wala talaga?

"Bakit may electronic device ka, babae? Saan mo 'yan kinuha?! Itago mo nga 'yan at baka makita tayo rito," utos niya sa akin at napahinto ako bago nagsalita.

"Hoy, scammer, hindi ako magnanakaw! Hindi ko alam kung bakit nandiyan 'yan. Sigurado akong 'yung babaeng kasama ko kanina sa quadrangle ang naglagay nito dito," pagtatanggol ko sa aking sarili. "At saka, ang isipin muna natin ay kung nasaan ang puso mo?" tanong ko at parang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari.

Sinong kumuha ng puso ng saging?

Sa makalawa, kinapkap ko muli ang buong bag ko, pero wala talaga akong nakita maliban na lamang sa mga barya.

"Dalawang bente pesos? Bakit may pera sa bag ko? Wala naman akong pera, ah?"

"Ayan naman pala, baka may bumili na sa puso ko at 'di mo lang natandaan." May punto siya pero sa pagkaalala ko ay wala talaga akong kinausap na tao na pinagbentahan ng puso niya.

"Are you sure, Synecdoche? Baka may bumili at nakalimutan mo lang?" Sabi niya. Siguro? Pero wala talaga akong maalala.

"O ayan, sa 'yo na lang itong pera Vani, alam kong kailangan mo 'yan. " Inabot ko sa kaniya 'yung pera. Wala naman akong panggagamitan niyan. "Pero mas mabuti kung itago mo lang 'yan at baka makita ka ng Manjies." Tumingin ako sa gilid at itaas. Hayun, nakita ko ang mga surveillance na nasa mga puno. Buti na lang at nasa medyo maliblib na lugar kami.

"Act like we're playing hide and seek," I whispered when the camera got its first sight on us. He nodded. Alam kong nakatutok na ang camera sa amin at may mga tao nang tumitingin sa 'min galing sa kung saan man ang facility ng lahat ng mga surveillance cameras dito sa aming districts Alam kong mga bayaran ang nagco-contol at gumagawa ng mga laruang iyon. 

"Thank you, Synecdoche," pabulong na wika ni Vani sa akin habang pasimpleng nilalagay ang mga barya sa kanyang bulsa.

"May scammer palang nagpapasalamat?" maktol ko. Akala niya't nakalimutan ko ang ginawa niya kaninang umaga sa akin, ha. 

"Sorry na, kailangan ko lang kasi—"

"Ano 'to?" putol ko sabay turo sa kanang braso ni Vani.

"Ah, ano, t-this is an art," pautal niyang sagot at tinakpan ang braso.

"Patingin, Is that a tattoo?" tanong ko.

"This is an art," ulit ni Vani.

"Tattoo is an art," paliwanag ko.

"I didn't say it's a tattoo." 

I laughed,"'Wag mong sabihing—"

"Hindi ito libag," defensive niyang sagot. 

"I didn't say it's a libag," ganti ko.

Susungitan ko sana siya kaso bigla siyang umubo. "Malala na 'yang ubo mo, ah? Tara, umuwi na tayo. Gumagabi na, oh, baka hinahanap na ako ni Padre at mas lalong hinahanap ka na ng mga magulang mo," alok ko sa kaniya.

Nag-iba kami ng direksyon at agad naman akong nakauwi nang ligtas.

Pumasok na ako at nadatnan ko si Padre na nakaluhod sa harap ng altar, sa mga malalaking kandila, sa harap ng rebulto ng Goddess of agriculture, Our Mother Ceres.

"Dare libertatem Ad Grass

A Pulchram  Civitatem

Dare libertatem Ad Grass

A Pulchram  Civitatem," rinig kong sabi ni padre Oriel. Ala sais na pala ng gabi at sinasabi na naman niya ang mga katagang iyon.  

Alam kong latin words 'yan.  Hindi na niya kailangan ituro 'yan sa 'kin dahil kabisado ko na 'yan. Parati kong naririnig tuwing magtatakip-silim.

Nung maramdaman niyang nandito na ako, ay agad siyang tumayo.

"O anak, bakit ngayon ka lang? Bakit ang dumi-dumi mo? Magbihis kana para makapaghapunan na tayo. Nagluto ako ng gulay, " paunang bungad niya sa akin habang nakangiti, sinindihan ulit ang kandila kasi namatay.

"Sige po," maikling sagot ko. Dumiretso na ako sa aking kwarto at inilapag ang bag ko. Agad naman akong nagbihis at pumunta pabalik sa hapag-kainan.

Uupo na sana ako ngunit nagulat ako at biglang dinampot ang platong gawa sa kahoy. “Padre naman, alam mo namang bawal bakit ka nagluto ng kanin?” ulat ako nang makakita ng kanin sa lamesa, taliwas sa parati kong nakikita sa hapag.

“Shh, it is not a grain,” kalmado siyang nagsalita, kamay nasa mga labi niyang mapupula.

“Eh, ano ‘to?” tanong ko habang inaamoy ang kanin. It has a distinctive smell. 

“That’s a Quinoa,” Padre told me, wanting me to sit down.

“Qui..quinoa?” sabay tingin sa laman ng plato at pumikit ako bigla, may hinahanap ako sa dilim at ilan segundong nagsalita ulit, “ Q-U-I-N O-A. Quinoa is..is a flowering plant in the Amaranth Family. It is classified as...” napatigil ako, nag-isip at nagsalita ulit, “it is classified as pseudocereal and not… not a grain.” Napaupo na lang ako sa upuan at inilapag muli ang plato sa lamesa.

“O siya kain na, huwag mo nang i-spell at sabihin ang dipenisyon nito kasi alam kong nagugutom na ang sikmura ng aking pinakamamahal na anak.” Napangiti ako sa sinabi ni Padre at agad kumain. May sabaw din pala siyang niluto kaya saktong-sakto, sabaw ng  dahon sa tabi-tabi, pero malinis namn 'to.

“Alam mo ba padre that Quinoa is rich in B vitamins, protein and dietary minerals in amounts greater than in many grains?” dagdag ko pa kasi alam kong nabasa ko ito.

“At alam mo ba kung saan ko ‘yan kinuha?”

Nagtinginan kaming dalawa bago siya tuluyang nagsalita.

“Sa puso ng krass mo, ayi.”

At talagang nagulat ako, no. Sino ba naman ang hindi magugulat, eh, hindi naman expected iyon tapos galing pa sa bibig ng isang Pari.

“Maharot ha, joke lang po Padre.” Nagtawanan kaming dalawa at Niyakap niya ako nang mahigpit. 'Yung yakap na kailanaman ay hindi ko naramdaman noon.

Ang mainit na apoy na kumakaway sa kandila ay nagsilbing ilaw namin. Ang malamig na hangin na naglalakbay papasok sa bahay namin ang siyang nagsilbing bentilador. I know it's better than electronic devices. Tapos kasama ko pa ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Suddenly, I break the silence. "Padre," napatingin siya sa 'kin. 'Yung kulay bughaw niyang mga mata ay parang nilalamon ako, "tungkol po do'n sa Spelling bee competition. Next week na po ‘yon magaganap. Gusto ko po sumali," pahayag ko sa kaniya habang kinakabahan.

Tumingin siya sa ibang direksyon at biglang uminom ng isang basong tubig. "At pagkatapos?"

"Kung manalo po ako, magiging representative po ako sa district G  at ipadadala sa Word arena to compete for our district," paliwanag ko.

"Hindi ka sasali. Hindi mo alam kung anong klaseng lugar ‘yang word arena na iyan. 'Pag sinabi kong hindi, hindi ka sasali! Mag focus ka sa pag-aaral mo anak. Naiintindihan mo ba?"

"Pero padre," pagmamakaawa ko.

"Hindi ka magaling sa spelling. Maliit pa lang ang nasa loob ng iyong bokabyularyo. Hindi ka mananalo, masasayang lang ang iyong oras sa pagsali mo riyan," palianag niiya sa 'kin. Nag iba na ang expression niya ngayon.

"Pero padre, sabi mo matalino ako, kaya ko naman. Kakayanin ko at makakaya ko. Wala ka bang tiwala sa sa 'kin? Anong bang masama kung sasali ako sa spelling bee?" tanong ko.

"Masama. Napakasama para sa isang batang katulad mo. Hindi lang yan basta-basta isang competition. Wala kang alam." Parang tinusok ng quinoa ang malay ko dahil sa sinabi niya. Na parang nagising ako sa katotohanan.

Anong bagay ang alam ni padre na hindi ko alam? May nalalaman ba siya?

Sabihin mo padre.

Hindi na lang ako nagsalita, sa halip ay dali-dali akong kumain at agad namang natapos. Iniwan ko si padre sa hapag-kainan at dumiretso sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Naiinis ako dahil hindi ako pinayagan ni Padre. Bakit ba ang daming bawal sa 'kin? Malaki na naman ako ah. 23 na ako na naging 18, pero 23 pa din 'yung pag-iisip ko. Dapat sana pwede ko nang gawin ang mga bagay na gusto ko.

'Gaya ng sinabi ko, ang kwarto ko ay puno ng mga libro. Algebra, geography, 21st century Literature and even dictionaries. Halos lahat ay nabasa ko na, wala kasi akong magawa sa buhay.

Pumunta ako malapit sa may bintana at mula rito ay tanaw ko ang kapatagan at ibang bahagi ng district G.

Torches are everywhere.

 Parang mga matang umaapoy. Wala talagang electricity rito sa amin, nagtitiis kami sa pasindi-sindi ng apoy kapag dumating na ang gabi. Nakakaya kaya ito ng konsensiya ng mga taga Embassy? Kailan kaya mabibigyan ng totoong ilaw ang aming district?

Bigla kong naisip 'yung kanina at bakit may barya sa bag ko? Wala naman akong perang dala o natanggap man lang, ah? O baka guni-guni ko lang na may humahabol sa aking mga Manjies kanina?

Kinuha ko ang Holo sa bag ko at lumutang muli ang map ng Maharlika. Tiningnan ko muli ang bawat distrito at sinuri kung saan sila nakapwesto at ang kanilang lokasyon.

 I wonder if these 26 districts including Mahar, were all connected before. Kung makikita mo ang mapa, all districts are like puzzles na para bang nagkaroon ng malakas na lindol and then they became separated from each other.

Mayroon ding nabuong mga islands malapit sa District F.

Napititig naman ako sa isang napakataas na daan, daanan ng train. Konektado ito sa lahat ng districts, owned by District T, halata namang Transportation ang kanilang industry. Their seal is an image of a train with wings. Sila ang gumagawa ng mga transportasyon, sila rin ba kaya ang gumawa nung big flying ship ng embassy?

Ang district District F, naman their seal has an emphasis of a trident na may tatlong isda na nakatusok sa tatlong matatalim na portion ng trident.

Oh, I remember Poseidon. Obviously, the location of the District F is at the seashore. Malamang sa malamang sagana sa alamang at pangingisda ang tanging hanap buhay nila rito. Their industry is fishing. How I wish I can eat fish.

Nakapapangilabot naman sa bandang ilalim na parte ng mapa. District W. As I see their seal, I can say that W means War. Maybe because their seal is composed of a bullet with two swords. Alam ko na, their industry is Weaponry. They are the weaponmakers here in Maharlika.

Napasigaw ako bigla dahil akala ko tunog ng baril ang bumulaga sa aking tenga, it's the loud melancholic sound of the thunder that getting into my nerves. Umulan ng malakas and then the torches outside were off. Parang 'yung mulat na mulat na mga matang umaapoy kanina ay unti-unting pumikit.

Biglang kumatok si Padre pero hindi ko pinagbuksan. "Anak? Okay ka lang diyan? Sindihan mo 'yung lampara mo para may ilaw ka riyan. Matulog kana din mamaya dahil klase mo pa bukas." Sa halip na sumagot ako ay kumatok na lang ako sa pinto ko as a response at hudyat na narinig ko 'yung sinabi niya. Nagtagampo pa rin ako sa kaniya.

Mga sampung segundo bago siya nagsalita ulit. "Ah, anak, kung nagtagampo ka sa 'kin gusto ko lang malaman mo na ang desisyon ko ay hindi para sa ikasasama mo kundi para sa ikabubuti mo. Alam ng panginoon ang mga hinaing ko para sa 'yo. Gusto lang kitang protektahan dahil mahal kita basta nandito lang ako para sa 'yo. Pag-isipan mo ang iyong iniisip." Ilang saglit ay nawala na ang boses mula sa labas.

Anong bang masama kung sasali ako sa Spelling Bee? Tutuntong lang naman ako sa stage at mag-iispell ng mga salita, ah. Meron pa bang gagawain bukod doon? Wala na naman, ah?

Napabuntong-hininga na lang ako. Malakas ang hangin kaya ang kurtina malapit sa terrace ng aking kwarto animo'y giniginaw nang husto dahil gusto niyang pumasok sa aking kwarto. Papunta na sana ako para isarado ang pintuan ng terrace pero napatigil ako. Dahan dahan akong napahakabang palikod because a silhouette emerged behind the curtain.

Dahan-dahan siyang pumapasok sa kwarto ko. Hindi ko na alam na may bitbit na pala akong tsinelas na bakya at nag-handa upang ipokpok iyon sa kung sino mang tao ang nagtatangkang pumasok dito sa kwarto ko.

Hinawi niya ang kurtina at nakapasok na nga siya. Papaluin ko na sana siya ng bakya pero nakaiwas siya at hayun, natapon ko sa labas ang bakya kong tsinelas.

Gulong-gulo ang buhok niya at basang-basa ang saplot. And now I realized that I am facing a feminine body

… and she is familiar.

"Hi expert," sabi niya sa 'kin.

Related chapters

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 6: ACCOMPANY

    Ulap is here! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at pumunta siya rito. Paano niya nalaman ang bahay namin? I didn't tell her our house and actually, her entrance was quite horiffic. Tumayo ang ang balahibo ko. Akala ko aswang siya o magnanakaw o mamamatay-tao. Malay ko ba? Basta-basta na lang siyang pumapasok nang walang pasabi. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pero bigla niya akong hinawakan sa balikat. May dala siyang sumbrero at panyo. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya rito at ang mga tubig sa kamay ay tumutulo sa balat ko. "Synecdoche, tulungan mo ako. Kay mama itong panyo at kay papa itong sumbrero.

    Last Updated : 2021-07-21
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 7: CHALLENGE

    Hindi ako nakauwi pero may klase pa ako ngayon. Lagot ako kay Padre Oriel nito! Sigurado akong hinhanap na niya ako ngayon. Pansin ko lang, kapag lumalayo ako ng aming bahay parang may mga masasamang mangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag. Kung nakinig lang sana ako kay Padre edi sana, nando'n ako ngayon kasama niya. "Nasaan ako? Gusto ko nang umuwi," I said but she just laughed. Teka lang, hanggang sa pag tawa ay parang si Miss Ahaha. Parang magkadugo yata sila, pati boses at pagtawa kopyang-kopya. Nakakapanindig balahibo! "I must say you are inside the Embassy's precious property, darling," sabi niya na siyang ikingulat ko. Baka hino-hostage na ako ngayon? Baka nasa isang liblib na lugar na naman ako na ang Embassy lang ang nakaaalam. Nasa isipian ko na baka ay nasa dungeon a

    Last Updated : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 8: INMATES

    Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakadapa. Nilibot ko ang aking mata sa buong bahagi ng lugar na ito. It is very spacious at maraming mga silid. I can see babies in the incubators, there are big flat screens overhead, the temperature is I think, 16 degrees celsius. It's actually cold here. And still, the surveillance cameras are everywhere. Maraming nagkalat na mga tauhan ng Embassy na may iba't ibang ginagawa. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ko ito nakikita sa Grass. Nakalulula rito. Gusto kong kumuha ng kahit ano rito at dalhin sa District G. Suddenly, may anim na tauhan ang papalapit sa akin, trying to get me and lock me again. But I'm alert. Sorry na lang sa kanila. Tum

    Last Updated : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 9: LAY FIGURE

    I am lying facedown on the dirt. Dirt, as what I have always seen in Grass. Nandito na kaya kami sa District G? Ang buong katawan ko ay napakasakit, lalong lalo na ang aking buto at parang nabungol ang mga tenga ko. I can't move yet. Tinitiis ko muna ang sakit. I'm still in shock. And I sit up, weakly. I don't know how we got here but we're clear of the wreckage, which is still burning black smoke at the distance. I can't take my eyes off the chopper. The burning metal carcass which is our only chance to escape the Manjies is going up in flames.

    Last Updated : 2021-08-15
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 10: RUN

    Hindi nakaligtas si Khate sa mga sermon ni nanay Katy. Walang ibang ginawa si Khate kundi humingi ng tawad sa biglaang pagkawala niya. Kahit ako, naiintindihan ko si Khate dahil pareho kami ng sitwasyon. "Salamat sa pahahanap nitong anak ko ha," pasasalamat ni Nanay Katy sa amin habang naka ngiti. "Asus, walang anuman 'yon Katy," pangiting sabi ni aling Sunny. "At least, nalibot namin ang lugar dito, e

    Last Updated : 2021-08-19
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 11: FREEFALL

    "Who are you, King?" "Stupid. That's redundancy." "No, I mean your real identity." "Why you're so curious? Are you interested in me?" "Hindi no...teka, wag ka ngang magmadali, ginawa mo 'kong kalabaw eh." sabi ko dahil muntik na akong mabangga sa poste. Subukan lang niya akong ipahamak kundi magkakalaman kami. How dare him! The air makes his hair to dishevell. Mukha kaming mag-syota na tumatakas para mag-tana

    Last Updated : 2021-08-22
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 12: CAKE

    Wala kaming ibang nagawa kundi tumawa nang malakas. Hindi naman kami baliw sadyang masaya lang talaga kami dahil sa nangyari. "Did you expect this will happen?" tanong ni King habang nakahiga sa mga damit. Iniisip niyang snow itong hinihigaan namin. Loko. Nakahiga pa rin kami sa isang katerbang mga damit at nakatunganga lang kami sa kalangitan. Umaandar pa rin ang truck na sinasakyan namin at wala kaming ideya kung saan ito papunta. "No, I thought we'll die," tumawa ulit ako nang malakas. "Alam mo, you're cute when you laugh," sabi niya at tumigil ako sa pagtawa. Cute naman talaga ako ah. No need to tell me because I know it. "Thank you,"walang emosyong sabi ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay 'di pa rin mawala ang pagod sa aking katawan at ang gutom. This day was a crap! "Are you comfo

    Last Updated : 2021-09-14
  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 13: SILID

    "Shh, don't shout." Is that you Khate? "Mom, she's awake!" sigaw niya at nakarinig ako ng mga footsteps na papataas sa hagdanan. I remember the Manjies. The sound of their footsteps heading towards me when I went into the grain forest. When the door gets open, they are not Manjies. It's Nanay Katy. Then aling Sunny and manong Mundo. Kasama ko na sila! Ang galing, nananaginip ba ako? Paano ako napunta rito? Pero, masaya ako na nakita ko sila ulit. "Okay ka na, Synecdoche?" Tanong naman ni nanay Alegre sa 'kin at hinawakan niya ang buhok ko at uminom ng tubig. "Oo naman, I just left one single millisecond." Biro ko sa kanila. Ramdam ko ang pag-aalala nila sa 'kin. "You left one single millisecond,

    Last Updated : 2021-09-14

Latest chapter

  • Spell And Kill (Taglish)   EPILOGUE

    We eradicated the chaos. Our ability to reach unity in diversity will be the beauty and the test of our civilization. Ang bulalakaw na pumukaw sa natutulog na paraiso ang dahilan ng pagkabuklod-buklod. Bawat letra ay katumbas ng bawat tao, sa bawat distrito, na may kani-kaniyang pamumuhay. Our world is arranged in Alphabetical order—as well our life. Natutunan kong 'di lahat ng sinasabing maayos ay nakaayos. I am not a word but I have my origin, my definition, my purpose, my own example. Regardless of how short and long—how easy and difficult, how complicated. Young people have this almost romantic attachment to civil rights, liberties, emancipating people from oppression, from being controlled. The idea that such oppression exists in this nation offends me, but it's able to be pushed and sold because education in this nation is so woefully incompetent and inept—but it's not too late. This is who we are and

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 38: HOPE

    Scientist Mr. David Abalos has been assigned the position of Acting Ambassador, La Maharlika Projects—for telling the truth. Military Presence will be increased until the Rebellion can be put down and the game is complete. We will not be stopped short of our unification Goal. The bidders still want to bid. Billions of words to pick, no matter how long and short they are. Mahar is still a paradise for all. Scientist Mr. Connor Everdeen has been found guilty of treason and sentenced to death by order of the house of the lords, origin office—for a no permit experimentiation of a tribute named Synecdoche Rochet, from District G. Disqualification is amended. Current Ambassador Hugo Cassidy will execute the sentence at his discretion. May silence bring him peace. Naririnig ko pa rin si Mikey sa speaker. As soon as the day engulfs by darkness, I saw the flying ship again, silver and gold. So closed to the ground. Not even before. The ship cover

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 37: EIGHTH WORD

    Only energy in its purest form. Heat and power and connection. In a world where letters are the indicators—of our death. Sa buong buhay ko, I've been afraid it would overwhelm me. That the feelings are too big, the people too many, the pain too great. I spent every minute of every hour of every day understanding the definitions of everything from having to feel all the life there that is around me. I always taught myself that I am not alone. Because even the words have synonyms. Even the words have creators. May ibat-ibang lengguwahe. The words can be deceiving. May kani-kaniyang pinagmulan. Kagaya nila, namin, nating lahat. It's the freedom. We lost our vocabulary, our knowledge. What we have lost, we have lost together. To say that the government deliberately adopted the Machiavellian policy of mastering the revolution by setting race against race, shatters those who shattered, reaped on the 2nd Maharlika Spelling Twistbee—would be to pay too high a compliment to i

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 36: SEVENTH WORD

    Tirik na ang araw nang gumising ako. Akala ko papatayin nila ako kasi pagkabangon ko ay bigla na lang nila akong hinampas sa ulo ng itlog. Nabiyak ang itlog at namantsahan ako sa laman nito at ang hinihigaan kong grass. "Happy Birthday, Synecdoche!" Sabay na sabi nila. I did not expect this. I was so shocked. I looked Vani, nagtutukan lang kami at bigla na lang siyang tumawa. "I don't need to explain. I just told them. It's your special day." "Why throw me eggs?" Tiningnan nila si Yong. "It's a tradition in the Youth Industry. We, youths throw eggs. Buti nga walang flour dito sa Arena. Bagay siya pagkatapos batuhin ng itlog para dumikit. And here's a blood," Lumapit siya sa akin. He marked something on my forehead, "We mark cross on the celebrant's forehead using the chicken's blood." I smiled. Ganoon pala 'yun? "Earlier this morning, ginising kami ni Vani and he told us that it's your birthday. Went to a farm to catch th

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 35: SYNECDOCHE

    "So you were twins," Tanong ni Pen kay Yong at Vani. Nakapalibot kami lahat sa isang apoy na lumalagablab. Gabi na at panahon na para magpahinga ngunit napagdesisyunan naming mag-usap muna. At kung mayroong killers dito sa grupo namin ay hindi kami magpapatayan. "What do you think?" Yong asked back. Nagluluto siya ng isang hippo. Tumango na lamang si Pen kasi halata naman sa mukha nila. Mariin naman siyang humiga at tumingin sa kalangitan. Pinaghalo ng hanging malamig at init ng apoy ang aming paligid. We can hear the crickets, pati ang uwang ng mga lobo, we can hear the cascading waterfall nearby. Napalilibutan kami ng kadiliman ngunit kapag tumingin sa taas ay makikita ang mga bituing nagniningning ngunit mapula ang buong kalangitan na para bang nagbabadya. I smiled when I heard people singing blocks away. I am glad they're alive. Those jinglers who love music. Always joyful. Nang biglang umiyak ang dalawang sanggol ay bigla na lang

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 34: SIXTH WORD

    Wala si Yana. The next days we burried Yana. Malapit sa iba't-ibang mga bulaklak na pinagtulungan naming i-arrange bilang mga palamuti. Yong was in somber. He's crying in front of Yana who is wearing a white dress that I made it. I got a thread and a needle. I knitted it, just like Aling Khaty did. Got them from the boxes. I heard Sam again—transferring from one boxes to another. I know all Mahar is watching us. Because they know I need clothes for her. But they gave thread and needle instead. They still need me to be challenged. Afterall, it's a goddamn game for them—picking their bets. Madaling araw pa lang kanina ay maaga na akong nagising at nag-ikot. Kumuha ako ng mga boxes sa pag-aakalang mayroon kaming makukuha. At hindi ako nabigo. I got 10 boxes. I have spelled the words. Those one of the most difficult words. I almost missed it but as I closed my eyes, jumbled letters began to flow like pixie dusts forming a word. It's like a magic but It's not

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 33: FIFTH WORD

    After the third word, we haven't killed by the other tributes. Although, pinalibutan nila kami sa disyerto, hindi pa rin nila kami nadakip at napatay kasi nagtulong-tulong kami. Keithwarth has swords. I don't know where did he get those. Pero wala kaming napatay, kasi spells kami nung huling araw. Nasugatan lang sila. I think there is no rule na bawal sugatan ng mga spells ang mga killers. It's a form of self defense. We're just seven, they're more than a hundred. What would they expect us to do? Nothing? "I'm f*cking sorry, Yana. You ain't know how many propitiatory sacrifices I've done just to find you! 'Yung tatlong kasama natin tigok na. And I'm thinking about you and your... damn baby!" Nakaluhod ang isa nitong paa habang kinakausap si Yana. "Here," may iniabot si Yong kay Yana, "Naiwan mo," sabi nito sabay tingin sa gilid. "Bakit na sa iyo ito? Buti nahanap mo. Akala ko..." "Alam kong malapit ka nang manganak. I should effin blame the

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 32: FOURTH WORD

    Kinabukasan, muli kaming nagtipon. "I'm glad you came back here, Synecdoche at kasama mo si Yong," Sabi ni Yana habang nakahiga siya sa isang katre na kahoy nangawa naming lima. Ginawan namin siya ng mahihigaan dahil hindi namin alam kung kailan siya manganganak. "Yana, ilang ulit ba naming sasabihin sa iyo na hindi Yong ang pangalan niya. Siya si Vani. GiovanninRoan Cornetto, Taga district G, laki sa putikan, anak ng magsasaka," hinawi ko ang buhok niya, "ilang beses na naming pinatingin sa iyo ang tattoo niya sa braso," pagtatapos ko. Nung dumating kami nung isang araw kahit na sumasakit ang tiyan niya ay pilit niyang niyakap si Vani na siyang ipinigtaka namin. Akala namin may relasyon silang dalawa. Buti naman wala. Sabi ni Vani. Alam kong totoo ang sinabi ni Vani. Hindi dapat maging totoo ang nasa isip ko. I trust him. I have learned to trust him. After all that happens... since the beginning. Since the day the bee started to spell words.

  • Spell And Kill (Taglish)   CHAPTER 31: THIRD WORD

    Another three days have come. Parang hinahanap-hanap na ng tenga ko ang boses ni Mikey. Gising ang mga senses ko. I don't want to miss any word. Kung ang lahat ng ito ay pawang mga laro lamang at nasa mga kamay ng bidders ang buhay namik, ay dapat makalusot kamo rito. Hindi pwedeng hindi. Hindi na kami nagkita-kita ng mga kasama ko simula kahapon. Hindi ko gustong lamunin ako ng takot lalong-lalo nang may kasama akong buntis. "Dito ka lang, Yana," sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa isang liblib na lugar kung saan pinalilibutan kami ng dalawang tapampas. "Saan ka pupunta? Huwag mo akong iwan dito." "Look. Mikey haven't pronounce any word yet. I'll go to Patag again. I will get some bag supplies for us. I know you are safe here. Babalikan kita rito. Hahanapin ko ang ang mga kasama ko at mga kasama mo," paliwanag ko sa kaniya at bakas sa mukha ang pag-aalala niya. "Sama na lang ako, Synec, natatakot ako."s? She was paralyze

DMCA.com Protection Status