TUMINGIN si Hebe sa kanyang wrist watch, it's almost 8 in the evening, hindi naman siya nag-aalala kung sobrang gabi man silang umuwi dahil nagpaalam naman siya sa Mama niya at pagkasama niya si Gael ay pakiramdam niya ayos lang ang lahat, pag natutulog siya sa gabi ay napapanaginipan niya ang mga masasayang pangyayari pag magkasama sila, minsan pa nga ay nasa simbahan sila at ikinakasal ngunit alam niyang panaginip lang iyon at sana nga lang ay totoo na lang, pagkasama niya si Gael pakiramdam niya ay sobrang saya niya na may halong dahil alam niyang walang relasyon sa pagitan nilang dalawa maliban sa mag bestfriend at wala ng hihigit pa roon, minsan ay naiinis siya sa kanyang puso dahil nararamdaman niyang naroon ang pag-asam na meron pang pag-asa sa kanilang dalawa, na siguro nga maari ding maging silang dalawa.
Nakarating sila sa isang disco bar sa Malate, ipinark ni Gael ang sasakyan at pagkatapos noon ay lumabas na sila ng kotse. Pagkapasok ay naghanap sila ng upuan na maaring mapwestuhan.
"Anong sinabi mo kay Mama kanina?"
"Na may date tayong dalawa at magpo-propose akong maging boyfriend mo," narinig niya ang tawa nito pag kasabi niyon, bahagya siyang nasaktan dahil parang gusto nitong iparating na napaka-imposible noon ngunit yun ang kapalit ng pagmamahal niya rito, isang bagay na dapat niyang pagdusahan, dahil simula ng mahalin niya ito ay alam na niya ang maaring mangyari.
"Anong sabi ni Mama?"
"Sana raw magkatuluyan tayo, para sa kumpanya and all, you know business at boto daw siya sa akin," ngumiti ito, pinipilit niyang 'wag maapektuhan sa mga simpleng titig at ngiti nito pero kaya niya nga ba talaga? Kung sa pakiramdam niya mauubusan na siya ng hininga sa kakasinghap dahil sobra siyang kinikilig, tinawag nito ang waiter at umorder ito ng sisig at juice para sa kanila, makalipas ang sampung minuto ay ibinigay na nito ang order nila
"Nasan na ba yang imi-meet natin?" tanong niya na may bahidnng pagka-inip.
"Nandun sa taas ng stage kumakanta, binigay sa akin ng pinsan niya yung number niya," tumingin siya sa direksyon ng stage at nakita niya ang lalaking tinutukoy nito, nakita niyang may itsura ito at tumutugtog ng drums habang kumakanta, mahaba ang buhok na hanggang balikat nito at nakatali, tumingin ulit siya sa kaibigan at nahuli niyang nakatitig ito at nakangiti.
"Bakit? Ba't ganyan ang tingin mo?"
"Kasi Best baka crush mo siya, Uy! baka agawan mo pa ako!"
"Eh pano kung meron nga," napatahimik ito at tumitig sa kanya ng may pag-aalala sa mga mata, dahil doon ay natawa siya at kumuha ng sisig at sinubo iyon.
"Meron ba?" tanong nito na parang kinakabahan.
"Wala, ano ka ba nagjo-joke lang ako, ikaw ha pagkatapos kay Jhed na kanina ka lang na brokenhearted bago na naman," puna niya dito, sa bagay kahit kailan naman ay walang permanenteng nagustuhan si Gael sa mga lalaki, parang naghahanap lang talaga ito ng pagmamahal na hindi nito nakita sa pamilya nitong sobrang busy at ngayon ay narito si Gael nagpapaka babae, nagbabakasakaling may magmahal sa kanya.
"Best may aaminin ako sa iyo," sabi nito na bahagyang nagpakunot sa kanyang noo.
"Ano iyon?"
"Best kasi I introduced myself to him as a girl."
"Oh ano naman ngayon, 'di sabihin mo yung totoo na hindi ka talaga girl, na feeling mo girl ka."
"That's not the problem."
"Then what?"
"I told him that my name is Hebe," sagot nito na nakayuko.
"What?!" napatayo siya at dahil sa tapos ng tumugtog ang banda ay narinig ang sigaw niya, tumingin sa kanya ang mga tao pati na ang lalaking drummer, hinila siya paupo ni Gael at hinawakan ang kamay niya, nakaramdam siya ng kuryente sa ginawa nito kaya't agad niyang binawi iyon mula rito na sa tingin niya ay inisip nitong dahil sa galit siya,
"Best, sorry na, pagbigyan mo na ako rito, ganito na lang kunyari ikaw nga talaga ang katext niya, okay?" hindi siya tumango o tumingin rito dahil gusto niyang iparamdam na naiinis siya, hindi niya napansing lumapit sa kanila ang lalaking drummer at huminto sa mismong table nila.
Tumikhim ito upang kunin ang atensyon nila. "Excuse me, Are you Hebe?" tanong nito.
"How did you know?" takang tanong niya rito.
"You told me in your message that you'll bring a white rose," sa sinabi nito ay tumingin siya sa table nila at nakita roon ang isang pirasong white rose, tumingin siya kay Gael ng masama, kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya.
"I'm Elly Arifin, I know you already know me but let's make this one formal," inabot nito ang kamay sa kanya.
"Ah...Helena Bernadine," inabot niya rin ang kamay dito at naramdaman niya ang pagpisil nito roon, tumingin siya sa direksyon ni Gael at nakita niya ang pagtitig nito sa kamay nila at dahil doon ay agad niyang binawi mula rito ang kamay pero hindi iyon pinayagan ng lalaking kahawakan niya't dinala pa nito sa mga labi nito ang kanyang kamay.
"You know what? Matagal na rin naman tayong magkakilala sa text, at nang makita naman kita na-realize kong napakasuwerte ko naman na ikaw ang nakilala ko sa text," ngumiti ito at naramdaman niya ang klase ng paghalik nito sa kanyang kamay, nalalaswaan siya dito kaya't agad niyang hinugot iyon.
"Bakit? Ayaw mo ba sa akin?" Tanong nito na nakangiti ngunit naiinis siya sa ngiti nito dahil ang laswa sa paningin niya, alam niyang may iniisip itong kung ano na tanging ito lang ang nakakaalam, hinawakan siya nito sa balikat at ibinaba hanggang sa kanyang siko.
"I'd love to take you home tonight," sabi nito, napatingin siya kay Gael na kanina pa nanonood, at nakita niya sa mata nito ang pag-aalala.
"Sorry Elly but we have to go now," tumayo siya at pati si Gael, tumingin naman si Elly kay Gael at napatawa, hinatak siya paupo ni Elly at akmang sisiilin ng halik ngunit pinigilan ito ni Gael.
"Pare, tigilan mo na yan kanina mo pa s'ya nababastos," tumingin ito kay Gael ng matalim.
"Wag kang mag-alala, alam ko namang liligaya siya sa akin ngayong gabi," tumawa ito. "Akala mo ba hindi ko alam na nagpapanggap kang isang babae?" nagulat siya sa sinabi nito.
"Oo Gael, bakla! Alam kong niloloko mo 'ko dahil sinabi ng pinsan ko sa akin ang totoo," nakita niya ang itsura ni Gael ngunit hindi niya alam kung galit ito o hindi dahil hindi niya makita ang mga mata nito sa dilim ng paligid.
"Alam mo pinapunta kita rito para gulpihin sana, pero ng makita ko 'tong chicks na 'to, I thought maybe you can just use her as a payment."
"Payment para saan?" tanong ni Gael.
"For bothering me and wasting my time with all your stupid, nonsense and disgusting text messages," tumayo ito at tumingin kay Gael ng diretso alam niyang nasaktan si Gael sa mga sinabi nito.
"If you think papatulan kita, dream on male whore, salot ka sa lipunan at dapat kang ipadispatsa, ikaw at ng mga kauri mo!" sigaw nito, tumingin ulit siya kay Gael at ngayon ay nakita na niya ang apoy ng galit sa mata nito.
"Bakit galit ka? Para namang kaya mo akong patulan, k sige ganito na lang hindi ko kukunin itong kaibigan mo bigyan mo lang ako ng fifty thousand pesos, panggastos ko lang sige na," pang-aasar pa nito kay Gael, bigla ay nagpakawala ng suntok si Gael na nagpabagsak sa lalaki, nagulat siya roon, akmang tatayo pa ito ngunit sa lakas ng suntok ni Gael ay nahilo ito at bumagsak, hinila siya ni Gael papunta sa labas ng bar at isinakay sa sasakyan, hindi pa nito pinaaandar iyon, nakahinto lang sila at walang imikan.
Maya-maya'y ito ang unang nagsalita. "Sorry kanina, nabastos ka dahil sa mga pinag-gagawa kong kagaguhan," pagkasabi noon ay sinuntok nito ang manibela.
"Gael ano ka ba?" pigil niya rito. "Masira mo pa yan, maglakad pa tayo pauwi," biro niya ngunit hindi ito tumawa ni ngumiti man lang, alam niyang mas nasasaktan ito kaysa sa kanya dahil siya wala namang masyadong natanggap.
Oo nga't nabastos siya ngunit sinagip siya nito at ito ang mas nabastos dahil sa sakit ng mga pinagsasabi rito ng lalaking iyon.
"Gael ano ka ba? Nakaganti ka na rin naman di ba? sa lakas ng suntok mo baka dalawang linggo bago maka-recover 'yon," pagpapagaan niya sa saloobin nito.
"Bakit ganon? Bakit ba hindi nila kayang igalang ang mga katulad ko? Hindi ba ako karespe-respeto? Mukha ba akong dapat bastusin?" tanong nito na puno ng hinanakit, tumingin ito sa kanya at lumuluha, pinunasan niya ang luha nito gamit ang kanyang panyo.
"Gael may mga katulad lang talaga nilang walang modo at walang pakialam sa iba."
"Pero bakit hindi nila matanggap ang mga katulad namin? Bakit pakiramdam ko kung sila lang ang may hawak ng buhay namin ay matagal na kaming patay, wala ba talagang lugar ang mundong ito para sa amin, na porke't ba ganito kami ay wala na kaming karapatan mabuhay ng marangal? Wala namang masama sa pagiging bakla 'di ba? Hindi naman kami gumagawa ng masama 'di ba? Hindi naman kami kriminal, wala naman kaming pinatay o inagrabyado diba?"
Inilagay nito ang ulo sa kanyang balikat at doon ay umiyak, alam niyang umiiyak ito hindi dahil sa lalaking gusto nito kundi dahil sa nasaktan ito at ang pride nito, napahiya ito sa maraming tao.
Niyakap niya ito ng mahigpit. "Sana dumating na ang taong para sa akin, sana hindi na ako mahirapan ng ganito, sana pag nakita ko siya 'wag ko nang maranasan lahat ng ito dahil ayoko nang masaktan ng ganito," hiling nito, niyakap niya ito ng mas mahigpit.
Gael andito lang ako, kung hindi ka nila kayang mahalin ay ako na ang gagawa noon, hindi ka na uli masasaktan ng ganito bulong niya sa isipan.
NAKAUWI siya ng alas-onse ng gabi, siya na ang nag-drive ng kotse dahil sa sobrang malungkot na si Gael, pagkauwi nito ay agad itong pumasok ng bahay, hindi na niya inaasahan na maabutan pang gising ang kanyang ina at nasa living room ito dahil kapag ganoong oras ay nasa kwarto na nito ito, kung hindi tulog ay doon ginagawa ang mga trabaho nito, hindi tulad ngayon na naroon ito sa sala ng kanilang bahay, sa tingin niya ay mukhang naghihintay ito sa kanya, ng maramdaman nitong naroon na siya ay tumingin ito sa direksyon niya at ngumiti, tumayo ito at sinalubong siya ng yakap.
"So what happened in your date?" napakunot siya sa tanong nito at muntik niya ng makalimutan ang sinabi ni Gael dito na nag-date sila. "Kayo na ba?" sunod na tanong nito ng hindi siya sumagot. "He told me he'll propose to you, don't tell me tinanggihan mo yon?"
"Ma, pagod po ako," sagot niya rito.
"Oh come on my daughter, I waited for you just to hear the news at yan lang ang isasagot mo,"
Biglang may pumasok sa utak ni Hebe isang solusyon sa problemang noong una ay hindi niya alam kung paano lulusutan.
"He proposed to me," pagsisinungaling niya rito.
"Then?" halatang excited na tanong nito.
"It was a wedding proposal."
"Oh!" napatakip ito sa bibig nito. "What did you answer him?"
"A yes," ang akala niya ay magagalit ito ngunit niyakap pa siya nito.
"That's great news Helena, your Dad will be happy if he'll know this, I'll contact him and tell him about this," kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito, ang Papa niya ay nasa ibang bansa para sa kanilang business at sigurado siyang matutuwa din iyon dahil sa balitang ito, dahil na rin sa business, ang hindi niya lang alam ay kung ano ang magiging reaksyon ni Gael.
Alam niyang kahit ang pamilya nito ay sasang-ayon, kaya wala na siyang problema roon.
Basta saka ko na iisipin iyon, ssambit niya sa sarili.
"O sige anak ah, have some rest, alam kong pagod ka."
"Yes Ma," ngumiti siya rito at umakyat na sa kwarto niya.
Nang nasa loob na siya ng kwarto niya ay halos hindi siya makatulog sa mga isiping baka magalit sa kanya si Gael.
Gael eto lang ang naiisip kong paraan para isalba ka sa lahat ng paghihirap na dinadanas mo, pangako ko magiging mabuting asawa ako sa iyo, mamahalin kita na mas higit pa sa inaasahan mong kayang ibigay sa'yo, nakatulugan na niya ang isiping iyon.
NASA simbahan sila at kasalukuyang ginaganap ang seremonya ng kasal nila ni Gael, maganda ang kanta ng simbahan, nakagown siya ng sobrang haba at ito ay naghahantay sa altar ng nakangiti sa kanya, pormal na pormal ito sa suot at naglalakad siya patungo sa altar, nakatitig ito sa kanya ng may buong paghanga.
Ikaw lang Gael, ang mamahalin ko hanggang magwakas ang mundo, nakangiti rin siya rito.
Nang makarating na sa altar ay kinuha nito ang kamay niya at magkasabay silang pumunta sa tapat ng altar, magkahawak kamay, tumingin siya sa gawi ni Gael at tumingin din ito sa kanya kasabay ng pag-ngiti, nagsimula na ang seremonya ng kasal.
"Do you Gabriel Simonne accept Helena Bernadine as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"
"I do," sagot nito, siya naman ang sumunod.
"Do you Helena Bernadine accept Gabriel Simonne as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
"I do," sagot niya at tumingin ito sa kanya ng naka-ngiti, sumunod ang paglalagay ng singsing sa kanilang mga kamay.
"Take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit," sambit nila sa isa't-isa.
May ilan pang sinabi ang pari ngunit ang huli ay "You may now kiss your bride," nakatingin siya kay Gael, tumingin ulit si Gael sa kanya at itinaas ang kanyang belo lumapit ang mukha nito sa kanya.
God kung panaginip lang ito sana ay magising na ako, sambit niya, pumikit na siya at ng malapit na ng lumagabog siya sa sahig ng kanyang kwarto, kanina pa pala siya nananaginip.
Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas-dos na ng tanghali, dali-dali siyang naligo at bumaba na para mananghalian, inaasahan na niyang wala roon ang Mama niya dahil pumasok na ito sa trabaho.
Habang kumakain ay nagulat pa siya ng may iabot sa kanya ang katulong na letter mula sa Mama niya.
Helena,
Pupunta ako sa Isla Simonne, about the wedding yun ang napili naming venue ng parents ni Gabriel at sa kabilang isla na nabili naming ay doon kayo pansamantalang titira habang bago pa lang kayong kasal, tulog ka pa kaya hindi kita ginising, hindi ako muna pumasok para rito.
I'll come back for dinner, have a good day my daughter.
Love,
MamaNapangiti siya sa note na iyon, pero maya-maya ay napalis iyon ng maalala niya si Gael.
Alam na kaya ni Gael ang tungkol dito? Ano kayang naging reaksyon niya? puno ng kabang tanong niya sa sarili.
PAGKATAPOS kumain ay pumunta si Hebe sa bahay nila Gael, nang makarating ay sinabi ng mga katulong na nasa kwarto si Gael na nagmumukmok at nagkukulong, inisip niyang marahil ay dahil sa nangyari rito kahapon, inakyat niya ito sa kwarto at ng madatnan niya ito ay nakita niya ang magulo nitong kama, gising na ito at nakayuko, agad niyang nilapitan ito."Gael is everything Okay?" tanong niya rito at hinawakan ito sa balikat at hinimas-himas iyon."No, everything's wrong, everything's a mess," sagot nitong nakayuko pa rin, maya-maya'y gumalaw ito at tumingin sa kanya tumitig ito ng matiim sa kanyang mga mata, puno ng pagdududa at pagtatanong sa kanya, bigla ay ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib."Alam mo na ba ang tungkol sa napagkasunduan ng mga pamilya natin?""Anong kasunduan?""Na ipapakasal nila tayo? Kanina nag-usap kami n
NANG lumabas siya ay hinanap niya si Gael ngunit hindi niya nakita ito sa paligid kaya't ilang minuto na siyang naglalakad ng makita niya ito sa park ng village nila, nakaupo ito sa isang bench maya-maya'y nilapitan niya ito."Gael," tawag niya rito, alam niyang galit ito."What do you need?" tanong nito na halata ang galit sa boses, tumayo ito at tumapat sa kanya, napayuko siya."Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo sinabing nagpropose ako sayo ng kasal?""Gael, ito lang ang naiisip kong paraan para maging okay ang lahat.""Okay? Tingnan mo nga ako ngayon Hebe, sa tingin mo okay ba ako?" tiningnan niya ito at nakita niya ang luha nito sa mga mata."Gael, ayokong masaktan ka, ito lang ang paraan na wala ng mang-aapi sa'yo.""Hebe, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, pe
ANG saya ng araw ni Hebe dahil pinansin na siya ni Gael at hindi lang iyon, hindi na niya ramdam ang galit nito sa kanya, nakakita siya ng pag-asa na baka nga may panahon pa silang magka-ayos at magtiwala ulit ito sa kanya, posible ring matutunan na siya nitong mahalin, noong mga unang araw ng kasal nila ay hindi niya alam kung may panahon pa nga talagang mangyari ang mga bagay-bagay na iyon pero ngayon ay parang nakakita siya ng liwanag at nahalata iyon ng matandang katulong. "Uy si Ma'am sobrang saya," pagpuna nito sa kanya, wala siyang ibang sinagot kung hindi ngiti.Maya-maya'y may pumasok sa isip niya kaya't bigla niya iyong naisatinig. "Yaya, pag may bakla kang kaibigan, sa tingin mo may posibilidad na ma-inlove yun sa'yo?" tanong niya rito."Ba't nyo po natanong Ma'am?""Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko," ayaw niyang sabihin sa katulong ang totoo na si Gael ay isang bakla dahi
NAGUGULUHAN si Hebe, hindi niya alam kung anong dapat gawin, nagulat siya sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang tugon ni Gael sa mga pang-aasar niya, ang gusto lang naman niya ay malaman kung may tsansa nga itong magpakalalaki, pero it turns out na sa ginawa nito ay binigyan na siya ng sagot na oo. Nakakapit lang ang kanyang mga braso sa batok nito, nakadampi lang ang labi nila sa isa't isa walang gumagalaw, parang nagpapakiramdaman lang sila. Maya-maya'y naramdaman niyang kumilos si Gael, tinanggal ang kanyang mga braso, ayaw pa sana niya itong pakawalan, she wants more pero ito na mismo ang umiwas, tumalikod ito sa kanya. "Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon," yun lang at lumakad na ito paalis. Samantalang siya ay nanatili doon na nakatunganga at wala sa sarili na nangingiti, hinalikan si
HABANG naglalakad si Hebe papunta sa isang bar ay nakita niya si Gael sa may dalampasigan at nakaupo lang.Tiningnan niya itong mabuti, para bang ang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa malayo, tumago siya.Sa isang puno na malapit doon at mas tinitigan pa ito ng matagal, ngayon niya napagtanto na ang lapit lang ni Gael sa kanya pero parang ang hirap nitong abutin, parang ang layo nito sa kanya, nakita niyang may lumapit na isang lalaki dito matipuno at gwapo, nakita niyang ngumiti si Gael dito at ang sumunod ay hindi niya na alam kung anong mararamdaman.Yumakap ang lalaki kay Gael, hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawang iyon, pero para sa kanya hindi naman.Normal para sa dalawang lalaki ang magyakapan doon kung saan maraming tao, naramdaman niya ang selos sa dibdib.Ang sakit, at ang pagdududa, nais niyang malama
NAGISING si Hebe dahil sa pakiramdam na may nakayakap ng mahigpit sa kanya at humahalik halik sa kanyang balikat napatingin siya sa orasan na nasa tabi ng kama.Alas-tres pa lang ng madaling araw at sumasakit ang ulo niya dahil siguro sa hang-over napasinghap siya ng maramdaman sa leeg niya ang mga labi ng lalaking katabi niya at biglang nagbalik sa kanyang ala-ala ang lahat ng nangyari kagabi.Simula ng maglasing siya at ayain ng mga lalaking hindi niya kilala na sumama siya, naalala niya rin na dumating si Gael at nakipagsapakan sa mga ito matapos iyon ay nahilo siya, at kagabi ang namagitan sa kanila ni Gael medyo hilo pa siya noon at dala ng kalasingan ay nailabas niya ang sama ng loob.Kaya ngayon sigurado siyang si Gael ang humahalik sa kanya ngayon, imbes na lingunin ito ay isinubsob niya ang mukha sa unan dahil nahihiya siya dito, sa mga sinabi niya rito kahapon ay parang inamin niya
HINDInaging madali ang buhay ni Hebe, pakiramdam niya ay nag-aaral muli siya dahil ibang-iba sa Venice, hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya o si Gael, nasanay siyang tuwing may kailangan siya ay nagsasabi lang siya, iba na yun sa ngayon dahil wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.Noong umalis siya ng Pilipinas ay may naipon siya at alam niyang hindi sapat iyon para mabuhay mag-isa kaya kinailangan niyang maghanap ng trabaho, maswerte naman at natanggap siya sa isang pastry shop, sa araw-araw na pamumuhay niya sa Venice ay marami siyang natutunan, hindi lamang sa salita o kultura kung hindi pati na rin sa trabaho at panlasa ng mga Italyanong nakakasalamuha niya, ibang-iba sa kung ano ang nakasanayan niya sa sariling bansa. Paminsan-minsan ay ginugusto niyang umuwi pag naaalala niya ang mga magulang pero pinapaalala niya sa sarili na kinailangan niyang gawin ito, bago pa man sila ikasal ni Gael ay gi
ANG boses na iyon, ang tagal niya ring inasam na marinig muli iyon, ang akala niya’y nananaginip lang siya ngunit nang marinig niya na ang mga salitang galing mismo sa bibig nito ay saka niya napagalamang hindi ito isang panaginip lang, tumikhim ito na agad nagpabalik sa kanyang huwisyo.“Hebe sabi ko kamusta ka na?” ipinikit-pikit niya ang mga mata na animo’y napuwing at agad na iniiwas ang mga mata rito upang dahil baka anumang sandali ay mahalikan niya ito.“Okay lang naman, teka anong ginagawa mo dito sa suite ko, paano kang nakapasok?”“Nang malaman ni Ivan kaninang umaga na ikaw pala ang darating dito agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin, sabi ko sa kanya na ipagamit sa iyo itong suite na ito and I have the key to this room kaya nakapasok ako.”“Ano? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa&rsquo
5 years ago... NAKATINGINlang si Hebe sa mga monitor na nasa kanyang harapan, hinihintay ang oraspara i-anunsyo na kailangan na niyang sumakay sa eroplano dahil aalis na ito, aaminin niyang kahit kaunti ay nag-aasam siyang baka dumating si Gael at pigilan siya pero alam niyang hindi ito kagaya ng mga nababasa niya sa mga paperback novels na kung saan maghahabol ang male protagonist sa babaeng minamahal nito. Napayuko siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang pisngi, kailangan niyang tatagan ang loob, alam niyang sa oras na gawin niya ito ay wala ng atrasan, pwede pa siyang bumalik pero ano na lang ang mukhang maihaharap niya kay Gael? Do this Hebe, it's for the better,pilit niyang pangungmbinsi sa sarili. "Miss nalaglag mo yata," napalingon siya sa babaeng nasa likuran niya, nakangiti ito sa kanya habang hawak hawak ang
"ANAK?"narinig ni Hebe iyon ng makapasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay, naluluha siya sa sobrang saya dahil matapos ang dalawang taon ay nakita niya na ulit ang kanyang ina, agad na sinugod siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Anak ikaw nga, saan ka ba nagpunta alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala ng daddy mo.""Mommy na-miss ko kayo, ikaw at si Daddy, sorry kung umalis ako ng walang paalam pero ang mahalaga ngayon nandito na ako" naramdaman niya ng igiya siya ng Mama niya papunta sa kusina at agad na nagpahanda ito sa mga katulong, agad na umuwi ang daddy niya ng malamang nakauwi na siya sa kanila, nang makarating ito sa bahay nila ay agad siyang niyakap, marami silang pinag-usapan habang sabay-sabay na kumakain at marami din siyang na kuwento sa mga ito, nang itanong ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Gael ay ipinaliwanag niya na ayos na silang dalawa, matapos ang pagdalaw niya sa kanyang mga magulang ay agad siyang sinundo ni Ga
"HEBEmahal mo pa ba ako?" bulong ni Gael sa kanyang tenga.Bumangon siya at pinaghahampas ito ng unan, "Baliw ka ba, may mangyayari ba sa atin kung hindi, bwisit ka talagang bakla ka eh, nakakainis ka ang bagal mo magisip eh ang torpe mo na nga at lahat slow ka rin.""Aray ano ba?" iniharang nito ang kamay saka siya hinawakan sa magkabilang balikat, "Gusto ko lang naman marinig galing sayo na sabihin mo na walang nagbago, na mahal mo pa rin ako."Inis sa tumalikod siya dito at nagbihis ng damit, pagkatapos ay agad siyang tumayo."Teka Hebe, sandali lang kinakausap pa kita!" agad na nagbihis ito at humabol sa kanya."ANONGginagawa natin dito?" tanong ni Hebe nang makarating na sa Isla Bernadine, noong una ang akala niya ay sa dating bahay nila sila pupunta ngunit dumiretso si Gael papasok sa gubat sa loob ng Isla 
NAPAHINTOsi Hebe sa paglalakad papunta sa cake shop nila ng makita niyang nagkukumpol-kumpulan ang mga tao sa lobby ng hotel. Ano kayang meron?sabi niya sa kanyang isip at lumapit na siya sa lugar na iyon upang usisain ang pinagkakaguluhan ng mga naroroon, nagtaka siya kung bakit habang palapit siya ay ngumingiti ang ibang tao doon sa kanya, ang iba ay napapatingin sa kanya na para bang kinikilig pa.Nang makalapit na siya ay nagulat siya dahil puro mga larawan niya at ni Gael ang nakalagay sa isang tali at nakasabit sa mga maliliit na puno na naroroon, may mga nakasulat sa likod ng mga larawang iyon.Ang isa pa sa kinagulat niya ay ang ibang larawan doon ay ang mismong larawan na tinapon niya sa dagat nung isang gabi.Biglang may tumunog na isang pamilyar na musika, yun din ang mismong kanta na tinugtog noong debut niya at i
INIHINTOni Gael ang yate sa tapat ng bintana ni Hebe hindi nito alam na ginawa niya iyon, kinuha niya ang telescope at pilit na sinisilip kung anong ginagawa nito.Bigla itong may binato at pumasok na sa kwarto nito, pinatay nito ang ilaw doon, tiningnan niya ang mga binato nito at tinutukan ng flashlight ang ibang bumagsak sa yate niya, kinuha niya at nakita niyang mga litrato nila iyon na magkasama.May isang notebook din ang sumabit sa tabi ng yate, bago pa yun dumulas at malaglag sa dagat ay tinakbo niya na, tinutukan niya ng flashlight ang ibang lumulutang lutang na papel na nasa dagat.Litrato nila iyon, agad siyang tumalon sa dagat at nilangoy ang mga iyon, bawat isang nakukuha niya ay nilalagay niya sa yate, nang sigurado siyang kumpleto na ang mga iyon ay bumalik na siya sa yate, umupo sa tabi at tumingala sa kwarto nito. Gusto mo na ba talaga ako
NAPATINGINsiya rito na kumakain pa rin habang katabi nia, nasanay na siyang lagi itong nandyan sa paligid niya, humihinga sa parehong hangin na kanyang nalalanghap, lumalakad sa iisang lugar ng magkasabay ang kanilang mga paa, kinakanta ang mga kantang pareho nilang paborito sa sasakyan habang nakikinig ng radyo, sa loob ng maraming taon walang ibang nagmay-ari ng puso niya kundi ito.Akala niya nung lumayo siya ay hindi niya makakaya ng wala ito, na hindi ito ang kasama niya, na habang nakikisalamuha siya sa ibang tao ay lagging nasa tabi niya ito nakagabay at alalay, tumayo siya at naglabas ng pera,nilagay niya iyon sa table nila at napatingala ito sa kanya.“Hebe, saan ka pupunta?”“Aalis na, hindi ba halata? Salamat sa mga pagkain?” kinuha nito ang pera niya at ibinalik sa kanya.“Okay lang, naki-share lang na
LUMABASsi Hebe ng kanyang suite at pumunta sa isang restaurant sa loob ng Hotel na iyon, nang makaupo na ay agad siyang pinuntahan ng waiter ngunit hindi para kunin ang order niya dahil may dala na itong mga pagkain, nagulat siya kaya ng akmang aalis na ito matapos ilagay sa lamesa niya ang mga pagkain ay tinawag niya ito.“Waiter, hindi pa ako nag-oorder baka mali ka ng pinaglagyang table.”“Hindi po Ma’am para po talaga sa inyo yan, may nag-order na po niyan para sa inyo tapos ilagay ko daw po sa table niyo” matapos sabihin ng waiter iyon ay umalis na ito, tiningnan niya ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan.Lahat iyon ay paborito niya, magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakasosyal at hindi rin nakaligtas sa harapan niya ang isang pitsel ng guyabano juice na paborito nila ni Gael, dun pa lang ay alam na niya kung sino ang nagpa-order niyon, nagulat pa siya ng may big
ANG boses na iyon, ang tagal niya ring inasam na marinig muli iyon, ang akala niya’y nananaginip lang siya ngunit nang marinig niya na ang mga salitang galing mismo sa bibig nito ay saka niya napagalamang hindi ito isang panaginip lang, tumikhim ito na agad nagpabalik sa kanyang huwisyo.“Hebe sabi ko kamusta ka na?” ipinikit-pikit niya ang mga mata na animo’y napuwing at agad na iniiwas ang mga mata rito upang dahil baka anumang sandali ay mahalikan niya ito.“Okay lang naman, teka anong ginagawa mo dito sa suite ko, paano kang nakapasok?”“Nang malaman ni Ivan kaninang umaga na ikaw pala ang darating dito agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin, sabi ko sa kanya na ipagamit sa iyo itong suite na ito and I have the key to this room kaya nakapasok ako.”“Ano? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa&rsquo
HINDInaging madali ang buhay ni Hebe, pakiramdam niya ay nag-aaral muli siya dahil ibang-iba sa Venice, hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya o si Gael, nasanay siyang tuwing may kailangan siya ay nagsasabi lang siya, iba na yun sa ngayon dahil wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.Noong umalis siya ng Pilipinas ay may naipon siya at alam niyang hindi sapat iyon para mabuhay mag-isa kaya kinailangan niyang maghanap ng trabaho, maswerte naman at natanggap siya sa isang pastry shop, sa araw-araw na pamumuhay niya sa Venice ay marami siyang natutunan, hindi lamang sa salita o kultura kung hindi pati na rin sa trabaho at panlasa ng mga Italyanong nakakasalamuha niya, ibang-iba sa kung ano ang nakasanayan niya sa sariling bansa. Paminsan-minsan ay ginugusto niyang umuwi pag naaalala niya ang mga magulang pero pinapaalala niya sa sarili na kinailangan niyang gawin ito, bago pa man sila ikasal ni Gael ay gi