Everett’s POVPag-alis ko sa opisina ni Tito Gerald, parang gumuho ang mundo ko. Loyalty sa pamilya? O sa kumpanya? Kung totoo ang mga sinabi niya, paano ko ‘to haharapin? Alam kong mahalaga ang pamilya, pero hindi puwedeng sirain namin ang kumpanya para lang pagtakpan ang mga kasalanan ng isa.Lumabas ako ng building at nag-drive papunta sa condo. Kailangan kong mapag-isa at makapag-isip nang maayos. Pagkarating ko, agad kong tinanggal ang tie at naupo sa sofa. Dala ko pa rin ang tablet na ibinigay ng assistant ko kanina. Binuksan ko ulit ang mga files. This is not just a small problem. This could destroy everything.Naalala ko ang mga panahon kung kailan nag-uusap kami ni Papa tungkol sa kumpanya. Kung gaano siya ka-proud na ako na ang susunod na hahawak ng kumpanya namin. Gusto kong itanong sa kaniya, may mga bagay bang hindi ko alam? Na si Tito Gerald ang nagtatago ng lahat ng ito? Napaka-imposible.Ilang araw na akong walang tulog. Kailangan kong gumawa ng desisyon. Tinawagan ko
Misha’s POVPagkarating ko sa bahay ni Everett mula sa pinuntahan kong meeting mall, ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Pero nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, tila naglaho lahat ng nararamdaman kong pagod. Tumayo siya at mabilis akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya, ang pag-aalala.“Kamusta ang pag-iikot mo sa mall?” tanong niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang natanggap kong balita kanina.“Okay naman,” sagot ko habang pilit na ngumiti kahit may bumabagabag sa akin. Naramdaman niya yata ang pag-aalinlangan ko kaya bigla niya akong hinawakan sa balikat at tinitigan nang mataman.“May problema ba, Misha?” tanong niya habang puno ng pag-aalala ang mukha niya. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Alam kong kailangan kong sabihin ang totoo.“May nalaman ako kanina,” panimula ko habang iniwasan ang titig niya. “Sinuspinde mo ang tito mo sa pagiging CEO sa kompanya.” Bumigat ang dibdib ko
Misha’s POVPagdating namin sa Tagaytay, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Pinili ni Everett ang isang restaurant na may magandang tanawin ng Taal Lake. Tahimik, payapa at tila naglalaho ang lahat ng alalahanin sa bawat hagod ng hangin sa mga balat namin.“Nagustuhan mo ba dito?” tanong niya habang tinutulungan akong umupo sa mesa. Ang sweet talaga niya, hindi niya hinahayaan na ako ang gumalaw ng sarili ko lang.“Oo, sobrang ganda,” sagot ko habang tinitigan ko siya nang matagal. “Pero, ikaw talaga, gumastos ka naman. Yung huling gastos mo sa swimming pool resort ko, grabe na. Hindi ba’t sabi ko na tipid muna?”“Ginagawa ko ‘to dahil gusto kitang maging mapasaya, Misha. Hindi pera ang mahalaga sa akin, ikaw. Saka, hello, Everett Tani, magtitipid. Bilyonaryo ‘tong mapapangasawa mo, Misha. Hindi tayo dapat magtipid.” Tumayo siya at lumapit sa akin habang hinaplos ang buhok ko. “Kailangan mo ng pahinga at hindi lang iyon mula sa trabaho mo sa swimming pool resort mo k
Misha’s POV“Hindi totoo ‘to… Ayaw kong maniwala…” Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng laptop. Nasa harap ko ang viral post tungkol swimming pool resort ko. Iba’t ibang litrato ng swimming pool at mga kuwarto, lahat ay puno ng mga mapanirang komento. Malibag daw ang tubig ng mga pool, madumi raw ang mga kuwarto. Pero sa mga araw na nakaraan lang, sinigurado kong malinis ang lahat. Paano ito nangyari?Ramdam ko ang mabigat na galit at takot na bumibigat sa dibdib ko, pero pilit ko itong pinapakalma. Hindi ako puwedeng magpa-apekto nang ganito. Buntis ako at alam kong nararamdaman din ng anak namin ni Everett ang bawat pintig ng emosyon ko. Pero ang hirap. Parang gusto ko na lang umiyak at mawala sa mundong ito kahit sandali lang. Napatakip ako sa bibig ko, pinipigilan ang pagsabog ng mga hikbi ko.Napansin agad ni Everett ang pagbabago ng mukha ko. Nakaupo siya sa tabi ko, inaalalayan ang likod ko habang hinihintay ang kahit na anong salita mula sa akin.“Misha, anong
Misha’s POV“Si Rei.”Halos manlambot ako sa gulat. Si Rei, ang pinsan na naman ni Everett. Ang taong nagtatago sa likod ng masayahing mukha, pero malalim ang galit sa amin, lalo na kay Everett.“Pero bakit? Bakit niya gagawin ‘to sa atin? Bakit palagi siyang nanggugulo?”“Jealousy, inggit at galit.” Napatigil si Everett habang pinagmamasdan ako. “Mish, alam mo namang matagal nang may problema si Rei. Siya ang nagpakalat ng mga larawan, pero hindi siya nag-iisa. May mga tauhan siyang binayaran para sadyang dumihan ang mga pool at mga kuwarto bago nila kunan ng litrato.”Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko. Parang may mabigat na batong nawala sa dibdib ko, pero may kapalit na sakit. “Ang resort ko, ang pangarap ko…”“Lilinisin natin lahat ‘to. Hindi tayo papatalo sa ganitong klaseng tao.”Umiling ako at pinahid ang mga luha. Sigurado akong lagot na naman si Rei sa pinsan niya. Iba pa naman gumanti si Everett kapag alam niyang mga pinsan niya ang nangugulo.“Gagawa tayo ng hakbang para
Misha’s POVPuno ng mga sasakyan ang paligid ng mall nang kami ay dumating ni Ate Ada. Inihinto ng driver namin ang sasakyan sa tapat ng grocery entrance. Mas mabilis kasi agad kaming nakapasok sa mall ni Ate Ada. Medyo mabigat ang pakiramdam ko—hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Everett sa gagawin kong cake para sa kanya. First time ko siyang igagawa ng ganoon kaya’t pinilit kong huwag magpakita ng kaba kay Ate Ada.“Ano bang plano mo sa Sabado, hija?” tanong ni Ate Ada habang isinusuksok ang bag sa braso ko. Kilala ko na ang tono niyang iyon, pinipilit niya lang akong pakalmahin.“Magbe-bake kami ni Everett. Hindi ba sabi ko sa’yo, ita-try namin ‘yung strawberry cake na gusto niyang matikman?” Siyempre, gusto kong magpakitang gilas sa ibang bagay kay Everett. Para naman makita niyang marami rin akong kayang gawin sa buhay ko.“Ah, kaya pala dinala mo ako rito. Sige, tara na at nang makapamili na tayo.”Sumunod ako kay Ate Ada habang pumasok kami sa loob ng grocery
Misha’s POV“Ano, bakit ka gumagawa ng eskandalo? Gusto mo bang makulong? Hindi mo kilala kung sino ang babaeng binabangga mo?” pananakot pa ni Teff sa babaeng ‘yon.“Ah, eh, k-kasi?” Humina ang boses niya. “Pasensya na... sige na, sa kaniya na ‘yan.” Bahagya siyang umatras, parang natauhan sa paninigaw ni Teff sa kaniya.“Kilala kita, staff kita sa isang business ko, bago pa ako tuluyang magalit, umalis ka na.” Hindi nagpatumpik-tumpik si Teff sa pagtaboy sa kaniya.Habang papaalis ang babae, isa-isa na ring umalis ang mga taong nanunuod sa amin. Hindi ako makapaniwala na mismong si Teff ang magtanggol sa akin. Para kasing hindi ito normal para sa kanya, lalo na’t ang pagkakakilala ko sa kanya ay palaging puno ng ere at may sariling mundo.“Salamat, Teff,” mahina kong sabi nang tuluyan nang makaalis ang babae.Ngumiti siya sa akin—ngiti na may halong sarkasmo at tila may pinaplano. “Huwag mo nang isipin iyon. Wala akong balak na pabayaan ang pinsan ko, lalo na sa mga ganitong bagay.”
Misha’s POVSabado na. Excited akong gumising dahil sa wakas, ito na ang araw na gagawa kami ng cake ni Everett. Matagal ko nang gustong subukan ang strawberry cake at noong huli kaming mag-usap, napag-usapan namin na subukan na lang namin itong gawin mismo. Nasa kusina na ako, naka-apron na may maliit na print ng mga bulaklak, habang inaayos ko ang mga gamit para sa aming pagluluto.Maya maya pa ay dumating na siya, sumilip si Everett sa kusina. Nakangiti siya, suot ang paborito niyang polo shirt, mukhang handang-handa na sa aming baking-baking-an.“Good morning, Misha! Ready ka na ba sa ating cake experiment?” tanong niya nang lapitan ako. Napakabango nitong lalaking mapapangasawa ko. Napakaguwapo pa, wet look pa siya kaya mas hot siyang tignan ngayon.“Oo naman!” sagot ko habang nag-aayos na ng mga sangkap sa lamesa. “Alam mo, ‘yung strawberries na binili ko sa mall, mukhang perfect na para dito.”Tumingin si Everett sa akin na may halong pagtataka. “Bakit kaya strawberries ang gust
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga
Mishon POVSa sandaling makapasok kami sa loob ng villa, mas matinding panganib ang sumalubong sa amin doon. Hindi lang lima o sampu ang mga kalaban, higit pa sa bente ata. Lahat sila ay armado, may dalang matataas na kalibre ng baril. Wala kaming ibang magagawa kundi maghiwa-hiwalay para mapababa ang tiyansa ng agarang pagkalagas. Agad kaming tumakbo sa magkakaibang direksyon, gamit ang anino at paligid bilang pananggalang.Si Edric ang unang sumabak sa matinding bakbakan. Pumasok siya sa isang silid na tila opisina, pero doon nag-aabang ang tatlong kalaban. Wala siyang dalang armas kundi ang kutsilyong nakuha niya sa isa sa mga napatay naming bantay kanina.Nanuod lang muna ako, para sakaling kailangan niya ng back up ay saka ako tatakbo palapit sa kaniya.“Come at me,” malamig niyang sabi na hindi man lang nababahala.Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga kalaban. Isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan si Edric, pero nagpagulong siya sa sahig, mabilis na iniwasan ang bala. Sa
Ada POVNakatayo ako sa terrace ng mansiyon ng bahay namin dito sa Pilipinas, nakatingin sa madilim na langit na punung-puno ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nag-aalab kong kaba sa dibdib ko.Ilang oras na ang lumipas, pero wala pa ring balita tungkol kina Mishon, Edric at Marco. Alam kong delikado ang misyon nila ngayong gabi, pero wala akong magawa kundi maghintay at magdasal.Pero sana kasi nagsama sila ng mga pulis para mapanatag ako, kaya lang ang alam ko, lumakad sila ng sarili nila.Simula kaninang hapon ay nandito na ako sa kuwarto namin ni Mishon, hindi na ako bumaba kasi nahihilo ako sa tuwing naiisip kong nasa panganib sina Mishon at Miro. Ina-anxiety ako, para akong masusuka palagi. Natatakot din ako na baka kung anong mangyari sa baby namin ni Mishon kaya nanatili na lang ako dito sa kuwarto ko. Uminom na rin ako ng gamot para mawala ang nararamdaman kong ito. Gamot ito na puwede sa akin na binigay ng Ob-gyn ko.Narinig
Mishon POVDala ang lumang sasakyan na inarkila namin ulit, tinahak namin ang hindi pamilyar na daan patungo sa lugar na sinabi ng pulis. Ilang oras na kaming nagmamaneho, sinusuyod ang bawat kalsadang dinaanan ng puting van na nakita sa CCTV footage.Halos inabot na nga kami ng dilim sa daan. Pinangako naming hindi kami uuwi ng hindi kasama ang dalawa kaya pinanindigan namin ito.Sa loob ng sasakyan, tahimik kaming tatlo, ako, si Edric at si Marco. Alam kong pare-pareho kaming kinakabahan, pero hindi namin pinapahalata sa isa’t isa. Mas lalo akong nag-aalala kay Miro. Bata pa siya. Hindi niya deserve ‘to.“You think they’re okay?” tanong ni Marco na nakatingin sa akin mula sa passenger seat.I swallowed hard. “They have to be.”Pagkatapos ng tanong na iyon ay tahimik ulit kami. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng sasakyan at ang madalang na paghinga namin.Nang makarating kami sa isang makipot na kalsada, napansin namin na paliko-liko na ito at papasok sa isang masuk
Mishon POVSa gitna ng lahat ng kaguluhan, napansin kong tila lalong na-stress ang fiance kong si Ada. Hindi ko siya masisisi, buntis siya at sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Miro. Alam kong mahal na rin niya ang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na kadugo o anak. Ako man, kahit hindi ko nagawang panindigan noon si Raya at ang anak namin, hindi ko rin kayang balewalain si Miro ngayon. Mahal ko siya. Gusto kong protektahan siya. At kahit na lang alam kong gumawa ng mali si Raya, guso ko rin naman na maligtas siya.Pero, hindi ko maalis sa isip ko ang paninisi ni Raya. Na kung hindi sana ako nangialam ay hindi sana magkakagulo. Kung hindi ko ginawa iyon, maayos pa sana kaya ang lahat?Nakahawak si Ada sa tiyan niya habang nakaupo sa sofa. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong malalim ang iniisip niya. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Ada, please. You need to take it easy. You’re carrying our child. I promise, we’ll find Miro.”Nag-anga
Mishon POVPinakiramdaman ko ang paligid habang papalapit kami sa bahay ni Raya. Tahimik ang kalye, tila walang anumang nangyari, ngunit sa sandaling kumatok kami sa pinto, isang kapitbahay ang lumapit sa amin."Hinahanap niyo si Raya?" tanong ng isang matandang babae na mukhang tsismosa sa lugar na iyon."Opo, alam niyo po ba kung nasaan siya?" sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Umaasa kasi akong makukuha ko si Miro ngayong araw. Para mapanatag na ang loob ko."Kahapon pa sila umalis. Ang dami nilang bitbit na gamit, parang hindi na babalik." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ang narinig ko. Doon palang, alam kong mahihirapan akong makuha lalo si Miro."May kasama ba sila? May mga lalaking bumisita ba sa kanila?" singit ni Marco."Meron, pero hindi niya ata mga kaibigan. May mga armadong lalaki na pumasok sa bahay nila. Galit na galit, pinagsisira ang gamit sa loob. Pagkatapos noon, hindi na namin nakita si Raya at ang an
Ada POVNapakunot ang noo ko nang makita kong dumating si Raya sa mansiyon na tila stress na stress. Nakasakay siya sa taxi na pinapasok pa niya hanggang dito sa garden ng mansiyon namin.Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at mabilis niyang kinuha si Miro, ni hindi man lang ako kinausap o nginitian.“Raya, anong nangyayari?” tanong ko habang lumalapit sa kanila. Pero hindi man lang siya sumagot. Dali-dali niyang pinaupo si Miro sa loob ng sasakyan at agad na sumakay. Bago pa ako makalapit nang husto, pinaandar na nung driver ang kotse at saka umalis.“Hey, Raya! Anong nangyayari?!” pati si Ate Everisha ay napasigaw na rin pero walang nangyari, tuloy lang sa pag-alis si Raya kasama si Miro.Napatingin ako kay Ate Everisha, na halatang naguguluhan din sa nangyari. “Ano kayang problema nun? Bakit parang nagmamadali?”Umiling ako. “Wala akong idea. Baka may emergency.”Hindi na namin pinag-isipan nang husto ang nangyari at imbes ay inaya na lang ako ni Ate Everisha na mag-swimming kasama
Mishon POVKahit ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko mula sa ilang oras ng pagbabantay, hindi na ako nagdalawang-isip na gumawa ng eksena para hindi matuloy ang binabalak ng lalaking iyon kay Raya.Kailangan na naming kumilos. Tumango sa akin si Marco, tanda ng pagsang-ayon niya sa akin. Hindi na namin hahayaan pang may mangyari kay Raya sa loob ng kuwartong iyon.Hindi magandang isipin na magpapakasasa ang dalawang pangit ng lalaking iyon sa katawan ni Raya. Kawawa lang si Raya sa kanila."Tara na," bulong ko sabay hawak sa door handle.Nang buksan ko ang pinto, agad kaming sumugod ni Marco. Mabilis na sinigurado ni Marco na ma-lock ang pinto sa loob, kaya wala nang makakatakas. Agad naming narinig ang nagulat na mga boses mula sa loob."Who the hell are you?!" sabay na sigaw ng dalawang lalaking kasama ni Raya.Nakatayo sila malapit sa kama, halatang hindi inaasahan ang biglang pagpasok namin. Si Raya naman, nanlaki ang mata sa pagkabigla. Bigla niyang binalik ang suot niyang bra n