Hebe woke up one day realizing she's in love with Gael, her best friend. She promised she would do anything and everything just to make him hers—whatever it takes, whatever is at stake; so she devised a way for the two of them to get married. The only problem? Gael is gay.
View More5 years ago... NAKATINGINlang si Hebe sa mga monitor na nasa kanyang harapan, hinihintay ang oraspara i-anunsyo na kailangan na niyang sumakay sa eroplano dahil aalis na ito, aaminin niyang kahit kaunti ay nag-aasam siyang baka dumating si Gael at pigilan siya pero alam niyang hindi ito kagaya ng mga nababasa niya sa mga paperback novels na kung saan maghahabol ang male protagonist sa babaeng minamahal nito. Napayuko siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang pisngi, kailangan niyang tatagan ang loob, alam niyang sa oras na gawin niya ito ay wala ng atrasan, pwede pa siyang bumalik pero ano na lang ang mukhang maihaharap niya kay Gael? Do this Hebe, it's for the better,pilit niyang pangungmbinsi sa sarili. "Miss nalaglag mo yata," napalingon siya sa babaeng nasa likuran niya, nakangiti ito sa kanya habang hawak hawak ang
"ANAK?"narinig ni Hebe iyon ng makapasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay, naluluha siya sa sobrang saya dahil matapos ang dalawang taon ay nakita niya na ulit ang kanyang ina, agad na sinugod siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Anak ikaw nga, saan ka ba nagpunta alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala ng daddy mo.""Mommy na-miss ko kayo, ikaw at si Daddy, sorry kung umalis ako ng walang paalam pero ang mahalaga ngayon nandito na ako" naramdaman niya ng igiya siya ng Mama niya papunta sa kusina at agad na nagpahanda ito sa mga katulong, agad na umuwi ang daddy niya ng malamang nakauwi na siya sa kanila, nang makarating ito sa bahay nila ay agad siyang niyakap, marami silang pinag-usapan habang sabay-sabay na kumakain at marami din siyang na kuwento sa mga ito, nang itanong ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Gael ay ipinaliwanag niya na ayos na silang dalawa, matapos ang pagdalaw niya sa kanyang mga magulang ay agad siyang sinundo ni Ga
"HEBEmahal mo pa ba ako?" bulong ni Gael sa kanyang tenga.Bumangon siya at pinaghahampas ito ng unan, "Baliw ka ba, may mangyayari ba sa atin kung hindi, bwisit ka talagang bakla ka eh, nakakainis ka ang bagal mo magisip eh ang torpe mo na nga at lahat slow ka rin.""Aray ano ba?" iniharang nito ang kamay saka siya hinawakan sa magkabilang balikat, "Gusto ko lang naman marinig galing sayo na sabihin mo na walang nagbago, na mahal mo pa rin ako."Inis sa tumalikod siya dito at nagbihis ng damit, pagkatapos ay agad siyang tumayo."Teka Hebe, sandali lang kinakausap pa kita!" agad na nagbihis ito at humabol sa kanya."ANONGginagawa natin dito?" tanong ni Hebe nang makarating na sa Isla Bernadine, noong una ang akala niya ay sa dating bahay nila sila pupunta ngunit dumiretso si Gael papasok sa gubat sa loob ng Isla
NAPAHINTOsi Hebe sa paglalakad papunta sa cake shop nila ng makita niyang nagkukumpol-kumpulan ang mga tao sa lobby ng hotel. Ano kayang meron?sabi niya sa kanyang isip at lumapit na siya sa lugar na iyon upang usisain ang pinagkakaguluhan ng mga naroroon, nagtaka siya kung bakit habang palapit siya ay ngumingiti ang ibang tao doon sa kanya, ang iba ay napapatingin sa kanya na para bang kinikilig pa.Nang makalapit na siya ay nagulat siya dahil puro mga larawan niya at ni Gael ang nakalagay sa isang tali at nakasabit sa mga maliliit na puno na naroroon, may mga nakasulat sa likod ng mga larawang iyon.Ang isa pa sa kinagulat niya ay ang ibang larawan doon ay ang mismong larawan na tinapon niya sa dagat nung isang gabi.Biglang may tumunog na isang pamilyar na musika, yun din ang mismong kanta na tinugtog noong debut niya at i
INIHINTOni Gael ang yate sa tapat ng bintana ni Hebe hindi nito alam na ginawa niya iyon, kinuha niya ang telescope at pilit na sinisilip kung anong ginagawa nito.Bigla itong may binato at pumasok na sa kwarto nito, pinatay nito ang ilaw doon, tiningnan niya ang mga binato nito at tinutukan ng flashlight ang ibang bumagsak sa yate niya, kinuha niya at nakita niyang mga litrato nila iyon na magkasama.May isang notebook din ang sumabit sa tabi ng yate, bago pa yun dumulas at malaglag sa dagat ay tinakbo niya na, tinutukan niya ng flashlight ang ibang lumulutang lutang na papel na nasa dagat.Litrato nila iyon, agad siyang tumalon sa dagat at nilangoy ang mga iyon, bawat isang nakukuha niya ay nilalagay niya sa yate, nang sigurado siyang kumpleto na ang mga iyon ay bumalik na siya sa yate, umupo sa tabi at tumingala sa kwarto nito. Gusto mo na ba talaga ako
NAPATINGINsiya rito na kumakain pa rin habang katabi nia, nasanay na siyang lagi itong nandyan sa paligid niya, humihinga sa parehong hangin na kanyang nalalanghap, lumalakad sa iisang lugar ng magkasabay ang kanilang mga paa, kinakanta ang mga kantang pareho nilang paborito sa sasakyan habang nakikinig ng radyo, sa loob ng maraming taon walang ibang nagmay-ari ng puso niya kundi ito.Akala niya nung lumayo siya ay hindi niya makakaya ng wala ito, na hindi ito ang kasama niya, na habang nakikisalamuha siya sa ibang tao ay lagging nasa tabi niya ito nakagabay at alalay, tumayo siya at naglabas ng pera,nilagay niya iyon sa table nila at napatingala ito sa kanya.“Hebe, saan ka pupunta?”“Aalis na, hindi ba halata? Salamat sa mga pagkain?” kinuha nito ang pera niya at ibinalik sa kanya.“Okay lang, naki-share lang na
LUMABASsi Hebe ng kanyang suite at pumunta sa isang restaurant sa loob ng Hotel na iyon, nang makaupo na ay agad siyang pinuntahan ng waiter ngunit hindi para kunin ang order niya dahil may dala na itong mga pagkain, nagulat siya kaya ng akmang aalis na ito matapos ilagay sa lamesa niya ang mga pagkain ay tinawag niya ito.“Waiter, hindi pa ako nag-oorder baka mali ka ng pinaglagyang table.”“Hindi po Ma’am para po talaga sa inyo yan, may nag-order na po niyan para sa inyo tapos ilagay ko daw po sa table niyo” matapos sabihin ng waiter iyon ay umalis na ito, tiningnan niya ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan.Lahat iyon ay paborito niya, magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakasosyal at hindi rin nakaligtas sa harapan niya ang isang pitsel ng guyabano juice na paborito nila ni Gael, dun pa lang ay alam na niya kung sino ang nagpa-order niyon, nagulat pa siya ng may big
ANG boses na iyon, ang tagal niya ring inasam na marinig muli iyon, ang akala niya’y nananaginip lang siya ngunit nang marinig niya na ang mga salitang galing mismo sa bibig nito ay saka niya napagalamang hindi ito isang panaginip lang, tumikhim ito na agad nagpabalik sa kanyang huwisyo.“Hebe sabi ko kamusta ka na?” ipinikit-pikit niya ang mga mata na animo’y napuwing at agad na iniiwas ang mga mata rito upang dahil baka anumang sandali ay mahalikan niya ito.“Okay lang naman, teka anong ginagawa mo dito sa suite ko, paano kang nakapasok?”“Nang malaman ni Ivan kaninang umaga na ikaw pala ang darating dito agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin, sabi ko sa kanya na ipagamit sa iyo itong suite na ito and I have the key to this room kaya nakapasok ako.”“Ano? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa&rsquo
HINDInaging madali ang buhay ni Hebe, pakiramdam niya ay nag-aaral muli siya dahil ibang-iba sa Venice, hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya o si Gael, nasanay siyang tuwing may kailangan siya ay nagsasabi lang siya, iba na yun sa ngayon dahil wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.Noong umalis siya ng Pilipinas ay may naipon siya at alam niyang hindi sapat iyon para mabuhay mag-isa kaya kinailangan niyang maghanap ng trabaho, maswerte naman at natanggap siya sa isang pastry shop, sa araw-araw na pamumuhay niya sa Venice ay marami siyang natutunan, hindi lamang sa salita o kultura kung hindi pati na rin sa trabaho at panlasa ng mga Italyanong nakakasalamuha niya, ibang-iba sa kung ano ang nakasanayan niya sa sariling bansa. Paminsan-minsan ay ginugusto niyang umuwi pag naaalala niya ang mga magulang pero pinapaalala niya sa sarili na kinailangan niyang gawin ito, bago pa man sila ikasal ni Gael ay gi
"GAELano na naman bang problema?" tanong ni Hebe sa kaibigan habang nakaupo sila sa sofa sa may loob ng kwarto nito."Wala lang," sagot nito sa kanya."Wala lang, sigurado ka? Eh sa itsura mo para kang pinagsakluban ng langit eh.""Kasi..." bigla siyang niyakap nito at inilagay sa kanyang balikat ang ulo nito, maya-maya'y may naririnig na siyang hikbi mula rito, kapag ganon si Gael ay alam na niya agad na may dinadala itong problema at walang makatutulong dito kundi siya lang ang tinuturing na best friend nito, niyakap niya rin ito. Hinaplos niya ang ulo nito na para bang sinasabihan niyang tumahan na.“Ano ba kasi 'yon?" usisa niya rito."Si Jhed kasi, akala ko meron na kaming something kasi ang sweet niya yun pala nakikipaglapit lang siya dahil sa'yo.""Anong para sa akin?" naramdaman n...
Comments