ANG saya ng araw ni Hebe dahil pinansin na siya ni Gael at hindi lang iyon, hindi na niya ramdam ang galit nito sa kanya, nakakita siya ng pag-asa na baka nga may panahon pa silang magka-ayos at magtiwala ulit ito sa kanya, posible ring matutunan na siya nitong mahalin, noong mga unang araw ng kasal nila ay hindi niya alam kung may panahon pa nga talagang mangyari ang mga bagay-bagay na iyon pero ngayon ay parang nakakita siya ng liwanag at nahalata iyon ng matandang katulong. "Uy si Ma'am sobrang saya," pagpuna nito sa kanya, wala siyang ibang sinagot kung hindi ngiti.
Maya-maya'y may pumasok sa isip niya kaya't bigla niya iyong naisatinig. "Yaya, pag may bakla kang kaibigan, sa tingin mo may posibilidad na ma-inlove yun sa'yo?" tanong niya rito.
"Ba't nyo po natanong Ma'am?"
"Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko," ayaw niyang sabihin sa katulong ang totoo na si Gael ay isang bakla dahil baka sabihin pa nito sa pamilya ni Gael, mahirap na magalit na naman sa kanya ito.
"Imposible."
"Bakit naman?"
"Kasi po Ma'am nagkagusto ako dati sa bakla tapos walang nangyari, naalala ko pa yung sinabi niya sa akin na ang bakla, bakla kahit anong gawin mo bakla pa rin yon, kahit na ibigay mong sarili mo at maghubo't hubad ka sa harap niya bakla pa rin kaya po wala lang mangyayari," sagot nito sa kanya sa sinabi nito ay para siyang nanlumo na napansin naman nito. "Ma'am may problema po ba?" tanong nito.
"Wala, may naalala lang akong nakakalungkot," yun lang ang tangi niyang naisagot, pumasok na siya sa kwarto niya at doon ay nagmukmok, gusto niyang umuwi na si Gael upang makausap na niya ito, para malaman na niya kung ano talaga ang posibilidad ng relasyon nila, para ipagtapat na rin niya na mahal niya ito, nang sa gayon ay wala na rin siyang dalhing mabigat sa dibdib, nang sa gayon ay wala na siyang inililihim dito.
Gusto niya ring malaman kung may posibilidad na mahalin siya nito, kahit gaano pa kasakit ang maging sagot nito ay magtyatyaga siya hanggang sa dumating ang araw na matanggap nito na siya talaga ang para rito.
ALAS-SIETE pa lang ng mapagpasyahan ni Gael na umuwi na ng bahay nila dahil sa excited na siyang matikman ang luto ni Hebe, sigurado siyang ipinagluto ulit siya nito at dahil doon ay nagmadali siyang matapos ang ibang gawain, sasakay na sana siya ng Yate ng pigilan siya ng kanyang secretary.
"Sir!" tawag nito sa kanya, lumingon siya rito.
"Yes Ms. Tracy Martinez? what is it?" tanong niya rito.
"Sir, bukas po ay may darating tayong mga kliyente at ang utos po ni Senior Simonne ay kayo raw po ang mage-entertain sa kanila."
"Bakit ako? Pwede namang iba, hindi ba?"
"Sir, kasi po sila ang business partners ng Dad niyo at dito po sila magba-bakasyon ng mga apat na araw at bilang susunod na tagapamahala ng hotel at ng resort, obligayon nyo po na i-entertain ang mga bisita ni Sir, kailangan niyo lang po na i-tour sila rito sa Isla Simonne," may inabot itong mga papeles sa kanya.
"Yan po Sir ang schedule nyo para bukas, mga 7 a.m ay darating sila so bago pa mag 7 Sir ay dapat nandito na kayo at---" magsasalita pa sana ito ng pigilin niya.
"Lahat naman ng sasabihin mo ay nandito na, hindi ko na kailangang marinig pa yan, titingnan ko na lang 'to mamaya."
"Sige po Sir, see you tomorrow na lang po," tumango siya at ito ay tumalikod na kaya't pumasok na siya ng yate, makalipas ang halos kinse minuto ay natatanaw na niya ang Isla Bernadine at may natanaw din siyang babaeng nasa dalampasigan at alam niyang si Hebe iyon.
Siguro ay hinihintay siya nito at sasalubungin siya, hindi niya naitago ang sayang nadarama ng makita ito ngunit hindi niya alam kung saan nagmumula iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin sila sa Isla, bumaba siya ng yate at naroon ito't nakatingin lang sa kanya, nang tuluyan na siyang nakababa ay lumapit ito sa kanya.
"Bakit ka nandito sa labas?" tanong niya rito.
"Hinihintay kita."
"Bakit hindi na lang sa loob? halika na pumasok na tayo at kumain," aya niya rito.
"Hindi ako nakapagluto."
"Bakit?"
"Akala ko kasi ay kumain ka na kaya hindi na ako nagluto."
"Eh ikaw anong kinain mo?"
"Wala, busog pa naman ako."
"Ganon ba, ah sige pasok na tayo," lalakad pa sana siya ng tinawag siya nito.
"Gael..." lumingon siya sa rito. "...gusto ko sanang mag-usap tayo."
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay natin na hindi pa natin napag-uusapan," sagot nito, hindi niya akalaing ito ang sasabihin ni Hebe ngayon.
Ilang araw niyang hindi ito pinansin dahil hindi pa siya handa na pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa kanilang dalawa ngunit ngayon ay iyon ang gustong gawin nito, hindi pa siya handa pero sa tingin niya ay kailangan na talaga niyang harapin ito dahil hindi niya ito maiiwasan habambuhay, tumango siya at dahil doon ay nakita niya ang ngiti nito sa mga labi, lumakad ito kaya't sumunod din siya at sinabayan ito.
PATULOY lang naglalakad si Hebe sa dalampasigan habang kasabay niya si Gael, hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan nilang dalawa, kinakabahan siya at nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya at naghihintay na may sabihin siya dito, lumipas ang ilang minuto na nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob upang makipag-usap dito.
"Kamusta ang trabaho mo?" tanong niya rito.
"Okay lang, mahirap pero masasanay din ako," sagot niya rito, tumingin siya kay Hebe at nakita niyang hindi na sa kanya ito nakatingin kung hindi sa dagat, umupo ito sa isang malaking bato kaya pati siya ay sinamahan din ito roon, ilang minutong namayani ulit ang katahimikan, bumuntong-hininga siya bago niya naisatinig ang gustong sabihin.
"Anong tumulak sa'yo na pakasalan ako?" tanong niya habang nakatitig dito.
"Siguro kasi tama ka..." tumingin ito sa kanya "...sa ilang beses na sinamahan mo ako pag hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, sa mga pagkakataon na kailangan ko ng karamay, ito lang ang kaya kong isukli sa'yo, para matupad mo ang matagal mo ng gusto, na mabigay na sa'yo ang pastry shop n'yo at mapamahalaan mo na 'yon."
Nasaktan siya sa narinig, ibig sabihin dahil lang sa utang na loob at pagtulong na ginawa niya rito kaya't sumang-ayon itong makasal sa kanya.
Dahil doon ay umiwas siya ng tingin dito. "Alam ko nagsinungaling ako, na lumalabas na parang humingi ako ng kapalit sa lahat ng nagawa ko para sa'yo, hindi ka ba nagalit?"
"Aaminin ko nagalit ako, kasi parang pinagpalit mo ang pagkakaibigan natin para sa gusto mo pero naisip ko na mas nauna mo nga palang plinano yung mga bagay na iyon bago pa man tayong maging mag-bestfriend, at ako bigla lang akong sumulpot, parang naging solusyon mo para matupad iyon ng mas maaga, pero ang masakit lang ay ni sa panaginip ko hindi ko naisip na magagawa mo 'yon, mas maiintindihan ko pa kung sinabi mo na lang na na-inlove ka ng hindi mo sinasadya kaysa sa gagamitin mo lang akong instrumento para sa kagustuhan mo," mahabang salaysay nito.
Sapul! Iyon mismo ang dahilan niya ngunit natakot siyang sabihin dito.
Ayaw niyang tanggihan nito ang pagmamahal niya ngunit kay Gael na rin nanggaling na kung sinabi niyang na-inlove siya ay mas maiintindihan nito, dahil sa hindi niya pag-amin ay nagalit pa ito sa kanya at ngayon ay ang tingin sa kanya ay isang sinungaling at manggagamit, naramdaman niyang parang umurong ang dila niya, napansin nito ang hindi niya pagsasalita dahil sa sinabi nito.
"Wag kang mag-alala napatawad na naman kita eh, mas naiintindihan ko na ngayon," ngumiti ito sa kanya, ilang linggo niya ring hindi nakita ang mga ngiti nito at ilang beses na rin niyang hiniling na sana makita niyang nakangiti na ito sa kanya at ngayon nangyayari na iyon, masaya siya dahil nararamdaman niyang hindi na ganoon kabigat ang galit nito sa kanya kaya't ngumiti na rin siya rito, nakita niyang hinubad nito ang coat na suot, ang akala niya noong una ay naiinitan lang ito ngunit nagulat siya ng ilagay nito iyon sa kanyang balikat.
"Gabi na at nandito tayo malapit sa dagat, baka sipunin ka," paalala nito.
"Salamat," hindi niya naiwasan ang kiligin sa ginawa nito.
"Sa tingin mo may pag-asa kayang maging tulad tayo ng dati?"
"Hindi ko alam, pero naniniwala akong lahat ng bagay mangyayari na lang sa tamang panahon," buti naman at ganon ang sagot nito, na kahit papano ay may pag-asa pang maayos ang pagsasama nilang dalawa, ilang minuto pa silang nagtagal doon, nakaupo ng makita niya itong biglang tumayo at inaya na siyang umuwi, nilahad nito ang palad upang tulungan siya ng tanggapin niya iyon ay naramdaman niya ang kakaibang saya na nahawakan niya ulit ang kamay nito, sabay ulit silang naglakad pabalik sa kanilang bahay.
NANG makauwi ay agad na nakaramdam ng gutom si Gael ngunit wala ngang naluto si Hebe at ang katulong ay tulog na, dahil maga-alas-nuwebe na sila nakabalik, ayaw naman niyang gisingin ito at ayaw na rin niyang magluto pa si Hebe dahil gabi na at baka mapagod ito, kaya napagpasyahan na lang niyang magluto ng instant noodles, inaya niya rin ito na sabayan siya kaya tumabi ito sa kanya, tahimik lang silang kumakaing dalawa ng magsalita siya.
"Akala ko ba busog ka pa eh bakit parang kulang pa yang nasa plato mo?"
Tumingin ito sa kanya.
"Ano ka? Sinamahan lang kaya kita dahil nag-aya ka," ngumiti siya rito, nang parehas na sila tapos kumain ay naupo muna sila, napagpasyahan niyang kunin ang natitirang saging doon ngunit ng kukunin niya iyon ay sumabay din ito kaya nagkahawak sila ng kamay at nagkatitigan, dahil nakatitig pa ito ay sinamantala niya ang pagkakataon na unahan ito, agad niyang binalatan iyon at kinagat ang kalahati.
"Napaka un-gentleman mo naman," narinig niyang sambit nito, dahil doon ay napatingin siya rito.
"Huling saging na 'yon at hindi pa ako nakakakain, araw-araw ka naman nandito kaya sigurado akong nakakatikim ka at hindi lang basta tikim baka nga ikaw pa ang umubos eh," pang-aasar niya, nakita niyang nainis ito.
"Anong akala mo sa akin unggoy para ubusin lahat ng saging? Para sabihin ko sa'yo apat na piraso lang yan at hindi pa rin ako nakakakain, alam mo bang wala akong ibang magawa rito kaya---" pinigilan niya ito sa pagsasalita dahil bigla niyang isinalpak dito ang saging na kinakain niya.
Agad naman nitong nginuya iyon. "Ang daldal mo."
"Nagsasalita pa ako, ang hilig mo talagang mang-interrupt," inis na sabi nito na ikinatawa niya, may katiting na saging pa ang natitira ngunit nagulat siya ng kunin nito iyon mula sa kanyang kamay.
Siyempre hindi siya palatalo. "Uy! amin na yan akin yan," nang akmang kukunin na niya ay tumakbo ito at hinabol niya.
Tumakbo ito ng tumakbo hanggang sa makarating sila sa labas at mapunta sa may garden kung nasaan nandoon ang swimming pool umikot-ikot ito roon, naabutan niya ito ngunit nadulas ito kaya't nasubsob sa kanya at hindi inaasahang bumagsak sila sa upuang malapit doon, napaibabaw siya rito ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang aksidenteng paghalik niya sa mga labi nito, nakadilat ito at maging siya ay ganoon din, sobra siyang nagulat at hindi niya alam ang gagawin, nagtagal sila sa posisyong ganoon, ngunit ng mahimasmasan ay napatayo siyaat dahil na rin sa pagkataranta niya ay nahawakan ng palad niya ang kanang dibdib nito.
Dahil doon ay mas nanlaki ang mata niya at ang mata nito, agad niyang inalis iyon at ng makaupo siya sa katabing upuan ay umiwas siya ng tingin dito, maging ito ay bumangon na rin at umupo, halatang iwas din at namumula.
"Katiting na saging na lang kasi hindi mo pa binigay," narinig niyang sabi nito.
"Kasalanan ko ba? Ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng saging," naramdaman niyang lumingon ito sa kanya.
"Anong klaseng saging?" panunukso nito.
"Anong ibig mong sabihin?" patay malisyang sagot niya rito.
"Di ba nagkakagusto ka sa mga lalaki? Kaya imposible na wala kang natikman ni isang saging sa lahat ng 'yon."
"Wala, kahit kailan hindi ako nakatikim."
"Talaga?" nakita niya ang mapang-asar na ngiti nito sa kanya, tumabi at lumapit.
"Ano ka ba? Tumigil ka nga, para sabihin ko sa'yo first time kong maka-experience ng ganoon katagal na kiss at yong first k-kiss ko s-sa church."
"Ako rin naman 'no," napalingon siya rito, maging ito ay napalingon din sa kanya "...virgin ka pa ba Gael?"
"Oo! Eh ikaw?" balik tanong niya rito.
"Oo! Alam mong wala naman akong naging boyfriend eh," ano ba 'yan, mag bestfriend sila pero pagdating sa bagay patungkol sa sex ay hindi nila pinag-uusapan.
"Pero dumating na ba ang time na napagnasahan mo ang isang lalaki?" pangungulit nito.
"Hindi," tumayo siya.
"Talaga lang ha?"
"Hindi nga!" naiinis na niyang sabi rito.
"Hindi ako naniniwala," lumapit pa ito sa kanya.
"Ayaw mo ha," hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya, bigla niya na lang ay hinila niya ito palapit at siniil ng halik sa labi, hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa katawan niya basta naramdaman na lang niya na gusto niyang gawin iyon, at huli na para ibalik pa ang mga nangyari, dahil naramdaman na niyang kumapit ang mga braso nito sa leeg niya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa.
NAGUGULUHAN si Hebe, hindi niya alam kung anong dapat gawin, nagulat siya sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang tugon ni Gael sa mga pang-aasar niya, ang gusto lang naman niya ay malaman kung may tsansa nga itong magpakalalaki, pero it turns out na sa ginawa nito ay binigyan na siya ng sagot na oo. Nakakapit lang ang kanyang mga braso sa batok nito, nakadampi lang ang labi nila sa isa't isa walang gumagalaw, parang nagpapakiramdaman lang sila. Maya-maya'y naramdaman niyang kumilos si Gael, tinanggal ang kanyang mga braso, ayaw pa sana niya itong pakawalan, she wants more pero ito na mismo ang umiwas, tumalikod ito sa kanya. "Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon," yun lang at lumakad na ito paalis. Samantalang siya ay nanatili doon na nakatunganga at wala sa sarili na nangingiti, hinalikan si
HABANG naglalakad si Hebe papunta sa isang bar ay nakita niya si Gael sa may dalampasigan at nakaupo lang.Tiningnan niya itong mabuti, para bang ang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa malayo, tumago siya.Sa isang puno na malapit doon at mas tinitigan pa ito ng matagal, ngayon niya napagtanto na ang lapit lang ni Gael sa kanya pero parang ang hirap nitong abutin, parang ang layo nito sa kanya, nakita niyang may lumapit na isang lalaki dito matipuno at gwapo, nakita niyang ngumiti si Gael dito at ang sumunod ay hindi niya na alam kung anong mararamdaman.Yumakap ang lalaki kay Gael, hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawang iyon, pero para sa kanya hindi naman.Normal para sa dalawang lalaki ang magyakapan doon kung saan maraming tao, naramdaman niya ang selos sa dibdib.Ang sakit, at ang pagdududa, nais niyang malama
NAGISING si Hebe dahil sa pakiramdam na may nakayakap ng mahigpit sa kanya at humahalik halik sa kanyang balikat napatingin siya sa orasan na nasa tabi ng kama.Alas-tres pa lang ng madaling araw at sumasakit ang ulo niya dahil siguro sa hang-over napasinghap siya ng maramdaman sa leeg niya ang mga labi ng lalaking katabi niya at biglang nagbalik sa kanyang ala-ala ang lahat ng nangyari kagabi.Simula ng maglasing siya at ayain ng mga lalaking hindi niya kilala na sumama siya, naalala niya rin na dumating si Gael at nakipagsapakan sa mga ito matapos iyon ay nahilo siya, at kagabi ang namagitan sa kanila ni Gael medyo hilo pa siya noon at dala ng kalasingan ay nailabas niya ang sama ng loob.Kaya ngayon sigurado siyang si Gael ang humahalik sa kanya ngayon, imbes na lingunin ito ay isinubsob niya ang mukha sa unan dahil nahihiya siya dito, sa mga sinabi niya rito kahapon ay parang inamin niya
HINDInaging madali ang buhay ni Hebe, pakiramdam niya ay nag-aaral muli siya dahil ibang-iba sa Venice, hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya o si Gael, nasanay siyang tuwing may kailangan siya ay nagsasabi lang siya, iba na yun sa ngayon dahil wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.Noong umalis siya ng Pilipinas ay may naipon siya at alam niyang hindi sapat iyon para mabuhay mag-isa kaya kinailangan niyang maghanap ng trabaho, maswerte naman at natanggap siya sa isang pastry shop, sa araw-araw na pamumuhay niya sa Venice ay marami siyang natutunan, hindi lamang sa salita o kultura kung hindi pati na rin sa trabaho at panlasa ng mga Italyanong nakakasalamuha niya, ibang-iba sa kung ano ang nakasanayan niya sa sariling bansa. Paminsan-minsan ay ginugusto niyang umuwi pag naaalala niya ang mga magulang pero pinapaalala niya sa sarili na kinailangan niyang gawin ito, bago pa man sila ikasal ni Gael ay gi
ANG boses na iyon, ang tagal niya ring inasam na marinig muli iyon, ang akala niya’y nananaginip lang siya ngunit nang marinig niya na ang mga salitang galing mismo sa bibig nito ay saka niya napagalamang hindi ito isang panaginip lang, tumikhim ito na agad nagpabalik sa kanyang huwisyo.“Hebe sabi ko kamusta ka na?” ipinikit-pikit niya ang mga mata na animo’y napuwing at agad na iniiwas ang mga mata rito upang dahil baka anumang sandali ay mahalikan niya ito.“Okay lang naman, teka anong ginagawa mo dito sa suite ko, paano kang nakapasok?”“Nang malaman ni Ivan kaninang umaga na ikaw pala ang darating dito agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin, sabi ko sa kanya na ipagamit sa iyo itong suite na ito and I have the key to this room kaya nakapasok ako.”“Ano? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa&rsquo
LUMABASsi Hebe ng kanyang suite at pumunta sa isang restaurant sa loob ng Hotel na iyon, nang makaupo na ay agad siyang pinuntahan ng waiter ngunit hindi para kunin ang order niya dahil may dala na itong mga pagkain, nagulat siya kaya ng akmang aalis na ito matapos ilagay sa lamesa niya ang mga pagkain ay tinawag niya ito.“Waiter, hindi pa ako nag-oorder baka mali ka ng pinaglagyang table.”“Hindi po Ma’am para po talaga sa inyo yan, may nag-order na po niyan para sa inyo tapos ilagay ko daw po sa table niyo” matapos sabihin ng waiter iyon ay umalis na ito, tiningnan niya ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan.Lahat iyon ay paborito niya, magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakasosyal at hindi rin nakaligtas sa harapan niya ang isang pitsel ng guyabano juice na paborito nila ni Gael, dun pa lang ay alam na niya kung sino ang nagpa-order niyon, nagulat pa siya ng may big
NAPATINGINsiya rito na kumakain pa rin habang katabi nia, nasanay na siyang lagi itong nandyan sa paligid niya, humihinga sa parehong hangin na kanyang nalalanghap, lumalakad sa iisang lugar ng magkasabay ang kanilang mga paa, kinakanta ang mga kantang pareho nilang paborito sa sasakyan habang nakikinig ng radyo, sa loob ng maraming taon walang ibang nagmay-ari ng puso niya kundi ito.Akala niya nung lumayo siya ay hindi niya makakaya ng wala ito, na hindi ito ang kasama niya, na habang nakikisalamuha siya sa ibang tao ay lagging nasa tabi niya ito nakagabay at alalay, tumayo siya at naglabas ng pera,nilagay niya iyon sa table nila at napatingala ito sa kanya.“Hebe, saan ka pupunta?”“Aalis na, hindi ba halata? Salamat sa mga pagkain?” kinuha nito ang pera niya at ibinalik sa kanya.“Okay lang, naki-share lang na
INIHINTOni Gael ang yate sa tapat ng bintana ni Hebe hindi nito alam na ginawa niya iyon, kinuha niya ang telescope at pilit na sinisilip kung anong ginagawa nito.Bigla itong may binato at pumasok na sa kwarto nito, pinatay nito ang ilaw doon, tiningnan niya ang mga binato nito at tinutukan ng flashlight ang ibang bumagsak sa yate niya, kinuha niya at nakita niyang mga litrato nila iyon na magkasama.May isang notebook din ang sumabit sa tabi ng yate, bago pa yun dumulas at malaglag sa dagat ay tinakbo niya na, tinutukan niya ng flashlight ang ibang lumulutang lutang na papel na nasa dagat.Litrato nila iyon, agad siyang tumalon sa dagat at nilangoy ang mga iyon, bawat isang nakukuha niya ay nilalagay niya sa yate, nang sigurado siyang kumpleto na ang mga iyon ay bumalik na siya sa yate, umupo sa tabi at tumingala sa kwarto nito. Gusto mo na ba talaga ako
5 years ago... NAKATINGINlang si Hebe sa mga monitor na nasa kanyang harapan, hinihintay ang oraspara i-anunsyo na kailangan na niyang sumakay sa eroplano dahil aalis na ito, aaminin niyang kahit kaunti ay nag-aasam siyang baka dumating si Gael at pigilan siya pero alam niyang hindi ito kagaya ng mga nababasa niya sa mga paperback novels na kung saan maghahabol ang male protagonist sa babaeng minamahal nito. Napayuko siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang pisngi, kailangan niyang tatagan ang loob, alam niyang sa oras na gawin niya ito ay wala ng atrasan, pwede pa siyang bumalik pero ano na lang ang mukhang maihaharap niya kay Gael? Do this Hebe, it's for the better,pilit niyang pangungmbinsi sa sarili. "Miss nalaglag mo yata," napalingon siya sa babaeng nasa likuran niya, nakangiti ito sa kanya habang hawak hawak ang
"ANAK?"narinig ni Hebe iyon ng makapasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay, naluluha siya sa sobrang saya dahil matapos ang dalawang taon ay nakita niya na ulit ang kanyang ina, agad na sinugod siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Anak ikaw nga, saan ka ba nagpunta alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala ng daddy mo.""Mommy na-miss ko kayo, ikaw at si Daddy, sorry kung umalis ako ng walang paalam pero ang mahalaga ngayon nandito na ako" naramdaman niya ng igiya siya ng Mama niya papunta sa kusina at agad na nagpahanda ito sa mga katulong, agad na umuwi ang daddy niya ng malamang nakauwi na siya sa kanila, nang makarating ito sa bahay nila ay agad siyang niyakap, marami silang pinag-usapan habang sabay-sabay na kumakain at marami din siyang na kuwento sa mga ito, nang itanong ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Gael ay ipinaliwanag niya na ayos na silang dalawa, matapos ang pagdalaw niya sa kanyang mga magulang ay agad siyang sinundo ni Ga
"HEBEmahal mo pa ba ako?" bulong ni Gael sa kanyang tenga.Bumangon siya at pinaghahampas ito ng unan, "Baliw ka ba, may mangyayari ba sa atin kung hindi, bwisit ka talagang bakla ka eh, nakakainis ka ang bagal mo magisip eh ang torpe mo na nga at lahat slow ka rin.""Aray ano ba?" iniharang nito ang kamay saka siya hinawakan sa magkabilang balikat, "Gusto ko lang naman marinig galing sayo na sabihin mo na walang nagbago, na mahal mo pa rin ako."Inis sa tumalikod siya dito at nagbihis ng damit, pagkatapos ay agad siyang tumayo."Teka Hebe, sandali lang kinakausap pa kita!" agad na nagbihis ito at humabol sa kanya."ANONGginagawa natin dito?" tanong ni Hebe nang makarating na sa Isla Bernadine, noong una ang akala niya ay sa dating bahay nila sila pupunta ngunit dumiretso si Gael papasok sa gubat sa loob ng Isla 
NAPAHINTOsi Hebe sa paglalakad papunta sa cake shop nila ng makita niyang nagkukumpol-kumpulan ang mga tao sa lobby ng hotel. Ano kayang meron?sabi niya sa kanyang isip at lumapit na siya sa lugar na iyon upang usisain ang pinagkakaguluhan ng mga naroroon, nagtaka siya kung bakit habang palapit siya ay ngumingiti ang ibang tao doon sa kanya, ang iba ay napapatingin sa kanya na para bang kinikilig pa.Nang makalapit na siya ay nagulat siya dahil puro mga larawan niya at ni Gael ang nakalagay sa isang tali at nakasabit sa mga maliliit na puno na naroroon, may mga nakasulat sa likod ng mga larawang iyon.Ang isa pa sa kinagulat niya ay ang ibang larawan doon ay ang mismong larawan na tinapon niya sa dagat nung isang gabi.Biglang may tumunog na isang pamilyar na musika, yun din ang mismong kanta na tinugtog noong debut niya at i