Misha’s POV“Hindi totoo ‘to… Ayaw kong maniwala…” Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng laptop. Nasa harap ko ang viral post tungkol swimming pool resort ko. Iba’t ibang litrato ng swimming pool at mga kuwarto, lahat ay puno ng mga mapanirang komento. Malibag daw ang tubig ng mga pool, madumi raw ang mga kuwarto. Pero sa mga araw na nakaraan lang, sinigurado kong malinis ang lahat. Paano ito nangyari?Ramdam ko ang mabigat na galit at takot na bumibigat sa dibdib ko, pero pilit ko itong pinapakalma. Hindi ako puwedeng magpa-apekto nang ganito. Buntis ako at alam kong nararamdaman din ng anak namin ni Everett ang bawat pintig ng emosyon ko. Pero ang hirap. Parang gusto ko na lang umiyak at mawala sa mundong ito kahit sandali lang. Napatakip ako sa bibig ko, pinipigilan ang pagsabog ng mga hikbi ko.Napansin agad ni Everett ang pagbabago ng mukha ko. Nakaupo siya sa tabi ko, inaalalayan ang likod ko habang hinihintay ang kahit na anong salita mula sa akin.“Misha, anong
Misha’s POV“Si Rei.”Halos manlambot ako sa gulat. Si Rei, ang pinsan na naman ni Everett. Ang taong nagtatago sa likod ng masayahing mukha, pero malalim ang galit sa amin, lalo na kay Everett.“Pero bakit? Bakit niya gagawin ‘to sa atin? Bakit palagi siyang nanggugulo?”“Jealousy, inggit at galit.” Napatigil si Everett habang pinagmamasdan ako. “Mish, alam mo namang matagal nang may problema si Rei. Siya ang nagpakalat ng mga larawan, pero hindi siya nag-iisa. May mga tauhan siyang binayaran para sadyang dumihan ang mga pool at mga kuwarto bago nila kunan ng litrato.”Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko. Parang may mabigat na batong nawala sa dibdib ko, pero may kapalit na sakit. “Ang resort ko, ang pangarap ko…”“Lilinisin natin lahat ‘to. Hindi tayo papatalo sa ganitong klaseng tao.”Umiling ako at pinahid ang mga luha. Sigurado akong lagot na naman si Rei sa pinsan niya. Iba pa naman gumanti si Everett kapag alam niyang mga pinsan niya ang nangugulo.“Gagawa tayo ng hakbang para
Misha’s POVPuno ng mga sasakyan ang paligid ng mall nang kami ay dumating ni Ate Ada. Inihinto ng driver namin ang sasakyan sa tapat ng grocery entrance. Mas mabilis kasi agad kaming nakapasok sa mall ni Ate Ada. Medyo mabigat ang pakiramdam ko—hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Everett sa gagawin kong cake para sa kanya. First time ko siyang igagawa ng ganoon kaya’t pinilit kong huwag magpakita ng kaba kay Ate Ada.“Ano bang plano mo sa Sabado, hija?” tanong ni Ate Ada habang isinusuksok ang bag sa braso ko. Kilala ko na ang tono niyang iyon, pinipilit niya lang akong pakalmahin.“Magbe-bake kami ni Everett. Hindi ba sabi ko sa’yo, ita-try namin ‘yung strawberry cake na gusto niyang matikman?” Siyempre, gusto kong magpakitang gilas sa ibang bagay kay Everett. Para naman makita niyang marami rin akong kayang gawin sa buhay ko.“Ah, kaya pala dinala mo ako rito. Sige, tara na at nang makapamili na tayo.”Sumunod ako kay Ate Ada habang pumasok kami sa loob ng grocery
Misha’s POV“Ano, bakit ka gumagawa ng eskandalo? Gusto mo bang makulong? Hindi mo kilala kung sino ang babaeng binabangga mo?” pananakot pa ni Teff sa babaeng ‘yon.“Ah, eh, k-kasi?” Humina ang boses niya. “Pasensya na... sige na, sa kaniya na ‘yan.” Bahagya siyang umatras, parang natauhan sa paninigaw ni Teff sa kaniya.“Kilala kita, staff kita sa isang business ko, bago pa ako tuluyang magalit, umalis ka na.” Hindi nagpatumpik-tumpik si Teff sa pagtaboy sa kaniya.Habang papaalis ang babae, isa-isa na ring umalis ang mga taong nanunuod sa amin. Hindi ako makapaniwala na mismong si Teff ang magtanggol sa akin. Para kasing hindi ito normal para sa kanya, lalo na’t ang pagkakakilala ko sa kanya ay palaging puno ng ere at may sariling mundo.“Salamat, Teff,” mahina kong sabi nang tuluyan nang makaalis ang babae.Ngumiti siya sa akin—ngiti na may halong sarkasmo at tila may pinaplano. “Huwag mo nang isipin iyon. Wala akong balak na pabayaan ang pinsan ko, lalo na sa mga ganitong bagay.”
Misha’s POVSabado na. Excited akong gumising dahil sa wakas, ito na ang araw na gagawa kami ng cake ni Everett. Matagal ko nang gustong subukan ang strawberry cake at noong huli kaming mag-usap, napag-usapan namin na subukan na lang namin itong gawin mismo. Nasa kusina na ako, naka-apron na may maliit na print ng mga bulaklak, habang inaayos ko ang mga gamit para sa aming pagluluto.Maya maya pa ay dumating na siya, sumilip si Everett sa kusina. Nakangiti siya, suot ang paborito niyang polo shirt, mukhang handang-handa na sa aming baking-baking-an.“Good morning, Misha! Ready ka na ba sa ating cake experiment?” tanong niya nang lapitan ako. Napakabango nitong lalaking mapapangasawa ko. Napakaguwapo pa, wet look pa siya kaya mas hot siyang tignan ngayon.“Oo naman!” sagot ko habang nag-aayos na ng mga sangkap sa lamesa. “Alam mo, ‘yung strawberries na binili ko sa mall, mukhang perfect na para dito.”Tumingin si Everett sa akin na may halong pagtataka. “Bakit kaya strawberries ang gust
Misha’s POVNakaupo ako sa opisina ko, tanaw mula sa bintana ang malawak na swimming pool ng resort ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang malinis na tubig, kuminang ito sa ilalim ng sikat ng araw. Pakiramdam ko, nagsisipag pa lalo ang mga tagalinis ng resort ko kasi araw-araw, sobrang linis palagi ng kahit anong lugar dito sa resort, ang gagaling ng mga staff na nakuha ko.Mabuti na lang at payag pa rin si Everett na mag-office-office-an ako dito sa resort. Kahit ang totoo ay ayaw na niya, kumuha nalang muna raw ako ng ibang hahawak nito habang pinapalaki ko ang tiyan ko. Kaya lang sinabi ko sa kaniya na ang boring ang sa bahay kapag nandoon ako. Ang ending, nandito rin si Ate Ada, nakabantay sa akin at handa akong pagsilbihan anumang oras. Kumbaga, si Ate Ada ang taga-report kay Everett ng mga nagaganap sa akin. Pero, siyempre, dahil close na kami, kapag may mali pa rin akong nagagawa, pinagtatakpan pa rin niya ako. Ayaw niya rin kasi na nag-aaway kami ni Everett.
Misha’s POVHuminga ako nang malalim, pilit na iniisip kung paano ko masisiguro na walang masamang mangyayari rito. Alam kong may kabutihan din si Teff, meron nga ba? ngunit madalas natatabunan iyon ng mga kalokohan niya. Kasi naman, sa dinami-rami ng mga resort, bakit dito pa? Saka, paano niya nalaman ito? Nakakainis pa rito ay talagang bulgaran na ang pagkakita niya sa malaki kong tiyan. Marahil, ito ang dahilan kung bakit hindi ko rin kayang tuluyang tanggihan si Teff. Mainam na rin sigurong makipagmabutihan ako sa kaniya? Dapat nga ba?“So, you’re saying… no drugs, no chaos, just a normal birthday party?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.“Exactly,” he said, flashing a grin that was both mischievous and hopeful. “I promise. Just give me a chance to prove that I’m not all bad.”Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi ng puso ko na naniwala sa kanya, kahit na may pagdududa pa rin sa isip ko. Alam ko, kailangan kong magdesisyon na ngayon. Kasi mukhang kailangan na n
Misha’s POVNakahiga kami ni Everett sa kama ng bahay namin, parehas na pagod mula sa kani-kaniyang trabaho. Ramdam ko ang bigat ng araw, pero kahit gaano kami ka-busy, lagi kaming may oras para mag-usap tuwing gabi. Ganito na ang routine namin simula nang magdesisyon kaming magsama. Minsan nasa manisyon niya kami pero madalas ay dito sa bahay namin. Pareho kaming may mga responsibilidad na mahirap talikuran, ngunit sa kabila ng lahat, laging may lugar ang isa’t isa sa mga puso namin.Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatitig kami sa kisame. Ramdam ko ang init ng katawan niya at iyon ang nagbibigay ng kaunting ginhawa sa mga naipong pagod sa araw-araw. Ilang sandali kaming tahimik, parehas na nagpapahinga ang isip at katawan pero may isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.“Everett,” pabulong kong sabi habang bahagyang iniangat ang ulo ko upang tingnan siya.“Hmm?” tugon niya habang nakapikit pa rin pero alam kong gising at handa siyang makinig.“Alam na
Mishon POVHindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya.Ubos. Sold out!Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim.Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala.Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa."Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko.Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya."WE DID IT!"Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang ilan sa kanila, g
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala
Ada POVPagkatapos ng isang marangyang kasal sa Paris, hindi pa rin natatapos ang kasiyahan. Ngayong gabi, sa loob ng aming mansiyon, sinamahan namin ni Mishon sina Mama Franceska at Papa Ronan sa pagbubukas ng kanilang mga regalo.At dahil halos lahat ng bisita ay bigatin—mga supermodels, fashion moguls at high-profile celebrities—inaasahan na naming hindi lang basta mamahalin ang mga regalong natanggap nila, kundi sobrang sosyal at nakakasilaw sa halaga.Nakaupo kami sa malawak na sala ng mansiyon, napapaligiran ng mga malalaking kahon na natatakpan ng mamahaling wrapping paper."Let's see what we got," natatawang sabi ni Papa habang kinukuha ang unang kahon.Si Sora naman ay palihim na patingin-tingin. Halatang naiinggit.Binuksan niya ito at sa loob ay isang exquisite diamond-encrusted Fabergé egg mula sa isang Russian billionaire na kilala sa pagko-collect ng rare artifacts."Damn, this could go straight to a museum," biro ni Mishon kaya natawa kaming lahat. Kahit kasi siya ay na
Ada POVHindi ko akalaing darating ang araw na ito.Ang araw kung kailan magiging opisyal na mag-asawa ang aking mga magulang. Sabi ni mama, ikakasal daw dapat sila dati ni papa, magaganap iyon pagkapanganak sa akin, pero dahil pinalabas ni Sora na namatay ako noong baby pa ako para manakaw niya ako, hindi natuloy ang dapat na masayang kasal nila. Pero dahil ang tadha pa rin ang masusunod, talagang sila pa rin sa huli ang magkakatuluyan.Matapos ang mahabang taon na pagiging single ni mama, na puro business at pagpapayaman na lang ang inisip, heto at hindi niya raw inaasahang pagkalipas ng mahabang taon ay ikakasal pa rin siya sa first love niya.Matapos ang lahat ng drama—narito na kami ngayon, sa pinakamagarbong kasal na nasaksihan ko sa buong buhay ko.Dahil ngayong araw, ikakasal na si Mama Franceska kay Papa Ronan.Nung nakaraang linggo nga ay may eksena pa bago ang masayang kasalan na ito. Noong una kasi ay ayaw pumirma ni Sora.Nakita ko kung paano siya humagulgol, halos hindi